Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
AGUILAR INTEGRATED SCHOOL
Aguilar

ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 1, Week 4

MELC: Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng


Pilipinas sa heograpiya nito.

Kinalalagyan ng bansa gamit ang iskala, distansiya


at direksyon

Sa pagbigay ng interpretasyon sa mapa, gumagamit ng


batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya at direksyon.
Ito ay ginagamit upang madaling matukoy ang kinalalagyan ng
isang bansa mula sa isang bansa.
Ang direksiyon ay tumutukoy sa linya o kurso na itinuturo
ng isang bagay. Mayroon itong dalawang uri, ang pangunahin at
pangalawang direksiyon. Samantala, ang distansiya ay
tumutukoy sa layo ng isang lugar patungo o mula sa isang
lugar. Upang matukoy, ginagamitan ito ng iba’t ibang yunit ng
pagsukat gaya ng sentimetro, metro, kilometro at milya.
Sa pagkalkula ng distansiya ng Pilipinas sa kanyang
karatig bansa gamit ang mapa, ginagamit ang iskalang ito:
1cm = 5 000 km. Ibig sabihin sa bawat isang sentimetro (1 cm)
na layo katumbas nito ang limang libong kilometro (5 000 km).
Tingnan ang mapa sa ibaba, makikita na ang Pilipinas ay nasa

bahagi ng Timog-silangang Asya. Kung kakalkulahin ang


distansiya ng Pilipinas sa Vietnam gamit ang ruler, ang layo
nito ay 4 cm. Gamit ang iskala, ang katumbas nito ay 20 000
kilometro.

Narito ang pamamaraan sa pagkalkula gamit ang iskala.


Pilipinas Vietnam: 4 cm
4 x 5 000 = 20 000 kilometro (km)

Ibig sabihin ang layo ng Pilipinas sa Vietnam sa mapa na iyong


ginamit ay 20 000 kilometro.
Matatagpuan ang Vietnam sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Upang higit mo pang maunawan ang leksiyon, subukin ang
gawain sa ibaba gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km.

1. Kalkulahin ang distansiya ng Pilipinas sa Burma at


tukuyin ang direksiyon nito base sa mapa sa itaas.

Sagot:
Distansiya ______________________
Direksyon _______________________

Pagsasanay 1: “IHANAY MO AKO”


Panuto: Gamitin ang mapa na nasa pahina 2. Gamit ang ruler,
sukatin ang layo ng mga bansa mula sa Pilipinas. Pagkatapos,
hanapin sa Hanay B ang distansiya na hinahanap sa Hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A
Hanay B
___1. Pilipinas Burma a. 25 000 km
___2. Pilipinas Laos b. 30 000 km
___3. Pilipinas Dagat Timor c. 10 000 km
___4. Pilipinas Celebes Sea d. 35 000 km
___5. Pilipinas Karagatang Indian e. 40 000 km
Pagsasanay 2: Panuto: Sagutin at unawain ang mga tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng direksyon?


A. una at ikatlong direksyon
B. ikalawa at ikaapat na direksyon
C. pangunahin at pangalawang direksyon
D. ikaapat at ikalimang direksyon

2. Ano ang katumbas ng isang sentimetro (1 cm) sa kilometro


batay sa iskalang ginamit mo sa pagsukat ng distansiya?
A. 1 000 km C. 4000 km
B. 2 000 km D. 5000 km
3. Sa araling natutunan, ano ang direksiyon ng Vietnam mula
sa Pilipinas?
A. Hilaga B. kanluran C. Silangan D. Timog
4. Anong bansa ang pinakamalapit sa Hilaga ng Pilipinas?
A. China B. Japan C. Hongkong D.
Taiwan

5. Ano ang katumbas ng 20 cm gamit ang iskala sa kilometro?


A. 20 000 km C. 100 000 km
B. 50 000 km D. 200 000 km

6. Aling bansa sa Asya ang pinakamalayo sa Pilipinas?


A. China B. India C. Japan D. Malaysia

7. Ilang kilometro ang distansya ng China mula sa Pilipinas


kung ang sukat nito ay 5cm?
A. 10 000 km C. 25 000 km
B. 15 000 km D. 40 000 km

8. Kung ang distansya ng Burma sa Pilipinas ay 35 000 km, ano


naman ang distansya sa pagitan ng East Timor patungong
Pilipinas?
A. 20 000 km C. 40 000 km
B. 30 000 km D. 50 000 km

9. Ilang kilometro ang distansiya ng bansang Pilipinas patungo


sa bansang Japan kung ang sukat nito ay 4 cm?
A. 15 000 km C. 60 000 km
B. 20 000 km D. 65 000 km

10. Ano ang iskalang ginagamit sa pagkuha ng distansiya ng


Pilipinas sa karatig bansa nito?
A. 1 cm = 5 000 km
B. 1 cm = 6 000 km
C. 1 cm = 7 000 km
D. 1 cm = 10 000 km

You might also like