Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I. A. Ang Bubungang Lata ni Agapito M.

Joaquin

B. Sanggunian: Aklat at internet

II. Buod

Nag simula ang dula na nasa loob ng kusina si Toying at May hawak na bote ng gatas para dalhin
sa kayang anak na si Marie’s na nasa kuna sa sala. Malakas ang pagbuhos ng ulan at ma’s nangingibabaw
ang pag-iyak ng sanggol sa kuna. Maya-maya’t tinaawag ni Toying si Maldo, ang kaniyang asawa, dahil
uutusan niya itong akyatin ang bubong para tagpiin dahil malakas ang tulo sa loob ng kan ilang bahay.
Ngunit hindi ito sinunod ni Maldo dahil may lalakarin siya at pupunta ng istudyo. Galit na sinumbat ni
Toying ang mga hinahin niya tungkol sa kanilang bahay at trabaho ni Maldo. Habang pa tuloy sa pag-
ugong ang pagbuhos ng ulan, patuloy ding nagsusumbat si Toying sa kayang asawa. Di kalauna’y,
naganap ng makakain si Maldo at bumilib siya sa kanyang asawa dahil kahit dalawang buwan siyang
hindi nakauwi, may kape’t pandesal pa ring makakain sa kanilang bahay. Pasigaw niyang tinanong si
Toying kung kanino nanggagaling ang perang pinambili ng pagkain. Nagbababala si Maldo sa kaniyang
asawa na kahit hindi niya natutupad ang tungkulin niya bilang asawa at ama sa kanilang anak ay huwag
na huwag siya nitong kakaliwain kung hindi ay makakagawa siya ng masama sa kaniyang asawa. Dahil sa
takot, nakapagsabi si Toying na nangutang siya ng pambili ng pagkain. Sinabi rin ni Toying ang kaniyang
mga hinanakit sa buhay. Ikinwento niya ang mga nararanasan niya sa kaniyang trabaho. Isinumbat niya
na kung hindi dahil sa pag-aartista, wala silang matitirahan ngayon. Pinutol ni Toying ang pagsusumbat
ni Maldo ng paalalahanan niya ulit ito tungkol sa kanilang bubong. Sinabihan ni Toying si Maldo na kung
hindi niya ito aayusin ay maaaring magkasakit ang kanilang anak na si Marites. Pinangakuan ni Maldo si
Toying na hindi magkakasakit ang kanilang anak dahil makakaraos din sila sa kamala sang nangyayari sa
kanilang buhay. Inis na isinumbat ni Toying kung kailan pa iyon mangyayari. Hindi na niya maintindihan
ang kaniyang asawa lalo na noong dumalaw ang kaniyang ama at nag-alok ng perang pang paayos ng
kanilang tirahan. Ngunit hindi ito tinanggap ni Maldo. Para na ring daw sinabi ng ama ni Toying na
walang kwentang asawa si Maldo. Iyon na raw ang huling pakikita at pag-uusap ni Toying at ng kaniyang
ama. Pinagsabihan ni Maldo si Toying na maghintay lang at magtiis muna dahil pag dating ng araw na
makaraos sila sa kahirapan, ay babawi siya sa lahat-lahat. Kahit pa tuloy pa rin ang malakas na pagbuhos
ng ulan, umalis na si Maldo dahil hinahanapan na raw siya ng katrabaho niyang si Tor. Pagkaalis ni Maldo
ay agad na naglinis at naglipit ng mga kalat si Toying. Maya-maya’t dumating ang isang lalaki sa kanilang
bahay. Tinanong ng lalaki si Toying kung bakit hindi ito pumunta sa pant’yon. Sinabihan niya ang lalaki
na naririto pa si Maldo at baka mahuli sila nito. Nagpupumilit pa rin ang lalaki na pumasok sa bahay nila
Toying. Kanina pa raw kasi hinihintay ng lalaki si Toying sa sementeryo. Sinabihan niya ang lalaki na
huwag na gawin sa bahay dahil masyado naman mahalay kung doon pa nila gagawin. Naiinis na ang
lalaki dahil nasasayang ang oras niya at akmang aalis na sana ito nang bilang pumayag si Toying. Sa
kondisyong doble ang Iba bayad ng lalaki sa kanya. Pumayag naman ang lalaki at sabik na pumasok sa
silid-tulugan. Agad ring sumunod si Toying. Ilang minuto lang ang nakakalipas, dumating si Maldo na
basang-basa sa ulan. Nakakita siya ng basang sumbrero at kapote sa silya. Nagngingit-ngit sa galit na
hinanap ni Maldo si Toying. Narinig niyang sumigaw si Toying sabay ng pagkalabog ng paa sa sahig at
katawan sa dingding. Pahiwatig na may Iba pang tao sa kan ilang silid-tulugan. Paglabas ni Toying,
akmang tatakbo si Maldo paloob ng kwarto ngunit pinigilan siya ni Toying. Dahil sa pagkabigla at galit,
nasampal ni Maldo si Toying. Napatulala na lang si Maldo sa kayang asawa. Maraming tanong ang
tumatakbo sa kaniyang isip. Tinanong niya si Toying kung kailan pa ito ginagawa. Mahinahong
ipinaliwanag at sinabi ni Toying ang dahilan. Hindi na nakapagpigil si Maldo sa paghagulgol. Nakayuko
siya at humikbi sa lamesita. Hindi mawari ni Maldo kung bakit nangyayari ito sa kaniyang buhay. Dahil sa
labis na pagmamahal niya sa kaniyang asawa at anak, pilit niya na lamang inintindi ang mga nangyari at
sitwasyon nila ngayon. Lalapit sana si Toying kay Maldo ngunit naisip niya na lamang na mag-ayos na at
pumunta sa tindahan para bumili ng gatas ng anak nila. Sinabihan ni Maldo si Toying na ibili niya na rin
ito ng bigas at kung mayroon pa ritong matitira ay ibili niya na ito ng isang pira song yero. Napahagulgol
si Toying at umalis na. Kasabay ng pag-iyak ng sanggol, bumalik sa paghikbi si Maldo sa lamesita.

