Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

St. Catherine of Siena Academy of Samal, Inc.

Pangalan:_____________
Samal, Bataan Pangkat: _____________
Petsa:_______________
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Lagumang Pagsususlit [2020-2021] MRS. ROXANNE E.FERNANDO


Araling Panlipunan 10 MR. JAN MICHAEL R. ASIA
Grade 10 – Lahat ng Seksyon Time Limit: 2 hrs.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. (Rx1)

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


a. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon
na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
b. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
c. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
d. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. Paggawa c. Migrasyon
b. Ekonomiya d. Globalisasyon
3. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
a. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga institusyon na matagal ng
naitatag
b. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
d. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
4. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
a. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
b. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
c. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa
d. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
5. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa.
a. Hanapuhay c. Edukasyon
b. Turismo d. Tirahan
6. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa,
binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapatunay ng pagbabagong ito?
a. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa
kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
b. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-
angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.
c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain
ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
d. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasuweldo
at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
7. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa
sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na
kung saan ang nanguna ang industriya ng Business Process Outsourcing. Sa kabilang dako patuloy namang
bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
a. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa
sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
b. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga
Pilipino sa mga sebisyong on-line.
c. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
d. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa Business Process
Outsourcing.
8. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang
bansa. Ano ang mahihinuha rito?
a. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
b. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
c. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
d. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang
hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TOTOO tungkol sa suliranin ng kawalang ng hanapbuhay?
a. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa kawalang ng
hanapbuhay sa Pilipinas.
b. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyn na natatanggap ng mga manggagawang
Pilipino.
c. Ang kawalang ng hanapbuhay ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan.
d. Nagkakaroon mataas na bilang ng kawalan ng hanapbuhay dahil hindi natutupad ng institusyon ng
edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin.
10. Ang pagkakaroon ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa ay nagdudulot ng mabagal na pag-unlad ng
ekonomiya kaya’t hindi magawa ng mga kompanya na makalikha ng maraming mga kalakal at serbisyo.
Ano ang resulta ng ganitong kalagayan sa isang bansa?
a. Pagtaas ng buwis ng mga manggagawa na kailangan ng bansa upang kumita.
b. Bumababa ang sahod ng mga manggagawa dahil sa maliit na kita ng ekonomiya.
c. Nawawalan ang mga kompanya ng gana upang magnegosyo dala ng maliit na kita.
d. Ang mga produkto at serbisyo sa ekonomiya ay mas mababa na naka-aapekto sa pondo ng bansa.

Para sa bilang 11-15, Unawain ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang titik ng tamang pahayag.(Rx1)

11. A. Ang katatagan sa trabaho ay nagmumula sa kawalan ng kasiyahan ng mga manggagawa sa


kanilang trabaho.
B. Naaapektuhan ang kalidad ng trabaho ng isang manggagawang hindi nasisiyahan sa kanyang
ginagawa.
12. A. Ang unemployment ay nagaganap kapag ang mga tao na walang trabaho at kasalukuyang
naghahanap ng trabaho subalit wala pa ring makitang hanapbuhay.
B. Nagaganap ang underemployment kung ang isang tao ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho
ngunit wala pa ring makitang trabaho.
13. A. Maraming tao ang naghahanap ng trabaho kahit mababa ang sahod kaya’t ang gastusin ng
kompanya sa pagpapasahod ay tataas kaya’t hindi makapag-demand ng dagdag sahod ang
mga manggagawa.
B. Sa dami ng taong naghahanap ng trabaho kahit mababa ang pasahod, ang mga kompanya ay
bumababa ang gastusin ngunit ang mga manggagawa ay hindi nakakapag-demand ng dagdag
na sahod.
14. A. Hindi nakaka-epekto ang unemployment sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa isa’t-isa.
B. Mayroong nagiging epekto ang unemployment sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa isa’t-isa.
15. A. Napipinsala ng depresasyon ang industriya ng konstruksiyon na nagreresulta ng kawalan ng trabaho
sa mga manggagawa na nawawalan ng kakayahang lumipat sa ibang inustriya dahil walang
pera.
B. Nagiging madali sa mga manggagawa sa konstruksiyon ang lumipat ng ibang industriya kapag
mayroong depresasyon dahil sa tulong na nagmumula sa gobyerno.

