Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ISANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

(MELC 6-15)

Pangalan:__________________________________Baitang at Seksiyon:_______________________Iskor: ________

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.


_____1. Sino ang ama ng sinaunang pabula?
a. Aesop b. Achilles c. Jose Rizal d. Usher
_____2. Bakit mabisang gamitin ang mga hayop sa pagbibigay ng aral sa mga mambabasa?
a. Ang mga hayop ay mga taksil at masasama katulad ng sa tao.
b. Ang mga hayop ay mayroong pagkakahalintulad sa mga tao at ang kanilang mga katangian ay kumakatawan
sa mga ugali ng tao.
c. Ang mga hayop ay may taglay na karisma na mayroong pagkakahalintulad sa karisma ng mga tao.
d. Ang mga hayop ay may maliit na utak na makapag-isip, makapagbigay at makakilos katulad ng sa tao
_____3. Sa iyong palagay epektibo bang gamitin ang mga hayop bilang mga tauhan sa nagsasalita at kumikilos bilang
mga tao upang makapagbigay aral sa mga mambabasa?
a. Oo, mabisa at epektibo ito dahil maikli lang itong basahin
b. Hindi na ito mabisa dahil hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari sa kuwento
c. Hindi na ito mabisa dahil wala nang may gustong magbasa ng pabula.
d. Oo, mabisa at epektibo ito dahil naipapakita ang iba’t ibang pag-uugali ng mga tao.
_____4. Sa paanong paraan mo makukumbinse ang kabataang tulad mon a magkainteres sa pagbabasa ng mga
pabula?
a. Ipakikilala ko sa kanila ang ama ng sinaunang pabula.
b. Ilalahad ko sa kanila na nakatutuwa ang magbasa ng mga pabula dahil mga hayop ang mga tauhan nito at
mayroong kapupulutan ng aral.
c. Pilitin ko silang magbasa dahil madali lamang itong matapos.
d. Kukuwentuhan ko sila ng hindi maganda tungkol sa mga pabulang aking nabasa.
_____5. Ito ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang at pawing mga hayop ang ginagamit na mga tauhan.
a. Pabula b. parabula c. anekdota d. epiko
_____6. Ito ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng ugnayan. Sa pamamagitan nito ay
madali nating naipaparating sa ating kapwa ang mga gusto nating ipahiwatig kung ano ang ating mga
nararamdaman.
a. Simbolo b. Diyalogo c. imahe d. paksa
_____7. Ito ang tawag sa pagpapasidhi ng damdamin na nagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas
ang antas nito.
a. Simbolo b. paksa c. klino d. diyalogo
_____8. Ito ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng
tagapakinig.
a. Sanaysay b. tula c. pabula d. talumpati
_____9. Ito ay isang matalinong kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. talumpati b. Sanaysay c. pabula d. tula
____10. Ito ay tumutukoy sa paniniwala o persepsiyon ng isang indibidwal o isang pangkat.
a. Pa b. kasabihan c. Pananaw d. diylogo

Panuto: Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa kanilang pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____11. Grabe! Nahilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang pagtatanghal. Sana hindi na lang ako
pumunta.
a. nasaktan b. pagkatakot c. Pagkainis nasaktan d. kasiyahan
_____12. Aray, natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.
a. Pagkainis b. pagkatakot c. kasiyahan d. nasaktan
_____13. Aw! Napakaganda ng kanyang ginawa
a. kasiyahan b. Humanga c. pagkadismaya d. pagkatakot
_____14. Yehey! Ikaw ang nanalo.
a. Pagkainis b. pagkatakot c. nasaktan d. kasiyahan
____15. Ngek, hindi iyan ang pinabili ko.
a. Humanga b. kasiyahan c. pagkadismaya d. pagkatakot

Panuto: Iantas ang mga salitang may salungguhit batay sa tindi ng emosyong ipinahahayag ng bawat
isa mula sa pikamababaw hanggang sa pinakamatinding emosyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____16. 1. Hindi nagustuhan ng batang palaka ang pag-uutos sa kanya ng ina.