III. Pagsusuri

A. Uri ng Pampanitikan

Ang akda ay isang dula. Sapagkat ito ay nagsasaad ng isa o higit pang pangyayari na
ginagampanan ng isa o higit pang tauhan at aito ay karaniwang itinatanghal sa dulaan o entablado.

B. Istilo ng Paglalahad
Ang naging paraan ng paglalahad ng akda ay tradisyunal. Sinimulan ito sa karaniwang panimula
at sinundan ng mga pangyayari ng komplikado. Mabilis at kapana-panabik ang daloy ng istorya kaya’t
walang puwang na kababagutan ang mga bahagi.

C. Mga Tayutay

 “Kung gusto mo pang mabuhay ay huwag mo akong kalkaliwain”


- Dahil ang ibig sabihin ng kakaliwain ay lolokohin o huwag siyang papatol sa iba.
 “Kung wala iyon, para na akong patay”
- Dahil ang ibig sabihin ng patay rito ay walang silbi.

D. Sariling Reaksiyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

 Realismo

Karamihan sa bahagi ng dula ang nagpakita ng tunay na itsura o mukha ng buhay. Inilalarawan
dito ang ilang katotohanan ng buhay gaya ng pag-aasawa ng mga kabataan kahit na wala naman sapat
na pera o hindi maayos and pinansyal at sikolohikal upang magmpanan ang buhay may-asawa. Buod pa
rito, ipinakita din ang pagkapit sa patalim ng isang ina upang matustusan lamang ang pangunahing
pangangailangan ng anak sa pang-araw-araw na buhay.

 Klasisismo

Isa ang kahirapan sa mga suliraning hinahanapan ng tugon ninuman. Gaya ni Toying, kaysa
mamatay ng dilat at gutom ang kayang anak at asawa, napilitan sayang kumita ng salapi sa
pamamagitan ng pagkapit sa patalim. Dahil sa niraranas na kahirapan, napilitan sayang kumita kahit pa
sa mali at masamang paraan. Dalawang kaisipan ang pinagliming mabuti ni Toying ngunit sa huli ay
nangibabaw at pinanaig ang dikta ng kayang pagmamahal sa anak kahit pa madungisan o madumihan
ang kayang pangalan at karangalan.

 Romantisismo

Hinangahan ang labis na pagmamahal ni Maldo kay Toying na nalunok ang kayang pagka lalaki
sa pagkakasalangg nagawa ni Toying at nakuha pa ring magpatawad at magbago dahil sa pag-ibig sa
kayang asawa at anak.

2. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan

Maayos at magaling ang pagganap ng mga tauhan. Makikita sa akda ang isang tipikal na mag-
asawa na nabubuhay sa kahirapan. Nailalahad ng maayos ng mga tauhan ang nais na iparating sa mga
mababasa o manunuod.

b. Galaw ng Pangyayari

Ang galaw ng pangyayari ay kronoholikal at nagpapahayag o naghahatid ito ng masisisdhing


damdamin at nakakapukaw ng interes.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Ikinintal ng dula sa aking isipan ang laging pagpapa-alala sa kasabihang, “Ang pag-aasawa ay di
gaya ng ka ning mainit na maaaring iluwa kapag napaso”. Bukod pa rito, lalo pang pinatibay ng akda na
sinumang nila lang ay kailangang mag-isip muna ng makailang bees upang maging tiyak sa anumang
landasing tatahakin.

b. Bisa sa Damdamin

Ilang bahagi ng akda ang kaiinisan ang sitwasyon gaya ng pagkakaroon ng mataas na pride ni
Maldo at ayaw tumanggap ng tulog kahit pa magutom. Gayunpaman, natural na maganda ang daloy ng
istorya ng dula sapagkat madadala ang damdamin sa mga sitwasyon kahit nakalulungkot ay tunay na
nagpapakita ng katotohanan ng buhay. Ang dula ay talaga naman kapupulutan ng aral.

c. Bisa sa Kaasalan
Ang kahirapan ay hindi matutugunan ng imoralidad. Kahit pa mahirap ang isang tao
ngunit may dangal, maituturing itong yaman na maaaring maipagmalaki at di makukuha ninuman. Sa
pagkakasala ni Toying, masasabing mali ang kaniyang nagawa at naging desisyon upang kumita lamang
ng salaping ipinangtutustos sa gutom na anak. Subalit, labis ang pagkadakila ng pag-ibig ni Maldo sa
pagpapatawad at pagbabagong landasing upang maitaguyod ang pamilya. Wagi ang pagpapakumbaba at
pag-ibig sa anumang laban sa buhay.

d. Bisa sa Lipunan

Ang dula ay may malaking ambag sa lipunan dahil ito ay nagpapakita at naglalahad ng
kung ano ang nararanasan ng mga taong namumuhay sa kahirapan. Ipinakita rin ang posibleng magawa
ng isang magulang kapag nasa matinding suliranin ang kaniyang anak o pamilya. Dahil dito, mamumulat
ang mga tao sa mga nangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taong hirap sa buhay.

You might also like