Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sobra yung pinagdaanan natin noong 2020, (Magbigay ng ex.

Speaking of Covid19, may nagawa ng gamot panlaban sa COVID19.


Pero malalaman mo ba na tunay or hindi tunay yung gamot na ibibigay sayo? (Paano?)
- kung maliligtas ka nito.

Ganun din pagdating sa ating Relihiyon, may tunay at hindi tunay.

Paano ba natin malalaman kung ito ay tunay na relihiyon?

Basahin natin ang Colosas 1:15-29 (15)

Bilang Kristyano, mamuhay tayo ayon sa katotohanang nakasaad sa Biblia.


Dahil dito, mahalaga na alam natin dapat ang mga tamang katuruan na naaayon sa
Biblia.

Dahil ang mga taga Colosas ay nabitag ng maling katuruan na nagsasabing dapat daw
sambahin ang mga espiritu,
maliban sa tunay na Diyos. Kaya ngayon, itinutuwid sila ni Pablo.

May tatlong mahalagang katuruang binanggit si Pablo na batayan ng tunay na


relihiyon;
wastong katuruan tungkol kay Cristo, tamang katuruan ng kaligtasan at tamang
katuruan ng paglilingkod.

1. Wastong katuruan tungkol kay Cristo.


-Colosas 15-20

Dun sa v15, ang ibig sabihin, sa anyo at kaluwalhatian Nya ay wala pang nakakakita
sa Kanya.
*Ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos. v19
*Siya lamang ang tanging Tagapagligtas v20

2. Tamang katuruan ng kaligtasan.


-Colosas 1:22-23

*Naliligtas ang lahat ng tao sa pamamagitan lamang ng pananalig sa Panginoong


Jesus.
Dahil sa ating pananalig, binigyan tayo ng Diyos ng bagong buhay na walang
kapintasan at may kabanalan. v22

Pero...
May babala si Pablo, kailangan nating manatiling maging tapat at matatag sa ating
pananampalataya
at huwag pabayaang mawala ang pagasang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig.
v23.

Tanung: Maaari ang mawala ang kaligtasan sa atin?

Yes!! kaya nga nagbabala si Pablo ee.

Maaaring mawala ang kaligtasang nakamit kapag ang isang Kristiano ay nagpabaya at
muling bumalik sa buhay makasalanan.
Sa turo ng Panginoon sa Juan 15:2, “Kahit ang mga sangang nakakabit sa puno na
hindi nagbubunga ay inaalis ng Diyos, at ihahagis sa apoy.”

Kahit sa panahon natin ngayon, dapat pa rin tayong mag-ingat sa pagsusuri sa mga
katuruan ng mga nagsasabing “ang kaligtasan ay hindi nawawala".
Hindi po totoo yun, nawawala ang kaligtasan lalo na kung hindi tayo mananatiling
tapat at matatag sa pananampalataya.

3. Tamang katuruan ng paglilingkod.v25-28

Bawat isa may kanya kanyang kaloob na binigay ang Panginoon. Hindi pwedeng sabihin
mo na, Kuya kenneth, nananampalataya naman po ako,
ok lang ba na hindi na ako maglingkod? Wala po kasi akong talent eh. Hindi pwedeng
wala kang talent. May naalala akong sinabi ni Pastor sa mga turo nya,
hindi ka magaling kumanta? hindi ka magaling sumayaw? Pero magaling ka magwalis,
may TKM.
Lagi nyong tandaan, meron kang skills na kung saan alam mong magaling ka, wag mo
sayangin. IPAGLINGKOD MO YON SA PANGINOON.

Nakakapag ligtas ang pananampalataya natin sa ating Panginoon. Pero hindi ibig
sabihin nito ay hindi na tayo mag lilingkod sa ating Panginoon.

Sabi nga sa James 2:26, FAITH WITHOUT WORKS IS DEAD.. Kailangan pa din nating
maglingkod at sumunod sa pinaguutos ng ating Panginoon.

Ang pagiging tunay na Kristiano ay sukatan ng pananampalataya at paglilingkod sa


Kanya at hindi pataasan ng posisyon para magkamit ng kapangyarihan.
Sa ganitong paraan natin napapatunayan na tayo ay nasa tunay relihiyon.

You might also like