Professional Documents
Culture Documents
Modyul 2 - Fil 12
Modyul 2 - Fil 12
Modyul sa
PAGBASA at
PAGSULAT
TUNGO sa
PANANALIKSIK
Inihanda ni:
Shelyn Jane B. Ocena
Guro
MODYUL 2 Pagbasa ng Tekstong Akademik at Propesyonal
I. PANIMULA
MODYUL 2:
Pagbasa ng Tekstong Akademik at Propesyonal
II. TUNGUHIN
III. GAOD-KAISIPAN
Iba’t iba ang nilalaman ng mga tekstong ating ginagamit sa mga gawaing pagbabasa. Bawat
teksto ay may natatanging katangian na maaaring magkaroon ng pagkakatulad o pagkakaiba sa ibang
teksto. Hindi ito maiiwasan sapagkat bawat teksto ay may kanya-kanyang layunin: magdulot ng
kasiyahan, magpabatid ng mga kaalaman, maglaan ng mga mungkahi, maglahad ng mga panunuri, at
iba pa.
Namulat tayong magbasa ng mga babasahing madaling makuha sa ating paligid, gaya ng mga
komiks, diaryo, pocketbooks at magazine. Ang mga ito ay halos nagdudulot sa atin ng kasiyahan
habang ito ay binabasa; naghahatid ng mga impormasyon at mga pangyayaring nagaganap sa ating
paligid na maaaring nakaapekto sa ating buhay panlipunan. Ganoon pa man, hindi maikakaila na bawat
indibidwal ay makararanas ng mga bagong karanasan sa kanyang pagbabasa, at ang mga tekstong
ito ay magdudulot sa kanya ng bagong karanasan at magbibigay ng bagong impormasyon na hindi
niya nakuha sa mga naunang karanasan sa pagbabasa. Ang mga tekstong ito ay naglalaman ng mga
kaalamang may lawak na pang-akademiko at pangpropesyonal na maaaring magamit ng isang
mambabasa sa kanyang pakikiharap sa hamon ng buhay.
1. Agham Panlipunan
Ang asawang lalaki ay hindi rin maaaring magtrabaho tulad ng paggawa ng bahay at lalo na ang
paggawa ng ataul. Ang dahilan ng ganitong pag-iingat ay ang paniniwala nila na kapag nilabag nila
ang mga bagay na ito ang sanggol ay maaaring malaglag mula sa sinapupunan ng ina o maaaring
maging mahina sa sinapupunan nila.
Sa kanyang paglilihi, ipinagbabawal naman ang kumain ng kambal na saging o kahit anong
kambal na prutas na maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng kambal na anak. Hindi rin
nagpapakuha ng letrato kung sila ay buntis. Hindi rin nararapat na maging maramot ang buntis dahil
baka mahirapan siya panganganak. Hindi rin siya dapat tumitingin sa namumungang punungkahoy
sapagkat maaaring ang kanyang nagustuhan at tiningnan ay hindi na mamunga. At kung ito ay
mamumunga man, maaaring hindi na matamis. Kung ang buntis ay dadalaw sa kapitbahay, hindi siya
dapat tumayo nang matagal sa may pintuan (kahit sa sariling bahay), nararapat na tuluy-tuloy siya sa
pagpasok sa dahilang ito ay baka makaapekto sa matagal na paghihirap sa panganganak.
Pangangalaga sa mga Bata. Habang sanggol pa ang isang Aeta, pinagsusuot ito ng kuwintas
at pulseras na gawa sa mga buto ng halaman na galing sa bundok na tinatawag na “Amiong.” Ito ay
nakatutulong nang malaki upang hindi puntahan ng masamang espiritu ang bata. Maaari ring ang buto
ng kalabasa ang gawing kwintas upang di mausog ang sanggol.
Pagtanggap sa Panauhin. Ang mga Aeta ay kilala sa pagiging magalang sa pagtanggap sa
panauhin. Kapag may panauhing dumating sa kanilang tahanan, ang una nilang ginagawa ay pakainin
ito. Nararapat kumain ang isang panauhin kahit siya’y busog sapagkat kapag tinanggihan niya ang
inihaing pagkain sa kanya, iyon ay nangangahulugan ng paghamak. Inaaliw nil a ang mga panauhin
sa pamamagitan ng kanilang mga sayaw tulad ng Dagaw Manganito at Ginaramba.
2. Agham at Teknolohiya
Sa nararamdaman nilang lamig, nakatutulong ito para mabawasan ang pamamaga ng maliit na
bahagi ng sunburn. Ang hiniwa-hiwang mansanas ay makatutulong din sa kaginhawaan ng na-
sunburn.
2. Tea Bags. Kapag ang mga eyelids ay namamaga dahil sa paso, pahiran ng tea na ibinabad sa
malamig na tubig para mabawasan ang pamamaga at ito’y nakatutulong para mabawasan ang
sakit na nararamdaman.
3. Cornstarch (Gawgaw ng Mais). Lagyan ng katamtamang tubig ang gawgaw para maging
madikit. Ipahid nang diretso sa bahagi ng sunburn para pansamantalang maginhawaan.
