Script Demo Fs2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I. Magandang Umaga sa Lahat.

Bago tayo magsimula sa ating diskusyon ngayong umaga. Miss secretary, siguraduhing naka pasok ang
iyong mga kaklase sa ating google meet ngayon yung mga hindi makakapasok dahil sa walang kuryente o
internet okay lang irerekord ko naman ang sesyon natin ngayon.

II.

Magdasal muna tayo.

Sa ngalan ng ama ng anak na espiritu santo amen

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin
ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain.
Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa
matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga
magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang
inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

II. Magandang Umaga ulit.

Bago dyan magkakaroon muna tayo ng isang pagganyak upang mas aktibo at gaganahan kayo ngayon sa
ating paksa.

(Make ppt on jumble words)

PPT

1st slide:
Noong nakaraang linggo natalakay na nating ang ibat ibang konsepto ng ekonomiks, ang kagustuhan at
pangangailangan at ang pagpapakahulugan ng suplay at demand. Tama? TAMA.

Ngayon tatalakayin natin ang ugnayan ng pwersa ng demand at suplay kung saan mas maiintindihan
natin ang sistema ng pamilihan bilang isang mamimili at ito ang PRICE ELASTICITY OF DEMAND. Gayon
paman ang pukos natin is ang pagpapakahulugan sa bawat uri, mga pormula na gagamitin at ang
interpretasyon nito.

2nd slide: READ ONLY

3rd slide:

Alam na natin na ang demand ay... READ

Ang elasticity naman ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand at suplay batay sa
pagbabago sa presyo. Halimba, diba alam namn natin ang garter o rubber band o di kaya goma alam
naman natin ano ang katangian nang isang guma diba ay ayon kay Alfred Marshall mahahalintulad dito
ang galaw ng ating ekonomiya. KATANUNGAN? Wala...

4th & 5th slide:

Ngayon ano ngaba ang PRICE ELASTICITY OF DEMAND

Ito ay tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng
batas ng demand. Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung ano ang magiging
pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo. Dito mas
malalaman natin kung paano pabago bago ang presyo, may epekto ba ang presyo sa demand o di kaya
ang demand ay nakaka apekto ba sa presyo.

6th slide:

Bago tayo dumako sa ibat-ibang uri ng PRICE ELASTICITY OF DEMAND isa alang- alang natin ang pormula
na ito dahil ito ay siyang magsisilbing batayan kung anong uri ng price elasticity of demand kapay tayo ay
magkakaroon na ng computation sa mga darating na araw.

7th slide: READ ONLY

8th slide: READ ONLY

9th slide:

Ang elastic daw kung saan ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging
bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa bahagdan ng bagbabago ng presyo. Ibig sabihin, Sa
maliit na bahagdan ng pagbabago ng presyo, ang mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagpili o
naghahanap ng kapalit na kalakal.
Batayan ng elastic:

-change of quantity demand is greater than change of price

Halimbawa:

Sa halagang 30 pesos ay nakabili ka ng 2 siopao. Nang bumaba ang presyo nito sa 25 pesos nakakabili ka
na ng 5 siopao.

Ang pagiging sensitibo sa quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay bunga ng mga sumusunod na
dahilan:

1. Maaaring marami ang substitute sa produkto

2. Ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki na badyet sapagkat hindi masyadong kailangan.

10th slide:

Pangalawa, Inelastic, and demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan
ng pagbabago ng quantity demanded kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Kung saan
ipinapahiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago ng presyo, ang mga mamimili ay hindi
sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal. Kumbaga walang ibang Ang inelastic, ay sadyang
kasalungat ng elastic.

Batayan ng inelastic

-Quantity demanded is lesser than 1

Halimbawa:

Noon, sa 10 peso may 10 kendi kana, ngunit paglipas ng buwan sa 10 peso mo may 5 kendi ka nalang.

Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo at maaaring ipaliwanag ng
mga sumusunod:

1. Halos walang malapit na substitute sa isang produkto

2. Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.

KATANONGAN? WALAAA.

11th slide:

Unitary o Unit Elastic, kung saan pareho o equal ang bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded.
Gayon paman ang pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo batay sa batas ng demand.

Batayan ng Unitary:

-change of quantity demand is equal to change of price.


Halimbawa:

Ang fishball mula 50cents hanggang sa naging 1 peso bawat isa. Dati ang 20 pirasong fishball, ngayon ay
10 piraso na lamang. Kung saan ang presyo at ang demand mo sa pagkain ng fishball ay parehong
nagbago.

12nd slide:

Perfectly Elastic o Ganap na Elastik, nangangahulugan na anumang pagbabago sa presyo at magdudulot


ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipanpakita rito na sa iisang presyo, ang quantity
demanded ay hindi matanto o mabibilang.

Batayan ng Ganap na Elastik: e= infinity

13th slide:

At ang panghuling uri ng price elasticity of demand ay ang Perfectly Inelastic o Ganap na Di-elastik,
nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tugon sa pagbabago ng presyo. Ang
produktong ito ay lubhang napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin parin sa kaparehong
dami.

Batayan ng ganap na di elastik: e=0

Halimbawa:

Gamot class, yung tatay ko ay mayroong diabetes kung saan may gamot siyang kailangang inomin araw-
araw. Noon bili niya nito ay 75 pesos isang piraso na may 500mg hanggang sa tumaas ang presyo naging
90 pesos bawat piraso sa kaparehong dosage. Walang magawa ang aking tatay kundi bilhin ito dahil ito
ang iniresita ng kanyang doktor.

Katanungan? Tungkol sa ganap na di elastik? Wala? O katanungan sa ibat ibang uri ng Price elasticity of
demand?

Ito may katanungan sa chat box, BB PAANO PO BA NATIN ITO MAISASABUHAY?

Bilang isang magaaral, bahagi ng pamayanan, o pamilya dito natin malalaman kung paano pahalagahan
at alamin ang dapat isa alang-alang sa pagiging mapanuri at maging wise sa pamimili kasi alam niyo class
ang pera ay tila ba naging parte na ng ating buhay kung saan bawat pangangailangan nati , bawat galaw
at naisin natin ay katuwang natin ang pera. At sa mga produkto namn o di kaya sa ating mga binibili ay
dapat din tayong maging masinop at wag kalimutan ang napagaralan natin noon na alamin ang kaibahan
ng kagustuhan at pangangailangan para sa matalinong pagdedesisyon. Tama? TAMA.

Katanungan? Wala na. Sige


14th slide: READ ONLY

15th slide: READ ONLY

Para sa inyong takdang aralin

Basahin ang karugtong ng ating paksa sa inyong aklat pahina 131-137. Tatalakayin natin sa susunod na
pagkikita kung paano ang pagkokompyut ng price elasticity of demand. Naintindihan?

Maraming salamat at naway marami kayong natutunan sa paksa natin ngayon. Paalam.

You might also like