Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Paaralan San Roque National High School Baitang 10

Guro Gng. JOCELYN F. INLAYO Asignatura Filipino


Petsa Markahan Unang
Markahan
TALA SA PAGTUTURO Aralin 1.2
(Parabula)
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a.Matukoy ang mga pangyayaring makatotohanan sa napakinggang parabula
b.Maipaliwanag ang pagkakaiba ng kabutihan sa kagandahang-asal
c.Bumuo ng paghuhusga hinggil sa kilos na ginawa
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Kasanayan Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng


sa Pagkatuto ( MELC) katotohanan,kabutihan at kagandahang-asal ( F10-PN-Ib-c-63)

E.Pagpapagana ng Kakayahan
II.NILALAMAN Mga bahagi ng parabula na naglalahad ng katotohanan,kabutihan at
kagandahang-asal
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig- Dep Ed.
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
Ano ang Dapat Kong Malaman?
A. Panimula Gawain 1.
Panuto: Makikita sa mga larawan ang mga totong pangyayari na dinanas ng mga
Pilipino dahil sa pandemic na COVID 19. Sa tulong ng inyong magulang tukuyin
ang mga pangyayari at anong aksyon o kilos ang ginawa ng pamahalaan hinggil
dito.
.
Pangyayari:_____________________________________

Aksyon o kilos na ginawa ng pamahalaan:_____________

______________________________________________

Pangyayari:____________________________________

Aksyon o kilos na ginawa ng pamahalaan:_____________

______________________________________________
Pangyayari :___________________________________

Aksyon o kilos na ginawa ng pamahalaan:___________

_____________________________________________

•Pagkatapos masagutan ng mag-aaral sa kanilang kuwaderno ay itatanong


ng magulang kung ano sapalagay nila ang aksyon na ginawa ,kabutihan
ba o kagandahang-asal? Pangatwiranan ang iyon sagot.
Ano ang Aking Nalalaman?
Gawain 2 :
Panuto: Babasahin ng magulang ang ilang bahagi ng Parabulang “Ang Alibughang
Anak” nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay ibigay mo ang iyong reaksyon sa
papamagitan pagtatala ng iyong sagot sa T-Chart.

1. Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay


ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa
malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

2. Namumulubi siya at nang wala nang makain ay inisip nang bumalik sa dating
tahanan upang makain man lamang niya ang kinakain ng alila ng kanyang ama.
Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at halik ang
bumalik na anak.

3. Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.


Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang
at sinumbatan ang ama.

Nangyayari ba sa Ano ang ugaling Ano ang kilos na ginawa


totoong buhay ang mga ipinakita ng tauhan
bahagi ng parabula.
Ipaliwanag ang iyong
sagot.

1 1 1

2 2 2

3 3 3

Ano ang Mayroon?


Gawain 3 :
Panuto: Sa loob ng talulot ng bulaklak ay mga mga salita, kilalanin mo ito kung
kabutihan o kagandahang-asal. Ihanay mo sa tahanayan ang iyong sagot.

Hindi pagpuna sa kamaliaan ng iba


Pagdamay sa oras ng sakuna
Pag-amin sa kasalanang nagawa
Pagbibigay ng pagkain at damit
Pagsasabi ng po at opo
Kabutihan Kagandahang-asal

B.Pagpapaunlad Ano iyon?


Gawain 4 :
A.Panuto: Simula ng dumating sa ating bansa ang pandemic na COVID 19 marami
na ang nabago sa ating buhay. Maaari kabang magtala ng ilang pangyayari na
iyong naranasan ngayon sa new normal. May kabutihan ka bang nagawa sa kapwa
at ano ang kagandang–asal ipinakita mo upang maging insperasyon ka ng kapwa
mo bata.

kabutinaha na pangyayari na kagandahang-asal


ipinakita sa naranasan ipinakita sa
kapwa kapwa

Tandaan:
Ang katotohanan ay mayroong basihan at ito’y dumaan sa proseso na pag-aaral.
Ang kabutihan ay nangangahulugan ng kabaitan, kaayaaya at kaayusan na
ipankikita sa pamamagitan ng pag-gawa ng mabuting bagay sa kapwa.
Ang kagandahang-asal ay sinasabing natural na taglay ng isang tao, ang ugaling
pangloob ng tao na nagtutulak sa kanya upang gumawa ng mabuti sa kanyang
kapwa.
Ano Pa?
Gawain 5 :
Panuto : Babasahin ng magulang ang Parabulang “Ang Tusong Katiwala” at
pagkatapos ay sasagutin ang mga tanong hinggi sa narinig na parabula.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig
ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano
ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking
gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa
kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang
una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang
langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan
mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa,
‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng
amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan
din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan
ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa
inyo ng talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon


sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya
nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao
ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Mga Prosesong Tanong


1.Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
2.Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga
taong may obligasyon sa kanyang amo?
3.Kung ikaw ang may-ari ng negosyo,kukunin mob a ang ganitong uri ng katiwala
para sa inyong negosyo?

