10 Pesos To Date A Billionaire

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 52

------------------------------

TITLE: Ten Pesos To Date A Billionaire


LENGTH: 2908
DATE: May 13, 2014
VOTE COUNT: 6
READ COUNT: 283
COMMENT COUNT: 5
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: AlonePrincess
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-05-13 18:29:38

------------------------------

####################################
Ten Pesos To Date A Billionaire
####################################

Ten Pesos To Date A Billionaire by: Anne Villahermosa

-Prologue-

BUONG araw nagbabantay si Jo sa pamangkin niyang si Fia. May bone cancer ito, at
sabi ng doktor ay kailangan na itong operahan sa lalong madaling panahon. Mula
pagkabata ni Fia ay siya na ang nag-alaga dahil namatay ang kapatid niya sa
panganganak dito at ang tatay naman nito ay hindi na nagpakita buhat ng malamang
buntis ang kapatid niya. Wala siyang pagkukuhaan ng pera, nagu-umpisa pa rin lang
din ang career niya sa pagiging photographer kaya naman nahihirapan siyang mag-isip
kung saan kukuha ng ipambabayad.

Lumabas muna siya ng ospital para bumili ng gamot sa katapat ng drug store. Kaso
lang ay may mabilis na sasakyan na humarurot ang muntik na siyang masagasaan.
Namukhaan niya ang driver niyon. Aha!

GUSTO sanang sadyaing banggain ni Jordan si Jo na patawid sa kalsada kaso lang ay


hindi kinaya ng konsensya niya. Si Jo ang babaeng gustong ipakasal ng Mommy niya sa
kanya, magkababata pala ang nanay nito at mommy niya kaya nasisiguro daw nito na
magiging maganda ang pagsasama nila. Pero ayaw niya rito dahil hindi pa siya
handang magpakasal, may iba siyang gustong babae at napaka-eskandalosa ng babaeng
'yan kaya mamatay muna lahat ng kuko niya bago siya pumayag magpakasal dito.
Hinampas nito ang harapan ng sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan.

"Pahara-hara ka kasi sa daan!" singhal niya rito. Kumuyom ang kamay nito at lumapit
sa kanya.

"Hoy! Mister Jordan Steven Versace, ako ang muntik mong mabangga. Hindi mo ba
nakikitang naka-red ang stop light? So, ibig sabihin niyon ay time ko para tumawid,
tama ba?" nakatingin lang siya sa mukha nito. Bukod sa eskandalosa ito ay hindi
niya talaga ito type dahil maliit, medyo chubby, pero maamo naman ang mukha nito.
Pero wala akong pakialam sa kanya!

"Naka-red man 'yan o naka-green, wala akong pakialam sayo. Sana nga tinuluyan na
kitang banggain para mawala ka na sa buhay ko!" galit niyang sinabi rito pero
nagmake-face lang ito kaya lalo siyang nainis dito.

"Aba, kapag ako nawala mawawalan ka na ng magiging asawa. Wala pa namang nagtiya-
tiyaga sa tulad mo, 'no?" pang-aasar nito sa kanya. Humalukipkip siya rito.

"Hindi kawalan ang buhay mo. Inalala ko lang sasakyan ko, ayoko ngang madikit ang
mamahalin kong sasakyan sa isang pulubi,"

"Aba! Tignan natin kung sinong hindi magputok ang butsi mo sa gagawin ko!" kumunot-
noo siya sa sinabi nito. Umalis na ito sa harapan niya, nanlaki ang mga mata niya
nang gasgasan nito ng susi ang mamahaling sasakyan niya. Tumaas ang kilay nito at
iwinasiwas pa ang susi na hawak nito.

"Jonnalyn!" sigaw niya rito pero kumaripas na ito ng takbo. Lalong bumigat ang
pakiramdam niya. Napakahaba ng gasgas ng sasakyan niya. Pagbabayaran mo 'to
Jonnalyn Concha!

------

Please READ!! :)

Copyright © 2014 By: Anne Villahermosa (Aloneprincess) wattpad.com/


Iamaloneprincess.weebly.com

All rights reserved.


####################################
Chapter 1: Separation Deal
####################################

Chapter 1

MASAYA si Jo sa ginawa niyang pang-aasar sa mayabang niyang fiancé na si Jordan.


Lagi silang nag-aaway mula pa noong ipilit silang ma-engage. Ngayong taon binabalak
ng nanay niya at ni mommy Stephanie, ang mommy ni Jordan, na ipakasal sila. Hindi
rin naman niya gusto ang antipatikong si Jordan pero wala silang magawa nang
sapilitan silang i-engage. Ang deal sa kanya noon kapag pumayag siya ay bibigyan
siya ng pamilyang Versace ng isang milyon, at kay Jordan naman ay isang mamahaling
sasakyan na imported from Japan. Iyon ang sasakyang ginasgasan niya kahapon.

Balik sa problema. Naisip niyang mangutang kay Mommy Stephanie, kaso lang ay
inaabutan siya ng hiya sa katawan kaya may naisip siyang paraan. Pumunta na siya sa
Versace hotel, alam niyang isa sa mga suite doon ay naglalagi si Jordan Steven
Versace. Nalaman niyang sa 306 ang suite nito kaya naman ay nag-elevator na siya
para puntahan ito doon. Malamang ay nakita na siya nito sa peephole, pinagbuksan
siya nito. Naka-bathrobe ito at magulo ang buhok.

"What are you doing here?" tanong nito sa kanya. Binangga niya ito at tumuloy-
tuloy. Pinigil nito ang braso niya. "bawal ka dito! Bakit ka ba nandito? Kung mang-
aasar ka na naman, tigilan mo na ako!"

"Bakit? Hindi ko na ba pwedeng bisitahin ang magaling kong fiancé?" tanong niya
rito habang pinagaan ang boses. Pinaikot nito ang mga mata. Hindi pa rin nito
binibitawan ang braso niya.

"Honey? Sino 'yan?" narinig niya ang boses ng isang babae roon. Tinignan niya ito.
Nasapo nito ang noo. Natawa siya rito.

"Gumagawa pala kayo ng miracle. Hindi ko sinasadyang makaistorbo pero importante


kasi 'yong sasabihin ko eh. Alam mo naman, hindi kita bibisitahin ng walang dahilan
'diba? Paalisin mo na siya ngayon din para hindi na ako mapilitang mag-eskadalo,
you don't want me to do it right?" nagbuga ito ng hangin at naiinis na tinignan
siya.

"Alam kong mang-aasar ka lang pero sige, pagbibigyan kita ngayon. Hay nako!" iniwan
siya nito at pumunta sa kinaroroonan ng babae. Maya-maya ay nakita na niya ang
babae. Maganda at sexy iyon parang modelo. Honestly, wala siyang binatbat dito pero
wala naman itong engagement ring kaya sorry nalang. Nginitian niya ito. Tumingin
ito sa kanya pagkatapos kay Jordan naman.

"Jordan? Ano ba ako sayo? I thought seryoso ka sakin? Akala ko ba ako ang gusto
mong pakasalan? Pero bakit parang isa mo lang akong customer, at ito ang next
customer mo?! Very cheap!" tinignan siya ng babae mula ulo hanggang paa. Medyo
nainis siya roon pero nagtimpi siya dahil alam naman niyang sa kanya ang huling
halakhak.

"Cheap ako? Are you sure? Tignan natin kung sinong mas-"

"Jo, sinabi mong hindi ka gagawa ng eskandalo?" gagad ni Jordan sa panunupla sana
niya sa babae nito. Inirapan niya ang mga ito. "Mitch, totoo ang sinabi ko..ikaw
ang gusto kong pakasalan at ikaw ang mahal ko. Kaibigan ko lang 'yan si Jo, at may
confidential things kaming pag-uusapan. H'wag ka ng magalit sakin." Pang-aamo ni
Jordan sa babaeng tinawag nitong Mitch. Kaibigan pala ha? Hmp! Close pala kami? Di
ako nainform.

Umalis na ang babae na nakataray sa kanya. Sinarado na niya ang pintuan nito.
Sinundan niya ito sa paglalakad papasok sa pad nito.

"Hindi ko alam na friends pala tayo? All I know is fiancé mo ko. Well..at siya pala
ang babaeng sineseryoso ngayon ng aking magaling na fiancé. Uhmm, maganda siya,
problema lang mas maganda ko." Binuntutan niya pa iyon ng tawa. Inismiran siya
nito. Umupo na siya sa couch nito. Humikab pa siya.

"Ano bang kailangan mo? Mabuti sana kung ibi-break mo na ang engagement natin."
Ngumiti siya sa sinabi nito. Sa papeles kasi na pinirmahan nila, siya lang ang may
karapatang sirain ang engagement files nila.

"Tama ka, ang galing mo! Minsan may katalinuhan ka rin talagang itinatago, eh 'no?"
nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Lumapit ito sa kanya.

"Talaga? Ibi-break mo na ang engagement natin?" tumango siya rito. Natuwa ito sa
sinabi niya. "bakit? May nagugustuhan ka na rin bang iba kaya ayaw mo ng ituloy ang
pagpapakasal natin?"

"No. Pero may kondisyon ako. Alam mo naman sa ating dalawa, ako ang wise, ikaw ang
smart. Pero mas magaling pa rin ako sayo. Well, naka-confine ngayon si Fia dahil
may bone cancer siya, alam mo naman 'yon 'diba? Wala akong pera at wala akong ibang
mauutangan. Ngayon, para di na ako mangutang. Naisip ko i-break na ang engagement
natin kapalit na ikaw ang gagastos sa lahat-lahat kay Fia."

"Okay pero parang lugi naman ako d'on."

"Ano?! Lugi ka pa? Ikaw na nga 'tong makakawala sa engagement natin eh. Tsaka ito
na rin ang una at huling hingi ko sa'yo 'no! Kaya 'wag mo ng hayaang lumagpas ang
opportunity na 'to."

"Wise ka pero matalino ako 'diba? Pero kailangan mong pagbayaran ang gasgas ng
sasakyan ko."

"Ano?! Babayaran ko? Ba't ko naman babayaran 'yon?"

"O edi walang break ng engagement at hindi rin kita paluluwalan ng pera para sa
pagpapa-opera sa pamangkin mo." kung ba't naman kasi hindi nalang siya um-oo, ang
dami pang sinasabi..

"So? Ano namang gusto mong mangyari Mister Versace?" nakataray niyang tanong rito.
Humalukipkip ito at tumingin sa kanya.

"Ten dates with me and one thousand pesos each date." Napamulagat siya sa sinabi
nito. Ano raw?

"Ano?! Ako 'yung lugi sayo eh! Ayoko nga!" hindi naman yata siya makakapayag na
makipagdate pa rito at magbabayad pa siya ng isang libo kada date, sinuswerte naman
yata ito.

"Well, ikaw bahala ka.." hindi siya agad nakapag-react. Binabalanse at pinag-
iisipang mabuti ang sinabi nito.

"O sige. Pumapayag na ako. Napaka-dupang talaga kahit kailan! Pero may requirements
din ako kung gusto mo kong i-date."

"What?!" sumilay ang mapang-asar niyang ngiti rito. Kumuha siya ng bond paper at
ballpen para isulat ang mga requirements niya. "ano 'to? 2x2 pictures (3 copies),
NSO Birth Certificate, Copy of Driver's License & SS Card, Current Pay Stub, Clean
drug test & Std screen." Pagbasa nito sa mga requirements niya. Tumango-tango siya
habang binabanggit nito iyon. Napaamang ito roon.

"O, o, o baka naman 'yan lang hindi mo pa ma-comply. Kaunti lang 'yan! Kaya naman
'wag mo ng subukang magreklamo. Aangal ka pa?" nakataray niyang tanong dito.
Nagpipigil ang inis rito dahil halata sa mukha nito. Pinipigil niya rin ang
sariling mapatawa dahil namamanipula niya ito.

"Fine! Alam ko namang inis ka rin sakin kaya humanda ka sa bawat dates natin.
Ipaparamdam ko sayo kung gaano ako inis na inis sayo."

"Huumn! Tignan natin kung sino ang magwawagi sa pang-iinis. I'm a good tease
Jordan. Nakakalimot ka 'ata." Inismiran nalang siya nito.

-----------------------------------------------------------------------------------
---
God bless.. Do spread please!! :)
####################################
Chapter 2: First Date Was Held
####################################

Chapter 2

IRITABLE si Jordan habang kasama ang mga kaibigan na sina Vash at Dominic. Pinaayos
na niya sa mga empleyado niya ang mga requirements na gusto ni Jo. Naiinis talaga
siya sa babaeng iyon, kahit kailan immatured at playful. Hinding-hindi niya talaga
gugustuhin na makasama ang babaeng iyon sa buhay niya. Sa kabilang banda ay masaya
rin naman siya dahil nagkaroon ng pagkakataon para si Jo na mismo ang kumalas sa
engagement contract nila. Pero nagtataka rin siya dahil hindi ito lumapit sa Mommy
niya para humingi ng pera o kaya naman gumawa ng malaking eskandalo para makahingi
sa kanya ng pera. Well siguro, inabutan ito ng hiya sa buto kaya ganoon.

"Ano namang kabaliwang requirements ang pinaaayos mo sa mga empleyado mo Jordan?"


tanong ni Dominic. Sa kanilang tatlo, siya lang ang doktor ang propesyon pero
matagal-tagal na rin niyang hindi nagagamit ang pinag-aralan dahil sa isang
personal na dahilan. Ngayon ay naging businessman na rin siya ng Versace Cars
Corporation at automobile car designers siya ng kumpanya. Marami ang nanghinayang
sa pagdedesisyon niyang umalis sa ospital kahit ang mga kaibigan niya ay lubos na
pinanghinayangan iyon.

"Wala naman. Trip ko lang para in case." Hindi niya gagawing aminin sa mga ito na
requirements iyon ng fiancee niya. Alam ng mga ito ang tungkol sa engagement nila
ni Jo pero hindi rin naman siya kinukulit ng mga ito dahil naiinis siya kapag
pinag-uusapan ang babaeng 'yon.

"Hmmn. Kumusta na nga pala kayo ni Joy?" tanong naman ni Vash. Si Vash, siguro sa
dami ng businesses ay nakakalimot na sa mga bagay-bagay. Binatukan ito ni Dominic.

"Hindi Joy ang pangalan n'on. Jo! 'Diba?" tumingin pa sa kanya si Dominic para
hingin ang confirmation. Tumango naman siya. "oo nga pala pre, musta na kayo n'on?"
umiling siya. Tumawa ang mga ito. "problemado ka pa rin ba sa kanya? Maganda naman
'yon si Jo ah? Maliit nga lang tsaka mataba." Nagtawanan ang mga ito. Inismiran
niya ang mga ito at uminom uli ng beer. Iniisip niya ngayon si Mitch dahil hindi pa
siya nito tinetext o tinatawagan man lang.

"Oy Dominic, 'wag mong ginaganon si Jo, nasasaktan 'yan si Jordan. Mamaya sapakin
ka nalang niyan, in love na in love pa naman doon si Jordan." Ani Vash na ikinatawa
na naman ni Dominic.

"Tumigil nga kayo. Hindi ba sinabi ko naman sa inyong ayokong pag-usapan ang
babaeng 'yon?" naiinis niyang sinabi sa mga ito. "si Mitch ang iniisip ko ngayon,
hindi pa niya ako tinatawagan."

"Bakit? Nag-away kayo?"

"Kasi 'tong si Jo-" patay..nadulas ako. Kailangan niyang humanap ng paraan para
malusutan niya iyon at hindi malaman ng mga ito ang tungkol doon.

"So, si Jo pala ang dahilan ng pag-aaway ninyo ni Mitch?" usisa ni Dominic.

"Oo parang ganon. Basta, kaya naiinis ako sa babaeng 'yon."

"Bakit naman? Share naman!" ani Vash. Tinignan niya ang mga ito. Halatang mga
interesado.
"Mamatay kayo sa curious! Makaalis na nga!" tinawanan siya ng mga ito, umalis na
siya doon. Pagbalik niya kompanya ay okay na ang mga requirements na hinihingi ni
Jo.

TAGUMPAY ang ngiti ni Jo habang nagbabantay kay Fia. Namanipula niya si Jordan.
Nakakatuwa naman kung iko-comply talaga nito ang mga requirements na hiningi niya.
Hinihintay niya ngayon na dumating ito o kumatok sa kwarto nila. Maya-maya ay may
kumatok na nga. Ang nanay niya pala at kasunod si Jordan. Ngumiti siya sa mga ito.

"O? At magkasabay pa talaga kayo ah?" aniya sa mga ito. Nakangiti ang nanay niya
habang pinatuloy si Jordan sa loob. Nilapag ni Jordan ang mga prutas at bulaklak
para kay Fia.

"Nagkasabay kami sa pag-akyat dito anak. Gumwapo ka lalo Jordan.." puri ng nanay
niya kay Jordan. Ngumiti lang si Jordan. "binibisita mo ba si Fia? O si Jo?"

"Pareho po Ma." Ani Jordan. Tumingin ito sa kanya, ngumiti siya rito. Nakita niya
ang hawak nitong folder kaya naman halos matawa siya. "ahh Ma, mag-uusap lang po
kami sa labas ni Jo."

"O sige-sige. Ako ng bahala dito kay Fia." Tumango sila at lumabas. Binigay nito sa
kanya ang folder. Clear naman ang drug test & std screen nito at na-comply talaga
nito ang mga requirements niya. Ngumiti siya rito. Umupo sila sa mga upuan roon.

"Kailangan pa kitang interviewhin 'diba?"

"Huh? Anong interview?"

"Yes. Ito ang first question, bakit gusto mo akong i-date? Dapat convincing ang
sagot mo ah. Dahil kung hindi, hindi ka maka-qualified." Inismiran siya nito.

"Para mas makilala ko ang fiancee ko." Natawa siya roon. Ginawa talaga nitong
positibo ang sagot para pumasa ito.

"Second question, ahmm anong mga katangian ko na nagustuhan mo para piliin mo akong
i-date?"

"Hmm..kasi, maganda ka, sexy, hot, napaka-extradordinary, tsaka sobrang bait."


Natawa uli siya doon.

"Ikaw naman! Masyado mo namang pinalaki ang ulo ko. Oh my God!" aniya habang
tumatawa. "hindi kaya...hindi naman ako maganda eh...weeh ha-ha-ha. O ito, third
and last but not the least question, nabayaran mo na ba ang mga gastusin para sa
araw na ito kay Fia?"

"Yes Ma'am."

"Good! Tara na! Ihatid mo na ako sa amin para makapagbihis na ako. Okay?" sumunod
lang ito sa kanya. Hinatid na siya nito sa kanila. Hinintay lang siya nitong
magbihis. Hindi nga niya alam kung anong isusuot niya eh. Sinuot nalang niya ang
kupas na asul na pantalon niya at stripe black and white shirt niya. Dinala niya
rin ang DSLR ang camera niya. Bumaba na siya.

"Yan ang suot mo?" napatayo nitong sinabi at hinaguran siya ng tingin mula ulo
hanggang paa. Pinamaywangan niya ito.

"Oo naman! May problema ka ba?"


"Wala naman. Mukha ka lang basahan sa suot mo."

"Aba... Wag ka ng maarte, wala talaga akong magandang damit. Tara na!"

"Oy, oy, oy..nasaan ang one thousand pesos?" ay! oo nga pala...

"Ah? One thousand? W-wala tayong pinag-usapang ganon ah!"

"Meron! Akin na.." pinaikot niya ang mga mata niya at dumukot sa bulsa. Inabot niya
rito ang piso. Nagulat ito roon. "ano 'to? Bakit piso?!"

"Aangal ka pa? Ayaw mo ba? Akin na nga!" pilit niyang kinuha rito ang piso pero
hindi na nito iyon binigay pa. "wala nga akong pera! Ang kulit-kulit mo! 'Wenong
gusto mo? Piso o wala?"

"Ewan ko sayo!" tapos hinaltak na nito ang braso niya palabas ng apartment na
tinutuluyan nila. Sumakay na uli sila sa magarang sasakyan nito. Pumunta sila sa
isang mamahaling seafood restaurant. Um-order siya ng maraming putahe. Naubos din
naman niya iyon dahil malakas talaga siyang kumain.

"Ang takaw-takaw mo! Tingnan mo nga 'yong mga tao, nakatingin na sayo o. Hindi ka
ba nahihiya?" saway nito sa kanya. Tuloy pa rin siya sa pagkain.

"Eh ano naman? Ang sarap-sarap kaya nitong mga pagkain. Hindi ako araw-araw
nakakakain ng ganito 'no! Mabuti nalang talaga at niyaya mo akong mag-date kundi
hindi ko matitikman ang mga putaheng ito."

"Kaya ang taba-taba mo eh, kahit ano kinakain mo." akmang kakainin niya ang balat
nung hipon nang sawayin na naman siya nito. "H'wag mong kainin 'yong balat. Ano ka
ba naman!"

"Bakit ba? Kasama 'to sa tinimbang..kasama 'to sa binayaran 'no!"

"Bahala ka..babara 'yan sa lalamunan mo."

"Eh ano naman? Ikaw ba mababarahan sa lalamunan? Ikaw Jordan ah..napaghahalataan


kang may gusto sa'kin."

"Grabe ang kapal ng mukha o!" tinawanan nalang niya ito. Hindi niya madalas titigan
ang mukha ni Jordan dahil naa-awkward siya at medyo naiilang dahil nga ubod ito ng
gwapo. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya akalaing maie-engage siya sa isang
bilyonaryong gwapong lalaki-antipatiko nga lang. Kumibit-balikat siya.

"Okay lang 'yan Jordan. Aminin mo na sakin na gusto mo ko, ano ka ba! Walang
malisya sakin 'yon. Tsaka, mag-fiancé naman tayo eh. 'Diba? Normal lang 'yon na
nagkaka-crush tayo sa isa't-isa. Well, baliktad nga lang sa atin. Yung iba, nauuna
muna yung crush-crush tayo nahuhuli. Engage muna bago crush..Mga ganun." Tumawa pa
siya pagkasabi niyon. Umismid ito sa sinabi niya. Wala pa silang pagkikita na
nakita niyang tumawa ito at ngumiti man lang sa kanya.

