Unang Gawain

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga

sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula, mga
kwentong bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. May sarili nang panitikan ang ating mga
ninuno sa panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit. Gumagamit din sila ng mga biyas
ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at
matutulis na bagay naman bilang panulat. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga
arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng mga demonyo.

Dumating mga kastila sa bansa taglay ang talong G’s – God, Gold at Glory. Dumating sila na
ang pangunahing layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang
lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang
panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal
at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang
Alibata. Naituro ang Doctrina Cristiana. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita
sa Kastila. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.

 Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata


 Naituro ang Doctrina Cristiana
 Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
 Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
 Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
 Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano
at Bisaya
 Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

Ang mga pangunahing paksa sa panahong ito ay ang pagiging makabayan, panunuligsa,
kalagayang sosyal at pangkabuhayan. Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at
humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan.
Nagsimulang pumasok ang diwang liberalismo.

Diwang Romantisismo ang ginamit ng mga amerikano sa panitikan upang mapabilis pang lalo
ang pagbabago sa katutubong isipan ng mga Pilipino. Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng
mga Fairytale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Thomasites sa pagtuturo, ipinakilala
rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-
tabing ang pelikula. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito, dala nila ang
bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa
sarswela ng Pilipinas. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat.
Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib
ng kultura, kaugalian at paniniwala Pilipino. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng mga namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog
din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nililikha. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan at
nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat.

Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas


– Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng
pamumuhay noon atbp
– Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
– Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
– Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian
ng Wikang Pambansa
– Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
– Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay,
Ilang-ilang atbp

Ang bagong panitikan sa panahon ng aktibismo ay para sa masa at mararahas na mga salita
ang kailangan upang maipadama ang katotohanan sa mga mambabasa. Ang mga makata ay
mga propetang tagahanap ng katotohanan at pananalig. Ang mga katangian ng mga akda sa
panahong ito ay mapanuri at mapagmasid sa kalagayan ng bayan, nagpapakita ng kamalayang
panlipunan, nagtataglay ng damdaming mapanghimagsik, matapat, hindi makasarili at nag-
aanyaya ng pakikilahok at pagkilos, tahasan, matatalim, at mabalasik ang wika. At ang mga
paksa naman ay tungkol sa kabulukan ng lipunan, pamahalaan at pulitika, kalakaran ng buhay
na tiwali, at kahirapan ng mga anakpawis.

Taong 1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand
Marcos. Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan. Pagsisimula ng
programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21,1972. Pinahinto ang mga pampahayagan at
maging samahang pampaarala. Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla”
(sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan). Tinaguriang
panahon ng sanaysay at talumpati ang panahong ito. Itinuring na pinakakubod ng panitikang
pampulitika at panlipunan an gang panulat ni Marcos.

Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino. Namumulat ang mamayang Pilipino sa
kahalagahan ng pambansang wika. Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang
sariling vernakyular. Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat. Malaki ang
impluwensiya ng teknolohiya at agham. Malayo na rin ang naaabot ng media. Kahit sa mga
telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit. Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng
salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal,
kolokyal at lalawiganin. Ang mga panitikan sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang
kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata. Ang kanilang mga tuwirang
panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling Gawain, pagpuri sa mga nakagagawa ng
kabutihan, at makabagong damdamin/emosyon na nararamdaman.

Ang kasaysayan ng panitikan ng mga Norwegian ay nagsimula sa mga tulang Eddaic at berso
ng Skaldic noong 9th at 10th century. Dahil sa impluwensiyang Kristiyano natutunan nila ang
hagiography at pagsulat ng kasaysayan. Noong 19th century nauso ang pagsusulat nila ng mga
nobela at maiikling kwento na kadalasan ay naturalism at isa si Alexander Kielland sa mga
manunulat nito.

You might also like