• Panuto: Pagkumparahin mo ang maaaring naging pangyayari sa buhay ng


tusong katiwala at ng kanyang amo gamit ang compare and contrast
organizer sa ibaba.

_________________________ ____________________________
Tao sa Kasalukuyang Panahon Tao sa kasalukuyang Panahon
binawasan ang utang ng amo na pinuri ang katiwala sa
mga tao ( katiwala) kanyang ginawa.

C.Pakikipagpalihan
Ano ang kaya kong Gawin?
Gawain 6:
Panuto : Sa tulong ng iyong magulang bigyan mo ng simbol ang kabutihan na
ginawa ng katiwala sa pamamagitan ng pagguhit.Ipaliwang bakit ito ang iyong
ibinigay na simbolo.

Anu-ano Pang Kasanayan ang Magpapalago sa Akin?


Gawain 7:
Panuto: Tukuyin kung kabutihan o kagandahang-asa.l Sapamamagitan ng
pagkalap ng opinyon ng mga taong kasama mo sa bahay.Para sa kanila ang mga
pahayag na hango sa parabula na iyong babasahin ay kabutihan o kagandahang-
asal . Ipaliwanag ang kung bakit iyon ang napiling sagot.

Mga pahayag sa Opinyon Opinyon


Parabula Kabutihan Kagandahang-asal
1. ) Isa-isa niyang
tinawag ang mga may
utang sa kaniyang amo.
Tinanong niya ang una,
‘Magkano ang utang mo
sa aking amo?’ 6)
Sumagot ito, ‘Isandaang
tapayang langis po.’
‘Heto ang kasulatan ng
iyong pagkakautang.
Dali! Maupo ka’t palitan
mo, gawin mong
limampu,’ sabi ng
katiwala.
2. Pinuri ng amo ang
tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas
nito.

D.Paglalapat Ano ang Natutunan Ko

Gawain 8: Kilalanin kung Kabutihan o Kagandahang-asal.


Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.Isulat ang titik K ang
kung sitwasyon ay nagpaapkita ng kabutihan at KA kung kagandahang-asal

_____1.Laging sobra ang baon mong pera kaya sa tuwing mapapadaan ka sa ng


simbahan ay inaabutan mo ng tinapay ang matandang nagtitinda ng kandila.
_____2.Nakapulot ka pitaka na may laman 200 piso. Walang nakalagay na
pagkakakilanlan nito.Kaya’t minabuti mo na ibigay ito sa iyong guro.
_____3.Dahil sa hirap ng buhay napilitan kang magtrabaho bilang kargador sa
palengke para makatulong sa iyong mga magulang.
____4.Nakita mo kung sino ang nagtago ng nawawalang bag ng iyong ka mag-
aral.Natatakot kang magsalita dahil baka napagbintangan ka na kasama sa mga
nagtago nito.Kaya minabuti mo na sabihin ng palihin sa iyong guro ang tunay na
pangyaayri.
____5.Sa tuwing makikita mo ang guro ay malugod mo ito binabati ng magandang
umaga at sinasabayan mo pa ng pagmamano.
Ano ang Kaya ko Pang Ipakita
Gawain 9:
Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay hango sa binasang
parabula.Sapamamagitan ng pagbuo ng usapan ilahad mo ang katotohan hinggil
sa pahayag ni Hesus sa kanyang mga alagad. Maaari kang magbigay ng mga
halimbawa bilang patunay.

“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa


malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking
bagay”.

“Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon


sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at sa kayamanan.”

IV. PAGNINILAY Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
Nauunawaan ko na ang kabutihan ay __________________________________
at maaari kong ipakita sa pamamagitan ng______________________________
samantalang ang kagandahang-asal ay__________________________________
Nabatid ko na ang katotohanan ______________________________________
kaya’t di dapat magsalita kung ________________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. JOCELYN F. INLAYO Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
TALA SA PAGTUTURO Markahan
Aralin 1.2
(Parabula)
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a.Makilala ang katangian ng isang parabula
b.Maipaliwanag ang pagkakaiba ng elemento,nilalaman at kakanyahan ng parabula
c.Maisabuhay ang mga aral sa parabula

A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikang Mediterranean
B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang critique
tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean
D.Pinakamahalagang Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) ibinigay na tanong
(F10PB-Ib-c-63)

E.Pagpapagana ng Kakayahan Natatamo ang kawilihan sa pagsusuri ng nilalaman,elemento at kakanyahan ng


binsang akda gamit ang ibinigay na tanong
II.NILALAMAN Pagsusuri ng nilalaman,elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang ibinigay
na tanong.
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig- Dep Ed.
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa https://brainly.ph/question/168114#readmore


Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
Ano ang Dapat Kong Malaman?
A. Panimula Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.
Lagyan ng tsek ang loob ng kahon kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katangian
ng isang parabula at ekis naman kung hindi.

