Walang kabuluhan ang gabi sa Quiapo para sa labindalawang
taong gulang na si Adong. Si Adong ay kasama sa hanay ng mga
pulubi na namamalagi sa Quiapo. Ang simbahan ay buhay ni Adong. Sa murang edad, nawalan nang makakapitan si Adong kaya tumatayo siya sa sarili niyang mga paa upang mabuhay. Namamalimos ng sentimo si Adong sa mga taong lumalabas mula sa simbahan.
Nasasaktan si Adong sa tuwing naaalala niya ang kasindak-
sindak na tingin ni Bruno habang kinukuha niya ang nalikom na barya mula sa kanya. Bahagyang natuwa si Adong nang makita niya ang mga taong papalabas ng simbahan. Subalit, napawi rin ang tuwa na naramdaman ni Adong nang matanaw ni Aling Ebeng si Bruno na papalapit na sa kanila.