Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

CRT LEARNING MODULE

Course Code FILIPINO

Course Title PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T-IBANG


TESKTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Units 3

Module Title ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA


RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 1
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
College for Research & Technology of Cabanatuan

PAANO GAMITIN ANG ISANG DIGITIZED LEARNING MODYUL?

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na kung saan tutulungan ang
bawat mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon sa lipunang
Pilipino.

Ang Lahat ng mag-aaral ay kailangan sagutan ang mga serye ng aktibidad sa


pagkatuto upang makumpleto ang pag-aaral ng modyul. Ang iba’t ibang pagkatuto
ay nakasaad sa mga Modyul. Sundin ang mga gawaing ito at sagutin ang pagsusuri
sa mukhaing gawain pagkatapos ng bawat pagkatuto. Maaari mong alisin ang isang
blangkong sagot sa dulo ng bawat module (o kunin ang mga sagot sa gurong
tagapamahala) upang isulat ang mga sagot para sa bawat mukhaing gawain. Kung
mayroong mga katanungan, huwag mag-atubiling humiling ng tulong sa inyong
guro.

 Makipag-ugnayan sa Gurong Tagapangasiwa at sumasang-ayon sa kung


paano ayusin ang pagsasanay sa yunit na ito. Basahin nang mabuti ang
bawat isa sa pamamagitan ng modyul. Nahahati ito sa mga seksyon, na
sumasaklaw sa lahat ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan upang
makumpleto ang modyul na ito.
 Gawin/ Sundin ang lahat ng nakasad sa modyul at kumpletuhin ang mga
aktibidad . Basahin ang mga module at kumpletuhin ang mungkahing gawain.
Ang mga iminungkahing sanggunian ay kasama upang madagdagan ang mga
materyales na ibinigay sa modyul na ito.
 Maaaring marahil ang iyong tagapangasiwa ang magiging iyong superbisor o
tagapamahala. Gagabayan at maiwasto ang lahat ng gawain.
 Sasabihin sa iyo ng iyong gurong tagapangasiwa ang tungkol sa mga
mahahalagang bagay na kailangan mong isaalang-alang kapag nakumpleto
mo ang mga gawain at mahalagang makinig ka at kumuha ng mga tala.
 Makipag-ugnayan sa mga kasamahan at humiling ng kanilang patnubay.
 Suriin ang mga tanong sa pagsusuri sa sarili sa LMS (EDMODO) upang
masubukan ang iyong sariling pag-unlad.
 Kapag handa ka, tanungin ang iyong gurong tagapangasiwa na panoorin ka
online sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet upang maisagawa ang mga
aktibidad na nakabalangkas sa modyul na ito.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 2
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
 Humiling ng Pidbak sa ginawang gawain sa pamamagitan ng nakasulat na
puna sa iyong pag-unlad. Kapag matagumpay mong nakumpleto ang bawat
elemento, hilingin sa gurong tagapangasiwa na markahan ang mga ulat na
handa ka na upang masuri.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 3
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang teksto
tungo sa Pananaliksik
Nilalaman ng Modyul

No. Module Title Topic Code

1 IBA’T-IBANG URI Aralin 1: Modyul 10.1


NG TEKSTO
Etikal na Pananaliksik at
Mga Responsibilidad ng
Mananaliksik

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 4
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
MODULE CONTENT
MODULE TITLE : Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

MODULE DESCRIPTOR:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman patungkol sa pagsulat sa iba’t
ibang disiplina.

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang
kaugnay ng Akademikong Pagsulat. Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang iyong
kasanayan at kaalaman sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino kung saan
bibigyang pansin ang kahalagahan ng mga batas sa paggamit ng wikang Filipino.
Higit mong kakailanganin ang mga kasanayang ito sa kursong iyong kinukuha.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 5
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating


kaalaman.

2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa
na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at


kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi
ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 6
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
MODYUL 10.1

Etikal na Pananaliksik at Mga Responsibilidad ng Mananaliksik

Learning Objective: Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Natutukoy ang responsibilidad at mga katangian ng mahusay na
mananaliksik;
b. Nasusuri ang iba’t-ibang kaso ng plagiarism at mahalaw ang aral mula
sa mga ito;
c. Nakabubuo ng manwal sa plagiarism para sa klase batay sa mga
halimbawa mula sa iba’t-ibang institusyon; at
d. Naisasagawa ang mga gabay sa etikal na pangangalap ng datos at
aktuwal na pagsulat pananaliksik.