1. Ang mga ito ay mga maiikling kwento na galing sa bibliya na karaniwang nasa
anyong patula o di kaya naman ay prosa.

2. Ang mga tauhan sa parabula ay mga hayop na nakapagsasalita at may layuni


na makapanag aliw.

3. Ang mga parabula ay nagbibigay ng payo o aral tungkol sa moralidad o sa


relihiyon.
4.Karaniwan, ang mga parabula ay mga kwentong ginamit ni Hesus sa kanyang
pangangaral noong sya ay nabubuhay.
5. Ang mga pang-araw-araw na pangyayari ay maaaring ihalintulad sa mga
parabola.
Ano ang Aking Nalalaman?
Gawain 2:
Panuto : Ang mga salita sa loob ng bilog ay tumutkoy sa elemento,kakanyahan at
nilalaman ng parabula. Suriing mong mabuti ang bawat salita at ihanay ito sa
tahanayan sa ibaba kung saan siya naaangkop.Magbigay ng maikling pagpapaliwang
hinggil sa ginawang paghahanay ng salita

tema , tauhan , istilo ng pagkakasulat , tagpuan ,tauhan


banghay

Elemento Nilalaman Kakanyahan

Paliwanag:

Ano ang Mayroon?


Gawain 3:
Panuto: Balikan ang parabulang “Ang Tusong katiwala” alin sa palagay mo ang
kaisipang angkop sa parabula. Piliin ang titik ng tamang sagot. Ipaliwang kung bakit
ito ang iyong .

A. Hindi maaari na paglingkuran niya ang pera at ang Panginoon nang sabay. Sa
mundong ibabaw, dapat nating piliing paglingkuran ang mas nakatataas at ang may
likha sa atin.
B. Pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa atin. Sa oras na mawala ito ay mahirap
na itong maibalik pa. Isipin mo na lang na ang tiwala ay gaya ng isang baso na
babasagin - kapag nabasag ay mahirap nang buuhin.
C. Turuan ang mga tao na maging maparaan sa oras ng kagipitan.

Paliwanag:

Ano Iyon?
B.Pagpapaunlad Gawain 4:
Panuto: Bigyan mo ng sariling pagpapakahulugan ang pamagat ng parabulang “Ang
Tusong Katiwala”

Ang Tusong Katiwala Sariling Pagpapakahulugan


Ano Pa?
Gawain 5:
Panuto : Muli mong balikan at basahin ang parabulang “Ang Tusong Katiwala”
pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Mga Prosesong Tanong:
1.Paano simulan ang paglalahad ng mga pangyayari sa parabula?
2.Ano ang mga katangian ng tauhan ang inilalarawan?
3.Naging malinaw ba ng mensahing nais iparating ng parabula?
4.Gumamit ba ng maraming tagpuan upang maging malinaw ang daloy ng mga
5.Paano na iba ang paraan ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa parabula sa iba
anyo ng panitikan ?

Tandaan
Ang Parabula ay isang uri ng maikling kwento na may-aral kadalasan ito ay galing sa
kuwento ng Bibliya na matatagpuan natin sa tatlong synoptic na ebanghelyo, ito ay
ginagamit para makapagturo ng magandang asal at ispiritwal. Ang parabula ay gabay
ng isang tao sa pagpili ng gagawing disisyon sa buhay.

Nilalaman : Ano nga ba ang nilalaman ng parabula? Ito ay tumutukoy sa nais ipabatid
ng akda o tema ng akda.
Elemento Parabula
1. Tauhan- Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinago
sa na banal na bibliya na maaring makapagbigay ng magandang aral sa mga
mambabasa.
2. Tagpuan- Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. Ang Tagpuan ay puwedeng
maging marami depende sa istorya.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababangit sa parabula.
3. Banghay -Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento. ( Simula,Gitna at Wakas)
Kakanyahan : Ito tumatalakay sa mga kaisipan o ideya na taglay ng akda at
istolo ng pagkakasulat.

C.Pakikipagpalihan Ano ang Kaya Kong Gawin


Gawain 6 :
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon,suriin ang mga pangyayari sa parabula
batay sa nilalaman,kakanyahan at elemento.

Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

Anu-ano Pang Kasanayan ang Magpapalago sa Akin?


Gawain 7:
Panuto: Bumuo ka ng collage na nagpapakita ng katapatan ng isang tao sa kanyang
tungkulin .Maaari kang magpatulong sa mga kasama mo sa bahay sa pagbuo ng
collage

Pamantayan sa Pagbuo ng Collage


1.Pagkaka-ayos –Kaayusan na pagkakahaya ng mga larawan (3 puntos)
2.Nilalaman –Kalinawan ng pagpapakita ng paksa ng Collge ( 3 puntos)
3.Presentasyon –Pagiging malikhain sa pagbuo ng collage (4 puntos)
Kabuuang Puntos = (10 puntos)

D.Paglalapat Ano ang Natutunan Ko?


Gawain 8:
A.Panuto: Basahin at unawain ang Parabulang “Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa
Lawa”. Piliin at bilugan ang tamang sagot batay sa nilalaman,elemento at
kakanyahan ng binasa.

Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa


Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso
sa lawa ang isang malakas na bagyo.
Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila.
Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya.
“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”
Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit
naman ng pananalig ninyo!”
Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti
ang panahon.
Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito?
Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

1.Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?


a. sa bangka
b. sa lawa
c. sa bayan
d. sa karagatan
2. Ano ang katangian ng tao ang ipinakita sa parabula?
a. takot at pagtataka
b. kawalang tiwala at pangamba
c. pagkamangha at pag-aalinlangan
d. pagkaduwag at pag-aalala
3.Batay sa nilalaman ng akda ano tema o nais iparating ng akda
a. Magtiwala sa Diyos hindi niya tayo pababayaan.
b. Ang lahat ng pagsubok sa buhay ay kayang lampasan basta magdasal lang.
c. Maging matatag sa lahat ng oras.
d. Huwag tayong matakot kung tayo man ay dumaranas ng mga pagsubok o
kabiguan sa buhay.
4.Ano ang kasukdulan o pinaka mataas na pangyayari sa akda?
a. Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan
nila.
b. “Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”
c. “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”
d. Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon,
at bumuti ang panahon.

5.Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?


a.Ito’y isa akdang nagbabalita
b.Ito’y isang akdang nagungumbinsi.
c.Ito’y isang akdang naglalarawan
d.Ito’y isang akdang nagsasalaysay

Ano ang Kaya ko Pang Ipakita?


Gawain 9:
Panuto:Basahin at unawain ang mga bahagi ng parabulang binasa.Tukuyin mo kung
ang bahagi ng parabula ay nilalaman,elemento o kakanyahan.Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_______1. Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad.
_______2. Huwag tayong matakot kung tayo man ay dumaranas ng mga pagsubok o
kabiguan sa buhay. Lagi nating tandaan na kasama natin ang Diyos at maari natin
siyang tawagan anumang oras.
_____ 3. Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga
alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Panginoon, tulungan ninyo
kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!” Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay
namangha at sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa
ay sumusunod sa kanya!”
_______4. Ang lahat ng bagay ay magagawa ng Diyos kung marunong lamang tayong
magtiwala sa Kanya.
______5 Ang kwento sa Bibliya na “Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa” ay hango sa
Bibliya na nagsasalay pangyaayri upang maliwanagan ang isipan ng tao tungkol sa
buhay.

E.Pagninilay Naunawaan ko na ang nilalaman,element at kakanyahan ng parabula ay__________


Nabatid ko mula sa aral nakapalood sa parabula _____________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. JOCELYN F. INLAYO Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
TALA SA PAGTUTURO Aralin 1.2
(Parabula)
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.Makilala ang istilo sa pagpapahayag ng ekspresyon o damdamin
b.Makapagbigay puna sa mga istilo ng gimanit na salita sa pagpapahayag ng
matinding damdamin.
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean
B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang
critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean
D.Pinakamahalagang Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) ginamit sa akda;ang bisa sa paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding
damdamin
E.Pagpapagana ng Kakayahan Tumatanggap ng puna ng ibang istilo ng may akda batay sa mga salitang at
ekspresyong ginamit sa akda.
II.NILALAMAN Pagbibigay-puna sa estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyonng
ginamit sa akda; ang bisa sa paggamit ng mga salitanf nagpapahayag ng matinding
damdamin.
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig- Dep Ed.
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig


Kagamitang Pang-mag-aaral 44-50

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
Ano ang Dapat Kong Malaman?
A. Panimula Gawain 1:
Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin kung
anong istilo ang ginamit sa pagpapahayag ng damdamin. Isulat ang titik A kung
pangungusap ay nagsasaad ng tiyak na damdaminat at titik B kung ang
pangungusap ay nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi direstsong paraan
_1.Isa kang anghel sa langit.
_2. Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.
_3. Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
_4. Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan
ang mga anak.
_5. Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.

