(Enero 19, 2021) Martes Sa Ikalawang Linggo Sa Karaniwang Panahon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya

para sa

MARTES
SA IKALAWANG LINGGO
SA KARANIWANG PANAHON

TAON I

11 Enero 2021
PASIMULA __

a Ngalan ng Ama,
S at ng Anak, † at ng Espiritu Santo.

Amen.

ng pagpapala ng ating Panginoong HesuKristo,


A ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

At sumaiyo rin.

3
PAMBUNGAD NA PANANALITA __

ga kapatid,
m ang ating matibay na pag-asa
na saligan ng ating pananampalataya
ay ang kalooban ng Diyos na gawin si Hesus
na ating Dakilang Pari
ayon sa pagkapari ni Melquisedec,
na marahil hindi natin naiintindihan,
ngunit ipinaliliwanag ito sa atin sa Sulat sa mga Hebreo.
Ito ang maliwanag:
ang pananampalataya natin ay batay sa salita ng Diyos
at sa salita ni Kristo.

Kaya’t upang maging marapat tayo


sa pagdiriwang na ito
ng banal na paghahaing nagdudulot
ng kapatawaran ng Maykapal,
halina’t pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.

4
PAGSISISI SA KASALANAN __

anginoon, kami’y nagkasala sa Iyo.


P
Panginoon, kaawaan Mo kami.

aya naman, Panginoon,


K ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.

Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.

aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


K patawarin tayo sa ating mga kasalanan
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Amen.

5
PANALANGING PAMBUNGAD __

ma naming makapangyarihan,
A ang langit at lupa ay Iyong pinamamahalaan.
Dinggin Mo ang pagluhog ng Iyong sambayanan
at pagkalooban Mo kami ng kapayapaan araw-araw
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

6
Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

UNANG PAGBASA: Hebreo 6: 10-20 __


Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay.

ANG SALITA NG DIYOS MULA SA SULAT SA MGA HEBREO

ga kapatid, makatarungan ang Diyos.


M Hindi niya lilimutin ang inyong ginawa
at ang pag-ibig na inyong ipinakita
at hanggang ngayo’y ipinakikita
sa paglilingkod ninyo sa inyong mga kapwa Kristiyano.
At pinakananais ko na ang bawat isa sa inyo’y
patuloy na magsumikap hanggang wakas
upang kamtan ninyo ang inyong inaasahan.
Kaya’t huwag kayong maging tamad.
Tularan ninyo ang mga taong nagtitiis
at nananalig sa Diyos
at sa gayo’y tumangap ng mga ipinangako niya.

Nang mangako kay Abraham ang Diyos,


siya’y nanumpa sa kanyang sariling pangalan
yamang wala nang hihigit pa rito
na kanyang mapanunumpaan.
Sinabi niya,
“Ipinangangako ko na lubos kitang pagpapalain,
at pararamihin ko ang iyong lipi.”

7
Matiyagang naghintay si Abraham,
at kanya ngang nakamtan ang ipinangako sa kanya.
Nanunumpa ang mga tao
sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila,
at sa pamamagitan ng panunumpang ito’y
natatapos na ang usapan.

Gayon din naman,


pinatibayan ng Diyos ang kanyang pangako
sa pamamagitan ng panunumpa,
upang ipakilala sa kanyang mga pinangakuan
na hindi nagbabago ang kanyang panukala.
At hindi nagbabago ni nagsisinungaling man ang Diyos
tungkol sa dalawang bagay na ito –
ang kanyang pangako at sumpa.
Kaya’t tayong nakatagpo sa kanya ng kalinga
ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya.
Ang pag-asang ito ang siyang matibay
at matatag na angkla ng ating buhay.
At ito’y umaabot hanggang sa kabila ng tabing
sa templong panlangit,
sa dakong kabanal-banalan na pinasukan ni Hesus
na nangunguna sa atin.

Doon, siya’y isang dakilang saserdote magpakailanman,


ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Ang Salita ng Diyos.

