Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Bubungang Lata

ni Agapito M. Joaquin

I. A. Ang Bubungang Lata ni Agapito M. Joaquin


B. Sanggunian: Aklat at internet

II.BUOD

Nag simula ang dula na nasa loob ng kusina si Toying at may hawak na bote ng gatas para dalhin
sa kanyang anak na si Marite’s na nasa kuna sa sala. Malakas ang pagbuhos ng ulan at mas
nangingibabaw ang pag-iyak ng sanggol sa kuna. Maya-maya’t tinaawag ni Toying si Maldo, ang
kaniyang asawa, dahil uutusan niya itong akyatin ang bubungan upang tagpian dahil malakas ang tulo sa
loob ng kanilang bahay. Ngunit hindi ito sinunod ni Maldo dahil may lalakarin siya at pupuntang istudyo.
Galit na sinumbat ni Toying ang mga hinahinaing niya tungkol sa kanilang buhay.Patuloy si Toying sa
pagsumbat habang pa tuloy pa rin sa pag-ugong ang pagbuhos ng ulan.
Di nagtagal, naghanap ng makakain si Maldo at bumilib siya sa kanyang asawa dahil kahit
dalawang buwan siyang hindi nakapagbibigay ng pera panggastos, may kape’t pandesal pa rin silang
nakakakain sa araw-araw. Dahil sa pagtataka, pasigaw niyang tinanong si Toying kung kanino
nanggagaling ang perang pinambibili nito ng pagkain. Nagbababala si Maldo sa kaniyang asawa na kahit
hindi niya nagagampanan ang tungkulin niya bilang asawa at ama sa kanilang anak ay huwag na huwag
siya nitong kakaliwain kung hindi ay makakagawa siya ng masama sa kaniyang asawa.
Dahil sa takot, nakapagsabi si Toying na nangutang siya ng pambili ng pagkain. Sinabi rin ni Toying
ang kaniyang mga hinanakit sa buhay. Ikinwento niya ang mga nararanasan niya sa kaniyang trabaho.
Isinumbat niya na kung hindi dahil sa pag-aartista, wala silang matitirahan ngayon. Pinutol ni Toying ang
pagsusumbat ni Maldo ng paalalahanan niya ulit ito tungkol sa kanilang bubong. Sinabihan ni Toying si
Maldo na kung hindi niya ito aayusin ay maaaring magkasakit ang kanilang anak na si Marites.
Pinangakuan ni Maldo si Toying na hindi magkakasakit ang kanilang anak dahil makakaraos din sila
sa kamalasang nangyayari sa kanilang buhay. Inis na isinumbat ni Toying kung kailan pa iyon
mangyayari. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang asawa lalo na noong dumalaw ang kaniyang ama
at nag-alok ng perang pang paayos ng kanilang tirahan. Ngunit hindi ito tinanggap ni Maldo. Para na ring
daw sinabi ng ama ni Toying na walang kwentang asawa si Maldo. Iyon na raw ang huling pakikita at
pag-uusap ni Toying at ng kaniyang ama. Pinagsabihan ni Maldo si Toying na maghintay lang at magtiis
muna dahil pag dating ng araw na makaraos sila sa kahirapan, ay babawi siya sa lahat-lahat. Kahit pa
tuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan, umalis na si Maldo dahil hinahanapan na raw siya ng
katrabaho niyang si Tor. Pagkaalis ni Maldo ay agad na naglinis at naglipit ng mga kalat si Toying.
Maya-maya’t dumating ang isang lalaki sa kanilang bahay. Tinanong ng lalaki si Toying kung bakit
hindi ito pumunta sa pantyon sa sementeryo. Sinabihan niya ang lalaki na naririto pa si Maldo at baka
mahuli sila nito. Nagpupumilit pa rin ang lalaki na pumasok sa bahay nila Toying. Kanina pa raw kasi
hinihintay ng lalaki si Toying sa sementeryo. Sinabihan niya ang lalaki na huwag na gawin sa bahay dahil
masyado naman mahalay kung doon pa nila gagawin. Naiinis na ang lalaki dahil nasasayang ang oras
niya at akmang aalis na sana ito nang bilang pumayag si Toying. Sa kondisyong doble ang Iba bayad ng
lalaki sa kanya. Pumayag naman ang lalaki at sabik na pumasok sa silid-tulugan. Agad ding sumunod si
Toying. Ilang minuto lang ang nakakalipas, dumating si Maldo na basang-basa sa ulan. Nakakita siya ng
basang sumbrero at kapote sa silya. Nagngingit-ngit sa galit na hinanap ni Maldo si Toying.
Narinig niyang sumigaw si Toying sabay ng pagkalabog ng paa sa sahig at katawan sa dingding.
Pahiwatig na may Iba pang tao sa kan ilang silid-tulugan. Paglabas ni Toying, akmang tatakbo si Maldo
paloob ng kwarto ngunit pinigilan siya ni Toying. Dahil sa pagkabigla at galit, nasampal ni Maldo si
Toying. Napatulala na lang si Maldo sa kayang asawa. Maraming tanong ang tumatakbo sa kaniyang isip.
Tinanong niya si Toying kung kailan pa ito ginagawa. Mahinahong ipinaliwanag at sinabi ni Toying ang
dahilan. Hindi na nakapagpigil si Maldo sa paghagulgol. Nakayuko siya at humikbi sa lamesita.
Hindi mawari ni Maldo kung bakit nangyayari ito sa kaniyang buhay. Dahil sa labis na pagmamahal
niya sa kaniyang asawa at anak, pilit niya na lamang inintindi ang mga nangyari at sitwasyon nila ngayon.
Lalapit sana si Toying kay Maldo ngunit naisip niya na lamang na mag-ayos na at pumunta sa tindahan
para bumili ng gatas ng anak nila. Sinabihan ni Maldo si Toying na ibili niya na rin ito ng bigas at kung
mayroon pa ritong matitira ay ibili niya na ito ng isang pira song yero. Napahagulgol si Toying at umalis
na. Kasabay ng pag-iyak ng sanggol, bumalik sa paghikbi si Maldo sa lamesita.

