Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EDUKASTON SA PAGPAPAKATAO 6

First Quarter
ST
1 SUMMATIVE ASSESSMENT
WRITTEN WORK

NAME: DATE:

SECTION:

BASAHIN AT UNAWAIN ANG BAWAT SITWASYON. ISULAT SA PATLANG ANG TITIK


NG TAMANG SAGOT.

_______1. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ____.


A. magkaroon ng patunay C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
B. ipilit ang iyong opinyon D. magbigay lang ng iyong personal na pananaw

_______2. Malayo ang pinapasukan mong paaralan sa iyong bahay. Kailangan lakarin ito dahil walang
dumadaang sasakyan. Kapag umuulan sinasabihan ka ng iyong magulang na lumiban na lang. Ano ang
gagawin mo?
A. Titigil na lang ng pag-aaral at baka mapahamak tuwing umuulan
B. Ipagpapatuloy ang pag-aaral at titiising maglakad upang makapagtapos
C. Maghahanap ng kahit sinong matutuluyan na malapit sa paaralan
D. Papasok pa rin at madalas na liliban sa klase

_______3. May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong
gagawin?
A. makilahok sa mga gawaing ito C. sasali dahil sa sariling interes
B. sasali dahil may malaking pera dito D. hindi dahil nakakapagod

_______4. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan.


Paano mo igagalang ang karapatang ito?
A. kumain ng junk foods araw-araw C. uminom ng gatas kumain ng gulay at
mag-ehersisyo araw-araw.
B. uminom ng softdrinks araw-araw D. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

_______5. Nagpasiya ang mag–anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan.
Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
A. hindi, dahil sa masamang epekto nito C. bahala na ang mga apektado nito
B. Oo, sayang ang kikitain nito D. balewalain ang pumupuna

_______6. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang
bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
A. pabayaan silang di-magkasundo C. awayin mo silang dalawa
B. gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo D. sigawan mo sila

_____7. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng klase sa isang video shop na
malapit sa inyong paaralan upang gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi
ka nang maaga dahil mayroon siyang ipapagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?

A. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon upang maunawaan ng ina ang kahalagahan ng iyong
pakikiisa sa pangkat.
B. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
C Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.
D. Di ka nalang pupunta.

_____8. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong
matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ang kaibigan at aawayin.
B. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
C. Makikipaghiwalay na sa matalik na kaibigan.
D. Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang
mahinahon kung totoo ang isinumbong tungkol sa kanya ng kamag-anak mo.

_____9. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan. May
mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang
tungkol sa pagpili ng kaibigan?
A. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.
B. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang
para sa kanilang anak.

_____10. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang
relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.

_____11. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng palabas sa Makati Circuit. Nakatakda
kayong magkita-kita sa hintayan ng traysikel malapit sa inyong paaralan sa ganap na ika 5:00 ng hapon .
Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa Makati Circuit. Ano ang
magiging reaksyon mo?
A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung
ano ang naramdaman mo.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang
kanilang totoong pagkatao.
C. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
D. Aawayin ko sila.

_____12. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong proyekto.
Ano ang sasabihin mo?
A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan.
B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.

_____13. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang


kaklaseng matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito. Tatanggapin mo ba
ang pinapagawa sa iyo?
A. Hindi nararapat B. Depende kung may panahon
C. Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit D. Tatanggapin ko

_____14. Ano ang nais iparating ng kasabihang “ Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa
iyo
A. Gantihan ang mga nananakit sa iyo.
B. Huwag kausapin ang mga kamag-aral na nang –aasar sa iyo.
C. Huwag pansinin ang mga salbaheng kamag-aral
D. Iwasang makasakit ng kapwa

_____15. Ikaw ang napili bilang tagapagsalita sa palatuntunan para sa Linggo ng Wika. Tatanggapin mo
dahil__
A. gusto mong maging sikat. B. ayaw mong ipahiya ang gurong
nagrekomenda sa iyo.
C. wala nang makagagawa D. pagkakataon ito upang masubok
nito kundi ikaw. ang iyong kakayahan.

_____16. Matapos na magkaroon ng paghahanap ng impormasyon tungkol sa ibang bansa, Ikaw lamang
ang nagkaroon nito sa dahilang mayroon kang koleksyon ng aklat sa bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasarilinin ang impormasyon at ipapasa sa guro.
B. Sasabihin sa guro ng mag-uulat siya sa klase.
C. Ibabahagi ito sa kaklase.
D. Hindi makikinig sa guro.

_____17. Magkaibigan kayo nina Pablo at Pedro. Isang araw, nag-away si Pablo at si Pedro. Sila ay
hindi nagkibuan. Tinawag mo ang dalawa at tinanong ang dahilan. Pareho silang may katwiran. Ano ang
iyong pasya?
A.Wala kang gagawin.
B. Iwanan ang pakikipagkaibigan sadalawa.
C.Kampihan kung sino ang may katwirang ayon sa iyong gusto.
D.Pagbatiin ang dalawa, at pag-usapan ng mahinahon ang naging sanhi ng alitan.

_____18. Bago gumawa ng pasya o konklusyon, mainam na______


A. Ipagwalang bahala na lang. B. Suriin nang mabuti ang sitwasyon.
C. Alalahain ang sasabihin ng iba. D. Magtanong sa iba.

______19. Iniwanan kayo ng gawain ng inyong guro. Inihabiin kayo sa pangulo ng inyong klase.
A.Makikipag-usap sa katabi
B.Sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider
C.Susundin ang ipinagagawa ng guro.
D.Maglalaro sa klase habang wala ang guro

______20. Naatasan ng guro ang dalawang mag-aaral sa bawat grupo na sila ang magtatala ng
makukuhang puntos ng magkabilang panig sa larong basketball. Napansin mong labis-labis na ang puntos
ng kalaban sa inyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin ng mahinahon tungkol sa
pagbibigay ng puntos.
B. Hihikayatin ko ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang makuha ang atensyon ng
lahat.
C. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang ipakita ang
pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang panig.
D. Sisigawan ko ang mga naglalaro na madadaya.

ANSWER KEY:
1. B
2.A
3.C
4.D
5.A
6.B
7.A
8.C
9.A
10.B
11.D
12.B
13.A
14.D
15.D
16.D
17.A
18.A
19.B
20.A

You might also like