8
SALMONG TUGUNAN: Salmo 110: 1-2. 4-5. 9 at 10k__

Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain.

Buong puso siyang pasasalamatan,


aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod. (Tugon)

Hindi inaalis sa ating gunita,


na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.
Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira. (Tugon)

Kaligtasa’y dulot sa mga hinirang,


may ipinangakong walang hanggang tipan;
Banal at dakila ang kanyang pangalan;
At pupurihin pa magpakailanpaman. (Tugon)

9
ALELUYA
(Efeso 1: 17-18)

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni HesuKristo,
kami ay liwanagan Mo
at tutugon kami sa ‘Yo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA: MARCOS 2: 23-28 __


Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa kabutihan ng tao;
hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.

† ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON


AYON KAY SAN MARCOS

sang Araw ng Pamamahinga,


I naparaan si Hesus at ang kanyang mga alagad
sa tabi ng triguhan.
Habang daa’y nangingitil ng uhay ang mga alagad,
kaya’t sinabi ng mga Pariseo kay Hesus,
“Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad.
Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga!”
Sinagot sila ni Hesus,
“Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David
noong si Abiatar ang pinakapunong saserdote?
Nang siya at kanyang mga kasama’y
magutom at walang makain,
pumasok siya sa bahay ng Diyos.
Ayon sa Kautusan,

10
ang mga saserdote lamang
ang may karapatang kumain niyon,
ngunit kinain iyon ni David,
at binigyan pa ang kanyang mga kasama.”
Sinabi pa ni Hesus,
“Itinakda ang Araw ng Pamamahinga
para sa kabutihan ng tao;
hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.
Kaya’t maging ang Araw ng Pamamahinga
ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

11
PANALANGIN NG BAYAN __

ga kapatid,
m ipinangako ng Diyos na ibubuhos Niya sa atin
ang Kanyang pagpapala.
Sa ating pagtitiwala sa pangakong ito ng Ama
ating dinadala ang mga panalanging ito sa Kanya
at ating sambitin:

PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING


PANALANGIN!

Upang pahalagahan ng mga Kristiyano ang utos ng Diyos


bilang daan upang lumaya mula sa kasalanan at
kasamaan at maging landas upang ang Diyos at bayan ay
paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Upang makalikha ng makatarungan at pantaong batas


ang mga mambabatas sa iba’t ibang panig ng daigdig at
makapanglingkod para sa kabutihan ng lahat,
manalangin tayo sa Panginoon.

Upang ang lahat ng nangangailangan ng ating


panalangin nawa’y makatanggap ng mga pagpapala sa
buhay na kanilang kinakailangan, manalangin tayo sa
Panginoon.

12
Upang ang mga mahihirap na bansa sa mundo ay
magkaroon ng sapat na bakuna laban sa CoViD-19 para
sa kanilang mga mamamayan, manalangin tayo sa
Panginoon.

Upang ang mga yumao nawa’y maranasan ang walang


hanggang galak sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo
sa Panginoon.

ma naming maawain,
a lagi Mong ipaalaala sa amin
na ang mhalaga ay kung paano kami nabubuhay
para sa Iyo at sa aming kapwa,
habang aming ibinabahagi ang sarili namin sa isa’t isa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

13
Liturhiya ng Eukaristiya

PAGHAHANDA NG MGA HANDOG AT DAMBANA __

apuri-puri Ka,
k Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

14
a paghahalong ito ng alak at tubig
S kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makisalo sa aming pagkatao.

apuri-puri Ka,
k Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

iyos Amang Lumikha,


D nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa Iyo
nang buong puso.

15
Diyos kong minamahal,
O kasalanan ko’y hugasan
at linisin Mong lubusan ang nagawa Kong pagsuway.

analangin kayo, mga kapatid,


m upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa Iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan Niyang banal.

