Si Hesus Ang Larawan NG Kapayapaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SI HESUS ANG LARAWAN NG KAPAYAPAAN

Juan 1:1-21, Juan 14:27

Ang teksto natin sa araw na ito ay nagpapahayag ng paglalarawan ng ating Panginoon sa


Kanyang misyon at ministeryo. Ang larawan ng isang Mabuting Pastol at isang daanan (gate).
Isang kapahayagan na kung saan ay nais na maliwanagan ang mga tao sa panahong yaon mula
sa mga sinasabing katotohanan na dulot ng istrukturang panlipunan at politikal sa panahon ni
Hesus, ang katotohanan ayon sa Imperyo ng Roma.

Nakakalungkot lamang sa panahong yaon sapagkat ayon sa mga Ebanghelista, ang


pananampalatayang umiiral sa mga Hudyo na kung saan orihinal na maririnig natin ang mga
katagang “huwag kang papatay”, “ipagtanggol mo ang mahihirap”, “padaluyin ang katarungan”
ay nagiging kasangkapan pa upang pasubalian ang mga panuntunan ng Diyos ni Abraham, Jacob
at ng mga kinikilalang ninuno ng kanilang lahi.

Sa halip na hanapin ang kanilang kalayaan at kasarinlan, mas pinili na manahimik ng mga
tagapagturo ng kautusan ang mga pananambitan ng mga Propetang kagaya nina Moises, Elias,
Isaias, Jeremias at marami pang iba.

Dito pumasok ang katotohanan tungkol kay Hesus at sa katotohanan na kanyang itinututuro.
Lalo na sa pagbasa sa Ebanghelyo ni San Juan, hindi ito paglalahad ng kayabangan bagkus ito ay
nagpapatotoo na ang tunay na pananampalataya ay nakaugat sa Diyos na inilalarawan bilang
Mabuting Pastol at Daanan ng mga tupa.

Kung ating ilalagay ito sa konteksto ng duwalismo, na kung saan ang itaas ay may kabaligtaran
na ibaba, ang kanan ay may kabaligtaran na kaliwa, ang ibabaw ay may kabaligtaran na ilalim.
Sa Ebanghelyo na ito, ang mabuti ay may kabaligtaran at ito ay kasamaan.

Malinaw na inihahayag ng ating Panginoon na ang kamatayan at pagpatay ay hindi kailanman


naisin ng Diyos sa Kanyang mga anak. Sa paglalarawan, ang isang Pastol ay nagtatanggol sa ma
tupa. At ang daan ay para sa kapakinabangan ng mga tupa at hindi upang ito ay maipahamak.

Yun nga lamang, may mga nagnanais na subukin ang kabutihan ng Diyos at gawin ang kanilang
karimarimarim na pagtatangkang patayin at ubusin ang mga Tupa ng Panginoon ngunit hindi ito
hahayaan na mangyari ng ating Panginoong Hesus bilang Mabuting Pastol na nahahandang
ilaan ang buhay para sa kanyang mga tupa.
Sa kasalukuyan, ating sinusundan ang mga yapak ng ating Panginoon na maging mabuting
pastol sa ating kapwa, ngunit palaging nariyan ang mga nagtatangka na takutin, patahimikin, at
ang pinaka grabe sa lahat ay patayin ngunit handa nating ialay ang ating mga buhay alang-alang
sa katotohanan at pagtataguyod ng buhay, sa ating kapwa mga tupa ng Panginoon.

Mga kapatid, hindi naging madali ang proklamasyon ng ating Panginoong Hesus na siya ang
Mabuting Pastol sapagkat marami ang mga nag-akusa sa kanya na baliw at demonyo. Ito ang
katotohanan sa ating pagsunod sa Kanyang kalooban, ang lahat ng ating hakbang patungo sa
buhay na ganap at kasiya-siya ay sasagkaan ng mga taong kagaya ng mga Judio na kumalaban
kay Hesus ay siyang naniniwala sa kapangyarihan ng Imperyo ng Roma at nakakaranas ng luho
at kaalwanan nito kaya naman ayos lang sa kanila na limutin na ang pangunahing turo ng
Kautusan ng Diyos. Una ang buhay!

Ang kawalang katarungan sa ating bansa ay nag-udyok sa bawat isa na makilahok at gumawa ng
kanyang makakaya upang ito ay mabaligtad. Ngunit sa halip na makita ang ating pagtulong at
pagmumulat na ginagawa, ito ay pinaparatangan bilang kabaliwan at ang mga nagsusulong nito
ay mga demonyo ngunit ang totoo naman ay ang tunay na demonyo ang nagpapahirap at
pumapatay sa mga taong nasa panig ng katotohanan, nasa panig ng Panginoon!

Maninidigan tayo mga minamahal sa buhay, katotohanan at daan ng Panginoong Hesu-Kristo at


hindi hahayaan na manaig ang kadiliman, ang kamatayan at ang kasinungalingan sa Sanglibutan
na lubos na minamahal ng Diyos, kasama tayo ng Panginoong Hesus sa pagtataguyod ng
Kanyang kapayapaan na kailanman ay hindi maibibigay ng Sanglibutan lalo na kung ito ay
umaanib sa makasanlibutan na gawain kagaya ng mga hilig ng laman at ang mga ito ay nasa
puso ng bawat sakim sa pera at kapangyarihan. Ito ang hatol ng Panginoon at muli ay natin
itong inuulit.

Sa pangwakas, ang mga pinaslang nitong Marso 7, 2021 ay hindi pababayaan ng Diyos,
niyayakap sila ng Diyos patungo sa Kanyang kaluwalhatian at kung papaanong inakusahan sila
sa mga gawa-gawang kaso, ganun din pinaratangan ng mga Hudyo ang Panginoong Hesus
upang siya ay ipako sa krus, may gawa gawang testigo na kagaya ni Judas at mga panunulsol
mula sa mga binabayaran na magsuplong hanggang Siya ay siguradong maipako sa krus. Ngunit
may Muling Pagkabuhay, at ang pagkabuhay na ito ang tatalo sa kapangyarihan ng kamatayan.

Sa sambahayan ng mga naulila, lubos ang aming pakikidalamhati at galit sa kawalang


katarungan at kawalang-galang sa buhay at karapatang pantao. Patuloy kami na dadalangin at
kikilos upang ang mga ganitong gawain ay matigil na. Patuloy na isususlong ang Kapayapaan na
batay sa pag-ibig at katarungan! Sumaatin ang Kapayapaan ng ating Panginoon! Amen

You might also like