Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Home Economics
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Mga Kagamitan Sa Pananahi sa
Kamay

0
Panimula

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa batang katulad mo na


nasa ika-apat na baitang upang matulungan kang pag-aralan ang mga
kagamitan sa pananahi sa kamay at kung paano ito ginagamit. Ang mga
gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatutulong sa iyo upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Ang modyul ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. a. makikilala ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay;
b. maiisa-isa ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay;
c. makatutukoy sa mga magandang kaugalian na
ipinapahiwatig sa pananahi sa kamay;
2. masasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay;
3. makatutukoy sa wastong pangangalaga sa mga kagamitan sa
pananahi sa kamay;
4. makagagawa ng isang album ng mga kagamitan sa pananahi
sa kamay
5. makagagamit sa mga wastong gagamitin na kagamitan sa
pananahi sa kamay ng pagsulsi ng damit na punit.

1
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Ito ay matulis at ginagamit sa paghawak sa telang tinatahi.


A. aspili B. didal C. gunting D. karayom

2. Ito ang tawag sa tusukan ng karayom at aspili matapos itong gamitin.


A. tela B. medida C. karayom D. pin cushion

3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.


A. aspili B. gunting C. medida D. emery bag

4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang


daliri.
A. didal B. gunting C. medida D. emery bag

5. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin upang maging akma


ang sukat nito.
A. aspili B. gunting C. medida D. emery bag

6. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi ito
kalawangin.
A. sinulid B. medida C. emery bag D. pin cushion

7. Anong magandang pag-uugali ang maaring matutunan sa pagtatahi


gamit ang kamay?
A. matipid B. matiyaga C. magalang D. matulungin

8. Ito ang tawag sa lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi.


A. medida B. tool box C. pin cushion D. sewing box

9. Ito ay ginagamit kasama ang sinulid sa pananahi.


A. tela B. aspili C. medida D. karayom

10. Tawag sa pagsasaayos ng mga sira o punit na damit.


A. paglalaba B. pagsusulsi C. pagtutupi D. pagiimbak
2
Pag-aralan

Matututuhan mo ngayon ang pag-ayos ng damit mong napunit o


nasira. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pananahi. Maaaring wala
kayong makinang pantahi sa bahay kung kaya’t maaari mo itong ayusin
sa pamamagitan ng pagtahi gamit ang iyong mga kamay.

Aralin 1: Pagkilala sa mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay

Upang maayos ang damit mong napunit, kailangan mo munang


alamin ang mga dapat mong gamitin na mga kagamitan sa pananahi sa
kamay. Sa paggawa mo nito malilinang sa iyong pag-uugali ang
pagiging matiyaga at pagkamalikhain.

Mga Kagamitan sa Pananahi

Aspili
Medida

Didal

Sinulid
Gunting

Karayom

Pin Cushion Emery Bag

3
Aralin 2: Gamit ng mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay

Ngayon ay matututunan mo kung paano ginagamit ang mga


kagamitan sa pananahi sa kamay.

Medida. Bago guputin ang telang tatahiin


dapat ay sukatin muna ito gamit ang medida upang
maging akma ang sukat nito.

Gunting. Gumamit ng angkop at matalas na


gunting sa paggupit ng telang itatapal sa damit na
punit o damit na susulsihan.

Ang karayom at sinulid ay ginagamit sa


pananahi. Dapat magkasingkulay ang sinulid at tela
o damit na tinatahi.

Didal. Kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa


matigas na tela, gumamit ng didal. Ito ay isinusuot
sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang
karayom sa pagtatahi. Sa ganitong paraan
maiiwasan matusok ng karayom ang mga daliri.

Pin Cushion. Pagkatapos gamitin ang


karayom sa pagtahi, mainam na ito ay ilagay sa pin
cushion.

Emery Bag. Itusok ang karayom sa emery


bag kapag hindi ginagamit upang hindi ito
kalawangin.

Aspili. Ito ay isang matulis na bagay na


ginagamit sa paghawak sa telang tinatahi.

4
Aralin 3: Wastong Pangangalaga sa mga Kagamitan sa Pananahi sa
Kamay
Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag tungkol
sa wastong pangangalaga sa mga kagamitan sa pananahi sa kamay.
1. Pagkatapos gamitin ang lahat ng mga kagamitan sa pananahi
mainam na ilagay ito sa loob ng sewing box. Dito inilalagay ang
lahat ng mga kagamitan sa pananahi upang maiwasan ang
pagkawala at pagkasira ng mga ito.
2. Ang pin cushion ay ginagamit upang maging tusukan ng mga
karayom at aspili kapag tapos na ito gamitin.
3. Mainam rin na ilagay ang mga karayom sa emery bag upang hindi
ito kalawangin.
4. Siguraduhing nailigpit nang maayos ang medida at mga sinulid
upang hindi ito magkabuhol-buhol.
5. Huwag kalimutang ilagay ang ginamit na gunting at didal sa loob
ng sewing upang maiwasan ang pagkawala ng mga ito.