Para sa bilang 16-25, Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa talaan ng mga manggagawa.
Basahin ang bawat pahayag at piliin ang iyong sagot base sa sumusunod na batayan.(Rx1)

A – ang pahayag ay angkop base sa talaan


B – ang pahayag ay hindi angkop sa impormasyon mula sa talaan
C – ang pahayag ay walang kaugnayan sa talaan

Percent Distribution of Employed Persons by Class of Worker


Class of Worker April 2016
Philippines (number in thousands) 40,664
Total 100.0
Wage and Salary Workers 61.6
Worked for Private Household 5.0
Worked for Private Establishment 48.4
Worked with Pay in Own Family Operated Farm or Business 0.4
Worked for Government and Non-Government Corporation 7.9
Self-employed without any Paid Employee 26.8
Employer in Own Family-operated Farm or Business 3.3
Without Pay in Own Family-operated Farm or Business (Unpaid Family Workers) 8.3

16. Maraming mga mag-aaral sa kolehiyo ang aktuwal nang nagtatrabaho upang tustusan ang pag-aaral.
17. Ang pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable ay nasa sektor ng
agrikultura
18. Karamihan sa mga negosyo sa bansa ang pinipiling kumuha ng mga mangagawang inuupahan.
19. Maraming mamamayan ang nagmamay-ari ng negosyo sa bansa.
20. Ang malaking bilang ng mga manggagawa sa bansa ay nagtatrabaho sa mga pribadong kompanya.
21. Isang malaking bahagi rin ng mga manggagawa ang mga ambulant vendor at sidewalk vendor na sangkot
sa pagbebenta ng iba’t-ibang kalakal.
22. Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran ng pamahalaan ang
pagluluwas ng mga manggagawa sa ibang bansa.
23. Ipinakikita ng talahanayan ang malaking porsiyento ng lumalaking puwersa ng underemployed.
24. Mababa ang porsyento ng mga manggawa na nasa gobyerno dahil sa job mismatch.
25. Ang mga full-time mother na gumaganap sa lahat ng mga gawain sa bahay ay kabilang sa unpaid family
labor na ika-apat sa may mataas na bilang sa klasipikasyon ng mga manggagawa.
Para sa bilang 26-35, Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Alamin at sabihin kung ang mga ito ay
Sanhi o Bunga ng unemployment. (Rx1)
A – Sanhi B – Bunga

26. Ang mga kursong kinukuha ng mga kabataan sa kolehiyo ay hindi angkop sa trabahong kinakailangan sa
ekonomiya.
27. Nagiging mahina at mapurol ang mga manggagawang dahil sa matagal na kawalan ng hanap
buhay.
28. Tumataas ang supply sa manpower sa kabila nang mababang sahod.
29. Ang mga empleyado ay kadalasang hindi nabibigyan ng angkop na pagkilala para sa kanilang husay
sa pagganap at dedikasyon.
30. Pinapalitan ang mga empleyado ng mga makabagong teknolohiya para sa mabilis na produksyon.
31. Naipagkakait ang mga pang-edukasyong pagkakataon para sa mga anak kaya’t nawawalan ng magandang
hinaharap.
32. Paghahahanap ng trabahong mayroong mataas na pasahod.
33. Ang mga mamamayan ay nagpaparehistro sa mga gawad ng pamahalaan tulad ng 4P’s para sa mga
insentibo na kanilang makukuha.
34. Napipinsala ang mental na kalusugan ng mga manggagawa na nagpapalubha sa pisikal na kalusugan ng
mga manggagawa.
35. Mababang bolunterismo ngunit mataas na krimen.

II. Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Sagutin at bigyang paliwanag ang mga tanong sa ibaba.
(5 puntos)

1. Nakatulong ba ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao? Oo o Hindi? Ipaliwanag.

2. Paano nakakaapekto ang kontraktuwalisasyon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga walang trabahong
Pilipino?

3. Ano ang naging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ sa mga bansang pinagmumulan
nito?

You might also like