Ano ang Aking Nalalaman?


Gawain 2: Pagsusuri
Panuto: Suriin kung anong antas na salita ang mga salitang
maysalungguhit.Maaari kang magpatulong sa iyong magulang sa pagsusuri ng mga
salita.

1. Nasa anong antas ng wika ang salitang "kahati sa buhay"?


a.balbal b.kolokyal c. lalawiganin d.pampanitikan
2. Nasa anong antas ng wika ang salitang "buang"?
a.lalawiganin b.balbal c. pormal d.kolokyal

3 Nasa anong antas ng wika ang pahayag na "bana"?


a.balbal b.kolokyal c.lalawiganin d.pormal
4. Nasa anong antas ng wika ang salitang "charing"?
a.balbal b.kolokyal c.pormal d.lalawiganin
5. Nasa anong antas ng wika ang salitang ama?
a.balbal b.kolokyal c.pormal d.lalawiganin

Ano ang Mayroo?


Gawain 3 :
Panuto: Basahin at unawain ang Parabulang “Ang Aso at ang Ibon”.Pagkatapos ay
punan ang talahanayan sa ibaba.
Ang Aso at ang Ibon
Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan
niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya
maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang
ubod- lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang
bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan
ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makapag aalis ng
kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng
pusa ang kanyang ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig,
ang pusa ay nagsalita, "Akin na ang aking gantimpala." Umuungol ang aso”.
Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong
ulos sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso
na waring nanunumbat.
Istilong Ginamit Damdaming Antas ng mga Kahulugan ng
sa pagpapahayag Natukoy salitang ginamit mga salitang may
ng damdamin sa parabula salungguhit
( Mga salitang
may salungguhit)

Ano Iyon?
B.Pagpapaunlad Gawain 4:
Panuto: Muling balikan ang parabulang “Ang Aso at ang Ibon” batay sa iyong
pagkakaunawa gumawa ka ng ng sarili mong pagsasalay.Gumamit ka ng sarli
mong istlo ng pagpapahayag ng kaisipan at pagpapahayag ng damdamin. Maaari
kang magpatulong sa iyong magulang o kapatid.
Ano Pa?
Gawain 5:
Panuto: Suriin natin ang sarling mong bersyon ng parabulang “ Ang Aso at ang
Ibon” sapamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa loob ng tahanayan.

Mga Tanong sa Pagsusuri Ipaliwanag Mo


1.Ano ang mga ginamit mong salita at
bakit iyon ang ginamit mo?
2.Paano mo ipinahyag ang damdamin
sa parabula?
• Nagsasaad ba ng tiyak na
damadamin
• Sa pamamagitan ng
pahiwatig
3.Masasabi mo bang masining ang
iyong pagsasalaysay. Bakit?

Tandaan :
Istilo - Paraan kung paano inaayos ng manunulat ang kaniyang mga salita upang
magpahiwatig ng ideya.
Ang estilong masasalamin sa kabuoan ng parabula ay pasalaysay ng sinaunang
tradisyon,paniniwala o kulturang nagtataglay ng aral na maaaring iugnay sa
kasalukuyan.Mababakas ito sa paglalahad ng mga pangyayari gayundin sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda.Dahil ang parabula ay hango sa Bibliya ang
mga pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ay sa paraang pahiwatig at hindi
direstsahang paraan. At ang mga salitang ginamit ay pormal at pampanitikan
sapagkat ito ay nasulat noong unang panahon.

C.Pakikipagpalihan Ano Ang Kaya Kong Gawin?


Gawain 6:
Panuto: Bigyang –puna ang estilo ng may akda batay sa salita at ekspresyong
ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng
parabula.Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
Pagkatapos ay magbigay ng puna sa kaangkupan ng pagkakagamit ng salita ayon
sa uri,panahon kung kalian naisulat ang akda.

1.”May taong mayaman na may isang katiwala .May nagsumbong sa kaniyang


nilulustay nito ang kanyang ari-arian”.
2.”Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?Ihanda moa ng ulat ihanda moa ng ulat
ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin kita sa iyong tungkulin”.
3.”Ano ang gagawin ko? Aaalisin an ako ng aking amo sa pangangasiwa.Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa;nahihiya naman akong mamalimos.
4.”Kaya’t sinasabi ko sa inyong ,gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggang”.
5.”At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng para sa inyo”.

lungkot galit panghihinayang pagtataka pagkaawa


pag-aalinlangan

Anu-Ano Pang kasanayan Ang Magpapalago sa Akin?