Aralin 4: Paggawa ng Album ng mga Kagamitan sa Pananahi


Unawain at pag-aralan nang mabuti ang mga hakbang sa
paggawa ng isang album tungkol sa mga kagamitan sa pananahi gamit
ang kamay.
1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa paggawa ng album
tulad ng mga larawan ng mga kagamitan sa pananahi, gunting,
bondpaper, glue, at pentelpen.
2. Maari kang magsaliksik ng mga larawan ng mga kagamitan sa
pananahi gamit ang internet o iguhit na lamang ang mga ito.
3. Gupitin ang mga larawan at idikit ito isa-isa gamit ang pandikit o
glue sa bondpaper.
4. Lagyan ng label kung ano ang tawag sa kagamitan na nasa
larawan at ipaliwanag kung paano ito ginagamit.
5. Pagsama-samahin ang mga bond paper na may larawan ng iba’t
ibang kagamitan sa pananahi gamit ang pandikit o stapler.
6. Isulat sa cover page ng album ang “Mga Kagamitan sa Pananahi
sa Kamay” at ilagay ang iyong pangalam sa ibaba ng pahina.

5
Aralin 5: Paggamit sa Wastong Kagamitan sa Pagsusulsi ng Damit
na Punit

Basahin at unawain ang mga dapat isaalang-alang sa


pagsusulsi ng damit na punit.

 Gumamit ng angkop na karayom na akma sa uri ng telang


susulsihan.
 Ang sinulid ay dapat magkasing kulay ng damit na susulsihan.

 Gamitin ang didal lalo na kung makapal ang telang susulsihan


upang hindi matusok ng karayom.

 Simulan ang pagsusulsi sa gawing kanan ng tela upang mas


madaling makita ang damit na susulsihan.

 Pagkatapos mong sulsihan ang damit na punit gupitin ang sinulid


gamit ang angkop at matalas na gunting.

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang pangalan ng bawat larawan.

1. 4.

2. 5.

3.

6
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang kaukulang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. medida A. ginagamit na panggupit ng tela
at sinulid
2. didal B. dito inilalagay ang mga gamit sa
pananahi
3. emery bag C. tinutusok dito ang karayom
upang manatiling matulis
4. sewing box D. ito’y inilalagay sa pang-gitnang
daliri habang nananahi
5. gunting E. ginagamit sa pagsukat ng tela

Gawain 3
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay tama
at M kung ito’y mali.

_____1.Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi, mainam na ito ay


ilagay sa emery bag upang hindi ito kalawangin.

_____ 2.Gumamit ng pin cushion sa gitnang daliri ng kamay upang


gamiting panulak ng karayom.

_____3. Ilagay sa loob ng sewing box ang lahat ng mga kagamitan sa


pananahi upang maiwasan ang pagkasira at pagkawala ng
mga ito.

_____4.Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito gamit
ang medida.

_____5. Siguraduhing nailigpit nang maayos ang medida at mga sinulid


upang hindi ito magkabuhol-buhol.

7
Gawain 4
Panuto: Gumawa ng isang album sa pamamagitan ng pagguhit o
pagkolekta ng mga larawan ng mga kagamitan sa pananahi sa
kamay. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsunod ng rubrik sa
ibaba.

Nangangailangan
Kategorya Napakahusay Mahusay ng Pagpapabuti
(3 puntos) (2 puntos) (1 punto)
Lahat ng mga Karamihan sa Ang mga larawan
Mga larawan larawang mga larawang ay hindi nauugnay
ginamit ay may ginamit ay sa paksa at
pangalan at nauugnay sa sa nakalilito.
nauugnay sa wastong
wastong kagamitan at
kagamitan. may pangalan.
Ang lahat ng Karamihan sa Maraming
Katumpakan ng mga mga impormasyon ang
Nilalaman impormasyon impormasyon at hindi tumpak.
at pagpapaliwana
pagpapaliwana g ay tumpak.
g ay tumpak.
Ang ginawang Mahusay at Magulo at hindi
Organisasyon album ay katanggap- maayos ang
napakaayos at tanggap ang paglalahad ng mga
detalyado sa pagkakaayos impormasyon sa
paglalahad ng ng mga album.
mga impormasyon
impormasyon. na inilhad sa
album.
Ang lahat ng Hindi masyadong
Pagkamalikhain pahina sa Ang mga maganda at kaakit-
album ay pahina ng akit ang ginawang
kakaiba at album ay disenyo sa
lubhang kaakit- katanggap- paglikha ng album.
akit ang mga tanggap na
ginawang kaakit-akit at
disenyo, maayos ang
layout, at mga pagkalikha nito.
palamuti nito.