III. PAGSUSURI

A.Uri
A. Uring
ngPampanitikan
Pampanitikan

Ang akda ay isang dula. Sapagkat ito ay nagsasaad ng isa o higit pang pangyayari na
ginagampanan ng isa o higit pang tauhan at aito ay karaniwang itinatanghal sa dulaan o entablado.

B. Istilo ng Paglalahad
B. Istilo ng Paglalahad
Ang naging paraan ng paglalahad ng akda ay tradisyunal. Sinimulan ito sa karaniwang panimula
at sinundan ng mga pangyayari ng komplikado. Mabilis at kapana-panabik ang daloy ng istorya kaya’t
walang puwang na kababagutan ang mga bahagi.

C.Tayutay
C. Mga Mga Tayutay

 “Kung gusto mo pang mabuhay ay huwag mo akong kakaliwain”


o Dahil ang ibig sabihin ng kakaliwain ay lolokohin o huwag siyang papatol sa iba.
 “Kung wala iyon, para na akong patay”
o Dahil ang ibig sabihin ng patay rito ay walang silbi.

D. Sariling Reaksiyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
 Realismo
Karamihan sa bahagi ng dula ang nagpakita ng tunay na itsura o mukha ng buhay. Inilalarawan
dito ang ilang katotohanan ng buhay gaya ng pag-aasawa ng mga kabataan kahit na wala naman sapat na
pera o hindi maayos and pinansyal at sikolohikal upang magmpanan ang buhay may-asawa. Bukod pa
rito, ipinakita din ang pagkapit sa patalim ng isang ina upang matustusan lamang ang pangunahing
pangangailangan ng anak sa pang-araw-araw na buhay. Hahangaan ang labis na pagmamahal ni Maldo
kay Toying na nalunok ang kanyang pagkalalaki sa pagkakasalang nagawa ni Toying at nakuha pa ring
magpatawad at magbago dahil sa pag-ibig sa kanyang pamilya.