"Funny." Sarkastiko nitong sinabi. Kumibit-balikat uli siya. Ubos na niya ang
pagkain kaya naman napadighay siya ng malakas. Tinakpan niya ang bibig niya nang
nagsilingunan ang mga tao sa kanya. Sinamaan siya ng tingin ni Jordan.

"Hindi ka talaga marunong ng right conduct and manners." Nakaismid na sinabi sa


kanya ni Jordan. Ngumiti lang siya rito. Lumabas na sila sa restaurant at
nagpahangin. "bukas, anong isusuot mo?"

"Magga-gown ako, may magagawa ka?"


"Hindi na talaga kita makausap ng matino. Ano nga?"

"Ewan ko kung anong susuotin ko. Uhmm, baka yung checkered polo ko tsaka 'yong
butas-butas na pants ko."

"What?! Magsi-sine tayo bukas kaya ayusin mo ang suot mo."

"Ano? Magsi-sine tayo? Oy gusto ko 'yan. Disney movie ah."

"Ano?! Disney movie? At anong feeling mo sa sarili mo? Five years old? Oy, twenty
five ka na dapat yung pang-matured 'yong panoorin natin."

"Eh ano? Yung mga action movies? Mga patayan? Mga nakakaiyak? Ayoko ng mga ganun.
Sige na...disney movie.. Frozen ha? sige na.." pilit niya rito. Umiling ito.

"Hinde! Disney movie? God! Ako ang magdedesisyon dahil ako naman ang nagbabayad.
Kuha mo?" inismiran niya lang ito. Pagkatapos n'on ay umuwi na rin naman sila.

-----------------------------------------------------------------------------------
---

What can you say po? Pls. comment below! :)


####################################
Chapter 3: The Disney Date
####################################

Chapter 3

KINABUKASAN ay nagpunta naman sila sa sinehan para manood ng Disney movie na


Frozen. Sobrang tuwang-tuwa siya nang mapapayag niya ito sa gusto niyang panoorin.
Ang totoo niyon, gusto naman talaga niya ng mga romantic kind of movies kaso lang
baka ma-awkward siya kapag 'yon ang pinanood nila kaya naman ginawa niya ang best
niya para hindi 'yon ang panoorin nila. At nagtagumpay naman siya. Pagkatapos
manood ay lumabas na sila.

"Do you wanna build a snowman?" kanta niya paglabas nila kaya naman nagtinginan sa
kanya ang mga taong kapwa lumalabas din ng sinehan. Siniko siya ni Jordan.

"Nakakahiya ka talagang kasama.." bulong nito sa kanya. Ngumisi lang siya rito.

"Let it go! Let it-" tinakpan na ni Jordan ang bibig niya. Nagtawanan ang mga bata
sa pagkanta niya.

"Tama na! Sobra na akong nahihiya! Una, pinagbigyan kitang manood niyan kahit na
inantok lang talaga ako ng buong palabas tapos ngayon naman kakanta ka. Ano ka ba
naman! Napaka-eskandalosa mo talaga!" singhal nito sa kanya. Ngumiti lang siya rito
at kinagat ang ibabang labi. Nagpabili siya rito ng ice cream, inalok niya ito pero
ayaw naman nito kaya siya lang tuloy ang kumakain. Nagulat siya nang bigla siyang
hilahin ni Jordan para magtago. Nasubsob tuloy sa ilong niya ang nilalantakang ice
cream. Tinignan niya ito ng masama. Nagulat siya nang matawa ito sa kanya.

"Itsura mo! Yung ice cream nasa ilong mo.." anito habang pinipigil matawa. She's
glad dahil napatawa niya ito kahit papaano. Pinunasan na niya iyon.

"Hinatak mo ba naman kasi ako. Bakit ba?"

"H'wag kang maingay..dadaan na sina Vash at Dominic."

"Talaga?! Nasaan?" sumilip siya pero hinatak uli siya nito.

"H'wag mo ng tingnan!"

"Mga friends mo 'yon 'diba?" sumilip uli siya. "Vash!!" sumigaw siya. Tinakpan nito
ang bibig niya. Maya-maya ay may lumapit na sa kanila. Sina Vash at Dominic iyon
kasama ang dalawa pang matatangkad at sexy na babae. Nag-hi ang mga ito sa kanila.
Nakangiti ang dalawang kaibigan ni Jordan sa kanya. Nakipagkamay siya sa mga kasama
nitong mga babae. Sina Cecille at Mariel. Inubos na niya ang ice cream na kinakain
niya.

"So nagde-date pala ang mag-fiancé?" ani Dominic. Natawa siya roon. Tumingin siya
kay Jordan na nakasimangot.

"Mag-fiancé? Bakit? At paano?" tanong ni Cecille.

"Well, long story girl. Mga one decade pa tayo matatapos kapag kinuwento ko pa
sayo. Anyway, oo nagde-date kami ngayon ng fiancé ko. Ahmm nagpunta kami kahapon sa
restaurant, at kanina naman nag-sine kami." Pagmamalaki niya sa mga ito.

"Talaga? Anong pinanood niyo?" interesadong tanong ni Vash. Inakbayan siya bigla ni
Jordan.

"Ahmm actually ang pinanood namin ay-"

"Disney.. yung Frozen. Sweet 'no? Oy sige ah! Una na kami.." nagtawanan ang mga
ito. Tinapik ng malakas ni Jordan ang balikat niya. "aray!" ngumiti ito sa kanya ng
sarkastiko at nag-peace sign.

"Ang sweet nga. Frozen ba naman eh!" nag-appear pa sina Vash at Dominic. Nauna na
rin sila sa mga ito. Tinanggal na ni Jordan ang pagkaka-akbay sa kaniya.

"Nakakainis ka! Bakit mo binuko 'yong pinanood natin? Aasarin na naman ako ng mga
'yon. Wala ka talagang ginawang tama kahit kailan." Nanggagalaiti nitong sinabi.

"Nakanaks! Nagsalita ang napakaraming ginawang tama." Sabay tumawa pa siya. "well,
saan banda?"

"Puro ka kalokohan Jo! Ayoko ng makipag-date sayo! Nakakainis ka! Pinapahiya mo ako
sa marami."

"Well, hindi ko kawalan 'yon. Kawalan mo 'yon dahil quitter ka."

"Hay nako! Ewan ko sayo! Umuwi ka mag-isa mo!"

"Oy, oy! Grabe..napaka-ungentleman pala ng fiancé ko. O sige, sorry po." Nag-pose
pa siya kunwari na parang si Chichay sa palabas na Got to believe. Kumamot ito sa
ulo at naglakad na ulit. Sumunod lang siya rito. Hinatid na siya nito sa tapat ng
ospital.

"Oy Jordan! O ano bukas? Magdi-date ba tayo? Sabihin mo ng maaga para hindi
mabulilyaso 'yung schedule ko sa trabaho."

"Mag-date ka mag-isa mo!" natawa siya sa nakitang inis sa mukha nito. Pinigil niya
ito sa braso.

"Pero sasagutin mo pa rin 'yung pampa-opera kay Fia?"

"Hinde! Maghanap ka ng pampa-opera kay Fia!" pagalit nitong sinabi sa kanya.


Sumimangot siya rito.

"Quitter ka na nga, 'di ka pa tumutupad sa mga usapan. Wala ka talagang kwenta


Jordan! Hmp!" nilayasan na niya ito at umakyat na uli sa kwarto ni Fia. Masaya siya
dalawang araw na magkasunod nilang dates ni Jordan. Halata namang siya talaga ang
nagmamando kung anong gagawin nila tsaka walang magawa si Jordan sa sobrang
kakulitan niya. Hindi niya makalimutan ang hitsura ni Jordan nang tawanan siya nito
dahil sa hitsura niya kanina. Para kasing isang achievement kapag napatawa mo ang
isang masungit na lalaking iyon. Kinikilig pa rin siya hanggang ngayon nang maalala
ang pag-akbay nito sa kanya. Noon pa man talagang kinikilig na siya sa fiancé niya.
Lalo na noong engagement party nila, noong halikan siya nito sa pisngi. Talagang
hindi siya makatulog sa ginawa nitong iyon. Tuwing magkakadikit ang balat nila ni
Jordan ay parang kinikilig ang buong sistema niya, ngayon tuloy nagdadalawang-isip
na siya kung itutuloy niya pa ang pagbi-break niya ng engagement nila.

MATAPOS ang tatlong araw ay hindi pa rin siya binibisita ni Jordan. Ni hindi siya
nito tinetext, alam nito ang number niya dahil nilagay niya iyon sa cellphone nito.
Nalulungkot siya at nami-missed ito. Hindi nga siya makapaniwala sa sarili niya
dahil dati naman ay hindi niya ito iniintindi dahil pulos asaran lang sila kapag
nagku-krus ang landas nila. Kinuha siyang isa sa mga photographer sa isang beach
resort, fashion show iyon at na-excite siya bigla dahil malaki ang offer sa kanya.

Maya-maya habang naglalakad siya at naglilibot sa buong resort ay may natanaw


siyang pamilyar na tao. Agad niyang nilapitan si Jordan, kasama nito si Mitch.
Ginulat niya ang mga ito. Nagulat nga ang mga ito sa kanya kaya natawa siya.

"Ano na namang ginagawa mo dito Jo?" bakas sa mukha ni Jordan ang inis sa kanya.
Tumawa siya, tumingin siya kay Mitch na nakasimangot din.

"Hoy!" dinuro niya ang ilong ni Jordan. Inalis nito iyon. "hindi kaya ikaw ang
pinunta ko dito. Assuming ka rin pala 'no? Hindi ako na-inform, infairness! Anyway,
photographer ako sa fashion show mamaya. Akala mo ah! Feelingero! Hmp!" sikmat niya
rito. Inismiran siya nito.

"Photographer? AB Photography ba ang tinapos mo?"

"Hinde. BA Fine Arts ako 'no! Eh, naisama ako sa mga seminars ng photography kaya
iyon natuto ako, eh magaling naman ako sa mga arts-arts eh. 'Diba? You know?"
tumawa pa siya rito. Kumunot-noo ito. Tumayo si Mitch mula sa buhanginan na
kinauupuan nito.

"So, photographer ka pala mamaya Jo? Gandahan mo ang shot sa akin ah? Para ako ang
maging Most Photogenic." Nakangiting sinabi sa kanya ni Mitch. Ngumiting-aso siya
rito. Feeling ng babaeng 'to, pretty talaga siya! Mukha siyang witch!

"Wow ha? You know my name, kinukwento ba ako sa'yo ng fian-ahh I mean ni Jordan?"
hindi niya naituloy ang pagsabi ng fiancé dahil pinamulagatan siya ng mga mata ni
Jordan.
"No. Alam ko lang na Jo ang pangalan mo dahil noong sa condo, tinawag ka ni Jordan
ng Jo."

"Ahh. Akala ko naman naikukwento ako. Assumera pala ako. Ha-ha! Anyway, ahmm
kitakits nalang tayo tonight kasi may aayusin pa ako eh. Sige, enjoy!" kumaway na
siya sa mga ito at nagsimula ng maglakad paalis. Kahit na hindi sila seryoso ni
Jordan sa engagement, medyo nababastos pa rin siya dahil fiancee nga siya 'diba?
Pero, hayun ang magaling niyang fiancé at nage-enjoy kasama ang ibang babae.
Honestly, hindi ito ang pinapangarap niyang estado ng buhay may-asawa. Ang totoo
niyan kaya hindi pa rin siya tumatanggap ng kahit sino sa buhay niya dahil ayaw rin
naman niyang bastusin ang fiancé niya. Pero si Jordan ay hindi man lang naisip ang
bagay na iyon.

Inayos na niya ang DSLR niya. Nagpalit siya ng bagong memory card. Matapos ang
pagmi-meryenda ay nagsimula ng ayusin ng mga organizers ang mga bisita. Magga-gabi
na at pinanood niya muna ang paglubog ng araw. Humagibis ang malakas na hangin,
napangiti siya roon habang tanaw na tanaw ang asul na dagat.

"Salamat at hindi mo sinabing fiancee kita kanina kay Mitch." Bahagya siyang
nagitla sa nagsalita bigla. Si Jordan iyon na nakatingin din sa dagat.

"Ikaw naman ang nanggugulat ngayon ah? Gaya-gaya! Anyway, gusto ko rin sanang ibuko
ka kay Mitch kanina kaso lang naisip ko na tinuloy mo pa rin ang pagsuporta sa
gastos sa ospital para kay Fia. So, we can call it quits." Ngumiti pa siya rito.
Hindi na ito umimik pa. Kinuha niya ang camera at kinuhaan ito ng picture.

"Jo! Burahin mo 'yon!" pilit nitong inaagaw sa kanya ang camera. Inaalis niya ang
kamay nito.

"Manigas ka diyan! Hindi ko buburahin 'tong picture mo! Asa ka!" tinago na niya ang
camera sa likod niya. Inismiran nalang siya nito. Nang hindi uli ito nakatingin ay
kinuhaan uli niya ito ng litrato. Masama ang tinging ipinukol nito sa kanya.

"Oy Jordan, isa pa ngang picture..'yung hindi stolen. Sige na, isang shot lang
talaga. Promise!" pamimilit niya rito. Noong una ay ayaw pang pumayag pero
pagkaraan ay nakulitan sa kanya at nagpakuha na rin naman. "Yan! Alam mo kasi, I
love to collect pictures of natural disasters." Aniya habang nakangiti sa mga kuha
niya rito.

"At sinasabi mong natural disaster ako?"

"O? Hindi sa akin galing 'yan ah!" tumawa pa siya rito. Inirapan nalang siya nito.

"Patingin nga! Mamaya ang pangit ko diyan eh!" naagaw nito iyon sa kanya. Nagulat
siya nang i-delete nito ang mga iyon, pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Sumimangot
siya rito. "ang pangit ko kasi eh. Kuhaan mo ako ng maganda.." natawa siya doon at
maya-maya ay kinuhaan na niya ito ng iba't-iba pang mga pose.

-----------------------------------------------------------------------------------
----

####################################
Chapter 4: The Dance Party
####################################

Chapter 4

NAG-umpisa na ang fashion show. Bawat modelo ay nakuhaan niya. Balak niya sanang
hindi kuhaan ng litrato si Mitch kaso lang siya naman ang mapapagalitan kaya
binarabay niya ang pagkuha dito ng litrato. Nakita niyang masayang-masaya si Jordan
habang pinapanood si Mitch na rumarampa. Napaismid nalang siya.

Proud na proud si Jordan nang matapos ang fashion rampage ni Mitch. Napabuntong-
hininga lang siya. Maya-maya ay pumunta sila sa convention area. Para sa isang
magazine company ng OMG ang mga new trends of looks na iyon. Magaganda nga talaga
ang mga bagong disenyo ng mga damit na iyon pero maganda rin ang presyo. Minsan
naisip niya rin na magsuot ng mahahabang damit na iyon kaso lang ay hindi siya
katangkaran at royal 'daw' ang shape ng katawan niya pero okay lang at least ay
hindi siya buto't-balat katulad ng mga modelong rumampa kanina na halos buto
nalang.

Matapos kumain ay magpapahinga na sila sa isang exclusive hotel roon. Big break sa
kanya ang OMG Magazine, mukhang nagustuhan naman ng mga iyon ang shots nila ng mga
co-photographers niya. Dalawang babae lang silang kinuhang photographer. Bukas
naman ay isu-shoot nila ang magagandang view ng resort.

Kinabukasan ay ginanap na ang shooting nila. Napaka-ganda ng mga swimwear ng mga


ito. Iyon siguro ang hindi niya kayang isuot sa harap ng camera. Ang papayat ng mga
modelong iyon, sa totoo lang si Mitch rin lang din ang pinaka-magandang modelo kaya
naman 'di niya mapigilang ma-insecure dito pero mali ang mainggit. Mga moreno at
makikisig naman ang mga lalaking modelo pero sa tingin niya mas gwapo pa rin ang
fiancé niya. Napangiti siya sa naisip niya.

Pinagagalitan din nila minsan ang mga modelo kapag hindi nasusunod ang mga
instructions nila tungkol sa nais nilang pose ng mga ito. Magga-gabi na at salamat
at natapos na rin ang shooting na iyon. Bukas daw ng umaga ay aalis na rin sila
pabalik sa Manila. Kaya naman gusto niyang sulitin ang resort. Nagsuot siya ng
shorts at t-shirt para mag-swimming. Nag-swimming sila ni Jelly, ang co-
photographer niya. Maya-maya ay nagpahinga rin sila sa buhanginan.

"Jo!" nilingon nila ni Jelly ang tumawag sa kanya. Si Mitch iyon, napansin niyang
hindi nito kasama si Jordan. "kumusta ang mga pictures ko? Maganda ba ang mga
kuha?"

"Well, maganda ka naman talaga kaya dapat hindi mo na tinatanong 'yan." Sagot niya
rito. May bahid ng katotohanan iyon, maganda naman talaga si Mitch kaso lang sa
sobrang tangos ng ilong ay parang witch na.

"I'm so glad na marinig 'yan sayo Jo. Thank you ah. Why don't you like to come with
us? May dance party kami doon malapit sa may cottage. All are invited. Tara?"
maarteng yaya ni Mitch. Tatanggi sana siya kaso lang ay um-oo bigla ang katabi
niyang si Jelly.

"Jo, sige na. Ang ga-gwapo ng mga modelo doon. Tara na.." bulong pa sa kanya ni
Jelly. Wala na siyang nagawa kundi sumama sa mga ito. Nagsisisayawan ang mga ito
doon. Siya lang at si Jelly ang naka-white t-shirt, lahat na ng babae ay naka-two
piece. Maya-maya ay may lumapit na kay Jelly para isayaw ito. At hindi rin nagtagal
ay may lumapit din sa kanyang lalaki para isayaw siya. Happy-go-lucky din naman
talaga siya minsan, 'pag may time.

Sumayaw sila ng modelong iyon. Matangkad at moreno iyon kaso lang ay mukhang
playboy pero okay na rin at least gwapo. Maya-maya ay hinapit na siya nito sa
baywang. Nagulat siya roon. Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Akmang hahalikan
siya nito nang may humablot sa kanya palayo roon. Nagulat siya nang mapagtantong si
Jordan iyon.

"What do you think are you doing?" may himig na pinaghalong galit at inis ang tono
ng boses nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Sumasayaw kami. Ano namang trip mo ngayon Jordan?"

"Sumasayaw? Eh naghahalikan na kayo? At ang lapit niyo sa isa't-isa!" hindi niya


maintindihan ang sinasabi nito sa kanya ngayon. Ano naman dito ngayon?

"Naghahalikan? Gusto mong kutongan kita? Maghahalikan palang kami, um-epal ka


lang!" sigaw niya rin dito.

"At magpapahalik ka naman?" pinamaywangan siya nito, bakas ang galit sa mukha nito.

"Eh ano naman sayo?" hindi ito nakaimik agad. Gumalaw ang panga nito.

"At 'yang suot mo! Bakat na bakat 'yang bra mo! Hindi ka ba nahihiya?!" parang
diring-diri ito habang pinagmasdan nito ang kabuuan niya.

"Bakit mo ba ako laging ikinahihiya? Ako naman ang gumagawa ng sarili kong
kahihiyan ah?! Ba't ba ang laki ng issue mo sa buhay? Eh ano naman kung bakat itong
bra ko sa t-shirt ko? Ba't 'yung girlfriend mo hindi mo pagsabihan sa suot niyang
two-piece ngayon? Hindi ka lang antipatiko, pakialamero ka pa! Diyan ka na nga!"
umalis na siya sa harap nito at bumalik nalang sa suite niya at nag-shower. Naiinis
talaga siya kay Jordan. Wala na siyang nagawang tama talaga.

KINABUKASAN ay nag-ayos na ang lahat. Sumakay na siya sa van. Hindi na rin niya
nakita kanina si Jordan at si Mitch. Tinanong rin siya ni Jelly kung sino ang
lalaking humila sa kanya kagabi, hindi niya sinabi rito iyon dahil ayaw niyang
malaman nitong may fiancé na siya at baka makaabot pa hanggang kay Mitch. Hindi
niya alam kung bakit malungkot siya hanggang pag-uwi kahit na nabayaran siya ng
malaki sa service niya. Tinanong niya ang kalagayan ni Fia, umaayos-ayos naman daw
pero minsan ay iniinda pa rin nito ang sakit lalo na kapag ini-injection-an ito sa
dextrose ng gamot.

Umuwi muna siya sa apartment. Matapos kumain ay kinuha niya ang camera, kaka-next
kaka-next ay nakita niya ang mga pose ni Jordan. Napakagwapo talaga ng fiancé niya
pero naiinis siya ngayon dito. Pero nagtataka rin siya kung bakit ganoon nalang ang
inasal nito. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya iyon. Nabigla siya
nang makita si Jordan na nakatayo sa pintuan.

"O anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito. Tumuloy na ito sa loob. Humingi ito
ng tubig, binigyan niya naman ito.

"Let's date." Anito. Nagulat siya sa sinabi nito.

"Ano?! Anong date?"

"Third date! Hindi pa tapos ang usapan natin 'diba?"

"Okay. Ngayon na?"

"Sa isang taon. Malamang ngayon! Kaya nga ako nagpunta dito 'diba?" inismiran niya
ito at pumunta na siya sa kwarto para magbihis. May tuwa sa puso niya dahil magdi-
date uli sila. Masaya siya pero ayaw niyang ipahalata rito dahil baka mag-take
advantage naman ito sa kanya.

Pumunta sila sa isang rock band concert. Nag-enjoy naman silang dalawa kaya
pagkatapos ay hiniling niyang mag-ice cream sila sa isang Ice cream shop. Tuwang-
tuwa siya nang pumayag ito. Nagulat siya nang kumain din ito.

"Ang mahal ng ice cream dito 'no?" aniya habang nilalantakan ang ice cream.

"Hindi naman nakabawas sa yaman ko eh." pagyayabang nito. Umirap siya.

"Yabang mo! Kapag ikaw naghirap-"

"Hindi mangyayari 'yon."

"Hmp! Ipapanalangin ko." Binelatan niya pa ito. Na-amaze siya nang tumawa ito.
Ipapanalangin kong sana tumawa siya nang tumawa..dahil ang gwapo niya kapag
tumatawa, naisip niya pero agad din niyang sinaway ang sarili.

"Kahit ipanalangin mo. May gagawin ka ba bukas?"