Gawain 7:
Panuto : Muling balikan at suriin ang mga bahagi ng parabula sa gawain 6.
Ngayon ay magbigay ka ng puna sa pagkakagamit ng salita ayon sa uri
nito,panahon kung kaila naisulat ito: Sa bahaging ito hihingin mo ang tulong ng
iyong magulang ,kapatid at kaibigan upang hingin ang kanilang sarling opinyon.

Sariling Opinyon Opinyon ng iba

D.Paglalapat Ano ang Natutunan ko?


Gawain 8 :
Panuto: Basahin mabuti ang bahagi ng parabula.Tukuyin kung anong istilo ang
ginamit sa pagpapahayag ng damdamin . Isulat ang titik ng tamang sagot.
A.Nagsasaad ng tiyak na damdaminat B.Nagpapahiwatig ng damdamin .

___1.Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;nahihiya naman akong mamalimos.


___2. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng para sa inyo”.
___3. “Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”
___4. Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang
uri ng tao ito?
___5. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan
ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makapag aalis ng
kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Ano ang Kaya Ko Pang Ipakita


Gawain 9:
Panuto:Basahin at unawain ang buod ng parabulang “ Ang Mensahe ng Butil ng
Kape”. Magbigay ka ng puna o sarili mong opinyon sa kaangkupan ng
pagkakagamit ng mga salita o ekspresyon sa paglalahad ng damdamim at
kaisipan ng parabula.Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Buod ng Parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”


Ito ay isang kwento tungkol sa isang bata na nagmamaktol dahil sa pagtatanim sa bukid, na kung
bakid napakahirap ng magtanim na sabi ng bata “makatarungan ba itong aking naranasan?”. Kung
kaya’t singot siya nga ama sa pamamagitan ng pagdala sa kanya sa kusina at saka pinakita sa kanya
ang mga bagay tulad ng carrot , itlog, at butil ng kape.Tuloy ang paliwanag ng ama, “Ikaw ba ay
magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya
naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit
nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay
may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan,
sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O
maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa
tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo mahal na
ama.

Opinyon-

IV. PAGNINILAY Naunawaan ko na ang maayos istilo sa paggamit ng mga salita sa parabula _____
Nabatid ko na dapat ____________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. JOCELYN F. INLAYO Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
TALA SA PAGTUTURO Aralin 1.2
(Parabula)
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a.Matukoy ang mga pang-uganay na ginagamit sa pagsasalaysay
b.Makabuo ng sariling pagsasalaysay na ginagamitan ng mga pang-ugnay
c.Magamit ang pang-ugnay sa pagbibigay ng maayos at magalang na paghahanay
ng kaisipan
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean
B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang
critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean
D.Pinakamahalagang Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) (Pagsisimula,pagpapatuloy,pagdadaloy ng mga pagyayari at pagwawakas)
(F10Wg-Ib-c-58)
E.Pagpapagana ng Kakayahan Nakapagbibigay nang mabisa at mahusay na angkop na mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay ( pagsisimula,pagpapadaloy ng mga pangyayari,pagwawakas)
II.NILALAMAN Pagbibigay nang mabisa at mahusay na angkop na mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay ( pagsisimula,pagdadaloy ng mga pangyayari,pagwawalkas)
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig- Dep Ed.
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa Filipino Modyul Para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig


Kagamitang Pang-mag-aaral 44-50

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
Ano ang Dapat Kong Malaman
A. Panimula Gawain 1:
I. Panuto : Basahin at umawain ang mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin ang
mga pang-ugnaya na ginamit.Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_____1.Dahil sa pagwawalang bahala ng tatay ni Luz sa pandemic na COVID 19
hindi niya akalaing na magkakasakit siya nito kaya naman ganoon nalang ang
pagsisisi nito.
____2.Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase."
____3. Matutulog ako ng maaga para hindi ako mahuli sa klase bukas."
____4. Maaari tayong maglaro kapag tapos na tayo sa pagsagot ng ating
takdang-aralin?
____5. 5. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya’t nag-
aaral siya gabi-gabi.

Ano ang Aking Nalalaman


Gawain 2:
Panuto: Basahin ang pagsasalaysay batay sa binasang parabulang “Ang Tusong
Katiwala” at pipiliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.Suriin kung
ang pang-ugnay ay ginamit para sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o
naglalahad ng sanhi o resulta ng mga pangyayari.

