Professional Documents
Culture Documents
Online
Online
MELC
F8PB-IIc-d-25
Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.
Suriin
Pagsasanay 1: Pik-Rambulan
Panuto: Sa tulong ng mga larawan na ipapakita ng guro, huhulan
ng mga mag-aaral ang mga angkop na saita na ipinapahiwatig
nito.
Paghahabi ng Layunin
Batay sa naging sagot ng mga mag- aaral sa mga pagsasanay,
sasagutin nila ang mga sumusunod na katanungan:
Anong masasabi mo sa pagsasanay na iyong sinagutan?
Sa inyong palagay, may koneksyon ba ang mga salitang
inyong nahulaan sa isa’t isa? Paano mo nasabi?
Batay sa mga aktwal na larawan na inyong nahulaan, bumuo
kayo ng isang pangungusap.
B. PAGPAPAUNLAD
Tuklasin
Ang Balagtasan
- Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng
pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nása
ilalim ng pananakop ng Amerika, batay sa mga lumang
tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian
at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating
bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t
ibang rehiyon ng Pilipinas. Ang Balagtasan ay isang
makabagong duplo. Nabuo ang konseptong ito sa isang
pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong
Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de
Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ang Balagtasan
ay karaniwang may mga paksang pinag -uusapan ng tatlong
katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pagalala
ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito nang may datíng
(con todo forma) sa publiko.
Elemento ng Balagtasan
1. Tauhan
a. Lakandiwa. Siya ang tagapakilala ng paksang
paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas.
b. Mambabalagtas. Ang tawag sa taóng
nakikipagbalagtasan o makatang lumalahok dito na
karaniwang sumusulat ng piyesa ng balagtasan.
c. Manonood. Ang mga tagapakinig sa isang
pagtatanghal ng balagtasan.
2. Ang paksa ay bagay na pinag-uusapan o tatalakayin
upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang
konteksto nito. Sa paksa, maaaring tema ang sumusunod:
politika, pag-ibig, karaniwang bagay, kalikasan, lipunan, at
kagandahang asal.
3. Pinagkaugalian
a.May sukat-ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod.Ngayon nauuso na rin ang moderasyon
sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay naging
labing-anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay ginagawa
itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay
dalawampu.
UGNAY-WIKA
- Ang katotohanan ay isang kalagayang namayani na
mapapatunayan sa pamamagitan ng pagsusuri at
paghahambing sa mga karanasan o pangyayari sa paligid.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa,
resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa,
mula kay.
Tunay na________________________________________________
_______________________________________________________
Hindi
totoong__________________________________________________
________________________________________________________
Tunay na________________________________________________
_______________________________________________________
Hindi
totoong__________________________________________________
________________________________________________________
C. PAKIKIPAGPALIHAN Isagawa
Inihanda ni:
JOCELYN R. UMALI
Puno ng Kagawaran, Filipino
Pinagtibay ni: