Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dear Journal,

Kamangmangan isa pinaka mahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng


isip. Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao tulad ng kamang
mangan ko sa pagluluto, kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama
o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito
kaya ang dapat gawin mag paturo ako o pag aralan ko kung papano ito gagawin

Masidhing damdamin malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kanyang


damdamin. Tumutukoy ito sa masidhing pagaasam o paghahangad na nakaranas ng
kaligayahan. May nais kang isang bagay tulad ng bagong damit, cellphone, gagawa ka ng paraan
para makamit o magkaroon nito gagawin mo kakausapin mo ang iyong magulang na bilhan ka
nito pagnakamit mo, magkakaroon ka ng masidhing damdamin ng kaligayahan.

Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng


pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. May mga pagkakataong kumikilos tayo
nang may takot o di kaya ay dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang bagay. Hindi nawawala
ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang
tulad ng nagsinungaling sa magulang sa takot na mapagalitan, hindi ka magsasabi ng iyong
ginawa na mali, iisip ka ng paraan na hindi ito malaman.

Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito ay bahagi na ng
pang araw-araw na gawain ng mga tao dapat turuan natin ang ating sarili na magpasya sa mga
bagay bagay. Lumalaki na tayo hindi sa lahat ng oras kasama natin ang ating magulang. Humingi
tayo ng payo at sundin ang mabubuting asal at pagpapasiya na itinuro nila. Palagi lang natin
ilagay sa puso at isip natin ang kabutihan na madudulot ng bawat pagpapasiya na dapat
palaging nasa tama. Gawin natin ang tama ang makakabuti sa ating buhay. Magdasal, makinig
sa magulang, pulutin ang mabuting gawain sa bawat pagpapasiya .

You might also like