GAOD-KAISIPAN

ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG


MANANALIKSIK

Mananaliksik
Ang mananaliksik ay ang taong nag-aaral, nagsasaliksik at nangangalap ng
kaalaman at impormasyon tungkol sa isang paksa o ideya.
Tungkulin o Responsibilidad ng Isang Mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay may tungkulin na makapagbigay ng mga bagong


impormasyon kaugnay sa paksang kanyang sinasaliksik.

Ang isang mananaliksik ay nangangailangang maglagay ng mga sanggunian


o references upang hindi masabing nangopya lamang ito.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 7
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
Ang mananaliksik ay kailangang siguraduhin na ang nakakalap na
impormasyon ay tugma sa paksa na kanilang pag-aaralan.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng balangkas


upang mas maging organisado ang pagsasagawa nito.

Ang isang mananaliksik ay dapat handa at may nabuong plano upang maging
maayos ang daloy ng kaniyang pag-aaral o pananaliksik.

Ang pagiging handa ay isa sa mga responsibilidad ng mananaliksik.

Maging tapat, pursigido, matatag at mahinahon sa paggawa ng pananaliksik.

Tungkulin ng mananaliksik na sundin ang mga batas sa pagsasagawa ng


pananaliksik.

Maging sensitibo sa pagpili ng gagamiting mga datos.

Alamin ang limitasyon ng pananaliksik nang sa ganon ay hindi ito masobrahan


o lumayo sa paksa.

ETIKAL NA PANANALIKSIK - Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang


etika noong ika-14 siglo ayon sa diksyonaryong Merriam Webster (2014).
Nagmula ang salita sa Middle English na ethik, mula sa griyegong ethike, na
galing naman sa katagang ethiko. - Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa
nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapuwa. - Ayon sa
Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng
pagkilos at paguugali batay sa mga katanggap tanggap na ideya sa kung ano
ang tama at mali.

ETIKAL NA PANANALIKSIK

Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,


matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa
pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa
larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa
katapatan, at kabutihan.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 8
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK

Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik. Gaya ng


nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa
paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik
ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang
nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa
iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong
pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang
komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi


pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa
sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa
mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok
ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob
ang kaniyang paglahok sa kabila nito.

Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng


Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa
kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung
paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga
pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa colloquium o
publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga
tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang


ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa
kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na
yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang
kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito
ay dahil sa mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang
ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad
ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon
ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang
makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong
pinag-aaralan.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 9
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang
kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.

IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM:

 pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;  hindi paglalagay ng


maayos na panipi sa mga siniping pahayag;

 pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;

 pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng


teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala;

SUPER PLAGIARISM - Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel


o anumang produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite papel
sa iisang kurso (Council of Writing Administrator 2003).

Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan


nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pagaaral sa dalawang
magkaibang referred journal para sa publikasyon. Kasama rin dito ang self-
plagiarism kung saan ang bahagi ng pananaliksik ay inuulit sa isa pang
pananaliksik nang walang sapat na pagbanggi kahit pa sarili ring ideya ang
pinagmulan nito; at Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na
pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito
nagamit sa pananaliksik ay porma rin ng plagiarism.

1. PAGKOPYA NI KAREN DAVILA SA ILANG BAHAGI NG AKDA NI ANGELA


STUART SANTIAGO PARA SA KANIYANG DOKUMENTARYO TUNGKOL
SA PAGKAMATAY NI CORY AQUINO
2. PLAGIARISM NI KAREN DAVILA
3. PAGGAMIT NI MANNY V. PANGILINAN, ISANG MAKAPANGYARIHANG
NEGOSYANTE, NG MGA KATAGA MULA SA MGA KILALANG
PERSONALIDAD SA KANIYANG TALUMPATI NANG WALANG PAGKILALA
4. PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT NA MANUNULAT NA SI J.K
ROWLING
5. PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT NA TV HOST NA SI OPRAH
WINFREY
6. PAGKOPYA NI MVP SA COMMENCEMENT ADDRESS NI CONAN O’BRIEN
SA HARVARD UNIVERISITY NOONG 2000
Document No. 001-2020
Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 10
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
7. PAGGAMIT NI SENADOR TITO SOTTO NG ILANG MAHAHALAGANG
SINABI NI ROBERT F. KENNEDY SA KANYANG TALUMPATI SA SENADO
NG WALANG KAUKULANG PAGBANGGIT SA PINAGMULAN NITO
8. DIREKTANG PAGSALIN NI TITO SOTTO SA FILIPINO NG MGA SINABI
NI ROBERT KENNEDY
9. PAGKOPYA NI MELANIA TRUMP SA ISANG TALUMPATI NI MICHELLE
OBAMA

