Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT

SEPTEMBER 2020

Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 6 Markahan : 3rd – 4rth


Petsa: Guro: Ms. Elmira N. Niadas
ISKOR:
IKALAWANG
UNANG BAHAGI: BAHAGI:
PANGALAN:
20 20

PANGKALAHATANG PANUTO: Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng apat (4) na bahagi. Basahing mabuti
ang panuto at katanungan bago magsagot. Gumamit lamang ng ITIM o ASUL na panulat sa pagsagot.
Panatilihing malinis at maayos ang iyong sagutang papel. Patnubayan ka nawa ng Panginoon!

UNANG BAHAGI (UNANG MARKAHAN)


I. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga pahayag. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero. (10 puntos)

_______________1. Siya ang huling pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at kauna unahang pangulo ng Ikatlong
Republika.
_______________2. Ito ang sanhi ng pagkamatay ni Manuel A. Roxas
_______________3. Ito ang bilang ng pangulong namuno sa panahon ng Ikatlong Republika.
_______________4. Siya ang tinaguriang "Kampeon ng masang pilipino at kampeon ng Demokrasya"
_______________5. Siya ang pinakamatagal na nanungkulan bilang pangulo ng bansa.
_______________6. Siya ang nagbago ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.
_______________7. Siya ay ang nagpatupad ng Philippine Trade Act, batas na nagbibigay ng kalayaan sa America
na makipagkalakalan sa Pilipinas.
_______________8. Ito ang tawag sa mga komunistang pangkat sa Pilipinas na nagpatuloy ng kanilang paghahasik
ng takot at terirismo sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Roxas kaya itinuring silang pangunahing banta sa
seguridad ng bansa.
_______________9. Siya ang pangulong nakapagpasuko sa pinuno ng HUK.
_______________10. Siya ang nagiisang pangulo na naihalal sa pangalawang termino.

II. Panuto: Bigyan ng katuwiran ang sumusunod na mga pahayag batay sa iyong nabuong pag-unawa sa
mga aralin. (10 puntos)
Pamantayan:
Nilalaman –2
Kaugnayan sa paksa – 2
Gramatika –1
Kabuuan =5
1. Bakit malapit sa puso ng karaniwang mamamayang Pilipino ang administrayon ni Pangulong Ramon
Magsaysay?
2. Bakit idineklara ni Pangulong Marcos ang pag-iral ng Batas Militar noong 1972?

IKALAWANG BAHAGI (IKALAWANG MARKAHAN)


I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang tama sa patlang kung ang sinasaad ay
tama at isulatang mali kung ang isinasaad ay mali. (10 puntos)

_______________1. Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan at sa
mapayapang reporma. Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang simulain ang natatag isa na dito ang MNLF.
_______________2. Idineklara noong Setyembre 21, 1972 ni Pangulong Magsaysay ang Batas Militar.
_______________3. Mula sa isang demokratikong pamahalaan, ang Pilipinas ay pumalaot sa dagat ng diktaduryang
pamamahala.
_______________4. Inilunsad ng Pangulong Marcos ang Bagong Lipunan.
_______________5. Ang Lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
_______________6. Ang Isyung Panlipunan ay isang pampublikong usapin, nakakaapekto ito hindi laman sa isang
tao sa lipunan kundi sa isang malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan.

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


Page1 of 4
Math 1
_______________7. Ginamit ni Pangulong Marcos ang “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”
_______________8. Ang Batas Militar sa Pilipinas ay bukod tangi. Sa ibang bansa, sa ilalim ng Batas Militar, ay
sibilyan pa rin ang may kapangyarihan bagamat ang pamumuno ay hawak ng militar ng bansa.
_______________9. Ang kotractwalisasyon ay isang halimbawa ng isyung panlipunan.
_______________10. Malaki ang papel ng militar sa pagpapatakbo ng pamahalaan noong panahon ng Batas Miltar.

II. Panuto: Bigyan ng katuwiran ang sumusunod na mga pahayag batay sa iyong nabuong pag-unawa sa mga
aralin.
Pamantayan:
Nilalaman –2
Kaugnayan sa paksa – 2
Gramatika –1
Kabuuan =5

1. Paano binago ng Batas Militar ang kalagayang panlipunan ng mga Pilipino?


2. Paano pinatunayan ng mga Pilipino ang lakas ng kapangyarihan ng kanilang pagkakaisa sa People
Power Revolution ng 1986.

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


Page2 of 4
Math 1

You might also like