Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga


pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga
kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita. Ang
impormal na salita ay nauuri sa apat.

1. Lalawiganin (Provincialism)-Ito ang mga salitang kilala at


saklaw lámang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin
ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may
kakaiba pang tono ito. Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya),
ngarud (Ilokano)

2. Balbal (Slang)- Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na


slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng
matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye. Halimbawa: erpat-tatay tsikot -kotse sikyo-
security guard lispu-pulis yosi sigarilyo praning - baliw

3. Kolokyal (Colloquial)-Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-


araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa
kung sino ang nagsasalita. Halimbawa: Pormal Kolokyal aywan
ewan piyesta pista nasaan nasan

4. Banyaga - Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating


wika ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay
pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa
wikang Filipino.

Palabuoan ng mga Salitang Balbal


Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang pagkalikha
ng mga salitang balbal ay mayroon ding pinagmulan. Narito ang
kategorya ng mga salitang malimit nating marinig sa
kasalukuyan di lámang sa kabataan kundi maging sa ilang
matatanda.

1. Hinango mula sa mga salitang katutubo


Halimbawa:
gurang (Bikol, Bisaya)-matanda
utol (Bisaya)-kapatid
buang (Bisaya)-luko-luko
pabarabarabay (Tagalog)-paharang-harang

2. Hinango sa Wikang Banyaga


Halimbawa:
tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza)
Tsimay, tsimoy (Espanyol: muchacha, muchacho)
toma (Espanyol: tomar) inom
kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)
sikyo (Ingles: security guard)
orig (Ingles: original)
sisiw (Ingles: dicks)

3. Binaligtad (Inverted or Reversed Category)


Halimbawa:
gat-bi- bigat = heavy burden
tom-guts - gutom =Hungry
astig-tigas = strong/influential
todits-dito =here
tsikot-kotse =car
lispu-pulis =policeman

4. Nilikha (Coined Words)


Halimbawa:
paeklat-maarte = overacting
espi-esposo =husband
hanep-papuri =praise/appreciation
bonsai -maliit =very small

5. Pinaghalo-halo (Mixed Category)


Halimbawa.
kadiri - pag-ayaw/pagtanggi = dislike
kilig to the bones-paghanga = crush
in-na-in-naaayon/uso = following the trends

6. Iningles (Englisized Category)


Halimbawa:
jinx -- malas = bad luck
weird-pambihira = rare unsual
bad trip-kawalang pag-asa = hopeless/frustrated
yes, yes, yo-totoo = approved

7. Dinaglat (Abbreviated Category)


Halimbawa:
KSP - Kulang Sa Pansin
SMB - Style Mo Bulok
JAPAN - Just Always Pray At Night

8. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay


Halimbawa:
Yoyo -(dahil ang relo ay hugis yoyo)
Lagay - (dahil ang suhol ay inilalagay o isinisingit para
hindi mahalata ang pagbibigay)
Boga -(dahil ang baril ay parang bumubuga)
basag, durog - (dahil nawawala sa sariling isip kapag
nakadroga)
A. Natutukoy kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga
ang mga salita.

Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mga


salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa kahon
ang iyong sagot.

1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.


2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa
paaralan.
3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa
teknolohiya sa ngayon.
4. Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.
5. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
6. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
7. Kilig to the bones ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPod ni
Tatay.
8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.
9. Kumain táyo habang nanonood ng videotape.
10. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni
Ermat.

You might also like