5th-6th Week Las

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 7

IKALIMANG LINGGO

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon: _________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
MELC: Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa
kuwento, mito, alamat at kuwentong-bayan. (F7PS-Id-e-4)

Pokus: Ang Pananaliksik


Pinatnubay na Tanong:
Gawain 1 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
May nakita kang bagong artista sa Telebisyon at gusto mo siyang makilala. Ano ang
iyong gagawin? Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano ka makakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?
________________________________________
2. Totoo kaya ang iyong nakuhang impormasyon? Paano mo nasabi? Ipaliwanag.
________________________________________
Butil sa Kaisipan
ISAISIP NATIN
ANG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon hinggil
sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Ayon naman kina Manuel at Medel (1976), ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga
datos o impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa siyentipikong paraan.
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod na mga
hakbang:
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa: Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin. siguraduhing ang
pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan, at yaong
mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng Layunin: lsa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya: Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba't ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang
materyal. Maaari ding gamitin ang Internet. Maging maingat lamang at suriing mabuti ang mga
talang makukuha sa Internet sapagkat maraming impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang
katotohanan.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas: Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik
dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng
mga tala.
5. Pangangalap ng mga Tala o “Note Taking": Sa pangangalap ng mga tala ay iminumungkahing
gumamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha lagom, tuwirang sipi, at hawig.
ISAISIP NATIN

Kapag lagom ay isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o
impormasyong nawawala. Sa hawig naman, malayang ipahayag ang tala sa
pagbibigay-paliwanag sa sinabi sa orihinal. Sa tuwirang sipi, kopyahin ang mga salita
sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline: Sa bahaging ito, planuhin
at isiping mabuti ang kabuoan ng pananaliksik na gagawin. "
7. Pagsulat ng Borador 0 Rough Draft: Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang
dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling
pangungusap.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador: Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang
nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng
mga salita.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik: Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa
pormat na ibinigay ng guro.

Malayang Pagsasanay

Gawain 2. Tukuyin kung anong uri ng hakbang ang mga sumusunod. Piliin ang sagot na
makikita sa ibaba. Isulat sa sanayang papel ang iyong sagot.

1. Sa bahaging ito planuhin at isiping mabuti ang kabuoan ng


pananaliksik na gagawin.______________
2. Siguraduhing ang pipiliing paksa ay naayon sa iyong
interes._________
3. Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng
guro.____________
4. Nagbibigay ng direksyon at nagsisilbing patnubay mo sa
pagbabasa at pangangalap ng mga tala.__________________
5. Huwag munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling
pangungusap. __________________

Pagpipilian :
 Pag-alam o Pagpili ng Paksa
 Pagsulat ng Borador o Rough Draft
 Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
 Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
 Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
Malikhaing Pagsasanay
Gawain 3. Detektib Konan!
Panuto: Gamit ang mga natutuhan ay magsagawa ng pananaliksik ng isang maikling
kuwentong nagpapakita ng katutubong kulay o kultura nating mga Pilipino. Sundan ang
gabay sa ibaba para sa pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
a. Panimula ng Maikling kuwento (Ano ang simula ng maikling kuwento?)

b. Ano ang paksa ng maikling kuwento na iyong napili?

c. Layunin kung bakit dapat basahin ang maikling kuwentong napili.

d. Katuturan ng mga salita sa paksa (Mga bagong salita o terminolohiyang ginamit sa


maikling kuwentong dapat bigyang-kahulugan kung mayroon man.)

e. Ano ang naging wakas ng maikling Kuwento?

f. Opinyon tungkol sa kabuuan ng kuwentong napili.


SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 7
IKA-ANIM NA LINGGO

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon: _________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
MELC: Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan. F7PD – Id-e-4

Pokus: Elemento ng Maikling Kuwento


Gawain 1. Pinatnubay na Tanong:

1. Nakapagbasa ka na ba ng Maikling kuwento? Ibigay ang pamagat nito.


________________________________________________________.
2. Anong gintong aral ang nakuha mo?
________________________________________________________.

Butil sa Kaisipan..
ALAMIN NATIN

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO


Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa
madali, maikli, at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay
natatapos basahin sa isang upuan lamang. lto ay nagdudulot ng aliw at
karaniwang kapupulutan ng mga aral sa buhay. Ayon naman kay Genoveva
Edroza-Matute, ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikang
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may
isang pangyayari, at may isang kakintalan.
Ang isang maikling kuwento, o anumang akdang pasalaysay saan mang
lugar ito nagmula ay dapat na nagtataglay ng sumusunod na mga elemento:
*Tauhan- Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay
maaaring maging mabuti o masama.
*Tagpuan- Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.
Malalaman dito kung ang kuwento ay nangyari ba sa panahon ng tag-ulan, tag-
init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.
*Banghay-Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. Simula-Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito.
Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
2. Tunggalian- Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan
sa mga suliraning kanyang kahaharapin
.
ALAMIN NATIN

3. Kasukdulan. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya't ito ang


pinakamaaksiyon. Sa bahaging ito nabibigyang solusyon ang suliranin at dito
malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
4. Kakalasan-Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng
daan sa wakas.
5. Wakas-Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o
malungkot.

Basahin ang Maikling Kuwento: PAG-ISLAM


Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang
maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip
nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit
na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah dumating na… dumating na ang kanyang
hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki
ay . . Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na
sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
“Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday habang
binibihisan ang bagong silang na sanggol.
“Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating
panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng
panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang
nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iyak.
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang
ama," bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang
kanyang ina.
"Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sinabi ng ina. Magaan ang loob na tinungo
niya ang tirahan ng Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at
magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na
anak ng Muslim. Ikinagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa
gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na
ibinubulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang. "Allahu Akbar, Allabu Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar Ash-hadu, Allah la Ilaaha Ash-hadu, Allah la Ilaaha Wa ash-hadu,
Anna Mohammadur Rasullallah. Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
. . . ang magagandang aral niya."
"Ngayong isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang
"Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.
magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.
"Abdullah”, sagot ni Aminah.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam.
"Kaygandang pangalan, Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.
"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay maraming tao; halos naroon nang lahat ang
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.
mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa'y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila
kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling.
maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo
Samantala, ang kababaihan nama'y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng
nilang kaya. . Ilang araw bago sumapit ang paggugunting, napag-usapan ng magasawa ang
masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
ipapangalan sa anak.
Ilang sandali pa'y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay "Abdullah na
Pagpapayamang Pagsasanay
Gawain 2 Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa iyong
binasa na pinamagatang PAG-ISLAM. Isulat sa sagutang papel.
1. Anong katangian mayroon ang isang maikling kuwento? Isa – isahin ang mga
ito.
2. Nakita mo ba ang mga katangiang ito sa akdang iyong binasa? Magbigay ng
mga patunay.
3. Ano-ano ang mga elementong bumubuo sa isang maikling kuwento? Ilahad ang
bawat isa.
4. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mahusay na pagkakahabi ng mga
elemento ng kuwento para maging epektibo ito?
5. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala, o
kultura ng iyong lugar na kinalakhan o kinabibilangan?

Gawaing Paglalagum

Gawain 3: Suriing Mabuti!


Bukod sa maikling kuwento, ang mga dokyumentaryong tumatalakay sa kuwento ng isang
tauhan ay isa ring uri ng akdang pasalaysay at mayroon ding mga elementong katulad ng
isang maikling kuwento. Gumawa ng isang pagsusuri tungkol sa isang dokyu-film na iyong
mababasa sa susunod na pahina (mula sa Youtube) na pinamagatang ‘Ang Unang Maestra’
dokyumentaryo ni Sandra Aguinaldo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Tauhan: Tagpuan:
Banghay

Hango sa “Ang Unang Maestra” Dokyumentaryo ni Sandra Aguinaldo ng I-witness

Airing date: October 20, 2018


Umaasa sila sa biyaya ng kalikasan. Sa gubat at ilog nagmumula ang kanilang lamang
tiyan. Pinipitas nila ang mga prutas at gulay mula sa kanilang bakuran. Sariwa ang hangin
at malinis ang kanilang mga ilog.
Sa isang tagong sulok sa bulubundukin ng Tanay, payapa ang buhay ng mga Dumagat.
Ngunit gaano man sila kalayo sa sibilisasyon, tila nanganganib pa rin ang kanilang
pamumuhay.
Matagal na silang nakatira sa kanilang lupang ninuno, ngunit unti-unti silang tinutulak
paalis rito. Ayon sa mga Dumagat, nalilinlang sila ng ilang mga taga kapatagan dahil sa
kanilang kakulangan sa kaalaman.
Ngayon, mayroon na silang sandata para maprotektahan ang kanilang tribo: ang
edukasyon.
Si Teacher Diday ang kauna-unahang Dumagat mula sa Tanay na nakapagtapos ng
kolehiyo. Kursong edukasyon ang tinapos niya sa tulong ng isang scholarship. No-read,
no-write ang kaniyang mga magulang pero desidido silang makapagtapos ang kanilang
anak sa pamamagitan ng pagbebenta ng aning bigas at luya. Ngayon, si Teacher Dida
yang tanging maestro ng kanilang nayon. Ang isang multi-purpose hall sa barangay Sta.
Ines ang naging kanlungan ng kaalaman ng mahigit limampung estudyanteng Dumagat.
Ilan sa mga estudyante ni Teacher Diday, kailangan pang maglakbay ng mahigit isang
oras para makapasok. Marami sa mga batang Dumagat ang hindi nakapagtapos ng
elementarya. Habang ang mga nakatatanda, hindi alam kung paano isulat ang kanilang
mga pangalan. Hindi rin sila marunong magkuwenta ng kanilang naibentang ani. Madalas
rin silang kinakantiyawan sa eskwelahan, kaya ang mga batang Dumagat, mahiyain at
pinipili nalang umupo sa likuran.
Ngunit sa loob ng klasrum ni Teacher Diday, nakangiti ang mga estudyanteng Dumagat,
kahit pa tila nakikipagbuno sa hawak na mga bolpen para isulat ang kanilang mga
pangalan. Suot nila ang kanilang tradisyunal na damit. Hindi sila nahihiyang magsalita sa
klase dahil ang guro nila, kapuwa Dumagat.
Pinili ni Teacher Diday na bumalik sa kaniyang komunidad para tulungan ang mga
Dumagat na tuparin ang kanilang mga pangarap. Katuwang niya sa pagtuturo ang
kaniyang nakababatang kapatid na si Irene, isa namang graduate ng Information
Technology. Batid nilang mas kikita sila kung makahahanap ng trabaho sa labas ng Sta.
Ines, ngunit mas gusto nilang ihandog ang kanilang mga natutunan sa lupang tinubuan.

You might also like