Week 1 Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Unang Kwarter

Unang Linggo

Kasanayang Pagkatuto/Koda:

Ang mga kasanayan na napapaloob sa Aralin 1 ay:


1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula,
kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-
Ic-e-3.1.2
2. Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa napakinggang
pabula F6PN-Ic-19
3. Nabibigyang kahulugan ang sawikain F6PN-Ij-28
4. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang
balangkas at pamatnubay na tanong. F6PB-Ib-5.4F6RC-IIe-5.2
5. Nagagamit ang pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon (F6WG-la-d-2)
Pangalan: ________________________________ Guro: _________________
Baitang/Seksyon:__________________________ Petsa: _________________

Pag-unawa sa Kwentong Pabula

Ang PABULA ay isang uri ng kuwento kung saan ang mga tauhan na gumaganap ay mga hayop.
Ito ay kuwentong kinapupulutan ng aral.

Panuto:

Basahin ang kwentong pabula na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Noon, may isang buwayang nananahan sa isang sapa. Siya ay ubod ng damot at
sungit. Dagdag pa rito, ubod siya nang pabaya sakanyang sarili. Biro nyo, manuo na
ang mga dumi at ginawa nang tirahan ng mga linta ang kanyang katawan ay wala parin
siyang pakialam. Dahil dito, wala na siyang kahit isang kaibigan.

Minsan napadako ang isang ibong tagak sa sapang tinitrahan ni Gardong


Buwaya. Habang siya’y lumilipad, napuna niya ang buwayang namamahinga sa tabi ng
sapa. Hindi rin nakaligtas sa matatalas na mata ng ibon ang mga dumi at lintang
nakakapit sa malapad na katawan ng buwaya. Kaya mabilis siyang bumulusok sa
kinahihimlayan ni Gardong Buwaya.

“Magandang araw, Ginoong buwaya. Ako si Lornang Tagak,” magiliw na bati at


pakilala ng ibon.
“Ako naman si Gardong Buwaya. E, ano ang sadya mo?” paangil nitong tanong.

“Balita ko’y wala ka raw kaibigan. Bakit hindi mo ito subukan? Kapag hinayaan
mo akong tukain ko ang ga dumi at lintang nakadikit diyan sa katawan mo ay tiyak na
lilinis ka. At siyempre, may mga lalapit na sa iyo para makipagkaibigan. Maniwala ka,”
ani Lornang Tagak. “Mapapawi pa ang aking gutom.”

“Naku, Naku, di bale na lang! Umalis ka na’t baka ikaw pa ang makain ko,”
naiinis na taboy ng buwaya sa ibon.

Walang nagawa ang tagak, kundi lumipad papalayo. Nanghihinayang siya sa


masaganang pagkaing nasa katawan ng buwaya. Iyon n asana ang sagot sa matinding
gutom na kanyang nararamdaman. Subalit higit ang panghinhinayang niyang hindi siya
nakatulong sa buwaya. “Basta, babalik ako. Tutulungan ko si Gardong Buwaya!”

Kinabukasan, muling tumungo sa sapa si Lornang Tagak. Dinatnan niyang tulog


na tulog ang buwaya. At nakabuka pa ang maluwang niyang bunganga.Lumapit si
Lornang Tagak. Ingat na ingat siya habang tinutuka ang mga dumi at linta sa
makunat na katawan ng buwaya. Pati ang nakabukang bunganga niyon ay kanya rig
pinasok. Nang biglang magising si Gardong Buwaya!At bigla rin iyong itinikom ang
kanyang bunganga.

Salamat na lamang at papalabas na noon si Lornang Tagak. Gayon man, nahagip


pa rin ang isang bahagi ng kanyang pakpak. “Aray! Ang Sakit!” daing ng tagak.

“Mabuti nga sa iyo!” pasigaw na kantyaw ng buwaya.

Hirap na lumipad papalayo ang tagak. Hindi siya nagalit sa buwaya. Bagkus,
iniisip pa niya kung paano tutulungang magbago ang maramot at masungit na buwaya.

Nang muling bumalik sa may sapa si Lornang Tagak, dinatnan na naman niyang
tulog si Gardong Buwaya. Himbing na himbing ito at gaya nang dati, nakabuka ang
kanyang malaking bunganga.

Habang tinitingnan ng tagak ang buwaya mayroon siyang naramdamang


dumarating. Agad siyang lumipad sa isang mataas nap uno. Doon natanaw niya ang
papalapit na grupo ng mga mangangaso. Batid niyang si Gardong Buwaya ang pakay ng
mga iyon. Noon din pumalatak nang pagkalakas-lakas ang nababahalang tagak.
“Gardong Buwaya! May mg mangangaso! Papalapit sila sa iyo,” mahigpit nitong babala.
Naalimpungatan ang buwaya. “Ha? Kailang kong magtago!” Kaya dal-dali itong
tumalon sa tubig.

Hindi nga napuna ng mga mangangaso angnakubog na buwaya. Muling nagbigay


ng hudyat si Lornang Tagak nang makalayo ang mga di-inaasahang panauhin.