 Klasisismo
Isa ang kahirapan sa mga suliraning hinahanapan ng tugon ninuman. Gaya ni Toying, kaysa
mamatay ng dilat at gutom ang kayang anak at asawa, napilitan sayang kumita ng salapi sa pamamagitan
ng pagkapit sa patalim. Dahil sa niraranas na kahirapan, napilitan sayang kumita kahit pa sa mali at
masamang paraan. Dalawang kaisipan ang pinagliming mabuti ni Toying ngunit sa huli ay nangibabaw at
pinanaig ang dikta ng kayang pagmamahal sa anak kahit pa madungisan o madumihan ang kayang
pangalan at karangalan.

 Romantisismo
Hinangahan ang labis na pagmamahal ni Maldo kay Toying na nalunok ang kayang pagka lalaki
sa pagkakasalangg nagawa ni Toying at nakuha pa ring magpatawad at magbago dahil sa pag-ibig sa
kayang asawa at anak.

2. Mga Pansin at Puna


a. Mga Tauhan
Maayos at magaling ang pagganap ng mga tauhan. Makikita sa akda ang isang tipikal na mag-
asawa na nabubuhay sa kahirapan. Nailalahad ng maayos ng mga tauhan ang nais na iparating sa mga
mababasa o manunuod.
b. Galaw ng Pangyayari
Ang galaw ng pangyayari ay kronoholikal at nagpapahayag o naghahatid ito ng masisisdhing
damdamin at nakakapukaw ng interes ng mga manonood at mambabasa.
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Ikinintal ng dula sa aking isipan ang laging pagpapa-alala sa kasabihang, “Ang pag-aasawa ay di
gaya ng ka ning mainit na maaaring iluwa kapag napaso”. Bukod pa rito, lalo pang pinatibay ng akda na
sinumang nila lang ay kailangang mag-isip muna ng makailang bees upang maging tiyak sa anumang
landasing tatahakin.
b. Bisa sa Damdamin
Ilang bahagi ng akda ang kaiinisan ang sitwasyon gaya ng pagkakaroon ng mataas na pride ni
Maldo at ayaw tumanggap ng tulog kahit pa magutom. Gayunpaman, natural na maganda ang daloy ng
istorya ng dula sapagkat madadala ang damdamin sa mga sitwasyon kahit nakalulungkot ay tunay na
nagpapakita ng katotohanan ng buhay. Ang dula ay talaga naman kapupulutan ng aral.
c. Bisa sa Kaasalan
Ang kahirapan ay hindi matutugunan ng imoralidad. Kahit pa mahirap ang isang tao
ngunit may dangal, maituturing itong yaman na maaaring maipagmalaki at di makukuha ninuman. Sa
pagkakasala ni Toying, masasabing mali ang kaniyang nagawa at naging desisyon upang kumita lamang
ng salaping ipinangtutustos sa gutom na anak. Subalit, labis ang pagkadakila ng pag-ibig ni Maldo sa
pagpapatawad at pagbabagong landasing upang maitaguyod ang pamilya. Wagi ang pagpapakumbaba at
pag-ibig sa anumang laban sa buhay.
d. Bisa sa Lipunan
Ang dula ay may malaking ambag sa lipunan dahil ito ay nagpapakita at naglalahad ng
kung ano ang nararanasan ng mga taong namumuhay sa kahirapan. Ipinakita rin ang posibleng magawa
ng isang magulang kapag nasa matinding suliranin ang kaniyang anak o pamilya. Dahil dito, mamumulat
ang mga tao sa mga nangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taong hirap sa buhay.

You might also like