Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ang pananaliksik ay isa sa pinaka kinakailangan sa anumang antas ng edukas'yon;


elementarya, sekondarya at tersyarya, masteral at doctoral. Ito rin ang pinaka
importante upang magamit ng mga mag-aaral at guro upang resolbahin ang isang
suliranin. Nagsisimula ang pananaliksik sa kadahilanang hindi nakukuntento ang mga
tao sa kung anong nayroon siya. Sa pamamagitan nito'y natututo at patuloy ang tao sa
pangangalap ng impormasyon upang masolusyunan ang kan'yang mga suliranin.
Halimbawa nito ay ang pandemya ngayon, dahil sa pananaliksik, nagsisiyasat nang
maiigi ang mga eksperto upang magkaroon ng mabisang gamot sa kumakalata na
sakit.

2. Lubhang napaka halaga ng pananaliksik, hindi lamang sa pag-unlad ng isang tao


kundi sa pag-unlad ng lipunang kinabibilangan nito. Nagkakaroon ng kaunlaran sa mga
kagamitang nakapagpapagaan sa pamumuhay at kalagayan ng mga tao. Susi ito sa
pagbabagong inaasam ng mga taong makapagbibigay sa kanila ng kaginhawahan
upang mapabilis ang pamumuhay.

3. Batay sa aking napanuod, may sampung katangian ang dapat taglayin ng isang
pananaliksik: sistematiko, siyentipiko, kontrolado, imperikal, lohiko, sayklikal, analitikal,
kritikal, metodikal, replikabiliti. Kapag pinagsama-sama ang mga katangiang ito,
nagbibigay kahulugan ito sa dapat taglayin ng isang mananaliksik sa kung paano niya
isasagawa nang buong husay ang pag-aaral. Simula sa pagkakasunud-sunod ng
proseso hanggang sa paraan nang paggawa pa ng isang bagong pananaliksik mula sa
unang pananaliksik na isinagawa. Nasusubok dito ang kakayahang mag-isip nang
malalim at malawak. At ang kakayahan sa mahusay na pag-obserba sa mga datos at
impormasyon na nakalap sa pananaliksik.

4. Ang pananaliksiksik ay nakatutulong hindi lamang sa mga guro kundi pati na rin sa
mga mag-aaral. Kapwa napagtatagumpayan nila ang pagtuklas sa mga bagong
kaalaman na makatutulong upang mas maging epektibo ang pagresolba nila sa isang
suliraning kinahaharap. Nakatutulong din ito upang malinawan ang mga mag-aaral sa
nararapat nitong tahaking landas, magkakaroon siya ng mga datos upang mas
maunawaan nang mahusay ang landas na tinatahak. Karagdagan pa, nagiging
produktibo ang isang mag-aaral at makapag-isip nang kritikal upang mabigyan niya ng
mga angkop na konklusyon ang mga suliraning kinahaharap sa buhay. Napaka halaga
rin ng pananaliksik sa isang bansa, pagka't nakatutulong ito upang mas mapaunlad pa
ang iba't ibang sektor na nabibilang dito; tungo sa isang mabilis at magaang
pamumuhay. Dahil dito ay napapaunlad din ng mananaliksik ang kan'yang sariling
isipan upang mahasa ang kahusayan sa paglutas ng suliranin, maging ang mahusay na
pakikipag-ugnayan sa iba't ibang uri ng tao sa lipunan.

You might also like