Professional Documents
Culture Documents
Suyuan Sa Azotea
Suyuan Sa Azotea
Suyuan Sa Azotea
SA AZOTEA
Maagang nagsimba nang umagang yaon sina Maria Clara at
Tiya Isabel. Sa hindi maunawaang kadahilanan ng kaniyang tiya,
kaagad na nagyayang umuwi ang dalaga pagkatapos pa lamang ng misa.
“Ako po’y mapapatawad din ng Diyos na nakauunawa sa
nilalaman ng puso ng isang dalaga, Tiya Isabel,” ang bulong ni Maria Clara.
Upang huwag mainip sa kahihintay,inabala ni Maria Clara abf
sarili sa pananahi. Hindi niya maiwasang hindi tumahip ang dibdib sa tuwing may daraang
sasakyan. Inaabangan niya ang pagdating ni Ibarra at ang muli nilang pagkikita pagkalipas ng 7
taon pagkakalayo.
Samantala, ipinahayag ni Kapitan Tiyago ang nais nito na makapagbakasyon si Maria
Clara dahil sa kaniyang pamumutla.
“Kayo’y magtutungo ng iyong Tiya sa beaterio upang kunin ang iyong mga damit.
Lilisanin mo ang pook na iyon. Kailangan mo ring magpaalam na sa iyong mga kaibigan doon.”
Hindi naman maitago ni Maria Clara ang kalungkutan sa kaniyang mukha.
“Magbabakasyon tayo sa Malabon ng mga ilang araw, yaman din lamang na wala na sa
San Diego si Padre Damaso.”
“Bakit hindi na lamang sa San Diego, pinsan? Mas mainam an gating bahay doon at
nalalapit na ang pista,’ paliwanag ni Tiya Isabel.
Natuwa si Maria Clara sa narinig dahil doon nakatira si Ibarra. Ngunit nang may tumigil
na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay, biglang namutla at kinabahan ang dalaga.
Napahinuhod si kapitan Tiyago. Hindi naman malaman ni Maria Clara ang gagawin dahil
sa narinig na tunog. Ngunit nang marinig ang isang pamilyar na tinig, ito’y agad nagtatakbo at
nagtungo sa silid ng mga Santo. Napatawa ang magpinsan dahil sa ikinikilos ng dalaga. Siya
namang pagpasok sa bahay ng dumadalaw na si Ibarra matapos itong bumati sa mga naratnan.
Ilang sandal pa’y sinundo na ni Tiya Isabel si Maria Clara na kanina pa nanunubok sa
kaniyang kinaroroonan. Pinaliguan nito ng halik at yakap ang kaniyang Tiya Isabel dahil sa
kaniyang labis na katuwaan.
“Kailangan mo nang mag-ayos ng iyong sarili. Huwag mong paghintayin ang iyong
panauhin.”
Pagkaraan ng ilang sandali, kasa-kasama nang lumabas ni Tiya Isabel ang nahihiyang
dalaga at nagtungo sa bulwagan ng bahay.
Sa Azotea o balkonahe nagtungo ang dalawa upang makapag-ulayaw at
makapagsarilinan. Ito’y ikinatuwa naman ni Tiya Isabel dahil doo’y makikita niya ang ginagawa
ng dalawa.
“Lagi mo kaya akong iniisip nang tayo’y nagkalayo? Hindi mo kaya ako nagawang
ipagpalit sa mga dalagang iyong nakikilala sa iyong paglalakbay sa Europa?” ang simulang
tanong ng dalaga.
“Maari ba kitang limutin?” ang tugon ni Ibarra habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. “
Hindi ba’t sumumpa akong ika’y aking mamahalin at dudulutan ng kaligayahan sa pangalan ng
aking namayapang ina? Dala-dala koa ang iyong alaala saan man ako magtungo at kailanman ay
hindi ka nawaglit sa aking isipan. Aking binabalik-balikan an gating masasayang alaala n gating
kabataan pagkat ikaw ang sagisag ng aking bayan: mayumi, marilag at kaakit-akit…ikaw ba’y
magagawa kong limutin? Paano kita malilimot kung ang saan mang dako ako pupunta ay
nasasalamin ko ang mapupungay mong mata sa mga tanawin; ang buong kapaligiran ay
nagpapagunita sa iyong kaangkinan.”Isinalaysay naman ng dalaga ang kaniyang mga pinagkaabal
ahan sa pitong taon nilang pagkakalayo.