4. Yogurt. Karaniwang ang yogurt ay nakalalamig at nakagi-ginhawa sa balat na na-sunburn.
Pahiran ang bahaging na- sunburn. Banlawan sa malamig na tubig at pagkatapos pahiran nang
dahan-dahan ng tuyong tela upang matuyo.
5. Lettuce (Litsugas). Ilaga ang litsugas sa tubig. Salain at pagkatapos hayaan itong lumamig ng
ilang oras sa refrigerator. Isawsaw ang cotton balls sa pinalamig na pinakulong sabaw ng
litsugas at pagkatapos pisilin at ihaplos sa balat na na-sunburn.
3. Humanidades
Tumatalakay ito sa mga may kaugnayan sa kultura at sining katulad ng sayaw, musika,
iskultura, pelikula, arkitektura, pagpipinta, teatro, panitikan at iba pang makataong sining at
wastong pagtingin dito. Ang sining ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil nagagawang
makipag-ugnayan at maipahayag ang kanyang damdamin. Sa humanidades higit nating
nakikilala ang ating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwala sa mga
likha at gawa ng ibang tao (Lachica, 1996).
Ang isa pang uring sining ay ang musika na pinagdugtung-dugtong at iniayos ang mga
tunog ng iba’t ibang tono upang makalikha ng isang musikang katha na nagpapahayag ng iba’t
ibang kaisipan at damdamin.
Ang iskultura ay sining na lumilikha ng dimensyunal na pagpa- pahayag ng ideya at
kaisipan. Ito’y nakagagawa ng masining na kagandahan bunga ng malikhaing isipan gaya
ng rebulto, kaanyuan ng tao, monumento, imahen at iba pang simbolo.
Ang sayaw naman ay gumagamit ng katawan billing tagapagpahayag ng mga kaisipan
at damdamin. Ito’y nagbibigay aliw at saya. Sa pamamagitan nito’y naiibsan ang dinadalang
sakit ng loob, problema at alalahanin ng isang tao.
Ang arkitektura ay isang halimbawa pa rin ng disiplinang ito na tumutugon sa mabisang
pag-uugnay-ugnay ng kagandahan at kahusayan ng gamit nito tulad ng pantahanang
kasangkapan at palamuti na iniaayos sa mga simbahan, tahanan, paaralan at iba’t ibang gusali.
Ang pelikula ay isa ring sining na naghahandog at nagpapakita ng sining ng pagganap
sa pamamagitan ng mga dulang panradyo at pantelebisyon na pumupukaw sa damdamin at
imahinasyon ng tao.
Ang larangan naman ng pagpinta ay nakagaganyak at nakapagbi- bigay aliw at
inspirasyon sa tao na ang produktong gawa ay nagsisilbing palamuti sa mga bahay at iba’t ibang
gusali.
Dahil sa mga mapanlikhang kamay ng alagad ng sining napupukaw ang sari-saring
damdamin ng mga tao. Sa pamamagitan ng kanilang nilikha, nalilimutan ng tao ang problema
at tuloy naihahanap ng solusyon.
Ito’y nagpapatunay lamang na ang disiplinang humanidades ay para sa lahat ng uri ng tao.
Musika. Ano nga ba ang musika? Bakit may musika? Ang musika ay isang sining na
binubuo ng mga tunog na pinagsama- sama at iniayos upang makalikha ng isang kaaya-
ayang tunog. Sa tulong ng musika, naipakikita ang iba’t ibang mukha ng buhay; may
musikang puno ng saya, may musikang puno ng pag-ibig, puno ng lumbay, pananabik,
pangungulila, panghihinayang, at pagmamahal sa Diyos. Ang musika ay hagdan ng
kaluluwa paakyat sa langit. Nagagawa niyang pasayahin ang isang taong nalulumbay.
Nagagawa niyang bigyang-kulay ang buhay ng isang taong may suliranin. Kaya nga
sinasabing ang musika ay isa sa mga bagay na nagbibigay-kulay sa mundong ating
ginagalawan.
Ang musika ay isa ring instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng musika,
naipahahayag ng isang nilikha ang iba’t ibang kaisipan at damdamin. Nakapaghahatid ito
ng mensahe sa isang individwal. Nagagawa ng musika na paliparin ang isip ng tao, kaya
nga nagagawa niyang pasayahin ang isang taong nalulungkot kahit panandalian lamang.
Sa dalawang taong nagmamahalan, sa pamamagitan ng musika, nagagawa nilang
ipahayag at ipaabot sa isa’t isa ang kanilang damdamin.
Ang musika ay makapangyarihan. Nagagawa nitong pag. isahin ang mga tao,
pagbatiin ang dalawang taong magkagalit, magpatawad sa isang taong nagkamali,
palawakin ang isip at imahinasyon ng isang tao upang makalikha ng iba’t ibang himig ng
musika, katulad ng nagagawa niya sa isang kompositor - ang taong lumilikha sa liriko at
melodiya ng isang awit. Ang taong nawalay sa Diyos ay kayang ibalik ng musika sa
Panginoon. Iyan ang nagagawa ng musika. Iyan ang hiwaga ng musika.
GAWAIN 2
PAG-UNAWA SA BINASA (Agham at Teknolohiya)
GAWAIN 3
PAG-UNAWA SA BINASA (Humanidades)
GAWAIN 4
IV. SANGGUNIAN:
Galang, Teresita T. et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rex Book Store, 1977.