1.May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala


ang kaniyang ari-arian ( kaya’t, saka ) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
( Ginamit ang pang-uganay upang:______________________________)
2.( Unang, Pagkatapos ) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang
tapayang langis.
( Ginamit ang pang-uganay upang :______________________________)
3.( Saka,Pati ) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
( Ginamit ang pang-uganay upang:_______________________________)
4 ( Gayon din , dahil sa ) ang ginagawa sa isa pa.Ginawang walampung kabang
trigo mula sa isandaang trigo.
(Ginamit ang pang-uganay upang:_______________________________)
5.(Dahil sa , Upang ) katalinuhan ng katiwala,pinuri ng amo ang tusong katiwala.
(Ginamit ang pang-uganay upang:_______________________________)

Ano ang Mayroon?


Gawain 3:
Panuto : Sa loob ng kahon ay may sitwasyon .Bumuo ng usapan o dayalogo buhat
sa sitwasyon. Sikapin magamit ang mga sumusunod na pang-ugnay. ( kaya , dahil
sa , at , kapag, upang , subalit, para sa/ para kay, kung, ngunit)

Sitwasyon 1: Nakagawa ka ng labag sa kagustuhan ng iyong mga magulang.

Sitwasyon 2 : Napagbintangan kang kumuha ng pera ng iyong kamag-aral.

• Suriin ang usapang iyong binuo at sagutin ang mga sumusunod na


tanong?
1.Paano nakatulong ang mga pang-ugnay sa pagbuo mo ng usapan?
2.Balikan ang mga usapan na iyong nabuo, Paano mo ginamit ang mga pang-
ugnay?
3. Naging malinaw ba ang daloy ng ginawa mong usapan? Patunayan.

Ano Iyon?
B.Pagpapaunlad Gawain 4:
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang maikling sanaysay tungkol sa pag-ibig.
Pagkatapos ay punan ang talahanayan sa ibaba ayon sa hinihingi nito.

Pag-ibig ng ba?
Sa buhay pag-ibig, maraming gustong magkaroon nyan. Gustong mahanap
yung isang taong pupuno at kukumpleto sa sarili nya. Taong handang mahalin sya,
kung ano man o sino sya. At taong magpapatibok ng puso nya at masasabing “It’s
the One.”
Sa una puro kaligayahan ang iyong nararanasan pagkatapos ay darating din ang
puntong masasaktan ka ng todo. Mahirap at masakit man pero, kailangan mo
yung tanggapin. Dahil kasama yun pag nagmahal ka, kasi tao kalang di makontrol
ang damadamin, yung tipong nasasaktan ka na, nagpapakamartir ka na,
nagpapakatanga ka na, pero mahal na mahal mo pa rin. Yung halos lahat ginawa
mo na, pero para sa kanya wala lang yun. Sapagkat sobra ang pagmamahal mo sa
kanya at isa pa sumugal kana sa pag-ibig .

Paano binigyang kahulugan ang pag- Ano ang kayang gawin ng taong
ibig sa sanaysay umiibig
Tandaan
Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga
pangyayari. May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. Pasalita man o
pasulat ,nakatutulong sa pag-unawa ng mesahe ng isang diskurso ang paggamit
ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na
ideya.Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita.Sa
komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,tinatawag na pang-ugnay ang
mga ito.Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi,madali
ngayong matukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagsasalaysay.Tignan ang mga nakatalng impormasyon tungkol dito
upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay
upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang
pampanitikan.

1.Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon ginagamit ang pang-ugnay sa


bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-
isa ng mga impormasyon. kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal na sadyang ginagamit ang pang-


ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng sanhi o dahilan at bunga, paraan at pati
kasi,kung,kung kaya naman,ang layunin, sapagkat,mga paraan at iba pang resulta
kasama na rin ang mga pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.

➢ Sa sanaysay na binasa ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagdaragdag at


pag-iisa ng mga impormasyon ay ang mga susunod una,pagkatapos at isa
pa.
➢ At ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagpapahayag ng kaugnay na
lohikal ay ang mga sumusunod dahil, kasi, sapagkat.

C.Pakikipagpalihan Ano Pa?


Gawain 6:
Panuto: Basahin ang Parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”.Suriin ang mga
pang-ugnay na ginamit sa parabula at pagkatapos ay kilalanin kung ito ay A.
Pagdaragdag at pag-iisa ng mga impormasyon B. Pagpapahayag ng mga
kaugnayang lohikal

Ito ay isang kwento tungkol sa isang bata na nagmamaktol dahil sa pagtatanim


sa bukid, na kung bakid napakahirap ng magtanim na sabi ng bata
“makatarungan ba itong aking naranasan?”. Kung kaya’t singot siya nga ama sa
pamamagitan ng pagdala sa kanya sa kusina at saka pinakita sa kanya ang mga
bagay tulad ng carrot , itlog, at butil ng kape.Tuloy ang paliwanag ng ama, “Ikaw
ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay
naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat
ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong
tubig? Sumunod ay ang itlog nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay
may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa
pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi
igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape
na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng
kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.
Pagkatapos ay ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng
kape...” katulad mo mahal na ama.

