Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

CRT LEARNING MODULE

Course Code FILIPINO

Course Title PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Units 3

Module Title Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa:


Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 1
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
College for Research & Technology of Cabanatuan
PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 2
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 3
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang teksto
tungo sa Pananaliksik

Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

1 Kaalaman at Aralin 1:
Kasanayan sa Batayang Kaalaman sa Modyul 1.1
Pagbasa: Mapanuring Pagbasa
Pagsusuri at
Pagsulat ng Aralin 2:
Teksto Scanning at Skimming na Modyul 1.2
Pagbasa

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 4
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
MODULE CONTENT

MODULE TITLE : Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa:


Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman patungkol sa pagsulat sa iba’t
ibang disiplina.

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang
kaugnay ng Akademikong Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong
kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino kung saan
bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang Filipino.
Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 5
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda ka sa mga gawaing pagsulat at


pananaliksik sa mga pangunahing larangang akademiko, alinman sa mga
ito ang pipiliin mo o inaakala mong higit na angkop sa iong kakayahan upang
magtagumpay sa iyong magiging propesyon.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 6
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
MODYUL 1.1

BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

Learning Objective: Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t-ibang teksto binasa;
2. Natutukoy ang mga uri at antas ng mapanuring pagbasa.

Lusong Kaalaman
Sa artikulo ni F. Sionil Jose na “Why we are Shallow” (Philippine Star,
Setyember 21, 2011) tinukoy niya na isa sa mga dahilan kung bakit mababaw
ang sensiblidad ng mga Pilipino ay dahil sa kawalan ng kultura ng pagbabasa
sa bansa. Ano ang reaksyon mo sa pananaw na ito? Para sa iyo, makatuwiran
bang sabihing walang kultura ng pagbabasa ang mga Pilipino?
Pangatuwiranan ang iyong sagot. Maaari mong basahin ang buong artikulo sa
website ng Philippine Star.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 7
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Gaod-Kaisipan

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili o
gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang
mabuhay.” Winika ito ni Gustave Flaubert, isang manunulat sa Pranses na
siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa
kanyang akda na Madame Bovary (1857). Ang pananaw na ito ay
nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa upang malibang at
matuto , mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng gawaing ito. Sa
paglalarawan ni Flaubert, ang pagbabasa ay upang mabuhay. Ibig sabihin,
mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng
isang tao. Maaaring ipagkahulugan na ang asimilasyon ay ang pakikipag-
ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya’y paglalapat ng natutuhan sa
aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa.
Nalalaman natin ang ideyal sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t-ibang
karanasan ng tao at lipunan batay sa nagbabasa. Ganito ang nangyari kay
Matilda, isang batng mahilig magbasa mula sa kuwentong pambata ni Roadl
Dahl. Inilarawan ni Dahl ang karanasan ni Matilda sa pagbasa bilang,
“Dinadala sya ng pagbabasa sa bagong daigdig at ipinakikilala sa mga nilalang
na kagila-gilalas ang nagging buhay. Naglayag siya sa isang bapor kasama si
Joseph Conrad, nagpunta sa Africa kasama si Ernest Hemingway, at sa India
kasama si Rudyard Kipling, Naglakbay siya sa buong mundo habang nakaupo
lamang sa loob ng kaniyang silid sa isang nayon sa Inglitera.
Dahil sa lawak at lalim ng pagbabasa ni Matilda sa murang eded pa
lamang, natuklasan na niya ang hungkag at mapalinlang na pamumuhay ng
mga magulang kung kaya’t napagdesisyon niyang lisanin ang mga ito. Binago
ni Matilda ang kanyang kalagayan batay sa kung ano ang “ideyal” na itinuro
sakanya ng pagbabasa.

Kahulugan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of


Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa
mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t-iba at makakaugnay na

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 8
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
pinagmumulan ng impormasyon. Sa kahulugang ito, mahihinuha na hindi
lamang ang teksto ang pinagmumulan ng kahulugan kapag nagbabasa ang
isang tao, kundi ang iba pang posibleng makapagpapalalim at makatutulong
sap ag unawa sa kaguluhan. Sa pagbasa, mahalaga ang imbak na kaalaman
(stock knowledge) ng isang nagbabasa upang mas malalim na maunawaan
ang mga konsepto at impormasyong natatagpuan sa tekstong binabasa.
Mahalaga rin ang mga nauna nang kaalaman sa wika at pagkaka-ayos nito
upang maunawaan ang binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay maaaring
makuha mula sa pinakikinggan, nakikita, at kabuuang pagdanas ng isang
mambabasa sa realidad, lagpas pa sa nababasa mula sa teksto.

Intensibo at Ekstensibong Pagbasa

Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring


pagbasa: intensibo at ekstensibo. Mula sa kahulugan ng mga salita,
mahihinuha na ang intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at
malalim na pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. Ang uri ng
intensibong pagbasa naman ay maghahatid sa mambabasa tungo sa
pinakadulong proseso. Narito ang iba pang katangian ng dalawang uri ng
pagbasa.

Intensibo. Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kanyang aklat na


Teaching by Principles: An interactive Approach to Language Pedagogy na
ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang
diskurso at iba pang detalye sa estrukturo upang maunawaan ang literal na
kahulugan.

Ekstensibo. Ito ay isinasagawa upang makakakuha ng pangkalahatnag pag-


unawa a maramihang bilang ng teksto.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 9
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Layag-diwa

Panuto: Magtala ng dalawang pinakapaborito mong libro o anumang uri


ng akda, materyales o genre ng panitikan na nagging paborito mo.
Isulat ang mga ito at ang hinihinging impormasyon sa talahayanan.