2. Hindi pinasin ng batang palaka ang ginawa ng kanyang ina.
3. Ayaw na Ayaw ng batang palakang sinasabihan siya ng kanyang ina.
a. 123 b. 132 c. 321 d. 213

_____17. 1. Ang pagiging suwail ng batang palaka ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
2. Napapansin ng inang palaka na hindi sumusunod ang kanyang anak.
3. Sumasama ang loob ng ina dahil matigas ang ulo ng kanyang anak.
a. 213 b. 123 c. 321 d. 132

_____18. 1. Nagpahirap sa kalooban ng ina ang paulit-ulit na pagiging suwail ng kanyang anak.
2. Nagpasama sa loob ng ina ang madalas na pagbibingi-bingihan ng kanyang anak.
3. Nagdulot ng pagtatampo ng ina ang minsang hindi pagsunod ng anak sa kanya.
a. 123 b. 321 c. 213 d. 132

_____19. 1. Humikbi ang batang palaka nang mapagsabihan siya ng kanyang ina.
2. Nagpalahaw ang batang palaka nang mamatay ang ina dahil sa kanya.
3. Lumuha ang batang palaka tuwing naaalala niya ang yumaong ina.
a. 123 b. 213 c. 132 d. 321

_____20. 1. Labis-labis ang paghinagpis ng anak nang yumao ang kanyang mga magulang.
2. Dama ng bata ang pagkalungkot ng umalis ang kanyang kaibigan.
3. Nakadama ng pagsama ng loob ang ina sa pagiging suwail ng anak.
a. 123 b. 321 c. 213 d. 132

Panuto: Kilalanin ang gamit ng ekspresyong nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____21. Mali ang iyong ginawang pagnanakaw.
a. panunumpa b. Pagpapayo c. pagbabala d. pag-imbita
_____22. Sumpa man, ang iyong pagmamahal ay makapagbabago sa aking pagkatao.
a. Pagpapayo b. pagbabala c. pagbabala panunumpa d. pag-imbita
_____23. Halika, tingnan mo ito at napakarikit.
a. pag-imbita b. panunumpa c. pagbabala d. pagpapayo
_____24. Huwag kang sinungaling kung hindi lagot ka sa akin!
a. Pagpapayo b. pagsang-ayon c. pagbabala d. pag-imbita
_____25. Tama ang iyong iminungkahi.
a. Pagpapayo b. pagsang-ayon c. pagbabala d. pag-imbita

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang di lantad ang kahulugan. Piliin ang titik ng tamang
saagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

_____26. Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kaming mga anak ay hindi basta bumubukod sa aming mga
magulang kahit pa may sariling pamilya na. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
a. Independent o mas gustong mamuhay nang mag-isa ang mga tsino
b. Malapit ang mga pamilyang Tsino sa isa’t isa
c. Hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga tsino.
_____27. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa
aming magkakapatid. Ipinahihiwatig sa pahayag na ito na….
a. Mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay
b. Malakas ang impluwensiyang Tsino sa kanyang mamamayan.
c. Hindi nahahawa ng ibang impluwensya ang mga Tsino.
_____28. Mula ng bata pa ako ay si Wai po (lola) na ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking
magulang at ang dalawang nakatatanda kong kapatid. Ipinahihiwatig sa pahayag na ito na….
a. Ang lola ang nagging tagapag-alaga ng bata sa pamilya.
b. Hindi mapag-aruga ang magulang ng bata.
c. Alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailangan
_____29. Hinding-hindi naming papayagang malayo sa amin si Wai po. Tiyak na malulungkot siya roon at
malulungkot din ako dahil kaming dalawa ang magkasama sa silid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…
a. Nagpapaalam na ang kanyang Wai po upang lumipat ng tirahan.
b. Mahal na mahal ng bata ang kanyang Wai po.
c. Mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag-alaga nila ng anak.
_____30. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai po na hinding-hindi ko dapat itusok sa gitna ng kanin
ang aking mga chopstick dahil ito raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Ipinahihiwatig sa pahayag na ito na…
a. Mapamahiin ang mga Tsino
b. Hindi naniniwala sa pamahiin ang bata
c. Makaluma ang pamilya

You might also like