"Wala pa. By next week pa ako magiging busy. Bakit?"

"Fourth date natin bukas.."

"Saan?"

"Wala pa akong naiisip."

"May naisip ako. Punta tayo ng zoo.."

"Zoo?! Para ka talagang five years old.."

"Pagpapasensyahan mo na ko Jordan. Hindi kasi ako nakaranas niyan noong bata pa ako
kasi hindi naman ako mayaman tulad mo. Sa TV lang ako nakakakita ng mga animals,
well..noong makilala kita. First time kong makakita ng chimpanzee kaya 'yon, ikaw
ang unang hayop na nakita ko sa personal." Natatawa niyang sinabi dito. Kumunot-noo
ito at pinitik siya nito sa ilong. "aray ko! Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!"

"Hindi kita dadalhin sa zoo bukas kapag inasar mo pa ako."

"He-he, joke lang. Ito naman talaga, 'di na mabiro kahit kailan. Siyempre naman
ikaw yata ang pinaka-cute na fiancé ko. Naks!" aniya tapos sumubo uli ng ice cream.
Inismiran siya nito.

"Kapag ikaw ang nagko-compliment, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo o
maiinsulto eh. Puro ka kasi kalokohan.." tinawanan nalang niya ito. Marami-rami din
silang napagkwentuhan at napagkatawanan.

-------------------------------------------------------------------------------

Ano pong masasabi nyo? Comment po kayo.. :)


####################################
Chapter 5: Your Shoulder To Sleep On
####################################

Chapter 5
DALA niya ang DSLR habang naglalakad na sila ni Jordan sa zoo. Nage-enjoy siya sa
mga animals na nakikita niya. Kumapit siya kay Jordan at pinicturan niya silang
dalawa.

"Oy! Hindi ako ready d'on! Akin na 'yan!" kinuha iyon sa kanya ni Jordan. Maya-maya
ay ito na ang nag-take ng picture sa kanilang dalawa. Kinuhaan siya nito ng mga
litrato kasama ang iba't-ibang mga hayop. Natutuwa siya kahit na medyo natatakot
siya. Ganoon din ito, kinuhaan niya rin ito ng litrato.

Inabot sila ng hapon sa kakaikot. Napakaganda pala dito sa Manila Zoo at


napakaraming hayop na hindi niya pa nakikilalala. Nang makakita siya ng chimpanzee
ay agad siyang nagpakuha ng litrato kay Jordan. Kinuhaan din niya ng litrato ito
doon. Tumawa siya pagkatapos niyon.

"Jordan! Magkahawig na magkahawig kayo ng chimpanzee.. Ha-ha-ha! Alam ko na! May


idea ako kaya kayo magkahawig, sa next life mo isa kang chimpanzee. Naks! Ngiti ka
na diyan!" pang-aasar niya dito. Imbes mainis na naman ito sa kanya ay natawa ito
sa kanya.

"Kahawig mo naman 'yung orangutan!"

"Weehh!" sabay tinawanan niya ito. Maya-maya nang magutom silang dalawa ay kumain
na sila sa nadaang restaurant. Habang sine-serve ang mga pagkain sa kanila ay
natatawa pa rin siya habang tinitignan ang mga kuha nila.

"Patingin naman!" ani Jordan. Ngumiti lang siya dito at hindi iyon binigay dito.
Tumabi ito sa kanya at sabay nilang tinignan ang mga pictures, natatawa naman sila
at nag-aasaran sa bawat kuha nila.

"Ang pangit mo mag-picture..." aniya kay Jordan.

"Aba! Natural, hindi ako photographer, tsaka ang sabihin mo pangit ka talaga!"
hinampas niya ito ng malakas kaya napa-aray ito sabay tumawa. Matapos kumain ay
nagkwentuhan muna sila.

"Gusto ko sa fifth date, mag-mall tayo." Suggest niya rito.

"Mall? Ano namang gagawin sa mall?"

"Wala. Bibilhan mo ko ng mga damit. Tatlong t-shirt lang ang meron ako at dalawang
pants at mga pambahay na 'yong iba."

"Ayos ka ah. Gagawin mo pa akong sponsor mo." tinawanan niya lang ito at 'di na rin
naman ito nag-react pa. Natutuwa siya dahil kahit anong klaseng kabaduyan ang mga
sina-suggest niya ay ayos lang dito.

"Oo nga pala Jonnalyn!-"

"Grabe naman 'to! Maka-Jonnalyn wagas! Jo nalang.." angal niya rito. Tinawanan siya
nito. Natutuwa siya dahil sa wakas ay natutunan na nitong tumawa, hindi laging
naka-irap.

"Oy, nasaan na 'yong bayad mo? Simula noong second date, hindi ka na sa akin
nagbayad."

"Ah ganun ba? Grabe talaga 'to. Basta utang hindi nakakalimot. Eto na, 'di
makatulog!" kumuha siya sa wallet niya ng limang piso at binigay dito.
"Ano 'to?"

"Bayad ko! Oh, hanggang sixth date na 'yan ah. Lugi ka pa?"

"Limang piso?"

"Ay hindi, sampung piso 'yan! Nakikita mo namang limang piso 'diba? Bungol ka ba?"

"Jo? Usapan natin, isang libo ah?"

"Tinanggap mo naman yung piso noong first date ah? Tapos ngayon, ang laki ng angal
mo?"

"Ewan ko sayo!" wala nalang itong nagawa at binulsa iyon. Pagkatapos niyon ay
hinatid na rin siya nito pauwi. Tumuloy naman siya sa ospital matapos magpahinga.
Bumili siya ng mga prutas at pagkain para kay Fia. Bumubuti naman ang lagay ni Fia.
Minsan lumalabas talaga siya ng kwarto nito kapag umiiyak ito sa sakit. Nai-imagine
pa nga lang niya na nirayuma siya minsan ay sobrang sakit na, 'yon pa kayang lahat
ng buto mo ay masakit? Isa pa, naiiyak siya kapag nakikitang sobrang nagtitiis ang
pamangkin niyang iyon. Ang nakuha niyang pera noong engagement nila ni Jordan ay
ipinangpagamot lang iyon kay Fia. Sa lahat ng sakripisyo niya ay hindi siya
nagsisisi dahil para naman iyon kay Fia. Buong buhay siyang magsisisi kapag hindi
niya natugunan ang pangangailangan nito. Naisip niya kasi noong bata pa siya, kahit
naman hindi niya naranas ang pangmayayamang gawain, at least hindi naman siya
sakitin pero ang isang kawawang batang si Fia ay hindi magawa ang makapaglaro dahil
suki talaga ito ng ospital at clinic.

Nag-ring ang cellphone niya. Nagulat siya dahil si Jordan iyon. Sinagot naman niya
iyon.

"Hello, o bakit?" tanong niya rito sa kabilang linya.

"Naisip ko lang magpasama sayo ngayon dito sa supermarket."

"Fifth date?" na-excite niyang sinabi dito.

"Oo. Dapat in ten minutes nandito ka na sa supermarket. Ayokong naghihintay ako."

"Aba, sosyal ka ah! Sige, pupunta ako diyan. Mamumuti muna mga mata mo bago ako
makarating."

"Jo?!" angal nito sa kabilang linya. Pinatayan nalang niya ito. Nagpaalam muna siya
sa nanay niya at kay Fia bago pumunta sa mall. Lakad lang naman ang papunta sa mall
kaso lang medyo malayo-layo rin at wala din namang jeep na nagsasakay ng pasahero
papunta sa mall kaya no choice. Mainit at nakakapagod maglakad. Kundi nga lang si
Jordan ang nagyaya, malamang hindi siya pupunta 'no. What does it mean Jo?
Nagugustuhan mo naman na talaga ang fiancé mo? natural lang sigurong magustuhan ko
ang fiancé ko 'no! Iyon nga lang magtatapos na rin ang relasyon namin kaya dapat
pinipigilan ko din ang nararamdaman ko para sa kanya para wala akong pagsisihan in
the end of time.

Nakarating na si Jo sa supermarket. Namamawis talaga siya dahil singkadan ang araw


kanina habang naglalakad siya. Kulay berde ang nakikita niya at naghahalong dilim
dahil siguro sa init kanina. Hindi niya maaninag kung nasaan na nga ba si Jordan.
Maya-maya ay may lumapit na sa kanya.

"Ang tagal mo! Twenty minutes kitang inantay, tara na nga sa loob!"

"Teka lang! Nahihilo pa ako.."


"Nahihilo ka?" tumango siya. Umalis ito, pagbalik ay binigay nito sa kanya ang
mineral water. Kinilig naman siya doon dahil concern din ito sa kanya.

"Thank you. Tara na!" yaya niya rito.

"Teka, okay ka na ba?"

"Not just okay but very very okay. C'mon?" ngumiti ito sa kanya. Pumasok na sila sa
loob ng supermarket. "ano bang gagawin dito? Wala ka na sigurong mga pagkain sa
fridge mo 'no?"

"Hindi. Sinu-supply-an ako every month doon sa pad ko. Ito, para kay Fia itong igo-
grocerry natin." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nasiyahan.

"Talaga? Naku. Salamat ahh. Tiyak matutuwa 'yon." Nakangiti niyang sinabi rito.

"Oo matutuwa talaga 'yon. Lalo pa at bigay ng favorite Tito niya." Close sina Fia
at Jordan. Dahil likas sa bata ang katangiang malambing, siyempre mana sa kanya.
Natawa siya sa sariling kapritso.

"Pero malulungkot 'yon kapag nalaman niyang maghihiwalay na rin tayo after a little
days. After a little days.. Ha-ha-ha." ngumiti lang doon si Jordan sa sinabi niya.
Ngayon pa nga lang ay nagsisimula na siyang malungkot dahil ngayon pa sila
magkakahiwalay ni Jordan kung kailan naging close niya ito. Naisip niyang baka
naman kino-close lang talaga siya nito para mapadali ang proseso ng separation
nila. Dahil kapag hindi ito naging okay sa kanya ay baka magbago ang isip niya.
Pero hindi naman siya ganoong klaseng tao, meron naman siyang isang salita kaya
dapat lang na magtiwala sa kanya si Jordan na tutuparin nga niya iyon.

Nag-umpisa na silang kumuha ng mga pagkaing paborito ni Fia. At mga fresh fruits at
malulutong ulam para kay Fia.

"Hoy Jo, mamaya agawan mo pa ng pagkain ang pamangkin ko ah." natawa siya doon at
hinampas ito.

"Siyempre makikikain din ako. Alangan naman 'yung pasyente ang sarap-sarap ng mga
kinakain tapos 'yung nagbabantay tira-tira lang, edi ako naman ang nagkasakit
n'on?" umumis sa kanya si Jordan at kumuha pa ng ibang mga pagkain. "alam mo ba? Sa
tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapag-grocerry na puno ang buong push cart na
ito." Natatawa niyang sinabi rito. Dati kasi ay bukod sa maliit na push cart lang
ang ginagamit niya kapag namimili, hindi pa puno iyon.

"Masanay ka na kapag mago-grocerry tayo, lagi ng puno ang push cart." Napangiti
siya roon at hindi napigil ang matawa.

"Bakit? Ilang beses pa ba kitang sasamahang mag-grocerry? Baka first and last na
nga ito eh." iniwasan niya ang mabahiran ng tonong pagkalumbay ang sinabi niya
rito. "anyway, si Mitch? Nagkikita pa ba kayo?"

"Hmm hindi pa sa ngayon, baka next week dahil hectic ang schedule niya ngayon.
Marami siyang ina-attend-an na fashion shows."

"O? Bakit 'di mo siya sinasamahan?"

"Busy rin naman ako sa trabaho eh kaya sabi ko sa kanya, sa susunod ko nalang siya
sasamhan."

"Grabe ka! Ako, nagagawa mong i-date at samahan pero 'yung girlfriend mo. Weeh!
Favoritism.." sabay tumawa pa siya rito.

"Siyempre naman mas importante..mas importante naman 'yung kalagayan ng pamangkin


mo 'no."

"Hmmn. O, paano 'yan? Hindi mo ko sinunod..sabi ko, ipagsa-shopping mo ko sa fifth


date natin pero pinag-grocerry mo lang si Fia." Nakasimangot niyang wika rito.
Tinawanan siya nito.

"Oo nga. Kaya nga tayo nandito ngayon sa mall 'diba? Ibibili nga kita ng mga
damit."

"Talaga?! Wow! Thank you, thank you. I'm so happy!" na-excite siya doon. Naisip
niya ang mga gusto niyang ipabili rito. Lumaki rin siyang walang nag-aarugang tatay
dahil sixteen palang siya nang mamatay ito sa sakit din na bone cancer, kaya nga
naisip niyang dito minana ni Fia ang sakit nitong iyon. Ang totoo niyon, kailan rin
lang din niya natagpuan sa sarili niyang napatawad na niya ng tuluyan ang tatay
niya dahil sa ginawa nitong pambubugbog sa nanay niya at pati sa kanya. Panganay
siya sa dalawang magkapatid. Iyon nga lang ay nauna pang magbuntis ang bunso niyang
kapatid na si Jeanbelle. Sa edad na seventeen ay nabuntis ang kapatid niya. Noong
mga panahon namang iyon ay nineteen siya.

Naglakad na sila palabas ng supermarket. Dineposit muna nila sa baggage counter ang
mga ipinamili nila para hindi sila mahirapang magbitbit. Pumunta na sila sa mga
boutiques para pumili ng mga damit na gusto niya. Maayos naman siyang pumili ng mga
damit, pinilit rin siya nitong bumili ng dress pero hindi siya nito napilit dahil
bukod sa ayaw niya ay hindi rin naman sa kanya babagay. Kaya naman mostly pants and
blouses ang binili niya. Pagkatapos makapamili ay binalikan na nila ang mga
dineposit nilang grocerries sa counter at saka sumakay na sa sasakyan.

"Uy Jordan, salamat ah. Ang tagal-tagal ko ng hindi nakakapamili ng damit. College
palang ako noong huli akong makabili ng damit na bago kaya naman thank you talaga."

"Walang anuman. Kapag magaling na si Fia, isama natin siya dito sa mall para
mabilhan din natin siya ng mga gusto niyang damit at mga laruan." Natuwa siya doon.

"Talaga? Pero walang 'natin', ikaw lang..kasi wala naman akong perang pambili eh."
tumawa ito sa kanya.

"What's mine is yours kaya mayroong 'natin'." Di niya mapigilang matawa doon at
kiligin pero nagtaka din siya sa sinabi nito.

"Sa ngayon, what's yours is mine pero kapag nagkahiwalay na tayo. What's yours is
no longer mine. Tama ba?"

"Pwede. Tara na, gusto ko ring makita si Fia at makausap."

"Sige." Nag-umpisa na itong mag-drive. Pinigilan niya ang sariling malungkot na


naman. Sa ilang araw na nakakasama niya si Jordan, binabawi na niya ang masasamang
paratang niya rito na antipatiko at mayabang ito. Dahil ngayong nakasama na niya
ito, asset nalang nito ang pagsusungit at pagyayabang at times pero hindi rin naman
siya nito ginagantihan at pinipikon dahil hindi ito lumalaban sa kanya. Ramdam
niyang pinipigilan nitong sumagot sa kanya dahil alam din naman nitong wala itong
magiging panama sa kanya. Natawa siya sa naisip niya. Tumingin siya kay Jordan,
kumunot-noo ito.

"Jordan, naisip ko lang itanong. Alam mo naman sigurong sinasadya kitang asarin,
ipahiya, bakit hindi mo pa rin ako pinapatulan?"
"Ahh. I just don't want to disrespect any woman because my mother is a good woman."
Napangiti siya roon. Tumaas na naman ang tingin niya kay Jordan sa sinabi nito.
Hindi lang ito basta gwapo at mayaman, may angking talino ito at kabaitan. Bigla
tuloy siyang nakaramdam ng selos nang maalala niya si Mitch na mahal na mahal ni
Jordan. Maganda ito, modelo, mayaman din, friendly naman at higit sa lahat ito
talaga ang babaeng gustong pakasalan ni Jordan. Tumingin siya kay Jordan na focus
ang mga mata sa daan. Huminga siya ng malalim at pilit nalang na ngumiti.

"Iyon lang itatanong mo Jo?" binalingan niya uli ito. Tumango siya at ngumiti dito.
"ikaw? Bakit mo naitanong bigla 'yon?"

"Ahh nagtataka lang dahil kahit noon pa man kapag inaasar kita, asarin mo man ako
pero light lang. Sadya bang pinipigil mo ang sarili mong itodo ang pang-aasar sa
akin?"

"Hindi ah. Talo lang talaga ako sayo."

"Weeh? Iba kasi 'yong talo, sa nagpapatalo."

"Talo talaga ako, promise."

"Hmmn. Talaga lang ah?" ngumiti lang ito. Alam naman talaga niyang nagpapatalo lang
ito eh. Para din talaga siyang baliw eh 'no? Patanong-tanong pa siya kay Jordan,
alam din naman pala niya 'yong sagot. Wala lang, gusto niya lang na manggaling
mismo rito ang sagot. Kaso lang ay sadyang in denial ito eh.

Nakarating na sila sa ospital. Natutuwa naman si Fia habang kausap si Jordan. Ito
rin ang nagpakain dito ng cereals. Natutuwa rin ang nanay niya habang pinagmamasdan
ang mga ito. Pwede na kasing maging tatay talaga si Jordan sa istilo nito eh.

"Jo, kailan niyo balak magkaanak na ni Jordan?" natawa naman siya sa tanong ng
nanay niya na katabi niya lang sa couch.

"Ma? Hindi kami magkakaanak ni Jordan. Alam mo namang, pilitan ang kasal na naganap
sa amin eh. Hindi talaga ako ang gusto ni Jordan."

"Pero gusto mo naman ba siya?" nakagat niya ang ibabang labi niya sa biglaang
tanong ng nanay niya. Umiling siya habang itinago ang pamumula ng pisngi niya.

"Hindi Ma. Wala rin naman akong gusto sa kanya." Pagsisinungaling niya rito.

"Sana lang totoo 'yang sinasabi mo ah. Baka naman, tulak ng bibig, kabig ng
dibdib." Natawa siya roon, minsan niya lang marinig uli ang classic quotation na
iyon pero akmang-akma talaga sa kanya. Sabagay, sabi nga ng marami. Malakas daw
talaga ang intuition ng mga nanay dahil doon daw nanggaling ang mga anak nito.
Tuwing naiisip niya nga ang bagay na iyon, naiisip niya kung gaano kagaling ang
Diyos dahil sa mga milagrong iyon.

"Mama naman.."

Habang nagkakatawanan sina Jordan at Fia, bigla nalang umiyak si Fia dahil may
parte na naman ditong sumakit dito kaya nagpatawag agad sila ng nurse. Lumabas siya
ng kwarto, ayaw niyang marinig ang sobrang pag-aray na naman ng pamangkin niya.
Napaiyak nalang siya. Sumunod sa kanyang lumabas si Jordan.

"Bakit ka umiiyak?"

"Lagi naman akong umiiyak eh kapag uma-aray na siya ng ganyan. Mahal na mahal ko
ang pamangkin kong 'yan, at napakasakit sa akin na makita siyang nahihirapan ng
sobra. At ayokong makita niya akong mahina sa mga oras na pinipilit niyang lumaban
kaya lumalabas ako ng kwarto." Aniya sa gitna ng paghikbi. Niyakap siya ni Jordan.
Nakaramdam siya ng libo-libong kuryenteng dumaloy sa mga ugat niya. Pero nakaramdam
din siya ng safety and warmth sa bisig nito.

"Okay lang 'yan Jo. Kaya nga gusto kitang isama sa labas para ma-relax ang isip mo
at hindi ka laging umiiyak." Pinatahan siya nito. Umupo na sila sa mga upuan doon.
Pinunasan niya ang luha niya.

"Salamat Jordan."

Buong araw na nagbantay sila kay Fia, kasama niya si Jordan. Alas-siyete na pero
hindi pa rin ito nagpapahinga.

"Jordan, alam kong busy ka rin sa trabaho mo. Okay lang naman ako, nandito naman si
Mama eh. Umuwi ka na at magpahinga."

"Okay lang ako Jo. 'Wag mo kong alalahanin. Ang importante mabantayan..natin si Fia
tsaka ikaw..mabantayan na rin kita, mamaya bigla ka nalang mag-collapse diyan.
Kawawa naman si Mama, dalawa na ang magiging pasyente niya." Natawa siya doon.

"Bahala ka diyan ah. Basta kapag gusto mo ng umuwi, okay lang. You're free to go."

"Eh ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga?"

"Nako, in three years na may sakit si Fia, wala na sakin ang pahinga."

"Paano kung ikaw naman ang magkasakit niyan sa ginagawa mo?"

"Edi sana matagal na akong may-sakit?"

"Matigas din ang ulo mo 'no? Matulog ka nga muna. Nangangalumata ka na."

"Saan naman ako matutulog?"

"Sumandal ka na sakin."

"Huh? Ako? Sasandal?" wala na siyang magawa nang ilagay nito ang ulo niya sa
balikat nito. Ang bango-bango nito kaya hindi niya naiwasan ang mapangiti.

"Matulog ka ah. H'wag ka ng madaldal diyan."

"Okay po." Pagkatapos niyon ay pumikit na siya at nahila nga talaga siya ng antok.
Pagkagising niya ay nasa bisig pa rin siya ni Jordan. Nakapikit na rin ito. Naka-
akbay ito sa kanya kaya naman kinikilig talaga siya. Tinignan niya ang relo niya.
Alas-diyes na pala ng gabi. Tatlong oras na din pala ang naitulog niya. Pinagmasdan
niya ang mukha ni Jordan, napaka-gwapo niyon at walang sinabi ang mga nakita niyang
ibang lalaki sa buhay niya. Sinandal niya ito sa balikat niya. Naamoy niya ang
mabangong buhok nito. Hindi niya napigilan ang sarili niya nang dampian niya ng
halik ang noo nito. Kinilig siya roon. Hindi nalang basta pagkagusto ang
nararamdaman niya kay Jordan, isa na itong 'love' na tinatawag ng marami. Kasalanan
niya kung bakit nahulog ang puso niya rito dahil pinabayaan din naman niya ang
sarili niyang tuluyang mahulog ang loob dito.

