Talumpati Ni Yuri Brent D. Cruz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Yuri Brent D.

Cruz
Baitang at Pangkat: 12 – Our Lady of Peace

Ang Edukasyon sa New Normal

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Ako si Yuri Brent D. Cruz upang hilingin ko na
buksan ang inyong puso at isipan upang malaman kung ano ang ating dinaranas sa edukasyon sa
panahon ng pandemya. Alam natin na mahirap ang ating hinaharap sa panahon na ito. Hindi natin
alintana na mangyayari ito sa ating buhay. Mahirap na danasin ang pasakit na ito, lalo na sa akin
bilang mag-aaral, hindi lang sa akin kundi din sa mga guro na todo ang suporta sa paggawa ng mga
modules upang tayo ay may magawa at upang matulungan nila tayo sa susunod na hakbang na
ating tatamasan.

Bilang estudyante, mahirap rin sa amin ang dinulot ng pandemyang ito, dahil nagagawa
namin ang aming pag-aaral sa online, ngunit hindi lahat ay makapag-aral dahil sa hirap ng buhay.
Marami ang hindi nakapag-aral dahil kulang ang mga gamit na gagamitin upang makapag-aral. Isa
na dito ang laptop, madami sa atin ang nangangailangan ng gadget na ito ngunit sa hirap ng buhay,
hindi natin ito makuha. Mahirap ring isipin na ang ibang estudyante ay gumawa ng mga paraan
upang makabili ng laptop na kakailanganin. Mahirap din sa mga guro ang paggawa ng modules
dahil hindi lahat ay may printer na kakailanganin upang magawa ang nga modules na kakailanganin
ng mga estudyante. Lahat ay naghirap mula nang magsimula ang pandemyang ito. Madami rin ang
nabago ng pandemyang ito. Ngunit may Diyos tayong kasama upang umalalay sa atin upang
bumangon muli sa ating normal na pamumuhay. Mga guro ay muli nang makakapagturo ng mga
magagandang kaalaman sa mga kabataan sa paaralan. Mga kabataan ay muli nang manunumbalik
sa saya dahil makakabalik na sila sa eskwelahan at makakatuklas muli sila ng mga bagong kaalaman
na pwede maging tulong para sa kanilang magiging pamumuhay.

Lahat ay handa ng bumangon, lahat ay handa ng bumalik sa normal na pamumuhay, at ang


mga kabataan ay handa ng bumalik sa sa eskwelahan upang makatuklas muli ng mga bagong
kaalaman. Muli ako si Yuri Brent D. Cruz mula sa 12- Our Lady of Peace. Maraming salamat.

You might also like