8
Gawain 5
Panuto: Humanap ng damit na punit sa inyong tahanan at subukan itong
isaayos gamit ang pagsusulsi. Sa patnubay ng iyong magulang/kapatid,
gawin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan/rubrik sa ibaba.

Kasanayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


pamantayan pamantayan nakasunod
nang higit sa subalit may sa
inaasahan ilang pamantayan
(5) pagkukulang (1)
(3)

1. Nasunod ko nang
maayos ang wastong
paraan ng pagsusulsi.

2. Nagamit ko nang
maayos ang wastong
kagamitan sa
pagsusulsi

3. Naipakita ko ang
aking pagiging
matiyaga at
pagkamalikhain sa
ginawa kong
pagsusulsi

9
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa mga
kagamitan sa pananahi sa kamay. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

Ang natutunan ko…


3 Bagay na 1. _______________________________________
2. _______________________________________
natutunan
3. _______________________________________

Ang bagay na nakapukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na 1. _______________________________________
nakapukaw
2. _______________________________________
ng interes

Kailangan ko pang matutunan ang…


1 Bagay na
1. _______________________________________
nakapagpalito

10
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin upang maging akma


ang sukat nito.
A. aspili B. gunting C. medida D. emery bag

2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi ito
kalawangin.
A. sinulid B. medida C. emery bag D. pin cushion

3. Ito ang tawag sa lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi.


A. medida B. tool box C. pin cushion D. sewing box

4. Ito ay ginagamit kasama ang sinulid sa pananahi.


A. tela B. aspili C. medida D. karayom

5. Ito ay matulis at ginagamit sa paghawak sa telang tinatahi.


A. aspili B. didal C. gunting D. karayom

6. Ito ang tawag sa tusukan ng karayom at aspili matapos itong gamitin.


A. tela B. medida C. karayom D. pin cushion

7. Tawag sa pagsasaayos ng mga sira o punit na damit.


A. paglalaba B. pagsusulsi C. pagtutupi D. pagiimbak

8.Ginagamit ito sa paggupit ng tela.


A. aspili B. gunting C. medida D. emery bag

9. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang


daliri.
A. didal B. gunting C. medida D. emery bag

10. Anong magandang pag-uugali ang maaring matutunan sa pagtatahi


gamit ang kamay?
A. matipid B. matiyaga C. magalang D. matulungin

11
12
Paunang Pagtataya Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Panapos na
pagtataya
1. A 1. Medida 1. E 1. T
2. D 2. Gunting 1. C
2. D 2. M
3. B 3. Pin cushion 2. C
4. A 4. Didal 3. C 3. T 3. D
5. C 5. Sinulid 4. B 4. T 4. D
6. C 5. A
7. B 5. A 5. T 6. D
8. D 7. B
9. D 8. B
10. B 9. A
10. B
Gawain 4 Gawain 5 Repleksyon
Paglikha ng Pagsusulsi Maaaring
album tungkol ng damit na magkaiba-
sa mga punit iba ang
kagamitan sa sagot ng
pananahi sa mag-aaral
kamay
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Aklat:

Dolores M. Lavila, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera, 2015 Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 4: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City, Philippines:
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,Unang Edisyon. Vibal
Group, Inc. Philippines, pp. 227-231

Rosalia A. Bonotan, Yolanda L. Del Mundo, Rosalinda B. Dela Cruz, Eumelia D. Hernando,
Felixberto T. Tindoc, Noralyn P. Villanueva, 2002 Sanayang Aklat Sa Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Unang Edisyon. Cultural Publisher 942 Del Monte
Avenue,Quezon City, pp. 28-30

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Jason V. Macasa


Editor : Mariannie A. Morales, Fritzie B. Ignalig
Tagasuri : Vilma L. Gorgonio, Zosimo H. Lopez Jr.,
Mariannie A. Morales, Fritzie B. Ignalig, Carol B. Ortiz,
Tagalapat : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Vilma L. Gorgonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931


E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

13

You might also like