Hindi niya alam kung magsisisi ba siya na tapusin na ang lahat-lahat sa kanila
gayong parang ayaw na niya itong mawala sa tabi niya. Siguro naman ay kaya niya.
Kung hindi rin naman kasi niya in-offer dito ang separation nila ay hindi rin naman
sila magkakasamang dalawa kaya hindi niya pwedeng sisihin si Jordan sa nararamdaman
niya para dito dahil choice niya iyon.
Ilang minuto pa ay nagising bigla si Jordan.

"O? Bakit ako na 'yung nakasandal sayo?" tanong nito.

"Ewan ko sayo. Pag-gising ko nakasandal ka na sakin eh." pagsisinungaling niya


rito. Titignan niya lang naman kung ano ang magiging reaksyon nito. Nanlaki ang mga
mata nito.

"Ganon ba? Sorry. Inantok lang talaga ako. Pasensya na talaga Jo."

Tumawa siya rito. "paalok-alok ka pa sa balikat mo, ikaw naman pala 'tong inaantok
talaga. Aminin mo, naka-katol ka 'no?" tumawa ito sa kanya. "joke lang, nagising
ako bandang alas-diyes, nakasandal ako sayo tapos nakita kong tulog ka kaya naawa
ako sayo, naks naawa! Kaya 'yon sinandal kita sa balikat ko. Be thankful nalang at
mabait ako. Ha-ha-ha!" inismiran siya nito pagkatapos ay ngumisi.

Alas-tres na, naisip nilang kumain ng cup noodles. Napagkwentuhan nila ang tungkol
sa mga business nito. Isa pala itong automobile designer sa Versace Corporation .
Ang kapatid nitong si Donnalyn ay equestrienne, problemado din ang Mommy at Daddy
nito dahil ayaw tumigil sa sports na kinahihiligan nito at ayaw ding tumulong sa
mga business nila.

"Hayaan niyo na kasi si Donna, malaki na 'yon. She knows what she's doing."

"Ayan! Pareho kayo ng isip. Kaya kapag nasa bahay ka at nagkakataong nandoon din
siya, talaga namang tuwang-tuwa 'yon dahil lagi mong pinagtatanggol kay Mommy.
Naku, ewan ko sa inyong dalawa!" napangiti siya roon. Gustong-gusto siya ni Donna
dahil kinakampihan niya ito. Tama lang naman na mag-enjoy ito sa buhay dahil life
is short to get bored with damn businesses. Naalala niyang sa kanya ito nago-open
up ng mga hinaing nito sa bahay at mga heartaches nito sa mga past boyfriends, ina-
advice-san naman niya ito tungkol sa mga lalaki na 'wag masyadong magpaka-seryoso
dahil ang lalaki hindi rin naman seryoso, they love to play kaya okay lang na maki-
ride sa kanila pero 'wag masyadong seryoso.

"Naku, mabuti na nga lang at hindi siya nagmana sa Kuya niyang stressed at
depressed sa buhay. Hayaan mo na si Donna, she knows her limits at matalinong bata
ang kapatid mo. Alam niya kung kailan niya titigilan ang isang bagay. You'll see
one day, mas matagumpay pa siya kaysa sayo sa business world kaya tama na ang
kasisita niyo kay Donna, mamaya magrebelde lang 'yon."

"Kaya nga hinahayaan ko na siya sa mga gusto niya eh. Si Mommy lang kasi, siyempre
ninenerbyos 'yon kada may horse race na sinasalihan si Donna." Natawa nalang siya
doon. Hanggang mag-alas siyete, niyaya naman siya ni Jordan magpunta sa park.
Sinabi niya rito, bago mag-alas dose dapat ay makabalik na sila sa ospital dahil
may pupuntahan ang mama niya.

Malapit sila sa may bay. Uminom ito ng beer at siya naman ay lemon juice lang.

"I don't know yet your story Jordan. Magkwento ka nga.." at saka siya sumimsim ng
lemon juice.

"I don't know how will I start. Magtanong ka nalang."

"Hmm tapos ka ng Business degree?"

"No."

"No? Eh ano pala?"


"Medicine. Isa akong surgeon at oncologist." Mahusay pala talaga ito kung ganoon.

"Oh! Eh, bakit ka nasa automobile?" hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Mukha
kasi itong baliw, mas ginusto pa nitong mag-business kaysa magtrabaho sa ospital.
Propesyon naman nito iyon. Ngayon na-realize na rin niya kung bakit matalino rin
ito dahil masyado palang mataas ang pinag-aralan nito.

"I'm not enjoying my profession anymore.." bumagsak pa ang mga balikat nito, animo
ay nawalan ng gana.

"Huh? Sayang naman 'yon, ang laki kaya ng kinikita ng mga doktor, lalo na kung
surgeon at oncologist pa. Kung ako kasing talino mo, aba! Kukuha din ako ng doktor
'no, kaso lang sadyang creative lang ako at pang-arts lang ang kinaya ng utak ko
eh, kaya 'yon." Natatawa niyang sinabi rito. Kumibit-balikat ito. Tinapos na nila
ang pagkain ng noodles.

"Gaya mo lang naman ako 'diba? Isa ka ring underemployed. Hindi mo ginagamit ang
pinag-aralan mo. Fine arts ka pero photographer ka. Tulad ng rason mo siguro, you
wanna experience something else, you wanna go out from your comfort zone."

"Actually hindi ganoon ang rason ko Jordan. I'm not underemployed right now because
I'm not anymore enjoying my profession. Nagpe-paint pa rin ako as my part time. If
I'm not dating you, malamang nagpe-paint ako para ibenta iyon sa mga shops at
museums. Photography is also my part-time job. Wala naman akong permanent job eh,
basta kumita ako ng malaki para may pang-suporta ako kay Fia. Iba ka, at iba ako."
huminga siya ng malalim pagkatapos sabihin iyon.

"I'm sorry."

"I know that there's still reason behind your sudden leave in your profession. Ba't
hindi mo sa akin sabihin? Mapagkakatiwalaan naman ako kahit na loka-loka ako
minsan." Nakangiti niyang sinabi rito. Ngumisi naman ito.

"Oo loka-loka ka talaga pero 'di ka lang painter at photographer, magaling ka rin
palang manghula. Now, guess what kung bakit nga ako umalis sa propesyon ko?"

"Hmmn. There's something in your eyes na nagsasabing parang natatakot ka. I'm maybe
wrong and I'm not exactly sure about it. Sabihin mo na, paguess-what-guess-what ka
pang nalalaman. Dali na! We're running out of time.."

"Bakit may lakad ka ba?"

"Jordan, ang baho na ng hininga ko kaya bilisan mong magkwento!" natawa ito sa
sinabi niya.

"Okay. Baliw ka talaga kahit kailan. So, ganito 'yon. Bago pa tayo i-engage,
tumigil na ako sa pagdu-doktor. Minor reason, natatakot na ako. Main reason, may
isang batang pasyente ako na napatay."

"Ha? Napatay? As in murder? Omg!" she cupped her mouth in a big surprise.

"Hindi. Ano ka ba! Mukha ba ako murderer? Sinabi ko lang na nakapatay ako dahil
hindi ko nailigtas ang batang pasyente ko sa isang bone cancer. Late na kasi noong
dalhin siya sa ospital, first time mangyari sa akin 'yon. All of my patients, they
survived in cancer pero not that young one. I came in so much depression, dumating
sa point na hindi na ako pumupunta sa ospital, hanggang natagpuan ko ang sarili
kong ayoko ng pumasok sa ospital bilang doktor. Walang nakapigil sa akin. Kaya
napunta ako sa propesyon na hindi ko rin naman gusto pero wala rin akong choice."
Tumango-tango siya sa kwento nito. Kumibit-balikat ito at bumuntong-hininga.
Naiintindihan na niya ito ngayon.

"Kaya pala. Pero hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin napapatawad 'yang sarili mo?"

"I'd forgiven myself pero still the guilt kept on creeping inside of me. And I have
nobody to be blamed, but myself." Yumuko ito. Nalungkot siya para dito. Hindi
talaga ganoon kasimple ang propesyong medisina kaya naman labis ang paghanga niya
sa mga doktor na tulad nito. Pero nakakalungkot lang isiping dahil sa isang
insidente, maraming mga pasyente ang hindi na niya matutulungan.

"Pero 'di mo naman sinasadya eh. I'm sure you did your best, malay mo it's God's
will na kunin na siya dahil tapos na ang misyon niya. Naisip mo ba, pagkatapos ng
ilang taon na hindi ka na naging doktor, maraming buhay ka pa sanang nailigtas. I
know that child was happy with the love of God right now."

"How can you say that so? Galit siya sa akin dahil hindi ko siya nailigtas."

"Jordan? Hindi ganoon. 'Wag mong itanim 'yan sa utak mo. People made mistakes, at
hindi mo kasalanan kung time na niya. Nobody can stop it except God."

"Hindi mo ako naiintindihan Jo." Tumayo na ito sa upuan at kahit anong tawag niya
rito ay hindi na ito bumalik pa. Bumuntong-hininga nalang siya. Anong gagawin niya
ngayon? Mukhang na-offend yata sa kanya si Jordan. Kailangan niyang mag-sorry dito.

-----------------------------------------------------------------------------------
-

comments & recommend to your friends.


####################################
Chapter 6: I'm Paid Till Our Sixth Date
####################################

Chapter 6

"SAAN ka pupunta Jo?" agap ng nanay niya sa kanya.

"Ah pupunta ko muna si Jordan, mukha kasing nagalit siya sakin kanina eh. Hindi
maatim ng konsensya ko."

"Hay nako, ikaw talaga lagi mo nalang pini-perwisyo si Jordan. O siya, bilisan mo
at bumalik ka rin agad dito."

"Sige po Ma. Una po muna ko." Lumabas na siya ng kwarto at bumaba na ng hagdan.
Naisip niyang bumili ng peace offering para kay Jordan. Bumili siya ng mga cookies
para dito. Pumunta siya sa pad nito, pinapanalangin niyang sana ay nandoon ito. Ang
nagbukas sa kanya ay si Mitch. Patay! Itinago niya sa likuran niya ang cookies na
dala niya.

"O, Jo? Bakit nandito ka?" tanong nito sa kanya. Pinasadahan niya ang kabuuan nito.
Magulo ang buhok nito, kalat-kalat ang lipstick nito at mascara. Mukhang katatapos
lang ng mga itong mag-alam-niyo-na. "si Jordan ba ang sadya mo? He's taking a bath.
Pasok ka muna kaya."

"Ahh hindi nalang 'no? Hmm, may sasabihin lang sana ako sayo tungkol sa..hmm..may
business kasi kaming dalawa. Ahh.." talaga lang Jo ah? Ano bang business niyo? Mga
special appointments sa complete separation?

"Sino 'yan hon?" narinig nila ang boses sa loob ni Jordan.

"Ahh hon, nandito si Jo. May business pala kayo, you didn't tell me about it. May
sasabihin daw siya sayo tungkol doon." Lumapit sa kanila si Jordan. Naka-kunot noo
ito nang tingnan siya. Nag-umpisa na siyang pangimihan sa mga titig nito. Pumasok
na muna sa loob si Mitch.

"May sasabihin ka daw? Ano 'yon?" tanong nito. Lumunok siya at nag-ipon ng lakas ng
loob.

"Ahmm," yumuko siya at inabot dito ang cookies. "peace offering about sa mga nasabi
ko kanina. Sorry talaga Jordan. H-hindi ko nga siguro talaga alam ang mga
pinagdaanan mo sa propesyon mo, kaya nagpunta ako para personal na humingi ng
paumanhin."

"Okay. You're forgiven. Pwede ka ng umalis." Parang dinurog ang puso niya sa tono
ng pagpapaalis nito sa kanya. Para siyang pusang itinataboy nito. Napakasakit kaya
nagsimula na siyang maglakad. Pero hindi niya napigil ang sarili. Lumingon siya
rito, nandoon pa rin naman ito at nakatingin din sa kanya.

"Jordan, bayad ko hanggang sixth date natin.." hindi niya alam kung bakit niya
sinasabi iyon. Basta nalang iyon lumabas sa bibig niya. Feeling niya ang kapal ng
mukha niyang sabihin iyon dito pero hindi niya mapigil talaga ang sarili. Parang
sasampalin niya ang sarili niya kapag hindi niya iyon sinabi.

"So what do you mean?"

"Ahmm..alam mo naman siguro 'diba? Kasi, sayang 'yong piso ko eh. You know how I
value my money." Natawa ito sa sinabi niya. Lumapit ito sa kanya. Kumabog ng
mabilis ang dibdib niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya. Bakit ganito ang
nararamdaman ko? Bakit parang lalong tumitindi?

"Nakita mo naman sigurong nandito si Mitch 'diba? If you value your money, I also
value the one I loved. Ako ang magsasabi kung kailan kita gustong i-date tutal
naman, tuloy-tuloy ang sustento ko kay Fia, 'diba?" nasaktan uli siya doon. Nado-
double kill na ang puso niya kaya tama na sigurong itigil na niya ang pangungulit
dito. Tumango siya.

"Oo, tama ka. Ikaw ang magsasabi. Pero, 'wag mo sanang kakalimutan 'yon..."
tumingin siya sa mga mata nito. "Yung date. Sige, mauna na ako." tumalikod na siya.
Unti-unti parang hinihiwa ang puso niya.

"Mag-ingat ka." Napahinto siya. Narinig nalang niya ay bumalik na ito sa pad nito.
Ang sakit pala kapag na-reject ka ng taong mahal mo. Pagbalik niya ay inusisa naman
siya ng nanay niya, sinabi naman niyang nagkaayos naman sila ni Jordan pero
siyempre hindi niya ikinuwento ang buong pangyayari. Malungkot lang siya buong
maghapon dahil wala man lang ngang text si Jordan sa kanya. Siguro ngayon ay masaya
ito kasama si Mitch, habang siya feeling Cinderella na hinihintay ang prince
charming, pero siyempre isa lang naman siyang assumerang palakang Cinderella.

Naisipan niyang tawagan ang kaibigan na si Riri. Sa wakas, sa pang-apat na tawag


niya rito ay sinagot na nito iyon. Naliligo daw kasi ito kaya hindi agad nasagot
ang tawag. Ito lang ang tanging kaibigan niyang sinasabihan at kinukwentuhan niya
ng lovelife niya at demands sa buhay. At ito lang ang nahihingahan niya ng problema
simula noong elementary palang sila.

"Ri, feeling ko may umusbong eh." aniya habang nasa labas siya ng kwarto ni Fia.
Ito rin kasi ang may alam na crush niya ang fiancé niya. Hindi siya nagde-deny ng
kahit ano rito, para na niya itong diary kung mag-emote dito.

"Anong umusbong? Klaruhin mo nga! Babatukan kita riyan Jo eh!"

"Alam mo na, kay Jordan. Nagde-date nga kami 'diba? Nakwento ko na sayo 'yon?
Confirmed na ang feelings ko para sa kanya. Namomroblema ako ngayon."

"Huh? Edi 'wag mong pirmahan 'yong kontrata niyo para 'di siya makawala sayo."

"Ano ka ba naman! Nakakahiya naman sa tao 'no! Mamaya isipin niya pang mukha akong
pera. Isinaalang-alang ko pa ang pagpirma ko sa hiwalayan namin tapos wala naman
pala akong isang salita. Kilala mo naman ako Ri eh, kahit loka-loka ako, may one
word naman ako."

"O? Eh ba't mo kasi hinayaang mahulog ang loob mo kay Jordan? Nako Jo! Problema
talaga 'yan! Dapat kasi, 'di mo nalang hinayaang mag-date kayo eh." kinuwento niya
rito ang nangyari sa pad kanina ni Jordan. Nagulantang ito at sinermunan siya dahil
parang siya ang naghahabol kay Jordan ngayon.

"Mamaya, i-take advantage ka niyan kapag nalaman niyang gusto mo na siya ngayon. At
hindi lang gusto, kundi mahal. Nako, Jo. Mag-isip ka nga. May girlfriend na tao
'yon kaya imposibleng magkagusto siya sayo. Alam mo namang simula't-sapul hindi na
talaga maganda ang timplada sayo niyan ni Jordan eh. Tsaka, narinig mo naman
sigurong si Mitch ang gustong pakasalan ng fiancé mo 'diba? Nako, I know how
scandalous you are pero 'wag kang maninira ng isang magandang relasyon. I'm warning
you.." huminga siya ng malalim. Wala naman siyang balak na agawin si Jordan kay
Mitch. Pero paano naman siya?

Natapos na din ang pag-uusap nila ni Riri. Yumuko lang siya habang iniisip ang
tamang gawin para palisin ang nararamdaman para kay Jordan. Tama, aalisin ko na sa
isip ko si Jordan. Naku, mahihirapan talaga ako.. Hinde. Kaya ko 'to. Jo? Kaya mo
'yan!

Nang mag-angat siya ng ulo ay nagulat siya sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Si
Jordan iyon. Anong ginagawa nito rito? Paano ako makaka-move on niyan eh malayo
palang siya, parang mabilis pa sa kabayo kung tumibok itong puso ko? Hinawakan niya
ang puso niya, sang-ilang pisilin niya iyon para tumigil sa pagtibok ng ganon eh.

"Ahh..a-anong ginagawa mo rito? Natutulog pa si Fia, kung bibisitahin mo siya."


Inayos niya ang buhok niya at umupo ng maayos. Tumabi ito sa kanya.

"Ba't nandito ka sa labas?" tanong nito sa kanya. Hindi na niya ito magawang tignan
dahil hindi niya mapigilan ang sariling mapatunganga dito at maumid.

"Hmmn, may iniisip lang ako. Ikaw? Bakit nandito ka?"

"Gaya ng sinabi mo, bibisitahin ko sana si Fia kaso nagpapahinga pala. Halika,
wanna go out?" tumingin siya rito. Naka-half smile ito. Ngumiti siya rito. Hindi
niya siguro kayang tanggihan iyon. Tumango siya.

Pumunta sila sa club resort ng mga ito. Sobrang luwag niyon at malaki na rin ang
ipinagbago buhat noong idaos ang engagement venue roon.

"Gumanda lalo itong Club Resort niyo."

"Talaga? Dito dinaos 'yong engagement natin 'diba?" tumango siya. Lihim siyang
napangiti nang malamang tine-treasure din nito kahit papaano ang ala-alang iyon.
"Akala ko 'di mo na naalala." Natatawa siya habang sinasabi iyon.

"Hindi ko naman makakalimutan 'yon eh. First engagement ko 'yon eh, lahat ng first
sa akin ay 'di ko nakakalimutan. It became one of the highlights in my life kahit
ayoko." Nakagat niya ang labi niya sa sinabi nito. Sinasaktan talaga siya nito mula
pa kanina, actually naki-killing spree na talaga ang puso niya. Dinaan nalang niya
iyon sa ngiti.

"Ah oo. We both hate each other.." tatawa-tawa niya kunwari habang inaalala ang
masayang araw na iyon sa buhay niya. Tama nga ang sabi nila, you don't appreciate
one moment until it becomes a memory.

"Before." Tumingin siya rito. Tumawa siya roon ng mapakla.

"Before? I guess hanggang ngayon." Dahil hindi mo ako papayagang makipaghiwalay


sayo kung nagbago na nga ang pagtingin mo sakin Jordan.

"Hindi na 'no. Close na tayo eh. Parang friends na tayo 'diba?" tumango siya roon
at tinanggap ang katotohanang friends kami. Alright.

Pumasok sila sa bar. Binati ito ng mga babae at lalaki roon. Eksklusibo ang club na
iyon, para lamang sa mga mayayaman. Pero siya, isa siya sa maswerteng naipasok doon
dahil wala naman siyang pera eh. Umupo na sila, medyo malayo sa karamihan.
Nagpakuha ito ng wine at siya naman ay melon juice.

"Did you have boyfriend after our engagement?" tanong nito. Umiling siya. Halatang
nagulat ito. "bakit? Napaka-faithful mo naman pala sakin." Tatawa-tawa nitong
sinabi.

"Hindi ah. Kahit naman noong hindi pa tayo engage, matagal na akong walang
boyfriend n'on eh kaya 'wag ka ngang assume-mero diyan!" inirapan niya ito. May
bahid ng katotohanan iyon, pero hindi na rin naman talaga niya naibaling ang
atensyon niya sa iba noong unang-una niya itong makilala eh. There's something in
him na hindi niya mahanap sa iba, and that something-she's secretly in love with
Jordan.

"Bakit naman? Why didn't you try? May phobia ka ba?"

"Wala ah. Nasisiyahan pa rin naman akong maging single eh. I never stop loving
someone, I just learn to live without boys. Mabuti na nga lang at engage ako sayo
eh, kahit na ba hindi ko gusto 'diba?" muntik na niyang makagat ang dila sa sinabi
niya. Mukhang buong sistema niya ay hindi naki-sang ayon sa sinabi niya. "Well,
siguro, pagtatawanan ako ng mga colleagues ko kapag nalaman nilang wala akong
boyfriend or hindi pa ako lumalagay sa commitment."

"Eh paano 'yan kapag naghiwalay na tayong dalawa?" naisip niya iyon. Nalungkot na
naman tuloy siya. Siya rin naman kasi ang gumawa ng ikasasama ng loob niya eh.

"Hindi ko ipapaalam sa kanila, pero once na malaman nila..okay lang. Eh ano naman?
Pwede naman akong humanap pa kapag nag-thirty na ako eh."

"Thirty? Thirty years old mo pa balak lumagay sa commitment?" tumawa siya roon.

"Hmmn, hindi naman sa ganon pero naisip ko lang na may magkakagusto pa rin naman
siguro sa akin kapag thirty na ako."

"Paano kung wala na?"

"Imposible naman yata 'yon. Sa ganda kong 'to." Binuntutan niya pa iyon ng tawa.
Inismiran siya nito. Mami-missed niya ang mga style-style nito na ganoon once na
magkahiwalay na sila. Hindi na ito nagsalita pa kaya naisip niyang basagin ang
katahimikan sa pagitan nila.

"Ako ba ang kukunin mong bride's maid kapag kinasal ka na kay Mitch?" tinawanan
siya nito. "o bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi ako ang kumukuha ng bride's maid, best man ang kinukuha ko. Sabagay, pwede
ko rin namang kuhanin kang best man ko dahil may pagka-boyish ka naman at times."

