Professional Documents
Culture Documents
Detailed Lesson Plan in P.E
Detailed Lesson Plan in P.E
A. PAMANTAYAN SA NILALAMAN:
- Maipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hugis ng katawan at kilos ng
katawan bilang paghahanda sa iba't ibang mga aktibidad sa paggalaw.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
- Maisagawa ng mga mag- aaral nang maayos anng mga hugis at galaw ng katawan.
C. PAGLINANG NG KAKAYAHAN
- Makalikha ang mga mag-aaral ng hugis at kilos ng katawan.
I. Layunin
Pagkatapos ng 40 minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikalawang baiting ay
inaasahang makakamit ang 75% kasanayan sa mga sumusunod:
a. Natutukoy ang larawang nagpapakita ng tamang tikas at galaw ng katawan;
b Napapahalagahan na ang tamang tikas at galaw ng katawan ay dapat nagagawa sa araw-araw.
c. Naisasagawa ang galaw at tikas ng katawan.
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
- Handa na ba kayo para sa ating aralin ngayon?
Kung ganon, may ipapakita ako sainyong larawan.
Sabihin sa akin kung ito ba ay tamang pagtayo, pag-upo at paglakad.
Para sa ating unang larawan…
Nagpapakita ba ito ng wastong pagtayo mga bata?
Magaling!
Para naman sa ikalawang larawan….
Nagpapakita ba ito ng wastong pag-upo?
Mgaling! Hindi ito nagpapakita ng wastong pag-upo.
Dahil ito ang wastong pag-upo…
Para sa ikatlo nating larawan…
Tama ba ang kanyang ipinapakitang paglakad?
Magaling! Wastong paglakad ito!
Ngayon mga bata, tukuyin ang bawat ginawa ng mga bata sa larawan.
Mga bata, panoorin niyo ito at gayahin ang aking ginagawa. (pagpapanuod ng video)
Sunod na larawan.
Ang pagtayo ng matuwid ay tumutulong sa baga, puso at
sa lahat ng bahagi ng katawan upang gumawa nang maayos.
Tingnan ninyo ang mga larawan mga bata.
Alin diyan ang wasto at hindi wastong pagtayo.
Kasunod na larawan, tignan ang wastong paglakad at hindi wastong
paglakad.
3. Pagpapaliwanag ng Paksang-Aralin
At ang kasunod naman mga bata, ay ang wastong galaw at hugis ng mga katawan sa pag-upo.
Una , ang mga paa ay magkadikit , magkahanay o maaring ang isa ay nasa unahan
ng isa at nakalapat sa sahig.
Sunod, ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.
Pangatlo, ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang nakalapat sa likuran ng upuan.
At ikaapat, ang katawan ay tuwid at magkalinya.
Ngayon naman mga bata, ay ang wastong hugis at galaw ng katawan sa paglakad.
Una, lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit.
Pangalawa, ang mga kamay ay umiimbay ng halinhinan paharap at patalikod
nang may koordinasyon sa galaw ng paa.
At ang huli, ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay
nakatuon sa harap.
Ngayon isagawa natin ang tamang tikas at galaw ng katawan ayon sa paglalarawan nito.
Maari tayong kumuha ng kapareha upang malaman natin kung nasunod ang mga pamantayan
nito.
Sanayin natin ang ating mga sarili ng wastong paglakad, pag-upo at pagtayo upang maayos
tayong tingnan. Pahalagahan natin ang mga ito dahil makatutulong ito sa atin.
Mga bata, ganito ang inyong unang Gawain.
Piliin ang larawan na nagpapakita ng tamang tikas at galaw ng katawan.
Sa pagtayo mga bata, alin dito ang tama? A or B?
Magaling mga bata! B ang tamang sagot!
Para sa pangalawang gawain, lagyan ng tsek ang kolumn kung ito ay paglakad, pag-upo at
pagtayo ayon sa paglalarawan nito.