“Maraming Salamat, Lorna. Malamang nasilo na ako ng mga iyon kundi moa ko
tinulungan,” buong pusong pahayag ng buwaya.

“Walang ano man iyon. Tiyak na ganoon din ang gagawin ng sino man sa oras na
may nangangailangan ng tulong,” mapagkumbabang wika ng tagak.

“Kay buti mo. Sa kabila ng aking pagbulyaw at pagdaramot sa iyo,


kagandahang-loob pa rin ang ipinakita mo. Hayaan mo, mula ngayon magbabago na
ako.,” matapat na usal ni Gardong Buwaya.

Mula noon, ibang-iba nang Gardong Buwaya ang nananahan sa may sapa. Siya’y
magiliw na at mapagbigay sa iba. Kaya naman nagkaroon na siya ng mga kaibigan at si
Lornang Tagak ang pinakamatalik niyang kaibigan sa lahat.

Sanggunian: Binhi: Wika at Pagbasa 6

pah. 55-57
Pangalan: ________________________________ Guro: _________________
Baitang/Seksyon:_________________________ Petsa: ________________

Pagsasanay # 1

Panuto:

Sagutin ang mga katanungan batay sa kwentong iyong binasa.

1. Bakit walang kaibigan si Gardong Buwaya?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Bakit bumulusok papalapit kay Gardong Buwaya si Lornang Tagak?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Bakit kailangan ni Gardong Buwaya si Lornang Tagak?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4. Sa iyong opinion, ano ang kahihinatnan ni Gardong Buwaya kung walang


Lornang Tagak na napadako sa sapa kung saan siya nananahan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5. Kung ikaw si Lornang Tagak, babalikan mo pa ba para tulungan si Gardong
Buwaya gayong pinagtabuyan at sinaktan ka? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

_________________________________________________________
Pangalan: ______________________________ Guro: _______________
Baitang/Seksyon:_________________________ Petsa: _______________

Pagsasanay # 5

Gamit ng Pangngalan

Alam nating ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa


tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Ngunit alam mo bang maaaring magkaroon ng
iba’t ibang gamit ang pangngalan sa pangungusap?

1. Simuno o Paksa – ang pinag-uusapan sa pangungusap


Halimbawa: Si Lea ay masunurin sa bilin ng magulang.

2. Kaganapang Pansimuno – ang pangngalang nasa bahaging panaguri.


Ang simuno at kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang pangngalan
lamang.
Halimbawa: Si Dan ay isang mapagmahal na magulang.

3. Tuwirang Layon- ang pangngalang tumatanggap ng kilos ng pandiwa.


Halimbawa: Tumanggap si Ron ng papuri sa pagiging magalang sa
nakatatanda.

4. Pamuno – ang nagbibigay-turing o paliwanag sa paksa.


Halimbawa:Si Faith, ang bunsong anak, ay nagsisikap sa buhay.

5. Panawag – pangngalang ginagamit sa panawag sa pangungusap.


Halimbawa: Jen, nag-aaral ka na ba?

6. Di-tuwirang Layon - ang pinag-uukulan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.


Halimbawa: Siya ay nag-abot ng pera sa mga pulubi.

7. Layon ng Pang-ukol – ito ay pangngalan bilang layon ng pang-ukol sa


pangungusap.
Halimbawa: Para kay nanay ang damit na ito.
I- Panuto:

Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salungguhit. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Si Itay ang aking inspirasyon sa pag-aaral.


a. simuno o paksa c. tuwirang layon
b. panawag d. pamuno

2. Ang pagsisikap sa pag-aaral ay para rin sa ating kinabukasan.


a. simuno o paksa c. tuwirang layon
b. layon ng pang-ukol d. kaganapang pangsimuno

3. Ang masunuring anak ay si Rica.


a. simuno o paksa c. tuwirang layon
b. layon ng pang-ukol d. kaganapang pangsimuno

4. Rey, binabati kita sa iyong pagtatapos sa elementarya.


a. layon ng pang-ukol c. panawag
b. tuwirang layon d. pamuno

5. Sa Santa Ana, an gaming bayan, ay may programa para sa mahihirap na mag-


aaral na gustong makapagtapos ng kolehiyo.
a. pamuno c. layon ng pang-ukol
b. panawag d. tuwirang layon
Gamit ng Panghalip
Panghalip – bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili sa
pangngalan.