"Oy grabe! Kahit na boyish ako, naka-lip gloss at lipstick pa rin naman ako 'no.
Sino ang kukunin mo? Si Vash o si Dominic?"

"Wala sa kanilang dalawa."

"Grabe? I thought bestfriends mo sila?"

"Oo nga. Hindi pa naman ako magpapakasal kaya ayoko munang isipin."

"Hmmn, sabi mo papakasalan mo na si Mitch right after matapos kong pirmahan ang
kontrata?"

"Ano? May sinabi ba ako? Wala ah."

"Wala kang sinabing pakakasalan mo si Mitch?"

"Meron, pero 'di ko sinabing pakakasalan ko siya agad-agad."

"Ahh, edi 'wag ko muna palang pirmahan 'yong kontrata kung 'di ka pa pala
magpapakasal?"

"Ano? Pero, usapan natin 'yon. Kaya nga sinusustetuhan ko si Fia 'diba?" nalungkot
siya doon dahil gusto na talaga nitong magkahiwalay sila.

"O sige na nga, 'wag nalang kaya nating tapusin pa 'yung three dates left?
Pipirmahan ko na 'yong separation pero itutuloy mo pa rin 'yong sustento kay Fia,"

"Hindi. Utang mo sa akin 'yong mga dates na 'yun 'no. Kaya 'wag ka ngang nakikialam
sa mga desisyon ko tungkol sa mga dates natin."

"Okay po." Tumahimik na siya pagkatapos niyon. Hindi niya maintindihan si Jordan.
Gusto ng mapirmahan ang kontrata pero gusto pa rin siyang i-date. Binibilog yata
nito ang ulo niya eh. Uminom siya ng melon juice.

"Ite-text kita mamaya kung kailan ang seventh date natin." Tumango siya. Masaya
naman siya dahil tuloy ang susunod na date nila.

-----------------------------------------------------------------------------------
----

####################################
Chapter 7: The Most Flurry Moment
####################################

Chapter 7
BUONG gabi niyang hinintay ang text ni Jordan pero wala pa rin hanggang ngayon.
Gusto niyang malaman kung kailan niya ulit ito makikita. Naging okay naman ang pag-
uusap nila sa club resort nito kaya hinatid pa siya nito hanggang ospital at
nakipag-usap pa kay Fia. Maya-maya ay nakaramdam siya ng jolt feeling nang
maramdaman ang vibration ng cellphone. Agad niyang kinuha iyon. Si Jordan na nga
ang nagtext. Kulang nalang ay mapatalon siya sa tuwa nang sabihin nitong bukas din
sila magkikita.

Kinabukasan ay nagbihis siya. Isa iyon sa mga damit na ipinamili nila sa mall.
Bagay na bagay sa kanya ang navy blue sleeveless blouse at leggings. Inayos niya
rin ang buhok niya. Umaabot lang ng hanggang balikat ang buhok niya at shiny naman
iyon sa pagka-itim. Sinuot niya ang hikaw niya, nakita niya ang engagement ring
nila ni Jordan. Napangiti siya at isinuot iyon sa daliri. Bagay na bagay talaga sa
kanya ang emerald ring na iyon. Naisip niya nga rin na ibenta iyon dahil sa
nangyari kay Fia pero iyon yata ang hindi niya kayang gawin. Mas gugustuhin niya
pang mangutang kaysa ang isanla iyon o ibenta, walang katumbas ang singsing na iyon
kahit pa milyon ang halaga niyon.

Maya-maya ay may nag-beep na sa labas ng bahay nila. Dali-dali siyang bumaba kaso
lang ay hindi niya napansin ang isa pang paghahakbangan kaya tuloy-tuloy siyang
bumagsak. Napahiyaw siya at nagsimula ng kumirot ang balakang niya, naramdaman niya
pa na parang napilay ang kaliwang paa niya. Napapikit siya sa sakit na dinulot
niyon. Narinig niyang kumalabog ang gate nila, pumasok sa loob si Jordan, bakas ang
pag-aalala sa mukha nito. Agad siyang nilapitan nito.

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong nito. Ininda niya ang balakang at paa
niya. Hindi na siya makagalaw.

"P-paano kang nakapasok? Naka-lock 'yung gate namin ah?"

"Mas iniintindi mo pa kung paano ako nakapasok kaysa 'yang sarili mo?! Wala ka
talaga sa ayos Jo, kahit kailan! Halika nga rito!" dahan-dahan siyang binuhat nito.
"akala mo ang gaan mo..ang bigat, grabe!" iniupo na siya nito sa sofa nito. "ano
ang masakit?"

"Yung balakang ko sobrang sakit, kumikirot. Tapos, 'yung paa ko 'di ko na


maigalaw." Naluluha niyang sinabi.

"Dadalhin na kita sa ospital." Hindi na siya nagsalita nang buhatin na siya nito
papunta sa sasakyan nito. Sinabihan niya itong i-lock muna ang bahay nila. Ginawa
naman nito iyon kahit na nagagalit na ito sa kanya dahil mas iniintindi pa niya ang
bahay kaysa sa kalagayan niya. Nalaman niyang tinadyakan nito ang gate nila kaya
ayun! Sira ang gate nila. Sinermunan niya ito tungkol sa gate habang nagda-drive na
ito papuntang ospital, hindi siya nito sinasagot. Tumigil na rin naman siyang
magsalita nang makarating na sila sa ospital. Binuhat ulit siya nito papasok sa
loob. Pinaasikaso siya nito sa mga nurse.

Ilang minuto na ang lumilipas at feeling niya ay lalong kumikirot ang paa niya,
kaya hindi niya napigilang mapa-aray. Pumasok sa loob si Jordan kahit hindi pa ito
pwedeng pumasok doon.

"Okay ka lang ba? Masakit na ba talaga? Wala pa kasing available na doktor eh."
hindi na siya sumagot at umiyak nalang. Lumabas ito, pinilit niyang ikalma ang
sarili niya. Maya-maya ay may dumating ng mga nurse at isang doktor. May kung anong
itinurok sa kanya at nakatulog siya.

Pagkagising niya ay ayos na ang pakiramdam niya. Tumingin siya sa paligid, nakita
niya ang nanay niya. Niyakap siya nito. Umiiyak pa ito.
"Ma? Bakit ka naman umiiyak?" tanong niya rito. Nalungkot siya nang wala roon si
Jordan.

"Nag-alala naman kasi ako sayo anak eh. Iniwanan ko nga si Fia kay Jordan eh para
mapuntahan kita dito." Nakahinga siya ng maluwag. "magpasalamat ka kay Jordan.
Aba'y doktor pala ang fiancé mong iyon. Wala pa daw kasing available na doktor, eh
nakita niyang nahihirapan ka na kaya siya na ang gumamot sayo." nanlaki ang mga
mata niya doon.

"Siya ang gumamot sa akin?"

"Oo. Grabe, bakit ka ba kasi nahulog sa hagdan? Magdi-date pala kayong dalawa."

"S-sinabi niya sa inyo? Na magdi-date kami?"

"Oo. O? Bakit ka naman namutla diyan? Hindi naman ako magagalit kung magdi-date
kayo ni Jordan. Fiancé mo naman 'yon. Normal lang na mag-date kayo." Namula ang
mukha niya doon. Tinakpan niya ang mukha niya.

"Ma, sige na nga. Magpapahinga muna ako. Okay lang ako. Mga ilang minutes pa at
lalabas na rin naman ako dito. Bumalik na kayo kay Fia, mamaya anong mangyari
doon."

"Lagi mong inaalala si Fia, buong buhay mo siya na ang naging atensyon mo. Katulad
ng pangyayaring ito, alagaan mo naman ang sarili mo! Hindi 'yung sa sobrang excited
mong makita si Jordan eh nagkanda-hulog-hulog ka na sa hagdan." Pinamulahan na
naman siya ng mukha sa pambubuking sa kanya ng nanay niya.

"Ma naman! Hindi ah. H-hindi kaya. Magpapahinga muna nga ako. Dami niyong kwento
eh." humiga na siya at pumikit. Nangingiti naman siya dahil si Jordan pala ang
gumamot sa kanya. Kung ganoon, matapos ang ilang taon ay nagawa niyang papuntahin
ito ng ospital para manggamot.

"O sige Jo, babalik na ako kay Fia. Pabalik na din daw si Jordan dito." Napamulat
siya roon.

"A-ano po Ma? Pupunta dito si Jordan?"

"Oo. 'Yan na naman ang pamumutla mo. Umayos ka nga, hindi ka fifteen years old para
ma-excite ng ganyan. Hindi ko alam na mahirap ka palang kiligin, nadi-disgrasya ka.
O siya, maiwanan na muna kita." sumimangot siya roon.

"O sige po Ma." Umalis na rin ito pagkaraan. "si Mama daw talaga. Hay nako!" maya-
maya pa ay may pumihit na ng seradura. Nagkunwari siyang tulog. May mga yabag na
palapit sa kama niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Kinakabahan talaga siya ng
sobra. Muntik pa siyang magulat nang hawiin nito ang buhok na tumatabing sa mukha
niya. Wag ka lang talagang tatawa Jo, at mabubuko ka. Nagulat siya nang pisilin
nito ang pisngi niya.

"Mahirap talagang gisingin ang nagtutulog-tulugan." Napa-burst na siya ng tawa sa


sinabi nito. Nakangiti din ito sa kanya. Kung ito ba naman ang doktor ay hihilingin
niyang lagi nalang magkasakit. Umupo na siya. "may sinabi ba sayo si Mama?"

"Meron. I-ikaw daw 'yung nag-gamot sa akin dahil wala pang doktor." Huminga ito ng
malalim at tumango. "s-salamat. Akala ko ba, ayaw mo ng maging doktor?"

"Alangan namang tiisin kitang makitang ganon? Eh ako naman ang dahilan kung bakit
ka nahulog sa hagdan."
"A-anong ibig mong sabihin?"

"Excited kang makita ako."

"Huh?" awtomatikong namula ang pisngi niya. Huli na para itago niya. "ang..grabe
ah! Medyo ang tigas ng mukha ah. A-ako excited? Wow ha?"

"Bakit? Hindi nga ba?" nilapit nito ng husto ang mukha nito sa kanya. Namula ulit
ang mukha niya. Saglit niyang tinignan ang mukha nito. Sobrang bilis ng pintig ng
puso niya parang puputok na ang mga ugat niya sa puso. Pumikit siya ng mariin.

"Hinde 'no! Hell! I'm not excited to see you!" feeling niya sobrang defensive ng
tono niya kaya baka mahalata siya nito.

"Ba't ka nage-english?"

"Aba! Bakit? Ikaw lang may karapatang mag-english por que surgery ka?"

"Anong surgery? Surgeon.."

"Pareho lang 'yon. Napaka-ano nito! Lumayo ka nga.." nilayo niya ang mukha nito
dahil hindi na halos hindi na siya humihinga. Ngumiti ito sa kanya bago tuluyang
lumayo. Umupo ito sa couch.

"Paano ba 'yan hindi na tayo makakapag-date ngayon, kailangan mong mag-stay pa


dito."

"A-ano?! Bakit? Ayos naman na ako ah? Gusto mo mag-break dance at hiphop pa ako
para mapatunayan ko sayong okay na okay na ako?" pangungumbinsi niya rito. Ngumiti
ito sa kanya at umiling. "o? Jordan..actually, kaya ayaw mong makipag-date sa akin
dahil hindi pa ako bayad? Nasa bahay nga pala 'yong bag ko. Babayaran din kita.
Tara na! Lalabas na ko!" akmang tatayo na siya sa hospital bed nang sawayin siya
nito kaya napasimangot siya.

"Kapag tumayo ka diyan, ihuhulog ulit kita sa hagdan para ma-paralyze ka."

"Ang sama mo!" kumibot-kibot pa ang labi niya at inirapan ito.

"Dito nalang tayo mag-date. Isn't romantic? We're dating in the hospital room?"

"Nakakatawa naman! He-he-he!" saka niya satirikong pinatirik ang mga mata.
Tinawanan siya nito. "ganito nalang, dahil ayaw mo rin naman akong paalisin dito sa
ospital, uhmm umuwi ka nalang."

"Ano?! Uuwi ako? Ba't naman ako uuwi?" kinilig siya nang mahimigang gusto siya
nitong bantayan. Lihim siyang napangiti. Tinignan niya ito.

"Okay lang sa akin, pwede ka na talagang umuwi."

"You must be crazy Jo. Pasyente kita kaya 'wag kang bossy diyan." Inirapan nalang
niya ito at inangat ang isang gilid ng labi niya saka humiga na uli sa kama.

"Hoy Jo!"

"Ano?!"

"H'wag mo kong tulugan."


"Ayaw mong umalis, ayaw mo rin akong palabasin, e'di no choice naman ako 'diba? Ang
pasyente dapat nagpapahinga 'diba?"

"Oo nga, eh..ang boring naman, wala akong kausap."

"Kaya nga sinabi ko ng umuwi ka na eh. Kulit mo Jordan!" kunwari ay naiinis ang
tono ng boses niya pero kinikilig siya kaalamang gusto siya nitong makausap. Hindi
na rin naman nagsalita si Jordan, tinignan niya ito.

"Jordan.."

"O? Akala ko ba magpapahinga ka na?"

"Uhmm, nasabi ko naman sayo na may trabaho na ako sa darating na araw. Bukas na ang
busy schedule ko kaya baka ito na rin ang huling date natin, if you're gonna treat
this as our seventh date."

"Oo nga pala 'no? Pero kailangan mo pa rin akong bayaran kung 'di mo na ako ide-
date." Tumango siya. Masakit isiping hindi na niya ito makikita. At malapit na ang
nalalabing pagtatapos ng engagement nila. Mapuputol din ang singsing na ibinigay
nito sa kanya. Hindi niya naiwasang bumugso ang nararamdaman. Uminit ang mga mata
niya kaya biniling niya ang katawan sa kabilang side ng kama at saka malayang
pinaagos ang mga luha sa pisngi niya. Napasinghot siya.

"Jo? Sinisipon ka?"

"Ahh oo, in-allergy ako big-hatchoo!" pagkukunwari niya, madali niyang pinalis ang
luha niya. Bakit ba ako umiiyak? Para lang akong tanga! Nasa huli talaga ang
pagsisisi ehh..

"Jo, may itatanong ako sayo.." bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib niya. Ano
naman kayang itatanong nito?

"A-ano 'yon?"

"Hindi ba't ako ang susuporta kay Fia hanggang mai-release siya?"

"Ganoon nga. Bakit? Namomroblema ka ba sa financial?"

"No. Naisip ko lang, ginawa mong qualateral ang pagtapos mo sa contract natin para
sa pampapagamot kay Fia. Paano kung magbalik ang sakit niya at kailangan ulit
siyang dumaan sa surgery at operation? Saan ka kukuha ng pera?" naisip niya ang
posibilidad na iyon. Hindi niya pinoproblema talaga iyon dahil ayaw niyang sumakit
ang ulo niya pero iyon nga ang nakaambang problema sa kanya. Hindi agad siya
nakasagot.

"Saka ko nalang siguro 'yon pro-problemahin kapag nangyari na, sa ngayon kasi
nagdadasal nalang ako sa nalalapit niyang operasyon eh. Sana mawala na talaga ang
tumor sa mga buto niya. Sinabi sa akin ng doktor na medyo malala na rin ang lagay
ni Fia. Marami na ring cancerous cells na malignant." Nalungkot siya roon pero alam
niyang kasing lakas niya ang pamangkin niya, kahit matapos itong injection-an ng
mga kung ano-anong gamot, matibay pa rin ito. Nagagawang ngumiti at tumawa. Ang
totoo, napaka-buti ng Diyos para sa kanila dahil baka wala na rin si Fia kung hindi
dahil kay Jordan.

"Kung sakali mang mapirmahan mo na ang kontrata at maulit ang pinansiyal na


pangangailangan mo para kay Fia, pwede mo pa rin akong lapitan Jo. Totoong naiinis
ako sayo noon pero ngayon ko lang narealize na napakatibay mo. You set aside all of
things you like and want para lang sa pamangkin mo. Naikwento sa akin ni Mama na
minsan walang-wala ka na talagang pera dahil sa mahal ng pampaospital kay Fia pero
'di ka nagsawang suportahan siya. Kung iisipin, hindi mo siya anak pero kung
mahalin mo siya parang higit pa siya roon." Sincere na sinabi nito iyon sa kanya.
Umupo siya at tinignan ito. Nginitian niya ito, gumanti rin ito ng ngiti.

"Hinding-hindi makakaya ng konsensya ko na mawala ang ala-ala ng kapatid ko.


Pinangako ko sa kanya na aalagaan ko at ituturing ko na parang isang anak si Fia.
Halos ikamatay ko rin ang pagkamatay ni Jeanbelle at hindi ko na kakayanin pang may
mawala na naman sa akin. Si Papa, si Jeanbelle, h'wag naman si Fia." Gumaralgal na
ang tono ng boses niya at gumilid ang luha niya. Tumawa siya ng mapait. "buang ka
talaga Jordan! Pinaiiyak mo ako eh! Hindi ko kaya iniiyakan ang mga bagay na 'to.
Ikaw kasi ehh.." pinalis niya ang luha sa mga mata niya.

"Kahit ako ang nasa kalagayan mo Jo, hindi ko rin kakayanin na mawala ang isang
bibo at masiyahing bata na si Fia. Kailangan niyang ma-enjoy ang buhay bata.
Masarap ang buhay ng isang bata pero hindi sa kalagayan ni Fia. Mabait talaga ang
Diyos dahil sa isang musmos na bata, tumitibay siya dahil mayroong mga taong
nakapaligid sa kanya na mahal na mahal siya at pinatitibay ang loob nito. And I'm
really proud of you Jo." Napaiyak na siya ng tuluyan. Parang isang karangalan iyon
na marinig sa isang gaya ni Jordan. Lumapit ito sa kanya. Niyakap siya nito.

"Always be strong para kay Fia. Lagi mo siyang suportahan. And, I'll be always here
for you." marahan nitong ginulo ang buhok niya. Ngumiti siya rito. Pinunasan na
niya ang mga luha niya.

KINABUKASAN ay nagpunta na siya sa Bamboo Shampoo. Pumunta na siya sa studio.


Katatapos niya lang kasing kausapin ang agency para sa gagawing shooting sa
Bacolod. Kukuhaan na niya ng litrato ang isa sa mga sikat na modelo ng bansa na si
Venice Saw. Inaayusan pa ito ng stylist nito at make-up artist kaya naman siya ay
inaayos ang tripod at iba pang mga gagamitin. Kumuha siya ng panibagong lens at
tinesting iyon. Pagkatapos niyon ay natapos na rin ang pictorials. Lumabas na siya
ng studio. Nabangga niya ang isang matangkad na babae. Sa pagkakaalam niya ay si
Gwen Suede iyon, isang sikat na fashion designer ito. Inismiran siya nito at
pumasok sa studio. Ang sungit pala n'on! Hmp!

"Jo!!" sinulyapan niya ang tumawag sa kanya. Kumaway sa kanya si Vash, lumapit siya
rito.

"Bakit ka nandito?" tanong niya rito. Tumawa ito sa kanya.

"Iyan din dapat ang itatanong ko sayo."

"Photographer ako para sa Bamboo Commercial. Ikaw?"

"Hmmn, so ikaw pala ang kumuha ng mga litrato ni Venice?"

"Exactly! Bakit? At paano mo nalamang siya ang modelo at newest endorser ng


Bamboo?"

"She's my newest date."

"Ahh. Playboy ka pala.."

"Hindi naman.." tinawanan niya lang ito. Lumagpas ang tingin nito sa kanya.
"Venice! There..pupuntahan ko lang siya."

"Sige. Una na ako."

"Sige. Ingat!" pagkatapos niyon ay naglakad na ulit siya palabas ng agency.


Kailangan pa niyang mag-empake para sa shooting bukas sa Bacolod. Nag-ring ang
cellphone niya. Mommy Steph.. Tinatawagan siya ng Mommy ni Jordan. Sinagot niya
iyon.

"Hello 'mmy! Bakit po bigla kayong napatawag?" masigla niyang bati rito.

"We need to talk Jo." Tila seryoso ang boses ni Mommy Steph sa kanya kaya naman
agad siyang pumunta sa pinadala nitong message kung saan sila mag-uusap. Bigla
naman siyang kinakabahan tuloy. May nagawa kaya siyang mali?

TUMULOY na siya sa isang mamahaling sushi restaurant. Nakita na niya agad si Mommy
Steph kaya lumapit na siya agad dito. Nagbeso siya rito. Pinaupo siya nito.
Tinanong niya kung bakit siya nito pinapunta.

"Nalaman kong pipirmahan mo ang cancellation ng wedding this year at abrogation ng


engagement ninyo ni Jordan. Nalaman kong isinaalang-alang mo iyon dahil sa
pamangkin mo." wala namang himig ng iritasyon o galit sa boses ni Mommy Steph pero
alam niyang may bahid iyon ng pagtatampo. Kinagat niya ang ibabang labi niya at
tumango siya.

"Sorry 'mmy, talagang nangangailangan lang talaga ako kaya naisip kong humingi ng
tulong kay Jordan kapalit niyon. Sorry po talaga." Yumuko siya. Sobra siyang
nahihiya sa ginawa niya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Anak, bakit hindi ka nalang nagsabi sa akin? Your Mom and I were bestfriends since
then. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang utang-na-loob ko sa iyong Mama. She
saved me thrice. Una noong niligtas niya ako sa padating na van, hindi pa kami
magkakilala noon at mga bata pa kami. Simula noon naging maging magkaibigan na
kami. Pangalawa, nagkulong ako sa banyo at ininom ko ang asido para magpakamatay
dahil ipapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, pero bigla siyang dumating na
parang anghel ko at binigyan ako ng first aid at dinala sa ospital. Pangatlo,
dumating ang kasalan na isinusumpa ko pero pinuntahan niya ako sa kwarto.
Nagpanggap siyang ako at hinayaan niya akong makatakas para makasama ang Daddy ni
Jordan. Nagalit sa kanya ang buong angkan ko pero ayos lang sa kanya, ang mahalaga
sa kanya ay maging maligaya ako. Pagkaraan naman ay nagkaroon na din ng
pagpapatawad at dahil ako ang nag-iisang anak at tagapagmana ay sa akin ibinigay
ang lahat ng kayamanan. Hindi rin naman mahirap ang Dad ni Jordan dahil nagmamay-
ari din ang mga ito ng maraming businesses pero gusto ng mga magulang ko na
kapantay namin ng yaman ang mapapangasawa ko. Kaya anuman ang hingin mo, ibibigay
ko sayo dahil sa walang-hanggang kabaitan ng Mama mo sa akin." ngayon lang niya
naintindihan ang lahat. Ngumiti ito sa kanya.