Unang bilang, ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.
Saan ito mga bata? Paglakad? Pagtayo? O pag-upo?
Magaling mga bata! Ito ay Pagtayo!
Para sa ikalawang bilang, Ang paningin ay nakatuon sa harap.
Saan ito mga bata?
Magaling! Paglakad!
Pangatlong bilang, Ang mga paa ay nasa iisang tuwid na guhit.
Saan ito?
Mahusay! Paglakad din ito!
Para sa ika-apat na bilang, Ang katawan ay tuwid at magkalinya.
Saan ito? Paglakad, pagtayo, o pag-upo?
Magaling! Pag-upo!
At sa ikalimang bilang, Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa tagiliran.
Saan ito mga bata?
Mahusay! Ito ay pagtayo!
Narito ang inyong kasunnod na gawain.
Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang tikas at kilos ng katawan at Mali
kung hindi.
Unang bilang, Si Abner na nakabaluktot ang mga paa habang nakatayo.
Pangalawang bilang, Si Ella na kumakaway pa habang naglalakad sa kalye.
Ikatong bilang, Si Auro na nagbabasa na ang balakang at tuhod ay nakabaluktot habang
nakaupo.
Ikaapat na bilang, Si Annie na nakatingin kahit saan habang naglalakda sa kalye.
Ikalima na bilang, Si Vence na tuwid ang ayos ng ulo at balikat habang nakatayo.
Para sa inyong ginabayang pagsasanay, Tingnan ang larawan ng batang nakatayo, nakaupo at
naglalakad. Kulayan ng pula ang kung nagpapakita ng tamang galaw at dilaw kung
hindi.
Unang larawan, ano kaya tamag kulay sa bilog mga bata?
Magaling mga bata! Dilaw!
Sa ikalawang larawan, ano kaya ang tamang kulay?
Mahusay! Pula! Nagpapakita ito ng tamang pag-upo.
Kasunod na larawan, nagpapakita ba ito ng tamang paglakad mga bata?
Anong kulay ito sa tingin ninyo?
Tama! Pula! Nagpapakita ito ng tamang paglakad.
Kasunod na larawan, ito ba ay nagpapakita ng tamang pagtayo?
Ano ang dapat ikulay sa bilog? Mahusay mga bata! Pula!
Para sa ikahuling larawan, ano ang dapat ikulay sa bilog?
Magaling! Dilaw!
Para sainyong sunod na gawain, Gawin ang sumusunod na may kapareha. Ilarawan ang ayos at
hugis ng katawan gamit ang rubrics.
Narito ang rubrics, Galaw at tikas ng katawan. Pagtayo.
Una, Ang mga paa ay magkahanay na may lima hanggang pitong sentimetro ang pagitan.
Ang bigat ng katawan ay nakasalalay sa kabuuan ng mga paa.
Mga bata, lagyan ng A kung excellent o nagawa ng tama at G kung good o may kulang
at P kung poor o hindi nagawa ng tama.
Sunod, Ang mga tuhod ay tuwid at relaks.
Pangatlo, Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.
Pang-apat, Ang ulo at balikat ay tuwd ang ayos.
Pang-lima, Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa tagiliran.
Tignan ninyo ang inyong kapareha mga bata.
IV. Pagtataya
Mga bata, Ilabas ang lapis at papel para sa inyong pagsasanay.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
Unang bilang, Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng maayos nap
ag-upo?
A,B, o C?
Ikalawang bilang, Alin sa mga larawan ang napapakita ng maayos na
paglakad?
A, B, o C?
Ikatlong bilang, Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng wastong
tindig?
A, B, o C?
Magaling mga bata! Nasagot niyo lahat ng tama!
Para sa inyong karagdagang gawain mga bata , bilugan ang mga larawan.
Sa unang bilang sino ang nagpapakita ng wastong pag-upo?
Inihanda ni:
Pauleen D. Tandog
BEED 3-B