“Tanging bayan lamang ng San Diego, Manila at Antipolo ang aking narrating. Subalit sa
aking pagpasok sa beaterio ay marami na akong parusang tinanggap sa aking kompesor dahil sa
di ko magawa-gawang limutin ka. Tuwi-tuwina ay nagbabalik ang masasayang araw n gating
kabataan, an gating paglalaro at pati ang mga tampuhan. Naalala ko pa nga ng minsang ako’y
lagyan mo ng putong ng mga dahon at bulaklak ng suha sa aking ulo at tawagin mo akong Cloe.
Ika’y naluha ng ng kunin ito ng iyong ina upang dikdikin upang ihalo sa gugo. Nagalit ka at
hindi umimik ng aking pagtawanan. Ngumiti ka lamang nang lagyan ko ng dahon ng sambong
ang loob ng iyong sombrero”.
Si Ibarra’y natuwa at kinuha mula sa kaniyang kalupi ang isang papel na kinababalutan
ng ilang dahon ng sambong na tuyong-tuyo na at nagingitim ngunit mababango pa rin. Ito ang
mga dahon ng sambong mula sa kanilang paglalaro pitong taon na ang nakaraan.
Nagsilbing alaala niya ito mula kay Maria Clara at dala-dala sa kaniyang pagtungo sa Europa.
Mapapansin naman sa mukha ni Maria Clara pamumula dulot ng pagkabigla at paghanga
sa mga ipinakita ni Ibarra
Kinuha naman ni Maria Clara ang isang supot na kinalalagyan ng isang liham
Mababakas ang kalumaan ng papel dahil sa tagal ng panahon.
“Ang liham bang iyan ang ibingay ko sa iyo sa aking pag-alis?” Tanong ni Ibarra
“Ang liham na ito ang kaisa-isang iniwan mo sa akin,” sagot ni Maria Clara
“Maari mo bang basahin sa akin ang nilalaman nito?”
“Wala, kundi pawing kasinungalingan,” sagot ng dalaga na may kahalong ngiti sa labi.
Binasa ni maria Clara ang nilalaman ng liham at sinadyang nilalagtawan ang mga linya
kung saan pinapapapurihan siya ng binata. Natutuwa naman si Ibarra habang pinakikinggan ang
nilalaman ng kaniyang liham kay Maria Clara. Lalong gumaganda si Matia Clara sa kaniyang
paningin. Patuloy pa ang masayang pag-uusap ng dalawa at pagsasariwa sa matatamis na alaala ng
nakaraan nang biglang napansin ng dalaga na may pagbabago sa mukha ng binata. “Ano ang
nangyayari sa iyo?” tanong ng dalaga kay Ibarra.
“Ipagpaumanhin mo, ang isang mahalagang lakad at tungkulin ay muntik ko nang
makalimutan nang dahil sa iyo. Bukas ay araw ng mga patay, at kailangan kong dalawin ang
puntod ng aking ama na di ko pa lubos na nalalaman ang dahilan ng mga nangyari sa kaniyang
pagkamatay. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Dadalawin na lang kita muli pagkaraan ng
aking mahalagang lakad.”
“Sige, humayo ka na. Pagkaraan lamang ng ilang araw, tayo’y muling magkikita,’ ang
wika ng nalulungkot na dalaga.
Matapos makapagpaalam ay tuluyan nang lumabas na bahay si Ibarra. Samantalang agad
namang nagtungo sa kaniyang silid si Maria Clara at doon ay nag-iiyak.
Dahil sa hindi matigil na iyak ng kaniyang anak, ipinag-utos naman ni Kapitan Tiyago
kay Tiya Isabel na ipagtulos ng dalawang kandila si Ibarra-isa para kay San Roque at isa para
kay San Rafael, ang patron ng mga manlalakbay.