"Kaya, sobra akong nagtatampo dahil hindi ka humihingi ng tulong sa akin. Hard-
headed si Jordan, pumayag siyang magpa-engage dahil sa isang mamahaling kotse at
pagtu-turn over sa kanya ng Versace Cars Corporation. Siya na ang namamahala niyon.
Pinagpalit niya ang isang magandang propesyon niya dahil lang sa mga mamahaling
kotse, at dahil lang sa hindi niya pagkaligtas sa isang bata." Napailing ito roon.
Kahit naman siya ay sobrang nanghihinayang pero wala sa mukha ni Jordan ang
magpapabalik ulit rito sa ospital para manggamot ulit ng may mga cancers at
anupamang malulubhang sakit.

"H'wag mong pirmahan ang mga iyon. Ako ang bahala kay Fia, basta manatili ka lang
na engage kay Jordan." Doon naman siya napailing.

"Pasensya na 'mmy, pero tapos na ang usapan namin ni Jordan. Malaki na ang naging
gastos niya kay Fia at matatapos na rin po iyon. Kaya hindi ko na pwedeng bawiin,"
kahit na gustong-gusto kong bawiin ang qualateral kong iyon, wala na.

"Patawad 'mmy. Binigo ko kayo at pinaasa na magiging manugang ninyo. Ang totoo
niyan 'mmy, gustong-gusto kitang maging biyenan dahil napakabait niyo po sa akin ni
'ddy pero hayaan niyo na po akong pirmahan ko iyon. Nasabi niyo po sa akin na ayaw
niyong maikasal kayo sa lalaking 'di niyo mahal kaya niligtas kayo ni Mama pero
kung pipilitin rin po natin na magpakasal sa akin si Jordan, hindi na rin po kayo
naiba sa mga magulang ninyo. Pasensya na po 'mmy." Tumayo na siya sa kinauupuan
niya. "maaga po ang lakad ko bukas kaya kailangan ko na pong mauna." Ngumiti siya
rito ng malungkot saka naglakad na ulit.

"Jo, pag-isipan mo pa rin. Nasa sayo ang desisyon kahit anong mangyari. Kung
pipirmahan mo ba o hindi. Kung mahal mo ang anak ko, hindi mo pipirmahan pero kung
hindi at napipilitan ka rin lang din, h'wag mo ng pirmahan." Napahinto siya roon.
Hindi niya lubos maisip na parang mas may importansya pa ang nararamdaman niya
kaysa sa sarili nitong anak. Mom, kahit anong mahal ko kay Jordan. Hindi ako ang
magpapasaya sa kanya. Mahal niya si Mitch at handa siya ritong magpakasal.. Ayoko
namang itali siya at habang-buhay niya akong kamuhian. Hindi makakaya ng konsensya
ko iyon at hindi rin ako magiging masaya. Sorry Mom..

Napahinto siya sa gilid ng restaurant at umupo sa bench doon saka pinaagos ang luha
sa mga mata. Ngayon palang na iniisip na niyang pakakawalan na niya ang taong
minahal niya ng ilang mga araw. It takes an hour to admire someone, it takes a day
to like someone, it takes a week to love someone it takes a year to forgive someone
but it takes forever to forget someone.

"Jo? Umiiyak ka ba?" nilingon niya ang nagsalitang iyon. Inangat niya ang tingin.
Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Jordan. Agad siyang nilapitan nito at niyakap.
Sa tuwing lalapit ka Jordan, pakiramdam ko nababaliw ako. Sa tuwing ngingiti ka o
tatawa buo na araw ko. Sa tuwing magdidikit ang mga balat natin o di kaya naman ay
magtatama ang paningin natin para akong dinadala sa isang magandang paraiso, at
kapag niyayakap mo ako, pakiramdam ko pwede na akong mamatay..

Gumanti siya sa yakap nito. Hinigpitan nito iyon. Lalo siyang napaiyak. Akala niya
hindi niya ito makikita ngayong araw pero heto at yakap pa siya ngayon. Tumabi ito
sa kanya.

"Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak?" tanong nito. Pinunasan niya muna ang mga luha
niya bago sumagot. Tumikhim siya.

"Naisip ko lang mag-drama, bakit ba?" pagsisinungaling niya. He smirked.

"H'wag mo nga akong pinagsisinungalingan Jo. Kay Fia ba? May nangyari ba kay Fia?"
tinignan niya ang mukha nito. Kinakabisado na niya ang bawat anggulo niyon. Umiling
siya. "then what? Pinag-alala mo ako n'ong makita kita. At h'wag mong sasabihin sa
aking nagda-drama ka lang. Hindi ka basta-basta umiiyak ng ganyan Jo."

"Wala nga. Walang nangyari kay Fia."

"Bakit? Nagkita ba kayo ng ex mo? Sabihin mo lang sa akin at bubugbugin ko siya!"


natawa naman siya dahil para ngang galit ito. "nagkita kayo 'no? Babangasan ko
talaga 'yon! Makikita niya!" tumayo na ito. Pinigil niya ito sa kamay nito,
nakaramdam siya ng kuryente kaya agad niyang binitawan. Napakunot-noo ito. "bakit
mo binitawan?"

"What's the use of holding on, if I'm holding on for nothing?" hindi niya alam pero
bigla nalang iyon lumabas sa bibig niya. Tinakpan niya ang bibig niya at nag-peace
sign. Naka-kunot noo pa rin ito. "w-wala akong sinabi. Nagdyo-joke lang ako,
y'know? I'm just so pretty funny." Mabilis niyang depensa habang tabinging
napangiti. Kinakabahan tuloy siya baka mabisto na siya nito.

"Are you hiding something from me?" tumabi ulit ito sa kanya.
"Huh? O-of course none. A-anong itatago ko sayo? Napaka-lansak kong tao. Ikaw
talaga, kung ano-anong pumapasok diyan sa kukote mo." hindi na kumibo si Jordan.
This is what she hates about this guy, bigla-bigla nalang hindi iimik.

"Feeling ko, may hindi ka sinasabi sa akin Jo.." tumingin siya rito. Pwes kung
ganoon, alam na nga nitong may feelings siya para dito. Lalo siyang kinabahan.

"A-ano naman sa palagay mo ang hindi ko sinasabi? Nagi-ilusyon ka ba? Ba't naman
ako maglilihim sayo? Tsaka, hindi ko kayang maglihim 'no! Sa daldal kong 'to, baka
nadulas na ako.." pero pasensya ka dahil magaling makisama ang bibig ko sa
pagtatago ng sarili kong sikreto.

"Sa bagay, teka..naisip kong tatlong dates nalang naman. Bakit 'di tayo mag-date
ngayon? Pang-eight na natin.." noong una ay nakaramdam siya ng excitement kaso lang
naalala niyang meron nga pala siyang lakad ng maaga bukas. She smiled lop-sidedly.
"bakit? May problema ba?"

"Ahh 'di pwede ngayon, 'diba nga? I'm such a busy person today, and tomorrow and
the other days?" pagpapaalala niya rito. Nasapo nito ang noo.

"Oo nga pala! Kaya nga pala kita hindi tinetext dahil alam kong busy ka."

"Hindi tinetext? Bakit? Balak mo ba akong i-text?"

"Oo naman. I wanna know the condition of my fiancee. Masama ba 'yon?" bahagya
siyang nagulat sa sinabi nito. Pero dinaan nalang niya iyon sa tawa dahil nagdyo-
joke ito sigurado.

"H'wag ka ng mag-alala, kung inaalala mo ang kondisyon ng katawan ko dahil sa


nangyari kahapon. You don't have to worry about me, alam mo namang I'm too strong.
Naks! Buhat ng sariling bangko. Ha-ha!" natawa din ito sa kanya.

"Pero kung may nararamdaman ka pa rin na pangingirot, agad mo akong kontakin. Akin
na nga ang cellphone mo!"

"Ha?"

"Akin na!" kinuha niya sa bulsa ang cellphone at binigay dito. May kinalikot ito.
Binigay din nito sa kanya iyon pagkaraan. "ayan, nasa favorite contacts mo na ako
at nilagay ko rin siya dito sa widget ng wallpaper mo para in case of emergency,
matatawagan mo ako agad." Did she sound very protective? Teka, baka nagi-ilusyon
lang siya.

"Bakit naman ikaw pa ang una kong kokontakin? Edi si Mama nalang."

"I'm your personal doctor from now on, I mean since yesterday. And besides.."
nilagay nito sa bulsa ang mga kamay bago nagpatuloy sa sasabihin. "I'm your
fiancé." Mahina nitong dugtong sa sinabi. Nagtaka siya sa mga sinabi nito. Ano bang
ibig sabihin nito?

"T-teka nga, bakit parang proud ka naman yata habang sinasabi mo 'yan?"

"Sinasabi ko lang 'yung totoo! Masama na bang magsabi ng totoo?!" nakasigaw nitong
wika sa kanya. Nagulat siya roon.

"O? Ba't ka naman nagagalit sa akin? Nagtatanong lang naman ako ah?" naginhawaan
naman siya nang kumalma na ang mukha nito.
"Sorry, ang kulit mo kasi eh.."

"Huh? Makulit na ako sa lagay na 'yon? Ikaw yata diyan may problema eh."

"Wala 'no! Halika na kasi, ang bagal-bagal mong kumilos eh."

"Ha? Saan punta?" hinawakan nito ang kamay niya.

"Magde-date nga tayo 'diba? Ay oo nga pala! Tsk. Sige na nga, umalis ka na nga.
Tutal, hindi naman ako importante sayo eh. Iwan mo na ang fiancé mo." natawa siya
roon. Naglakad na ito palayo sa kanya. Napakamot nalang siya sa ulo niya. Problema
nun?

Naglakad na rin siya. Natatawa siya kay Jordan talaga. Paiba-iba din talaga ng
mood.

"Jo!" nilingon niya ang tawag na iyon ni Jordan. Parang nahihirapan ang ekspresyon
ng mukha nito. Unti-unti itong naglakad papunta sa kanya. "talaga bang busy ka na?"
tumango siya. Bumagsak ang mga balikat nito. Nakalapit na ito sa kanya. May kakaiba
sa mga mata nito, hindi niya alam kung kumikislap o sadyang ilusyunada siya. "k-
kailan ka hindi magiging busy?"

"Hindi ko alam. Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? H'wag mong sabihing gusto mo pa


akong yayaing mag-date?"

"Huh? W-wala akong sinabing ganyan ah! Makaalis na nga!" tumalikod na ito sa kanya.
Natawa siya rito.

"Bukas, ite-text kita 'pag natapos 'yong shooting. Mag-date tayo..tsaka babayaran
na rin kita." napahinto ito sa sinabi niya.

"Sige, i-text mo ko ah? Agad-agad." Natawa ulit siya doon. Hindi na siya nagsalita
pa at naglakad na palayo. Pumunta na siya sa apartment niya, nage-empake siya at
sobrang saya niya dahil makakapag-date pa pala sila ni Jordan. Nararamdaman niyang
kahit kaunti ay may excitement sa mukha ni Jordan habang ka-date niya ito. Kahit
lagi niya itong inaasar at pini-pikon, hindi pa rin siya nito ginagantihan tsaka
sinasaktan.

-----------------------------------------------------------------------------------
----

COMMENTS!!!
####################################
Chapter 8: Forgive Yourself
####################################

Chapter 8

KINABUKASAN ay sumakay na siya ng bus papunta sa kompanya. Inaantok pa talaga siya


dahil aga-aga nilang kailangang umalis. Alas-tres palang gumising na siya para
makarating ng saktong alas-kwatro sa kompanya. Kung bakit naman kasi ang aga aalis.
Humikab pa siya. Pumara na rin siya nang makarating ang bus na sinasakyan niya.
Pagpunta niya sa loob, nagtaka siya nang isang bag lang ang dala-dala niya. Nag-
isip siya kung saan niya nailagay ang mga gagamitin niya at lalong-lalo na ang
camera niya. Nasapo niya ang noo nang maalalang nilapag niya iyon doon sa bus,
nakalimutan niyang kuhanin. Paano na 'to?

Pupunta na siya sa opisina ng direktor para sabihing naiwala niya ang camera niya
at ang lahat ng mga kagamitan para sa shooting. Naiinis siya sa sarili niya. First
time niyang maging makakalimutin. Kaso lang sinabi ng guard na hindi daw pwede pang
pumasok dahil may pinag-uusapan pa sa loob. Naghintay siya sa couch. Naluluha na
talaga siya. Tinakpan niya ng mga palad niya ang mukha.

"Miss?" tiningala niya ang babaeng tumawag sa kanya. Si Gwen Suede. Bakit naman
kaya siya nito tatawagin?

"Bakit?" tumabi ito sa kinauupuan niya.

"Ikaw daw ang photographer ng commercial na isu-shoot ngayon."

"Tama ka pero..may problema kasi. Naiwala ko ang mga kagamitan ko at ang camera sa
bus. Gusto ko sanang kausapin si Boss."

"Ah ganoon ba? Tiyak magagalit si Mister Ronquillo kapag sinabi mo sa kanya 'yan.
Napaka-importante sa kanya ng oras, at hindi niya maaatim na sayaing lang iyon
sayo." nabahala siya sa sinabi nito.

"Oo nga, naisip ko 'yon. Bakit mo ba ako nilapitan?"

"Kung naiwala mo ang camera mo, napaka-timely naman pala talaga ng pagdating ko.
Magpapadala ako dito ng mga bagong kagamitan para sa shooting at camera mo pero
kailangan mong tumupad sa isang kondisyon."

"Huh? O-oo sige, kahit ano pa 'yan. Ayoko lang talagang ma-disappoint si Boss."

"Okay ganito.."

NATAPOS na ang shooting ng halos buong araw sa Bacolod, mabuti nalang talaga at
mayroon siyang angel in disguise na hindi niya alam kung pwede ring devil in
disguise dahil sa sinabi nitong kondisyon sa kanya. Bukas na bukas ay pupunta siya
sa gym, at hindi lang basta sa gym..sa gym's shower room ng mga lalaki. Sinabi
nitong sa unang cubicle daw nagsa-shower si Mister Cliff Reyes. Tinanong niya kung
bakit nito gustong kuhaan ng litrato ang hubad na katawan ni Mister Reyes. Ex daw
nito iyon, at nagkakalaban sila ngayon sa business kaya gusto nitong masira ang
image nito sa pamamagitan niyon, dahil daw hindi pa tuli si Mister Cliff Reyes.
Grabe, naloka talaga siya kahapon habang sinasabi iyon sa kanya ni Gwen. Kapag daw
hindi niya nagawa ng tama, kukunin nito sa kanya ang camera at lahat ng kagamitan.
Pumayag siya dahil kailangan na kailangan niya ang mga iyon ngayong araw.

May natanggap siyang text habang nagpa-pack up na sila. Galing kay Jordan. Nasapo
niya ang noo niya. Oo nga pala! Paano ko nakalimutan 'yon? Pasaway kasi 'tong si
Gwen eh!

Alas-siyete na kaya hindi na siya makakatupad sa sinabi niya. Tinext niya ito.

Jordan, pasensya na..sorry talaga. Hindi tayo matutuloy ngaun. Katatapos lng ng
shoot, at manggagaling pa ako dito sa bacolod. Sorry talaga. Next time nlang. :'(

Sumakay na sila sa van. Hinintay niya ang reply ni Jordan pero wala iyon kaya
natulog nalang siya. Siguradong naiinis ngayon sa kanya si Jordan dahil hindi niya
ito tinext, at pinaghintay niya lang ito sa wala.

NAKAUWI na rin siya sa wakas. Tinawagan niya ang nanay niya at kinamusta si Fia.
Ayos naman daw ang lagay nito. Naghahanda na para sa nalalapit nitong surgery at
operasyon. Sunod niyang tinawagan si Jordan pero cannot be reached ang cellphone
nito kaya natulog nalang siya.

Kinabukasan ay nagpunta na nga siya ng King & Queen's Gym. Pumasok na siya sa loob.
Nagbayad na siya sa cashier para makapasok doon sa loob. Bitbit ang DSLR pumunta
siya sa shower area. Maraming nagsa-shower na babae sa girls'shower room. Sinilip
niya naman ang sa mga lalaki, mukhang kaunti lang.

"Hoy!" nagitla siya nang may sumita sa kanya. Isang maputi at machong lalaki iyon.
"anong tinitingin-tingin mo riyan? May hinahanap ka? O may binobosohan ka?" nagulat
siya sa sinabi nito. Sarkastiko siyang ngumiti.

"Ako? May bobosohan? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? May hinahanap ako. Hindi ko
makita sa loob ng gym kaya naisip kong baka nagsa-shower pa siya."

"Sino bang hinahanap mo?"

"Si...Si..ahh..bakit ka ba interesado? Eh hindi naman ikaw ang hinahanap ko?! Diyan


ka na nga!" lumabas na siya ng shower area. Namomroblema talaga siya kung saan siya
papasok nang hindi mapapansin. Alas-dose daw nagsa-shower si Cliff. Five minutes
nalang at maga-alas dose na. Sa tanang buhay niya hindi pa siya nakakakita
ng..alam-niyo-na. Grabe talaga si Gwen!

Sinuot niya ang cap niya at pinasok sa loob ang buhok. Naka-crossed fingers siya
habang binabaybay ang shower area. Sakto ay walang gaanong naliligo sa boys'shower
area. Pumasok na siya sa first cubicle. Sinarado niya ang pinto pero hindi ni-lock
para pwede pa ring makapasok si Cliff kung sakali. Nagtago siya sa makapal na
mantel na tumatabing sa tiles malapit sa shower. Pinagdarasal niyang sana ay hindi
na iyon buksan pa ni Cliff para ma-mission accomplished niya.

"Liligo na ako! Sobrang init!" mukhang si Reyes na ang nagsalitang iyon. Binuksan
na niya ang camera nang pihitin nito ang seradura.

"H'wag diyan pre, may tao pa diyan. Nakita ko kanina." Pigil nung isang boses.
Naku!

"Talaga? May tao? Bakit hindi nakasara?"

"Ewan ko. Nakita ko talagang may pumasok diyan. Naka-gray pa nga na t-shirt 'yon eh
tapos naka-cap."

"Talaga?" may nagbukas na ng seradura. Nakaluwag siya ng paghinga dahil hindi naman
pala nagpaapekto si Mister Reyes sa sinabi ng mga lalaking iyon. Huminga na siya ng
malalim. May kinakanta pa ang lalaking iyon, halos gusto niyang matawa talaga kaso
lang ginawa niya ang lahat para hindi lumabas ang ingay ng tawa niya. Kailangan daw
makita ang mukha ni Cliff para masabing hindi talaga nagsisinungaling si Gwen kapag
nilantad nito iyon sa publiko.

Binuksan na nito ang shower. Nababasa rin siya dahil sa pinagtataguan niya. Time to
shimmer na talaga ito. Nakapikit siya habang pinindot ng sunod-sunod para makuhaan
ito ng litrato. Magaling siyang kumuha ng litrato kahit nakapikit, at sigurado
siyang kitang-kita ang mukha nito kasama ang parts na below his belt. Madulas na
ang nasa paanan niya dahil sa shower gel at soap. Matapos makapagbanlaw ay nag-roba
na siguro ang lalaki habang pakanta-kanta pa rin. Pinihit na nito ang seradura at
lumabas. Kailangan muna niyang maghintay pa ng ilang sandali bago lumabas.

"Walang tao Jord?" tanong nung mga lalaking kanina pa nangungulit. Jord? Bakit
Jord? Ahh..baka nickname ni Cliff ay Jord. Layo ahh..
"Wala. Walang tao."

"Ahh sige. Una na muna kami. Sige susunod na ako." pagkatapos pa ng ilang sandali
ay may pumihit na ng seradura ng main door. Malamang ay wala ng tao ngayon sa
shower area. Makakalabas na rin siya, sa wakas. Hinawi na niya ang mantel. Pagtapak
niya ay sobrang lagkit pa ng tiles kaya naman na-out balanced siya at napasigaw.
Kumirot ang balakang niya, dalawang beses ng napupuruhan ang balakang niya.
Tinakpan niya ang bibig dahil baka may makarinig sa kanya. Laking gulat niya nang
bumukas ang pinto at si Jordan iyon.

"Jordan?!" mulagat ang matang tawag rito.

"Jo? Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan?"

"Ahh..ehh.." sumakit na ang balakang niya.

"So, tama pala ang sinabi nila na may tao nga diyan sa pinagliguan ko."

"Pinagliguan mo?"

"Oo. Halos katatapos ko lang diyan maligo. Dapat si Cliff ang maliligo kaso lang
may tao nga daw, eh pagtingin ko wala naman. Pero, may tao nga pala talaga sa loob.
Binobosohan mo ba ako?"

"Ha? A-ako? Na-namboboso?" kanda buhol-buhol niyang sinabi rito. Namula ang mukha
niya.

"Ikaw ah! Sikreto mo pala akong pinagnanasaan ahh.." sumilay ang mapanuksong ngiti
nito sa labi. Hindi siya makapaniwalang hindi si Cliff ang nakuhaan niya kundi si
Jordan. Patay! At ngayon, nahuli pa ako ni Jordan! Talaga nga naman..

"Pwede mo namang i-request nalang sa akin eh. Hindi 'yong nag-effort ka pang
pumunta dito." Parang hindi niya magawang mai-depensa ang sarili niya ngayon dahil
magmumukha lang siyang guilty. Tinakpan niya ang mukha niya sa sobrang kahihiyan.

"Hindi talaga ikaw ehh.." pabulong-bulong niya.

"Ano? Anong hindi ako?"