16
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY __
ma naming Lumikha,
A ipagkaloob Mong marapat na ganapin
ang banal na paghahain
sapagka’t tuwing ipinagdiriwang
ang alaala ng Anak Mong nag-alay,
ang pagliligtas Niya sa tanan
ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan Niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

17
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT __

umainyo ang Panginoon.


S
At sumaiyo rin.

taas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


I
Itinaas na namin sa Panginoon.

asalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


P
Marapat na Siya ay pasalamatan.

18
IKALAWANG PREPASYO SA ARAW-ARAW __
Kaligtasan sa pamamagitan ni HesuKristo

ma naming makapangyarihan,
A tunay ngang marapat
na Ikaw ay aming pasalamatan.

Sa Iyong paglingap at kagandahang-loob


ang tao’y nilikha Mo’t pinangangasiwa sa sansinukob.
Sa hangad Mong siya’y iwastong lubos
siya’y pinagdusa Mo sa kanyang pagtalikod.
Sa Iyong paggiliw Iyong ipinahihintulot
na makabalik siya sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:

19
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

ma naming banal,
A Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

aya’t sa pamamagitan ng Iyong Espiritu


K gawin Mong banal ang mga kaloob na ito

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo †


ng aming Panginoong HesuKristo.

Bago Niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,

hinawakan Niya ang tinapay,


pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:

21
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,

hinawakan Niya ang kalis


muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa mga alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

22
pagbunyi natin ang misteryo
I ng ating pananampalataya.

Sa Krus Mo at Pagkabuhay
kami ay natubos Mong tunay
Poong Hesus, naming mahal
iligtas Mo kaming tanan
ngayon at magpakailanman.

ma,
A ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng Iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa Iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y Iyong minarapat
na tumayo sa harap Mo
para maglingkod sa Iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

23
ma,
A lingapin ang Iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni FRANCISCO na aming Papa
at ni N., na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

lalahanin Mo rin
A ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan Mo sila at patuluyin sa Iyong kaliwanagan.
Kaawaan Mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos
at ng kabiyak ng puso niyang si San Jose
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa Iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal Mo

sa pamamagitan ng Iyong Anak


na aming Panginoong HesuKristo.

24
a pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya,
s ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

25
RITU NG PAKIKINABANG __

a tagubilin ng mga nakagagaling na mga utos,


S at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:

ma namin, sumasalangit Ka,


A sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo
sundin ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

inihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


H pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si HesuKristo.
26
Sapagka’t Iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man!

anginoong HesuKristo,
P sinabi Mo sa Iyong mga apostol
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

ng kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


A
At sumaiyo rin.

27
agbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
M

a pagsasawak na ito,
s ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

anginoong HesuKristo, Anak ng Diyos na buhay,


P sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay Mo sa Iyong pagkamatay ang sanlibutan.

28
Pakundangan sa Iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya Mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin Mong ako’y makasunod lagi sa Iyong mga utos,
at huwag Mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa Iyo kailan man.

ng pakikinabang ng Katawan at Dugo Mo,


A Panginoong HesuKristo,
ay huwag nawang magdulot
ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa Iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop Mo sa akin at kaloob Mong lunas.

to ang Kordero ng Diyos,


I na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapapalad tayong inaanyayahan sa banal na piging.

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa Iyo


ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

29
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.

ma naming mapagmahal,
A ang aming tinanggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang Iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailan man.

30
PANALANGING PAGKAPAKINABANG __
ma naming mapagmahal,
A padaluyin Mo sa amin ang batis
ng Espiritu ng Iyong pag-ibig
upang kaming pinapagsalo Mo
sa pagkaing Iyong bigay para kami’y pagbuklurin
ay magkaisa sa pananalig sa Iyo
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

31
PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS __

umainyo ang Panginoon.


S
At sumaiyo rin.

agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


p Ama, at Anak, † at Espiritu Santo.

Amen.

aglayin ninyo sa inyong pag-alis


T ang kapayapaan ni Kristo.

Salamat sa Diyos.

32

You might also like