Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ANG HULING PRINSESA BY KARA DAVID

Magandang araw sa inyong lahat ako si Angelyne Santos ang inyong taga-ulat
ngayon ay uungkatin natin ang isang dokumentaryo ni Kara David na ang huling
prinsesa may isang alamat na tungkol sa datu na umiibig sa isang misteryosong
prinsesa na magandang dilag sa umaga ngunit mukhang halimaw sa gabi ang
alamat na ito ay hango sa panay Bukidnon. Sa kadulo duluhan ng capiz meron
ditong tinatawag na “binukot” na ang ibig sabihin sa kanila ay maganda, ang binukot
ay ginagawa nilang animo’y prinsesa pinagsisilnbihan nila ito, kinukulong sa kwarto
at paglalabas naman ay binubuhat nila ito para hindi sya maputikan o masugatan,
lagi rin nakatakip ang mukha nito para di masilayan ng kung sino man, kadalasan
ang mga pinipili nila mga batang binukot ay nanggaling sa kanilang mga datu o lider
ng kanilang mga tribu. Dahil sa wala itong ginagawa tinuturuan sila ng mga
matatanda na umawit ng kanilang epiko at sumayaw kaya sila rin ang tinaguriang
pinaka tanyag pagdating sa pag awit at pagsayaw “Yanog” ang tawag sa kanilang
sayaw ginagaya nito ang paglipad ng agila ang mga binukot din ang mga unang
naapektuhan ng naganap ang trahedya sa panay sa kadahilanang mahihina ang
kanilang mga paa. Kahit sila ay pinagsisilbihan at ginagalang ng mga tao doon ay
nalulungkot padin sila dahil hindi sila nakakalabas, nakakapagaral at nakakapamili ng
gusto nilang mapapangasawa tulad ng mga karaniwang tao dahil sabi nil ana kung
anong gusto ng magulang mo ay iyon dapat ang susundin mo.kaya hindi ba dapat
na lahat ng tao ay may Karapatan makapag aral at makapili ng gusto nilang
makasama habang buhay nakakalungkot lamang at pinagkaitan sila nito. Kaya kahit
gusto nilang magaral ay wala silang magagawa dahil ginawa silang binukot na
kanilang magulang. Itong tradisyon na ito ay unti unting nawawala dahil mas pinipili
makapagaral ang kanilang mga anak kaysa binukot ito sabi nga ni Kara David na
pwedeng pagsamahin ang tradisyunal at moderno pwedeng pagsamahin ang noon
at ngayon kaya tinayo ni tatay pedring ang natitirang angkan ng mga binukot ang
balay turun-an isang maliit na eskwelahan sa bundok ng capiz doon sa pamamagitan
nito tinuturuan nila ang mga bata ng mga kantang epiko at pagsayaw ng yanog
upang mapanatili ang tradisyon ng kanilang nakasanayan,mas maganda ito kaysa
makulong sa kwarto at hindi makapagaral ng maayos tunay ng ana ang pilipinas ay
mayaman sa kultura kaya hanggat maaari wag nating baliwalain ang mga ito at
dapat natin ito pangalagaan.

You might also like