"Pwede bang, mamaya na ako mag-explain? Hmmn, dalhin mo muna ako sa pinaka-malapit
na clinic. Sobrang sakit na ng balakang ko." Nagmamakaawa ang tinig niya. Hindi na
nagsalita pa si Jordan at naramdaman nalang niyang naiangat na siya nito sa tiles.
Ramdam niya ang matipunong katawan nito dahil naka-towel lang ito sa ibaba. Napaka-
bango pa nito habang tumutulo pa ang mga buhok nito. Ang gwapo-gwapo talaga ng
fiancé niya.

Nadala na siya nito sa clinic. Nilapag niya sa table ang camera niya habang hiniga
na siya sa kama. Kumikirot talaga iyon. Maya-maya pa ay nakatulog na siya sa
tinurok na gamot ng doktor doon.

Feeling niya ang haba ng naitulog niya. Pag-gising niya ay nakita nasa isang
magandang kwarto na siya. Sa palagay niya ay isang hotel room ito. Nilibot ng mga
mata niya ang buong silid, nakita niya si Jordan na nakaupo sa couch at nakatakip
ang magazine sa mukha dahil nagbabasa ito.

"J-Jordan.." mahinang tawag niya rito. Binaba nito ang magazine na binabasa.
Ngumiti ito sa kanya at lumapit.
"Gising ka na pala. May gusto ka bang kainin? Mago-order na ako."

"Ahh oo. Medyo gutom na talaga ako." tabingi siyang napangiti rito. Kinuha nito ang
wireless telephone at nagpa-order na. "hmmn, uy! Akin na nga 'yong camera ko.."
ngumiti ito sa kanya. Kinuha nito iyon at inabot. "bakit ka nakangiti diyan?"

"Wala lang. Nakakatawa ka talaga. Sarili mong fiancé binobosohan mo."

"Hoy! Hindi nga ikaw talaga ang sadya kong kuhaan ng litrato.."

"Eh sino?"

"Si..Cliff Reyes?"

"Huh?!" dahan-dahan siyang tumango. "pero bakit? May relasyon ba kayo ni Cliff?"

"Wala! Ano ba naman 'to! Relasyon agad ang inisip! Trabaho 'yon.."

"Ano? Trabaho mong kuhaan siya ng nude pictures?"

"Hindi..Hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh. Ako munang magsasalita."


Ikwinento niya rito ang naging usapan nila ni Gwen. Halos hindi ito magkanda-igi sa
katatawa nang sabihin niyang hindi pa tuli si Cliff.

"Talaga? Hindi pa tuli si..ha-ha-ha!"

"Oo nga! Kaya 'wag kang assuming diyan na ikaw ang gusto kong kuhaan ng nude 'no!"

"Okay. Okay. Ngayon naiintindihan ko na. Sayang nga lang! Sa kabilang cubicle si
Cliff. Pero bakit nagulat ka pa noong makita mo ako? Nakita ko na 'yung mga
pictures. Saktong-sakto, infairness."

"Huh? H-hindi. Nak-nakapikit ako habang kinuhaan kita. God!! Ayoko ngang makakita
ng toot." Nakaismid niyang sinabi rito.

"Sus..isauli mo nalang sa kanya 'yang camera niya. Ako ng bahalang bumili ng bagong
camera mo at lahat ng mga gagamitin mo." nakangiti nitong sinabi sa kanya. The
smile that all over her life she can't resist.

"Iyon naman talaga ang balak ko dahil hindi ko na kayang kumuha ng litrato ng isang
lalaki para sirain ang pagkatao nito. Huli na ang lahat bago ko naisip 'yon, na-
karma tuloy ako." tinawanan siya nito. "tawa ka pa!"

"Pasalamat ka nalang at ako ang naligo doon at ako ang natira sa shower room dahil
kung hindi patay ka."

"Papatayin nila ko?"

"Siyempre malalagot ka dahil nagi-stole ka ng pictures." Sumimangot nalang siya


roon. Maya-maya ay dumating na ang pagkain na in-order nito. Kumain na sila. "hoy,
ang laki na ng pagkakautang mo sa'kin ah? Kung iisipin dapat may interes na 'yon."

"Ano? Grabe ka naman kung bibigyan mo pa ako ng interes.." tinawanan nalang siya
nito.

"Wala ka namang gagawin ngayon 'diba?"

"Uhmm, sa pagkakaalam ko. Wala."


"So, pwede mo na rin akong i-date ngayon."

"Grabe ka talaga 'no? Ako talaga ang magdi-date sayo?"

"Of course. Ikaw ang may utang kaya ikaw mangti-treat ngayon."

"Ano?!" bulalas niya.

"O? Bakit? May angal ka ba sa sinabi ko?" napakamot siya ng ulo sa sinabi nito.
Bigla siyang may naisip na magandang idea.

"O siya sige-sige.."

"Pumapayag ka?"

"Oo naman. Treat ko."

"Treat mo talaga?"

"Ayaw mo 'ata ehh."

"Siyempre gusto ko. Tara na, tara na.." hinatak na siya nito.

"Aray! Bakit ka ba nagmamadali? Hindi pa ako tapos kumain oh.."

"Halika na!" nagpatianod na siya sa paghila nito dahil wala siyang magawa. Sumakay
na sila sa sasakyan nito.

"O? Nagda-drive ka na diyan, alam mo na ba kung saan tayo pupunta?" hininto nito
ang pagmamaneho.

"Oo nga pala. Saan ba tayo pupunta?"

"Sige simulan mo na ang pagda-drive," tinuro niya ang sunod-sunod na direksyon kung
saan niya gustong pumunta. Nag-research siya noong mga nakaraang gabi tungkol sa
batang hindi nito nailigtas sa sakit na bone cancer. Hinanap niya kung saang lugar
ito inilibing kaya naman iyon ang gusto niyang puntahan ngayon.

"Dito na tayo." Bumaba na siya ng sasakyan.

"Sementeryo? Bakit? May bibisitahin ka ba? Or..h'wag mong sabihing, this is your
ideal date?"

"Tama ang dalawang sinabi mo. May bibisitahin tayo and this is my ideal date. Tara
sa loob." Nauna na siya sa paglalakad papasok sa sementeryo. Hinahanap niya ang
pangalan ni Carlo Bustamante. Nakasunod lang sa kanya si Jordan habang nakakunot-
noo. Sa wakas, nakita na rin niya ang puntod ni Carlo Bustamante. Sakto ang araw na
ikinamatay nito kaya naman sigurado na siyang ito ang batang hindi nailigtas ni
Jordan. Binalingan niya si Jordan. Nakakunot-noo pa rin ito habang nakatingin sa
puntod.

"Nag-away tayo dati tungkol sa paga-advice ko sayo tungkol sa batang hindi mo


nailigtas few years ago. Dinala kita rito dahil gusto kong kahit papaano maibsan
ang sama ng loob mo sarili mo." tinignan siya nito. "I'm sorry Jordan kung heto na
naman ako at nakikialam."

"Hindi ko gusto ang idea mong ito Jo. Umuwi na tayo.."

"Jordan, hanggang kailan mo balak kamuhian ang sarili mo? Hanggang kailan mo dapat
pagbayaran ang bagay na hindi mo sinasadya?" inagapan niya ang braso nito. Hindi
agad nagsalita si Jordan. Lumapit siya rito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi
nito habang nakatitig siya sa magagandang mata nito. "patawarin mo na ang sarili
mo. Ang tagal mo ng kinukulong ang sarili mo sa galit. Kailangan mo siyang
kausapin, kung makakapag-pagaan ng loob mo ang paghingi sa kanya ng tawad, gawin
mo."

"Hindi ganoon kadali kasi 'yon Jo. Ikaw? Bilang pamilya ni Fia, matatanggap mo ba
na sa operasyong magaganap sa pamangkin mo ay hindi maging matagumpay? Paano kung
hindi niya kayanin at mawala siya sayo? Hindi ba't kamumuhian mo rin ang isang
doktor na tulad ko?" namula ang mga mata nito. Suminghot ito. Naunawaan niya ito
pero naniniwala siyang anumang mangyari, nakatadhana pa rin ang lahat. Kung mawala
man sa kanya si Fia, walang may kasalanan niyon. Iisipin nalang niyang,
napakabuting bata ni Fia at siguro ay gusto na itong makasama ng kapatid niya sa
kabilang buhay.

Tinanggal ni Jordan ang mga kamay niya sa mukha nito at umalis.

"Jordan! Wala kang kasalanan, you did your best to save his life. Kaloob ng Diyos
na iwanan na niya ang mundo kaya naman sana magawa mo ring mapatawad ang sarili mo.
Kung kunin man si Fia sa akin, wala akong dapat sisihin. Kahit pa sinong doktor,
dahil maraming rason kung bakit nawawala ang isang bagay o tao. God is sometimes
taking away something from our hands to fill it with something more. God is good,
God forgives and so as we should." Lumapit siya rito. Niyakap niya ang likod nito.
Narinig nalang niya umiiyak na rin ito. Humarap ito sa kanya at niyakap siya.

Pagkaraan ay humingi ito ng tawad sa puntod ni Carlo. Natapos iyon. Kumain sila sa
malapit na fastfood chain.

"Jo, salamat ah. Sobrang ginhawa ang naramdaman ko. Pakiramdam ko, pinatawad na
niya ako. Tama ka, dapat ko ng palayain ang sarili ko sa nagawa kong kasalanan."
Tumango siya rito at ngumiti.

"So, is that mean na magtatrabaho ka na ulit bilang doktor?"

"Hmmn, pag-iisipan ko pero I'm enjoying my work right now. I now owned Versace
Corporation."

"Oo, nasabi rin sa akin ni Mommy 'yan last time."

"Ahh so, nagkausap pala kayo?"

"Yeah, and pinipigilan niya ako sa pagpirma ng kontrata pero you know how much I
mean my word. Hindi ako magiging maka-tao at kaibigan kapag hindi ko pinirmahan
iyon sa oras na matapos ang kontrata natin." Tumango nalang ito at hindi na muling
sumagot. Sa isang iglap ay napansin niya ang lungkot sa mga mata nito. Nalulungkot
ba itong pipirmahan niya ang kontrata? Pinilig niya ang ulo niya dahil nagi-ilusyon
na naman siya.

NATAPOS ang date nila. Masaya siya habang hinatid na rin siya nito sa ospital.
Hindi na nito nagawang ihatid sa kwarto ni Fia dahil may tumawag ditong kliyente.
Nagpaalam na rin siya dito. Hindi niya mapigil ang saya na nagpipista sa kalooban
niya ng mga oras na ito dahil tuwang-tuwa siya na nakasama ulit ang fiancé niya.

Kinabukasan ay tinagpo na niya si Gwen. Isinauli niya rito ang camera at sinabing
hindi niya nakuhaan si Cliff. Binigay niya na rin dito ang iba pang mga kagamitan.
Humingi siya ng paumanhin. Nagputok ang butsi nito dahil wala raw siyang utang-na-
loob at marami pang iba. Nilunok niya ang lahat ng mga sinabi nito, at saka siya
iniwan. Umupo siya sa bench. Kinuha niya ang cellphone niya nang marinig na nagri-
ring iyon. Si Jordan pala iyon, napangiti siya.

"Hello?" aniya sa kabilang linya.

"Let's have a challenge.." bungad sa kanya ni Jordan. Natawa siya roon.

"Ano na naman 'yan Mister Versace?"

"Okay. Your challenge for today Mrs. Jordan Steven Versace," natawa siya roon at
kinilig dahil nanggaling pa talaga iyon kay Jordan. "ang challenge ay, kapag
nahulaan ko ang kulay ng damit mo ngayon, ide-date mo ako pero kapag hindi ko
nakuha ang tamang sagot, iti-treat kita." natawa ulit siya doon dahil parang walang
masama sa dalawang choices na iyon. Magkikita at magkikita pa rin naman sila.

"Okay sige. Guess what?"

"Checkered blue polo." Unang hula nito. Tinignan niya ang damit niya. Tama nga ito.

"Teka! Ini-ispiyahan mo ba ako?"

"Anong ini-ispiyahan? Maka-paratang ka na naman diyan ah! Sabihin mo nalang kung


tama o mali."

"Tama. Nasaan ka ngayon?"

"Sa banyo."

"Banyo?!" napasigaw siya. Tinawanan siya nito. "nasaan ka nga? Joker ka eh!"

"Hanapin mo.." luminga-linga siya sa paligid. Wala naman ito kahit saan. "tumingin
ka sa likod mo." tumingin nga siya at nagulat pa siya rito dahil sobrang lapit nito
sa kanya na para bang hahalikan siya. Napatameme siya rito.

"Ikaw talaga! Mandaraya ka kahit kailan! Nakita mo na ako eh.." tinawanan siya
nito. Pinisil nito ang pisngi niya. Inabot nito sa kanya ang bouquet na flowers.
Napangiti siya roon at kinilig. "ano namang nakain mo? Halika nga rito at umupo
muna tayo." Umupo na sila sa bench doon.

"Sesermonan mo na naman ako, hindi ka pa nga nakakapag-thank you." naghihinampo ang


tono ng boses nito. Hinampas niya ito ng marahan.

"Salamat. Saan mo naman natutunan ang sweetness na ito? Tinuruan ka ba nina


Dominic?"

"Hindi ah. Masama na bang bigyan ko ng flowers ang fiancee ko?" tinawanan niya ito.
Kinikilig siya dahil kine-claim nitong fiancee siya nito. Umiling siya.

"Nagiging sweet ka lang ngayon dahil maghihiwalay na rin tayo. Sus!" natatawa
niyang sinabi rito. Sumimangot ito.

"Hindi ah."

"Anong hindi?"

"Pasasalamat ko 'yan dahil sa ginawa mo kahapon. Sa wakas! May nagawa ka ring


tama!"

"Ha! Ang kapal, grabe! Adobe na talaga 'yan Jordan."


"Wala ba akong kiss?"

"Anong kiss?! Kiskis mo sa pader 'no!" angil niya rito. Tumawa ito sa kanya.

"Halika na nga! Ako nalang ang magdi-date sayo dahil noong mga nakaraan, kundi mo
ako sa ospital dadalhin, sa sementeryo. Wala ka talaga ka-taste-taste sa mga dates.
Saan mo balak akong dalhin kung ikaw ang hinayaan kong mag-date sa akin?"

"Uhmm siguro sa bilangguan dahil kinulong mo ang puso ko. Nakanaks! Joke lang!"
sabay inamoy niya ang magagandang rosas na binigay nito.

"Ang corny ng mga banat mo."

"Ah ganon? Tara na nga! Sabi mo, ide-date mo ko?"

"Unless babayaran mo na ang utang mo."

"Eto talaga, 'di makatulog.." kinuha niya sa bulsa niya ang sukli sa kanya kanina
nang bumili siya ng tatlo dos na candy. Inabot niya ang tatlong piso rito. "oh yan
na! Akala mo naman nakadagdag ang tatlong piso na 'yan sa yaman mo.."

"Oo naman. Halika na?" masaya nitong yaya sa kanya. Nagulat siya nang kuhanin nito
ang kamay niya. Naglakad na sila papunta sa parking lot. Nakatulog siya sa kotse
nito kaya naman ginising na siya nito nang makarating sa pupuntahan nila. Bumaba na
sila sa kotse. Sa pagkakaalam niya, ito ang Versace Cars Corporation na pagmamay-
ari na nito. Namangha siya nang umakyat sila sa elevator. Nakita niya ang
magagarang formula one cars at mga iba pang magagandang kotse.

"Ang gaganda grabe. Walang itulak-kabigin." Nasabi niya sa sobrang kamanghaan.

"Ang ganda ba talaga?" tumango siya at ngumiti rito. Hinawakan nito ang kamay niya.
Dinala siya nito sa isang parang teatrong lugar. Maya-maya nag-flash na ang video
sa pag-gawa ng mga mamahaling sasakyan. Namangha pa siya ng sobra dahil lahat ng
iyon ay imported from Europe, America at Japan. Siguradong matitibay nga ang mga
materyales na ginagawa ng Versace Corp.

Nang matapos ang video ay pumunta pa sila sa extended building na tinatawag na


Versace Cars Corporation Annex. Ang luwag ng factory na iyon at marami rin ang mga
manggagawa. Pinanonood nila ang mga ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay dinala siya
nito sa isa pa daw na extended Versace Cars Corporation Shop. This time ay nag-
swipe na ito ng card nito para mabuksan ang lagusan. Napaka-modernize at
technological ang pagkakagawa sa korporasyon na iyon. Naroon na ang mga magagandang
gawang sasakyan na ibinibenta.

"Grabe! Nakaka-in love ang mgaa kotse na ito. Ang gaganda ng mga designs, kahanga-
hanga ang gumawa ng mga ito." Puri niya sa mga iyon habang hinawakan ang pinaka-
newest at pinaka-magandang kotse roon. Nakatawag iyon ng kanyang pansin dahil sa
kulay nito na navy blue na siyang paborito niya.

"So, napaka-galing ko pala kung ganoon?"

"Ha? Oo, dahil ikaw ang may-ari nito. Napaka-swerte mo.." aniya habang hindi maalis
ang tingin sa sasakyan na iyon.

"Ako ang designer ng lahat ng mga sasakyang ginagawa dito, kaya kahanga-hanga pala
ako, ayon sayo.." napatingin siya rito, nanlaki ang mga mata niya roon.

"Grabe? Ikaw ang nag-design ng mga ito? Kahit itong sasakyang 'to?" tinuro niya ang
navy blue na kotse. Tumango ito. "wow! fantastic! Iba ka talaga Mister Versace! I
salute your genius mind!"

"Thanks for that." Ngumiti pa ito sa kanya. Gumanti rin siya ng ngiti rito.

"Alam mo? Napaka-swerte ko dahil dinala mo ako dito. Grabe talaga. Napaka-gandang
experience nito." Aniya habang dinala siya nito sa katabing restaurant para kumain.

"But actually, this isn't my ideal date.."

"Hindi pa ideal date 'yon? Nilibot mo ako sa magara mong kompanya. Para sakin,
ideal date 'yon."

"Ang corny talaga ng taste mo! Kumain ka na nga lang.." sinunod niya ito at kumain
na nga talaga siya. Maya-maya ay may tumatawag sa kanya. Sinagot niya iyon dahil
ang mama niya iyon. Napamulagat siya sa narinig niyang balita. Tumayo siya sa
kinauupuan niya.

"Si Fia.." naluluha niyang sambit.

-----------------------------------------------------------------------------------
------
####################################
Chapter 9: The Most Heartbreaking Separation
####################################

Chapter 9

NASA labas siya ng operation room kasama ang mama niya. Bumalik sa kompanya si
Jordan dahil may kliyente ito. Naiiyak siya sa binalita ng doktor pagkalabas niyon.
Lumala ang sakit ni Fia, mababa na ang tsansa nitong maka-survive sa kumakalat na
tumor sa buto nito. Pwedeng manganib ang ilang parte pa ng katawan nito at mahawa.
Katulad ng lungs, breast, at ano pa. Nabahala pa siya nang sabihing 25% nalang ang
tsansa ni Fia na mabuhay. Hindi na rin ito nagsasalita at ang tanging buhay nalang
nito ay ang mga aparato na nakasalpak sa bibig nito. Napaiyak siya roon. Pumunta
siya sa chapel malapit sa ospital at nagdasal siya ng mataimtim.

Diyos ko, h'wag mo pong pababayaan ang pamangkin ko. Napaka-bata niya pa para kunin
po ninyo. Napakasakit po sa akin kung mawawala na siya sa akin ng ganito kaaga.
Panginoon ko, alam kong napaka-mapagmahal mo at ikaw ay nanggagamot sa mga may-
sakit. Pakiusap po, gawin niyong instrumento ang mga doktor at espesyalista na
gagamot sa pamangkin ko para siya ay gumaling.

Umiiyak pa rin siya habang lumabas ng chapel. Sa paglalakad niya may tumawag ng
pangalan niya. Nilingon niya iyon. Si Mommy Steph iyon na nasa loob ng sasakyan.
Bumaba ito.

"Bakit ganyan ang hitsura mo hija? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong sa
kanya nito. Tumango siya at napaiyak.

"Si Fia po, nanganganib ang kanyang buhay."

"Ano na nga ba ang sakit ng pamangkin mo? Hindi ba't bone cancer?" tumango siya
habang pinalis ang luha sa kanyang mga mata. "bakit hindi mo kausapin si Jordan?
Naniniwala akong kaya niyang pagalingin ang pamangkin mo. Kung iisipin, ang batang
hindi niya nailigtas noon ay sadyang hindi na talaga ligtas. Dinala ang pasyente na
iyon sa kanya dahil hindi matanggap ng mga magulang nito na patay na ang anak ng
mga ito. Isa sa pinaka-magaling na doktor si Jordan kaya dito sila humingi ng
tulong pero talagang huli na ang lahat pero hanggang ngayon sinisisi pa rin niya
ang sarili niya. Sasabihin ko sayo Jo, magaling na doktor si Jordan at kahit ilang
porsyento nalang ang nalalabi para mabuhay ang isang pasyente ay naililigtas niya."
naliwanagan siya sa sinabi sa kanya ni Mommy Steph. Kung ganoon ay maaaring
mailigtas ni Jordan ang pamangkin niya. Hinatid siya ni Mommy Steph sa korporasyon
dahil sinabi niyang naroon si Jordan. Hinanap niya ito doon. Pinapasok siya ng mga
empleyado sa opisina ni Jordan nang sabihin ang pangalan niya.

"Jo, what brought you here? Kumusta na si Fia?" umupo siya sa visitor's chair.

"Jordan..kaunting-kaunti nalang ang tsansang mabuhay ni Fia." Nagsimula na siyang


mapaiyak. "s-sinabi sa akin ni Mommy kanina na isa ka sa pinaka-magaling na doktor.
Tulungan mo naman si Fia, Jordan..nakikiusap ako sayo." nagmamakaawa ang tinig
niya. Gumalaw ang panga nito at hindi tumingin sa kanya. "Parang awa mo na..alam
kong ang laki na ng pagkakautang ko sayo pero pangako, gagawin ko ang lahat basta
maging doktor ka lang ni Fia. Malaki ang tiwala ko sayo kaysa sa ibang doktor.."

"Matagal na akong hindi doktor Jo. Matagal na akong hindi humahawak ng pasyente.
Nakalimutan ko na rin kung paano manggamot. H'wag ka sanang magalit sa akin kung
hindi kita mapagbibigyan." Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito.

