Dokumentaryong Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALMONACID, RAVEN B.

DOKUMENTARYONG PELIKULA NG Goyo Ang Batang Heneral

A. Buod – Ang pelikulang ito ay tungkol sa sa buhay at pakikipagsapalaran ng batang


heneral na si Gregorio del Pilar o Goyo. Siya ay naging opisyal na may mataas na
katungkulan sa murang edad na sinasabing bunga ng kanyang pagigging tapat sa
unang pangulo na si Heneral Emilio Aguilnaldo at angking husay bilang isang sundalo.

Nang mabigo ang puwersa ng sandatahan ng Pilipinas sa pakikidigma sa mga


Amerikano, napilitang magtago ang mga nasa pamahalaan kabilang si Pangulong
Aguinaldo sa malayong kabundukan ng Cordillera. Kalaunan ay nahuli rin ang ina at
anak ni Aguinaldo.

Upang matulungang makatakas ang pangulong Aguinaldo, inumpisahan ni Goyo at ng


tirador na si Lieutenant Garcia na paulanan ang bala ang mga Amerikano sa Tirad
Pass.

Dahil sa kanilang unang tagumpay at napaurong ang mga Amerikano, naging kampante
sina Goyo na napaurong na nga nila ang mga banyaga.

Ngunit ang hindi nila alam, sa tulong ng isang Pinoy, nakapagturo ito ng ibang daan
upang maakyat ang Tirad Pass nang hindi nalalaman nina Goyo.

Nang matagumpay na makarating ang mga Amerikano sa bundok, napatay nila ang
puwersa ng mga Pilipino kabilang si Goyo. Nahuli rin si Aguinaldo at naging hudyat ng
pagtatapos ng digmaan noon.
B. Profayl ng director – Si Jerrold Tarog ay isang Filipino film director, screenwriter,
producer, editor, and composer. Siya ay sumikat at mas nakilala sa mga
pelikulang Heneral Luna, Bliss, Goyo: The Boy General, and the upcoming film
Darna. His first feature film was the independently-produced Confessional,
followed by Mangatyanan and Sana Dati. Ipinanganak noong May 30, 1977 at
nakapagtapos ng Agribusinness management sa University Of the Philppines
Los Banos.

C. Pagsusuri at kaugnayan sa kurso – Ang pelikulang ito ay nagsilbing tulay upang


mabuksan ang mga pintong di natin alam tungkol kay General Goyo laharang
ipinakita sa pelikula ang mga maling alamat na ating matagal na pinaniwalaan
ukol sa kwento ng buhay ni General Goyo bilang isang kagalang galang na
general. Ang kanyang kabayanihan na ating mababasa sa mga aklat ng tayo ay
nasa elementarya ay lubos na nakulayan ng mga kontrebersya ng pambababae
at sobra sobrang katapatan sa Pangulong Emilio Aguinaldo na sinasabing
naging susi sa kanyang pagkakaroon ng mataas na posisyon sa likod ng batang
edad at kakulangan sa karanasan ng pakikidigma.
D. Konklusyon at rekomendasyon – Masasabi kong ito ay maituturing na
napakaganadang obra na di lamang nakapokus sa pagsasalaysay ng buhay ni
General Goyo kundi pati nadin sa pagsasalaysay ng katotohanang ukol sa mga
taong tinuturing nating bayani ng ating bayan. Kaya naman ang pelikulang itong
ay para sa mga taong mayroong curios mind sa truthful historical events ng ating
bansa.

You might also like