EsP Grade9 Quarter2 Module2 Week3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque 

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9  


 
Ikalawang Markahan 
MODYUL 2 - Ikatlong Linggo 
 
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral  
Mga Kasanayang Pampagkatuto  
(Most Essential Learning Competency) 
 
 
Inaasahan 
6.1. Natutukoy ang mga batas na naaayon sa Likas na Batas Moral   
EsP9TTIIc-6.1 
6.2. Nasusuri ang mga batas na umiiral sa pamamagitan ng panukala   
tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas  
na Batas Moral ​EsP9TTIIc-6.2 
 
 
Unang Pagsubok 
Panuto:​ Isulat ang ​TAMA​ ​sa wastong pahayag, at ​MALI​ sa hindi   
wastong pahayag.​ ​Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 
1. Ang likas na batas moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. 
2. Likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. 
  3. Ang tao, kasama ng lahat ng nilikha, ay tumanggap ng batas mula   
sa Diyos. 
    4. Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumikilos  
tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga ugnayan. 
5. Nagbabago ang pananaw sa mabuti dahil na din sa pagkakaiba-iba  
ng kultura, relihiyon, paniniwala at layunin. 
 
 
Balik-Tanaw 
Punan  ng  akmang  salita  ang  mga  patlang  upang  makabuo  ng 
mahalagang konsepto na nahinuha sa nakaraang aralin tungkol sa   
karapatan at tungkulin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 
Ang  ______________  ay  mga  prinsipyong  gumagabay  sa 
pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa 
dignidad niya bilang tao. 
Ang bawat ____________tinatamasa mo bilang tao sa lipunan, 
saang dako ka man naroroon ay may katumbas na​ ________________. 
 
 
 
 

1
 
 
Maikling Pagpapakilala ng Aralin 
Sa  panahon  ng  ​Covid,​   pinaalalahanan  tayong  palagiang  maghugas  ng 
kamay,  magsuot  ng ​facemask,​  at mag ​social distancing sa pampublikong 
lugar​,​upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at makahawa sa iba.​ ​Kung  
iisipin,  sa  dami  ng  mga  umiiral  na  batas,  at  nagsasabi  sa  atin ng dapat 
at  hindi  dapat  gawin,  napakasimple  lang  naman  ng  utos  sa  tao: 
magpakatao at maging makatao. 
 
   
 
Gawain 
Panuto​:  Basahin  ang  ​news clippings ​at  ibigay  ang  iyong  saloobin. 
Hinihikayat ka na humingi ng patnubay sa iyong magulang. Isulat  
ang iyong sagot sa sagutang papel. 
 
Mga magulang ng mga kabataang lumalabag sa ECQ, iminungkahi ng 
maparuhasan 
Robie de Guzman • April 30, 2020 
MANILA,  Philippines  –  Isinusulong  ng  Joint  Task  Force  (JTF)  Coronavirus 
(CV)  Shield  sa  mga  lokal  na  pamahalaan  ang  pagpapasa  ng  ordinansa  na 
layong  magpataw  ng  parusa  sa  mga  magulang  ng  mga  menor  de  edad  na 
lumalabag sa panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ). 
 
Ayon  kay  Police  Lieutenant  General  Guillermo  Eleazar,  ang  pinuno  ng  JTF 
CV Shield, responsibilidad ng mga magulang na pasunurin ang kanilang mga 
anak  sa  umiiral  na  mga  alituntunin  para  na  rin  sa  kaligtasan  ng  buong 
pamilya sa gitna ng banta ng novel coronavirus disease (​COVID-19).​  
 
Aniya,  dapat  ring  magsilbing  magandang  ehemplo  ang  mga  magulang  sa 
kanilang mga anak sa pagtalima sa ipinatutupad na protocols. 
 
Kung  ayaw  sumunod  ng  mga  kabataan  sa  isinasaad  na  curfew  at 
stay-at-home  rules,  sinabi  ni  Eleazar  na  ang  magulang  ng  mga  ito  ang 
ipinapanukala  nilang  maparusahan  dahil  hindi  naman  maaaring  arestuhin 
ang mga menor de edad sang-ayon sa batas. 
 
Aniya,  nakikipag-ugnayan  na  sila  ngayon  sa  mga  lokal  na  pamahalaan  ukol 
sa  panukalang  ito  upang  mabawasan  ang  mga  taong  lumalabas sa 
kanilang mga tahanan sa gitna ng COVID-19 crisis. – RRD  
(mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan) 
 
1. Sumasang-ayon  ka  ba  sa  isinusulong  ng  ​JTF  sa  pagpasa  ng  ordinansa? 
Pangatwiranan. 
2. Ano  ang  iyong  saloobin  sa ordinansa na layong magpataw ng parusa sa mga 
magulang ng mga kabataan na lumalabag sa panuntunan ng ​ECQ?​  
3. Batay  sa  iyong  karanasan,  bakit  mahalagang  sumunod  sa  alituntunin  ng 
batas?   

2
 
Tandaan 
.​ ​“Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at 
may kakayahang makaunawa sa kabutihan”,  
 
ayon kay Sto. Tomas de Aquino. 
● “Ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi   
lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip   
kundi sa larangan din ng pakiramdam. 
● “Ninanasa  ng  tao  ang  mabuti;  hindi  ang 
masama”, ayon kay Max Scheler. 
● Ang  tao  ay  may  natural  na  pagkaakit  sa  mabuti.  Ang  mabuti  ang 
laging  pakay  at  layon  ng  tao.  Ang  isip  at  puso  ang  gabay  para 
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. 
● Ang  mabuti  ay  ang  mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. Ang 
tama  ay  ang  pagpili  ng  mabuti  batay  sa  panahon,  kasaysayan, 
konteksto at sitwasyon. 
 
Pag-alam sa mga Natutuhan 
 
Gamit ang iyong natutunan sa aralin. Subukan nating buuin ang   
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 
 
1. Sa araling ito, napag-alaman ko na _______   
2. Bilang isang mag-aaral, sinusunod ko sa aking makakaya ang 
mga batas na umiiral sa pamamagitan ng _______   
 
 
Pangwakas na Pagsusulit 
Piliin  ang  akmang  salita sa loob ng kahon upang makabuo ng konsepto 
sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.  
   

  Ang______________ at  _____________ang gabay para kilatisin kung ano 
talaga  ang  mabuti.  Ngunit  iba  ang  mabuti  sa  tama.  Ang  ______________ay 
ang pagtungo lagi sa pagkabuo ng______________.  
 
Ang  ________________ay  ang  pagpili  ng  mabuti  batay  sa  panahon, 
kasaysayan, konteksto at sitwasyon. 
 
 

You might also like