BAKIT NGA BA MARAMI ANG MADALAS NA GUMAGAWA NG


PLAGIARISM?

 KAMANGMANGAN O KAWALAN NG IDEA

 KAMALAYAN SA PANUNTUNAN NGUNIT SADYA O HINDI SADYANG


BINABALEWALA ANG MGA ITO
 LABIS NA PAGMAMADALING MATAPOS SA PANANALIKSIK
 HINDI NABIBIGYAN NG SAPAT NA PAGTALAKAY UKOL SA PLAGIARISM

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 11
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
ANG PANANALIKSIK AY ISANG MALAKI AT MABIGAT NA
RESPONSIBILIDAD.MAY MGA KATANGIAN, PAGPAPAHALAGA AT
KONSIDERASYONG DAPAT MALAMAN AT MABIGYANG HALAGA NG
MANANALIKSIK.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan
maging ito’y sa aklatan, upisina, institusyon, tao, media, komunidad at
maging sa Internet. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin
at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito.
Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento dito at sa
pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik.
Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng
pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat; at sa pagbibigay ng
mga konklusyon, interpretasyon, komento at rekomendasyon.
Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y napatunayan ng mga
ebidensya. Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay napapatunayan sa
motibo, awtoridad, at realidad (pagiging totoo) ng datos.
Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin ang lahat ng datos
ukol sa paksa kahit na may makitang negatibong epekto sa ginagawang
pananaliksik. Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at rekomendasyon
ay hindi mo basta gagawin o ibibigay kung hindi mo pa nabibistay,
natitimbang, at nasusuri ang mga argumento at mga batayang datos.
Analitikalsa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga
kaugnay na paksa. 6. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa.
Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag- aaral ukol sa paksang pinag-
aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago/ iniiwasan/
ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kinunan; at sa pagtanggap
sa limitasyon ng pananaliksik.
Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong
pinakunan mo ng mga ito, at sa pagsisigurong maayos at mahusay ang
mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at sa prosesong
pagdadaanan.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 12
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik
1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya. Anumang hindi iyo ay ipaalam mong
hindi iyo sa pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang
permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung
negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.
 Huwag kang mag-shortcut.
 Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.

Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik


Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap- tanggap sa pananaliksik.
Maaari din itong humantong sa mga problemang lega. Iwasan ito para huwag
mapasok sa gulo at gusot Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa
wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng ibang nang walang
pagkilala.
Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism:
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa
ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.
3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba.

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 13
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik
MUNGKAHING-GAWAIN
Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa
pamantayan ng etikal na pananaliksik at H naman kung hindi.

___1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa


tagasagot ang layunin ng pag-aaral.
___2. Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga
kalahok ng pananaliksik.
___3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya
kung nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa internet.
___4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin
naman ito sa ibang wika.
___5. Makabubuti kung babalik at ipapaalam sa mga kalahok ang kinalabasan
ng mag-aaral
___6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap tanggap na
hindi na balikan ang mga taong nagging kalahok sa pananaliksik.
___7. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.
___8. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang
magmukhang malalim ang pananaliksik.
___9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa
dalawang refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
___10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang
resulta ng pananaliksik.

Sanggunian:
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik (slideshare.net)
RBS Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto

Document No. 001-2020


Pagbasa at Date Developed:
Pagsusuri sa iba’t-
ibang teksto tungo Date Revised:
sa Pananaliksik Issued by:
Modyul 10: Etikal na Page 14
Developed by:
Pananaliksik at Mga CRT
Mariz C. Sotto
Responsibilidad ng
Mananaliksik

You might also like