"Jordan, please! Isa kang matalinong tao at alam kong kaya mo pa ring manggamot
dahil matagal mong pinag-aralan iyon at aminin mo sa sarili mong mahal mo ang
magpagaling. Tulungan mo si Fia gaya ng pag-gamot mo sa akin.. Please." Tumayo siya
sa kinauupuan at lumuhod sa harapan nito. Nagulat ito sa ginawa niya.

"Jo, tumayo ka diyan."

"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag. Kung gusto mo, gawin mo akong atsay
buong buhay mo, ayos lang basta pumayag ka lang. Nagmamakaawa ako sayo.."

"Patawad Jo, pero hindi na ako ang doktor na magaling. Irerekomenda ko nalang si
Fia sa isang magaling na doktor. Wala na akong tiwala sa kakayahan ko ngayon."

"Hindi ako naniniwala, kung ikaw wala kang tiwala sa sarili mo. Pwes, malaki ang
tiwala ko sayo.."

"Paano kung hindi ko mailigtas si Fia? Anong gagawin mo?"

"Gaya ng sinabi ko, wala akong ibang sisihin." Huminga ito ng malalim. Tumayo ito
sa kinauupuan nito at umupo sa harapan niya.

"Patawad Jo, hindi talaga kita matutulungan. Ayokong mawala sayo ang pamangkin mo.
Tutulong nalang ako sa pagdarasal na makaligtas si Fia. Hayaan mo na rin akong
irekomenda ko siya sa isang magaling at mahusay na doktor." pagkatapos nitong
sabihin iyon ay tumayo na ito at lumabas ng opisina. Naiyak siya dahil hindi siya
nagtagumpay sa pagkumbinsi rito. Bagsak ang balikat na lumabas ng opisina. Bumalik
na siya sa ospital.

Kinausap sila ng doktor kung gusto pa nilang ipagpatuloy ang operasyon sa 20%
percent na tsansa na mabuhay si Fia. Tumango siya at um-oo. Alam niyang lumalaban
ang pamangkin niya at sasabayan niya ang pakikipaglaban nito. Magdarasal sila ng
nanay niya. Matagal daw ang magiging operasyon kaya naman nakatulog sila ng nanay
niya habang nanuyo nalang sa mga pisngi nila ang mga luha.

Pagkalipas pa ng ilang oras. Lumabas na ang naka-green na doktor pero hindi sila
kinausap niyon. Lumabas ang nurse at kinausap sila. Pero bakit hindi ang doktor?
Nag-umpisa na siyang mapaiyak. Hindi kaya, hindi nakaligtas ang pamangkin ko?

Tinanggal ng nurse ang mask nito. Ngumiti ito sa kanila.


"Ligtas ang pamangkin at apo niyo Miss and Mrs. Concha. Isang magaling at mahusay
na doktor ang nag-asikaso sa kanya. Nawala ang mga tumor nito sa mga buto, para
bang isang milagro ang lahat ng iyon. First time kong makita ang doktor na iyon,
marahil siguro ay baguhan ako rito pero napaka-husay niya. In a few minutes, pwede
niyo na rin pong bisitahin ang pasyente. Sa susunod rin pong mga araw ay pwede
siyang bumalik rito para magpa-check up." Tumango sila. Sunod-sunod na pumatak ang
luha niya sa sobrang saya. Umalis na ang nurse. Nagyakapan sila ng nanay niya. Lord
salamat, you heard my prayers.. Thank you..Thank you po.

Gusto sana nilang magpasalamat ng nanay niya sa doktor na nagpagaling kay Fia pero
mukhang nag-out na raw iyon. Kinumusta nila si Fia nang magkamalay na ito. Masigla
na muli ito at hindi na namumutla.

"Okay na okay na po ako Mamang at Tita Jo. Wala man lang po akong naramdamang sakit
habang ginagamot po ako." naiyak sila sa tuwa sa sinabi ni Fia. Niyakap nila ito.
"h'wag na po kayong umiyak. Malakas na po ulit ako. Ngayon ko lang po naramdaman
ang ganitong klase ng ginhawa sa katawan."

"Oo, salamat sa Diyos! Dininig niya ang panalangin namin ng Tita Jo mo. Hindi namin
alam ang gagawin kung mawawala ka.." anang Mama niya na naiiyak. Ngumiti lang ang
bata. Maya-maya, pagkatapos mag-usap ay pumunta siya sa mga nurse. Tinanong niya
ang pangalan ng doktor, hinanap nila iyon.

"Siya po si Doc Jordan Steven Versace." Anang nurse. Her eyes welled in tears in so
much surprise. Nagpasalamat siya roon. Hindi niya alam kung anong klaseng iyak ang
gagawin. Ginawan siya ng isang malaking pabor ni Jordan. Kahit ayaw nitong
manggamot, ginawa nito para kay Fia. Kailangan na niyang magpasalamat kay Jordan.
Tinawagan niya ang cellphone nito pero hindi nito iyon sinasagot. Pinuntahan niya
ito sa condo unit nito. Ang nagbukas sa kanya ay si Mitch.

"Jo? Why are you here?" yumuko siya.

"Pwede ko bang makausap si Jordan?"

"Na naman?" may himig ng galit ang boses nito. "lagi mo nalang hinihiram ang
boyfriend ko. Ganoon ba talaga kayo ka-close? Umuwi ka na Jo! Kung kailangan mo ng
pera, ako na ang bahalang magbigay sayo. Magkano ba?" napa-angat siya ng tingin
rito.

"Mitch?" tawag ni Jordan sa likuran nito. Napaiyak siya nang makita si Jordan.
Hindi niya kasi talaga alam kung paano magpapasalamat. "Jo? Bakit ka nandito?"

"G-gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo.."

"Anong ginawa?" singit ni Mitch. Nakatingin lang siya kay Jordan.

"Alam mo na pala. Sige, wala 'yon. Umuwi ka na, mag-ingat ka." Ani Jordan. Napaka-
humble ni Jordan. Napaiyak siya roon at ngumiti siya dito saka nagsimulang maglakad
palayo. Bumalik na siya sa ospital, sinabi niya kina Fia at sa nanay niya na si
Jordan ang gumamot kay Fia. Nagalak ang mga ito.

INUWI na nila sa apartment si Fia. Hindi na rin nagti-text sa kanya si Jordan.


Tingin niya, kailangan na niyang pirmahan ang naging pinag-usapan nila. Kahit ito
ang painful moment, kailangan niyang harapin.

Naglakad na siya papuntang terminal para makasakay papunta sa law office.

"Jo!!" nilingon niya ang baritonong boses na tumawag sa kanya. Natatandaan niya ang
lalaking ito ah. Lumapit ito sa kanya. "still remember me?" ito yung lalaking model
na nakasayaw niya noon sa Palawan.

"Hmm Cameron? Cameron Silva? Model sa isang fashion show, right?" tumango ito at
ngumiti. "a-anong ginagawa mo rito?"

"Ang tagal na kitang hinahanap, mabuti nalang nagpunta ako rito. Grabe, since that
night hindi na talaga kita makalimutan. I was about to kiss you nang may humatak
sayo. Sino ba ang lalaking iyon?"

"Ahmm. Kaibigan ko 'yon."

"Ahh. Umaasa akong makita ulit kita at pormal kitang ligawan."

"Huh? Ligawan? Bakit? Type mo ko?"

"Exactly! That was my first time to meet a girl who's so incredible. Lagi kang
masaya at mukhang masaya ka talagang kasama. I want to be with someone like you.
And I'm ready to spend the rest of my life with you." nagugulat siya sa mga
litanyang sinasabi ni Cameron sa kanya.

"Ha? Ehh.."

"I like you and I love you at the first sight. I know you can bring so much
happiness in me." bigla siya nitong siniil ng halik sa labi. Nagulat siya roon pero
kahit anong pagpupumiglas ay hindi siya nito binitawan. She's moaning in the middle
of his kiss. Sinampal niya ito ng malakas, binastos siya nito sa harap ng napaka-
raming tao.

"Ang kapal ng mukha mong halikan ako! Ni hindi ko nga alam ang kulay ng budhi mo!
Ang kapal ng mukha mo! Layas! Layas!" angil niya rito. Nagbabadya ng apoy ang mga
mata niya, at kapag hindi pa ito umalis ngayon ay sasapakin niya ang isang ito.
Salamat naman at umalis na rin ito. Nag-init ang ulo niya. First time niyang
makatagpo ng lalaking makapal ang mukha. Feeling niya type ko rin siya? Wow ha?

Sumakay na siya ng bus at pumunta sa law office. Kinausap niya ang Versace's family
lawyer. Kukuhanin niya ang kontrata para pirmahan pero sinabi nitong kinuha raw ni
Mrs. Stephanie Versace ang mga kontrata kaya kung gusto raw niya ay puntahan nalang
ito. Tinawagan niya si Mommy Steph. Sinagot naman nito iyon. Pumunta siya sa bahay
ng mga ito.

"Tumawag sa akin ang family lawyer. Desidido ka na raw na pirmahan?" tumango siya.

"Sorry 'mmy. Oo nga po pala, I succeed sa pagi-encourage kay Jordan na gamutin ang
pamangkin ko. Now, my niece is a strong survivor of cancer. Thanks to him po
talaga, tsaka sa inyo rin po 'mmy. Salamat po."

"Walang anuman. At salamat din sa tulong mo, sa palagay ko unti-unti mababalikan


niya rin ang propesyon na mahal na mahal niya." tumango siya at ngumiti.

"Pero 'mmy, tutuparin ko na ang pagpirma sa separation namin. Sorry po talaga."


Nalungkot ang mukha ni Mommy Steph.

"Gusto kong papuntahin dito si Jordan para sa confirmation."

"K-kayo po ang bahala."

"Pero, may I ask you something hija?"


"Anything po."

"Gusto mo ba si Jordan?" napayuko siya roon. Nakagat niya ang ibabang labi niya at
saka dahan-dahang tumango.

"I just don't like him 'mmy. I loved your son." Gumaralgal ang tono ng boses niya.
"pero, sobrang dami na niyang naitulong sa akin para hindi ako tumupad sa pinag-
usapan. Napaka-sakim ko naman kung ipagkakait ko sa kanya ang kalayaan niya alang-
ala sa pagmamahal ko para sa kanya. He is in loved with somebody 'mmy. And I'm sure
that woman can give the real happiness to him. Not me, and not the other girls."

Ngumiti sa kanya si Mommy Steph pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.

"I understand you. You gave me realization noong mag-usap tayo sa resto. I
shouldn't force him to marry somebody that I liked dahil hindi na rin ako maiiba sa
mga magulang ko kung ganoon. I just thought that it would be fine with him pero
hindi ako nagtagumpay, at hahayaan ko na rin siyang lumigaya at mag-decide in his
own." Tumango siya. Agad niyang pinalis ang nakaambang na luha sa mga mata niya.
Tumabi sa kanya ito at niyakap siya. "I will miss you Jo. You've been a good
daughter to your mom, good auntie to your niece, good friend to my son, and good
daughter-in-law of mine in a short time. Thank you." gumanti siya ng yakap rito at
napaiyak. Tinawagan na nito si Jordan. Papunta na raw ito. Kinakabahan siya.

Dumating na si Jordan sa bahay. Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito. Halo-halong
emosyon ang nakapinta sa mga mata nito. Hindi niya ba mahinuha kung galit ba iyon,
lungkot, saya, o ewan niya. Parang pinupunit ang puso niya nang nilabas na ni Mommy
Steph ang kontrata.

"Jordan, I'm gonna be the witness for today of your official separation.
Kinukumpirma mo na ba ang hiwalayan ninyo ni Jo?" nakatingin lang siya rito.
Nananalangin siya na humindi ito pero imposible iyon dahil mahal nito si Mitch, at
iba ang mga titig nito sa nobya. At ang mga titig nito sa kanya ay parang isang
kapatid lang o kaibigan. He can't blame him dahil hindi naman talaga naging mabuti
ang tingin nito sa kanya from the very beginning. Nagtama ang mga mata nila ni
Jordan, kahit gusto niyang umiwas ay pinilit niyang huwag dahil napaka-importante
ng sandaling iyon para sa kanya, dahil huling pag-uusap na nila ito.

"Sure." Maikling sagot ni Jordan habang blanko ang ekspresyon ng mukha at mga mata
nito. Nangilid ang luha niya. Tumingin siya kay Mommy Steph. Mukhang disappointed
din ito. Inabot na nito iyon sa kanya at ang ballpen. Nagsimula na siyang pumirma.
Pinigil niya ang nag-uunahang luha sa mga mata niya. Matapos niyang pirmahan ay
hinubad niya sa daliri ang emerald ring, pagkatapos ay umalis na rin agad si Jordan
ng bahay. Walang huling sulyap at huling mensahe para sa kanya. Why is she still
expecting something? Niyakap siya ni Mommy Steph.

"Mmy, it doesn't mean na kaya ako pumirma dahil hindi ko siya mahal. Ang totoo,
mahal na mahal ko siya at handa akong palayain siya kahit na parang pinipiga ng
husto ang puso ko." Napahagulhol siya. Umuwi na siya sa kanila, sinabi niya sa
nanay niya ang lahat ng nangyari. Nagulat ito at sobrang nadismaya pero pagkaraan
ay isa na rin itong ina na nauunawaan ang nararamdaman ni Jordan.

-----------------------------------------------------------------------------------
---
####################################
Chapter 10: The One Last Peso
####################################

Chapter 10
MASAKIT mang isipin na wala na siyang fiancé. Ayos na rin siguro dahil malaya na
ito ngayon, at iyon ang importante. Makita mong masaya ang taong mahal mo, pero
h'wag lang niyang makitang nasasaktan si Jordan dahil babawiin niya ito kahit anong
mangyari. Para din akong tanga! Paano ko naman siya mababawi? Haay. Jo talaga,
nababaliw na naman!

Nagpi-pinta siya ngayon. Big opportunity ang nangyari sa kanya nitong nakaraang
linggo matapos ang separation nila ni Jordan. Kinuha siyang main paint artist sa
isang magandang museum kaya naman pinagbubutihan niya iyon.

Pumunta siya sa coffee shop pagkatapos magawa ang ilang projects niya. Gusto niyang
mag-relax. May dalawang pamilyar na tao ang pumasok sa coffee shop. Nakangiti ang
mga iyon sa kanya habang papalapit sa kanya.

"Kumusta na Jo? Can we share a table with you?" nakangiting tanong sa kanya ni
Dominic. Tumango siya at ngumiti. Nasa tapat na niya ang dalawang kaibigan ni
Jordan na sina Vash at Dominic.

"I'm fine somehow. Hmmn, I guess meron kayong date at pareho niyong hinihintay ang
mga dates niyo. Am I right?" aniya saka sumimsim ng kape. Ngumiti ang mga ito at
umiling. "ha? Wala kayong date? Uhmm, isa pang guess..nai-stress kayong dalawa kaya
nagpunta kayo rito?" ngumiti ulit ang mga ito at umiling. "okay, wala na akong
maisip na iba pa. What is it?"

"Si Jordan." Sabay na wika ng mga ito. Kumunot-noo siya.

"W-what happened to Jordan?"

"May gusto kaming linawin sayo Jo. Tiyak, magagalit talaga sa amin si Jordan kapag
nalaman niyang sinabi namin sayo 'to." Ani Vash na parang kinakabahan.

"A-ano ba 'yon? Nakaka-kaba naman.."

"Hmmn. Naaalala mo pa ba noong pirmahan mo ang separation ninyo ni Jordan?"

"Oo naman. That was last week. What about it? Pwede bang sabihin niyo na?"

"Kasi, that night, he opened up everything..ipaparinig nalang namin sayo 'yung


record." Nilabas ni Dominic ang cellphone nito. Binigay sa kanya ang earset.
Sinalpak niya iyon sa mga tainga niya.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I'm totally in loved with my fiancee. Ang
sakit-sakit na makita mong nakikipaghalikan siya with another man, she's enjoying
that kiss..alam kong gusto niya ang paghalik na iyon dahil iyon din ang lalaking
gusto siyang halikan sa Palawan. Kaya naman nang dumating ako sa bahay para sa
confirmation, pumayag ako dahil gusto ko rin siyang palayain dahil alam kong
nasasakal na rin siya sa engagement namin. She's not happy with me, she doesn't
even like me or did love me. Noong mga oras na pumunta siya sa pad ko, si Mitch ang
nagbukas sa kanya dahil time in din na aalis na rin ito. Inamin ko kay Mitch na
fiancee ko si Jo at siya na ang mahal ko kaya she'd broken up with me. Mahal ko si
Jo, mahal ko ang fiancee ko..I'm expecting in return pero wala naman pala akong
dapat asahan dahil iba ang magpapasaya sa kanya. Okay lang naman 'diba? Tama lang
naman 'yung ginawa ko..na palayain siya."

Natapos ang record pero umiiyak pa rin siya sa narinig niyang madamdaming
confession ni Jordan. Binalik niya iyon kay Dominic at umiyak nang umiyak.
Kailangan niyang magpaliwanag kay Jordan.
"Vash, Dominic, mahal ko rin siya. Mali ang akala niya sa nakita niya. Hindi ko
gusto ang lalaking 'yon."

"We believed in you. Kaya nga kami lumapit sayo dahil nagawa mong kumbinsihin siya
na maging doktor at alam namin na ikaw ang makakapag-pasaya talaga sa kaibigan
namin. Nasa clubhouse nila siya ngayon, gusto mong sumama?" tumango siya. Pumunta
na sila roon. Nag-bell siya sa suite nito pero walang lumalabas. Nakailang pindot
na siya pero wala talaga. Baka naman umalis na dito. Tumalikod na siya, nakakailang
hakbang na siya nang magbukas ang pinto.

"Jo?" nilingon niya ang boses ni Jordan. Na-missed niya ang boses nito. Naka-kunot
noo ito. Kinagat niya ang ibabang labi niya at lumapit rito. "bakit ka nandito?"

"Pwede ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?" napaka-gwapo talagang nilalang ng fiancé niya. At hindi niya na ito
ngayon pakakawalan pa, lalo na at wala ng hahadlang pa sa kanila.

"Ahmm..kasi..gusto kong sabihing..paano ba 'to?"

"Importante ba talaga 'yan? May kliyente ako through online. Pinaghihintay ko siya
ngayon kaya kung hindi importante 'yan, magpa-set ka nalang ng appointment sa
secretary ko." Malamig ang tono ng boses nito. First time niyang narinig ang tinig
na iyon dito. Pinigil niya ito sa braso. Tinignan siya nito.

"Sobrang importante nito, I won't last this day without telling you my real
feelings. Mali ang akala mo sa lalaking nakita mong kahalikan ko. Yes, he's the guy
in Palawan pero napaka-labo..Hindi ko siya gusto at bigla nalang niya akong
hinalikan without any of my permission kaya sinampal ko siya."

"Hindi ko nakitang sinampal mo siya. Matagal akong nakatingin sa inyo at nang 'di
ko na nakaya, umalis na rin ako."

"Hindi. I don't know how to defend myself pero Jordan, ikaw ang mahal ko.
Paniwalaan mo naman ako oh.." naiiyak niyang sinabi iyon. Tinanggal nito ang
pagkakahawak niya sa braso nito.

"Umalis ka na." napaiyak na siya ng tuluyan sa sinabi nito. Pumasok na ito sa loob.

"Jordan.. I'm still in debt with you. I owe you a one last date and one peso. Can I
date you?" malakas na loob niyang sinabi rito. Nilabas niya ang piso mula sa bulsa
at inabot rito. Tinignan nito iyon.

"If you want to date me, submit the following requirements.." napa-amang siya roon.
"NSO Birth Certificate, Copy of Driver's License & SS Card, Current Pay Stub, Clean
drug test & Std screen.." natawa siya roon.

"Jordan? You don't do that to me!"

"Nagrereklamo ka?" inirapan niya ito.

"Of course not. I want to date you, and I'll do everything to get your yes."

"Good. Pwede ka ng umalis at simulang lakarin ang mga requirements." Seryoso ang
mukha nito. Gaya-gaya ng style.. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Jonnalyn Concha!" nainis siya sa pagtawag nito ng buong pangalan niya. Naka-
simangot siyang humarap dito.
"Jo nalang! Kakainis 'to!" inirapan niya ito. Lumiwanag na ang mukha nito at saka
lumapit sa kanya.

"Totoo bang mahal mo ako? At tama ba ang narinig ko?" tumango siya at tinignan ito
sa mga mata. Ngumiti ito. "then prove it to me." she tip-toed and kissed him. He
responsed in her kiss and smiled at her. "I love you and I have a big trust on you
kaya you don't need to pass any requirements." Natuwa siya roon. "ikaw lang naman
ang malupit talaga sa akin eh. But no matter how angry I am with you, irritated
with you, and say I'm done with you..I still don't wanna lose my fiancee. I love
you too Mrs. Jordan Steven Versace." Natawa siya roon at siniil siya nito ng halik.
"I want to marry you because we both want to, not because they want to." Tumango
siya roon. Sobrang saya niya kaya nagpapasalamat siya sa Diyos.

"Sino nga palang nagsabi sayong nandito ako?" tanong nito sa kanya.

"Well, your two good friends. And they also told me your confessions about your
real feelings for me." natawa nalang ito roon.

Dinala siya nito sa labas ng clubhouse. Nanlaki ang mga mata niya sa nakaparadang
kotse doon. Iyon ang favorite car niya sa shop nito.

"Naisip kong gusto mo 'yan kaya I'm giving that to you now as my special gift."
Natuwa siya at nagpasalamat. "nabilhan na rin pala kita ng DLSR at nalagyan ko na
rin ng nude photos ko."

"What?!" nagulantang siya roon. Tinawanan siya nito. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"kapag niyayakap mo ako, pakiramdam ko pwede na akong mamatay."

"I don't want you to die." Hinalikan siya nito. Ngumiti siya rito.

"And now you're kissing me tenderly, I think I wanna live forever.." ngumiti ito sa
kanya. "thank you for giving me your second to love you and I'll make sure that
I'll make that second last a lifetime."

"That's so sweet, love.." and then they sealed with a kiss.

---------------------WAKAS----------------------------------------------------

THANK YOU LORD.

[Do not copy or reprint without the consent of the author]

Copyright © 2014 By: Anne Villahermosa (Aloneprincess) wattpad.com/


Iamaloneprincess.weebly.com

All rights reserved.

You might also like