Pang-ugnay na Ginamit Ginamit upang


A. Pagdaragdag at pag-iisa ng mga
impormasyon
B. Pagpapahayag ng mga kaugnayang
lohikal

Ano Pa Kaya Kung Gawin


Gawain 7 :
Panuto: : Punan ang linya ng angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng
talata.Piliin ang sagot mula sa kahon. Isang beses lamang dapat gamitin ang
bawat pang-ugnay.

at kaya para sa kapag dahil laban sa


subalit ngunit maliban upang

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israe 1._____ isang pinay care giver na may
natatanging talent sap ag-awit.Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa
“X Factor sa Israel” noong Enero 2014.halos dalawampung taon na siyang
nagtatrabaho sa Israel 2.____ ngayong lang nagkaroon ng napakalaking
pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kalagayan ay edad niya
3._____ ipakita ang taglay niyang talento. Sa una’y kabado siya
4.______sumubok pa rin siyang mag-audition.Nakatutuwang isipin na lumutang
ang talent niya 5. ____mga mas batang Kalahok.hindi siya sumuko 6.____sa
huli ay nakamit niya ang tagumpay.Hinangaan sa buong mundo ang kanyang
talent 7._____ determinasyon. 8.______ nakausap ko si Osang at ipanrating ko
sa kanya ang aking paghanga.Napatunayan niyang 9._______ sa mabuting
pagiging caregiveray may kaya pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya
10._____ lahat ng mag Pilipino ang tagumpay na ito.

D.Paglalapat Ano Ang Natutunan Ko


Gaawin 8:
Panuto: Ang mga pahayag sa ibaba ay hango sa parabulang “Magkapati”.Upang
mabuo ang diwa ng parabula lagyan mo ito ng wastong pang-ugnay.

Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang bayan. Ang isa ay mayaman. At


ang isa naman ay mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang
pagtatanim ng kalabasa_____1, namunga ng isang kakaibang kalabasa ang
kanyang pananim. Isang kalabasang may pambihirang laki! Naisip ng taong ito na
iregalo na lamang sa hari ang dambuhalang kalabasa. At ganoon nga ang kanyang
ginawa. Laking tuwa ng hari. 2._____noon lamang ito nakakita ng ganoong
kalaking kalabasa. Isa itong kamangha-manghang bagay. Tuwang-tuwa siya at
kaagad nagtungo sa kanyang kapatid upang isalaysay ang nangyari. Hindi
makapaniwala ang kanyang mayaman na kapatid.______3, naisip ng mayamang
kapatid na kung ang hari ay natuwa sa walang kuwentang kalabasa, tiyak na mas
ikagagalak nito kung reregaluhan niya. 4.______ganoon nga ang ginawa ng
mayamang kapatid. Niregaluhan niya ang hari ng mga magagandang kasuotan at
magagandang alahas. Lubos namang natuwa ang hari________ 5. ay sinabi ng
hari na ang mga ganitong pambihirang regalo ay dapat lang suklian ng
pambihirang regalo. At iyon ay walang iba kundi ang dambuhalang kalabasang
nagmula sa kanyang kapatid.

Ano ang Kaya Ko pang Ipakita


Gawain 9 :
Panuto: Pagmasdan at suriin mabuti ang collage.Natukoy mo ba kung ano ang
nais ipahiwatig ng bawat larawan.Nangyari na ba ito sayo o kung hindi ay may
nasaksihan ka bang ganitong pangyaayri.Maaari mong bang isalasay ang iyong
naranasan o nasaksihan. Sa iyong pagsasalayay ay sikapin mong gumamit ng mga
pang-ugnay upang higit na maging malinaw ang diwa ng iyong pagsasalaysay.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Pamantayan sa Pagbuo ng Pagsasalaysay
_____________________________________________________________
___________________________________
1.Ilahad ng malinaw ang pangunahing paksa.
2.Gumamit ng mga pag-ugany sa paglalahad ng lohikal na pagkakasunud-sunod
ng mga ideya.
3.Nagbigay ng konkusyon batay sa katibayan at katwiran na inilahad.

IV. PAGNINILAY Naunawaan ko na ang ang mga pang-ugnay ____________________________


Nabatid ko na dapat ________________________________________________

You might also like