Unang Libro Ikalawang Libro

Titulo

May akda

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 10
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Wika

Buod

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 11
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
MODYUL 1.2
SCANNING AT SKIMMING NA PAGBASA

Learning Objective: After reading this MODULE, you should be able


to:
a. Naisasagawa ang scanning at skimming sa pagbasa ng teksto; at
b. Nakagagawa ng anotasyon ng mga tekstong binasa.

Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit


maaari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown
(1994) ang scanning at skimming ay pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong
pagbasa.

Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong


impormasyon na itinakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata
sa paghahanap hanggang sa Makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang
impormasyon. Kung kahingian ay alalahanin ang panggalan, petsa, simbolo, larawan
o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa
na dapat gamitin.

Skimming ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng


kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
Mas kompleks ito kaysa sa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan
ng organisasyon at pag-aala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang
kabuuang teksto.

Ginagamit ang skimming kapag may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda.
Nakatutulong sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy siya sa pagbasa
at nagpapailalim ng sang akda at kung anong uri ng pagdulog ang gagamitin kung
babasahin pa niya ito nang mas malalim.

Ginagamit ang skimming bilang bahagi ng metodolohiya:

S – SURVEYING
Q – QUESTIONING
R – READING
R – REVIEWING
R- RECITING

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 12
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
LAYAG-DIWA

A. Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba bago simulan ang pagbasa
ng sumusunod na seleksiyon. Pagkatapos unawain ang mga tanong,
hanapin ang sagot sa seleksiyon sa pamamaginatan ng scanning.

1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power


Plant?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.
2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.
3. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan
Nuclear Power Plant?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.
2. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin
ang planta maging sa panahon ng kaniyang administrasyon?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________________________.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 13
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Ang Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa


Morong, Bataan. Itinayo ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang palad, hindi ito nagamit at
napakinabangan.
Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng
isang plantang nukleyar sa Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar
na nagsimula noong 1958. Ang programa ay bilang tugon sa krisis sa langis sa
Gitnang Silangan at solusyon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.
Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1979 ngunit pinatigil
noong 1979 dahil diumano, nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados
Unidos ng napakaraming depekto. Naging suliranin ng ilan sa mga nagging
alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line at Bundok Pinatubo,
isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang
BNPP noong 1984, umabot sa 2.3 bilyong dolyar ang nagging gastos sa
konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng Pilipinas sa World
Bank. Ang BNPP ay idinisenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng
elektrisidad ngunit hanggang kasalukuyan ay hindi ito napagana kahit isang
minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya
ang pumalit sa kaniyang si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang
patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya ito sa Chernobyl Disaster sa
Rusya. Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga organisasyon ang
nagpakita ng matinding pagtutol dito. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng
Pilipinas ang Westinghouse, ang kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at
panunuhol, ngunit hindi rin ito nilitis ng gobyerno ng Estados Unidos.
Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa
buwis ng mga mamamayan nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa
BNPP. Bukod sa isyu ng overpricing at korupsiyon ng mga kroni ni Marcos,
nakapanlulumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang proyektong
ito.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 14
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
B. Basahin ang sumusunod na seleksiyon sa pamamagitan ng skimming
at ibigay ang buod ng pangunahing ideya nito.

Globalisasyon

Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Sa larangan ng ekononiya, ito


ang naiisang dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Kung dati ay may
kani-kaniyang Sistema ng ekonomiya ang bawat bansa, inaalis ng
globalisasyon ang mga pambansang saklaw at hangganan upang pag-isahin
ang mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito ang dahilan kung bakit borderless
society ang kadalasang tawag sa mga bansang pumapaloob dito. Ibig sabihin
ay inaalis ang mga border o hangganan ng pagpapalitan ng mga produkto at
serbisyong pang-ekonomiya.
Paano inaalis ang hangganan ng mga bansa at pinag-iisa ang mga ito?
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabilis ng transportasyon at komunikasayon
upang maging mas madali ang daloy ng mga produkto. Mahalaga rin ang pag-
aalis ng mga pang-ekonomikong hadlang tulad ng buwis at taripa. Taripa ang
tawag sa buwis na ipinapatong sa mga produktong pumapasok sa isang
bansa. Halimbawa, may isang toneladang pantalon mula sa Tsina na papasok
sa Pilipinas upang ibenta rito. Sa kasalukuyan, karaniwan ay 5-10% ng
kabuuang halaga nito ang ibabayad sa gobyerno ng Pilipinas bilang taripa. Sa
panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, iniisip niya na sa taong 2015 ay
aabot sa 0-1% ang taripa ng mga produktong papasok sa bansa. Plano ng
dating pangulo na lalong pababain ang taripa upang makisabay sa
pandaigdigang kalakaran. Ibig sabihin ay mas maluwag na ang makapaglabas
ng mga hilaw na materyales (raw materials) ang Pilipinas tungo sa ibang
bansa habang magiging tamabakan naman ang Pilipinas ng mga yaring
produkto (finished products) upang ibenta sa local na pamilihan.
Sagot ang globalisasyon sa suliranin ng sobrang produksyon sa
mayayamang bansa habang kumukuha ng murang hilaw na materyales sa
mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Dahil sa kalagayang ito, may mga
ekonomistang nagsasabi na lalong yayaman ang mga bansang mayayaman at
maghihirap ang mga bansang mahirap.

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 15
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto
Buod ng Seleksiyong “Globalisasyon”

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Reference:
RBS Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto

Document No. 001-2020


Pagbasa at
Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo
Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 1: Kaalaman at Page 16
Developed by:
Kasanayan sa CRT
Mariz C. Sotto
Pagbasa: Pagsusuri
at Pagsulat ng Teksto

You might also like