Panghalip Panao – humahalili pangngalan ng tao

Ito ay may tatlong kakanyahan


*kaukulan *panauhan *kailanan

Tatlo ang Kaukulan ng Panghalip Panao

1. Palagyo – panghalip panaong ginagamit na simuno at kaganapang pansimuno.

Panauhan Kailanan
Una Isahan Dalawahan Maramihan
ako kata, kita, kami tayo
Ikalawa ikaw, ka kayo
Ikatlo siya sila

2. Paari – panghalip panaong kumakatawan sa taong nagmamay-ari ng bagay.

Panauhan Kailanan
Una Isahan Dalawahan Maramihan
akin kanila atin, amin
Ikalawa iyo inyo
Ikatlo kanila

3. Paukol – panghalip panaong ginagamit bilang layon ng pang-ukol at


tagaganap ng pandiwang nasa tinig balintiyak.
Panauhan Kailanan
Una Isahan Dalawahan Maramihan
ka natin
Ikalawa mo
Pangalan: ______________________________ Guro: _______________
Baitang/Seksyon:_________________________ Petsa: _______________

II - Panuto:

Bumuo ng sitwasyon batay sa nakalahad na paglalarawan. Gamitin sa


pangungusap ang panghalip at ang kakanyahang nakasaad sa panaklong
nito.

1. (paari – unang panauhan – maramihan)


Malaki at malawak ang Siwasyon: __________________________
nabiling bahay ng mag- __________________________________
anak na Manite. Mamili __________________________________
sila ng gamit para sa __________________________________
bahay.

2. (palagyo – ikalawang panauhan – isahan)

Kapwa masipag mag-aral Siwasyon: __________________________


ang magkaibigang Bea at __________________________________
Jen. Naghihiraman sila ng __________________________________
aklat upang makapag-aral. __________________________________

3. (paukol – ikatlong panauhan- isahan)

Masarap ang nilutong Siwasyon: __________________________


ulam ni Aling Rosa para sa __________________________________
kaarawan ng anak na si __________________________________
Tina. __________________________________

4. (palagyo – ikalawang panauhan – maramihan)

Mahiyain ngunit mabait Siwasyon: __________________________


ang bagong kasambahay __________________________________
ng mag-anak na Santos. __________________________________
Masipag din siya sa __________________________________
gawain.

5. (paukol – unang panauhan – maramihan)

Bumili ng regalo si Ninet Siwasyon: __________________________


para sa kanyang bunsong __________________________________
kapatid. Ibibigay niya ito __________________________________
sa makalawa sa kanyang __________________________________
kaarawan.
Pangalan: ________________________________ Guro: __________________
Baitang/Seksyon:__________________________ Petsa: _________________

Pagsasanay # 2

Panuto:

Anong ugali/katangian ang ipinahihiwatig ng sinabi/ikinilos ng tauhan? Itiman

ang na katapat ng sagot

1. “Umalis-alis ka na’t baka ikaw pa ang makain ko.”

maagap mainipin

masalita masungit

2. Iniisip ng tagak kung paano matutulungang magbago ang buwaya.

mapagkakatiwalaan mapagpasensya

mapagmalasakit maunawain

3. “Hayaan mo, mula ngayon, magbabago na ako.”

mapagpakumbaba maaalalahanin

matatakutin mapagbigay

4. At dali-dali itong tumalon sa tubig.

masunurin maliksi

matiisin matatag

5. “Basta babalik ako. Tutulungan ko si Gardong Buwaya.”

mapagbiro mapanuri

maawain masigasig
Pangalan:________________________________ Guro: __________________
Baitang/Seksyon:_________________________ Petsa: _________________

Pagsasanay # 3

Panuto:

Tukuyin ang pinakamalapit na kahulugan na salitang may salungguhit sa tulong ng


pahiwatig na pangungusap at anyo ng mga titik.

1. Ang pera ng bata ay kinapos sa dapat niyang bilhin dahil tumaas na pala ang
presyo niyon.

2. Humayo kayo at maghanap ng trabaho sa lungsod.

3. Ang umiiyak na bata ay inalo ng nakatatandang kapatid. Niyaya niya iyong


maglaro.

4. Pakiramdam ng ina ay ginutay ang kanyang puso nang Makita ang anak na
walang malay dahil sa bugbog ng kaaway nito.

5. Ibibili raw ng gamot ng anak ang perang makukupit ng tindera sa may-ari ng


tindahan.
Pangalan: ________________________________ Guro: __________________
Baitang/Seksyon:__________________________ Petsa: _______________
Pagsasanay # 4

Tandaan:

Ang tauhan ng isang akda ay nakikilala batay sa kanyang sinasabi at ikinikilos.


Sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagkilos, natutukoy rin ang ugali at katangian ng
tauhan

Panuto:

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento.Lagyan ng 1-5 ang mga kahon.

Nais ni Lornang Tagak na tukain ang mga dumi at lintang nakadikit sa katawan
ni Gardong Buwaya.

Habang tinitingnan ni Lornang Tagak si Gardong Buwaya ay mayroon siyang

naramdamang dumarating na grupo ng mangangaso papalapit sa sapa.

May isang buwaya na nananahan sa sapa na ubod nang damot at sungit kaya ni

isa man ay walang may nais na lumapit at makipagkaibigan sa kanya.

Muling bumalik ang tagak at nakita niyang natutulog ang buwaya, kaya tinuka

niya ang mga dumi at linta sa katawan nito.

Sa ginawang tulong ni Lornang Tagak kay Gardong Buwaya ay naging matalik

na magkaibigan ang dalawa.

You might also like