Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

ANG FONOLOJI NG TINA SAMBAL

Denis Dionisius III S. Orellana


Departamento ng Wikang Filipino at Ibang mga Wika, CASS
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Abstract
The Tina Sambal Language is spoken in the municipalities of Santa Cruz, Masinloc,
Iba and Pangasinenseng Infanta of Central Luzon in the Philippines. This study is
about the phonology of Tina Sambal Language. Specifically, this study describes the
segmental and suprasegmental phonemes of the said language. To be able to study
and analyze the said phonological system, the researcher used the data gathered from
eliciting materials answered by the informant of the study. The eliciting materials
used are the 200 words from the Swadesh List of Morris Swadesh. The descriptive
method was used in presenting and analyzing the data. The findings indicated that
there are 20 phonemes (16 consonant phonemes and 4 vowel phonemes) in the Tina
Sambal Language.

Keywords:
Phonology, Tina Sambal Language, Segmental Phoneme, Suprasegmental Phoneme

1.0 Introduksyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga multilinggwal na bansang may maraming wikang


ginagamit. Bawat wika ay may sariling katangian na makapagsasabing naiiba ito sa
ibang wika. Bagamat magkakahawig ang ilang salita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
hindi ito magkakatulad dahil mayroon itong sariling set ng tunog, salita at may
sinusunod na patern. Sinabi nina Fromkin at Rodman (1983), na nabubuhay tayo sa
daigdig ng mga salita. Kahit saan man pupunta ay gumagamit tayo ng sarili nating
wika sa paglalahad ng kaisipan at damdamin. Sa pamamagitan ng wika ay
naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maipabatid sa iba.
Nakikilala rin ang kultura ng isang tao batay sa kaniyang wikang ginamit. Kung sa
gayon, masasabing magkabuhol ang wika at kultura, at hindi kailanman pwedeng
paghiwalayin.
Ayon kay Lachica (1994), dapat tandaan na ang wika ay hindi lamang puro
tunog at pagbigkas. Mayroon din itong sinusunod na regulasyon sa gramar at
semantiks. Dagdag pa, mas nabibigyan halaga ang wika kapag nagagamit ito sa
pakikisalamuha sa kapwa upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng
bawat tao. Pinapatunayan lamang nito na buhay at dinamiko ang wika dahil aktibo
itong ginagamit, patuloy na umuunlad at nadaragdagan. Hinggil kay Quakenbush
(1998), pansampu ang Pilipinas sa ranggo ng buong daigdig kung ang pag-uusapan ay
ang bilang ng mga katutubong wika na ginagamit dito. Ang iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko ay pinapangunahan ng Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano,
Bicolano, Samar-Leyte Waray, Kapampangan at Pangasinense. Patunay lamang ito na
may kumplikadong sitwasyong linggwistikal ang bansa.

Ang Tina Sambal ay isa sa mga wikang Sambal ng Central Luzon kasama ang
Ayta Abellen, Ayta Ambala, Ayta Mag-Antsi, Ayta MagIndi, Bolinao at Botolan
Sambal. Tinawag ng mga neytib ispiker ng mga nasabing lugar ang kanilang wika na
Sambali. Ngunit, ginagamit ng mga ispiker ng Botolan Sambal ang terminong
Sambali Tina na nangangahulugang ‘bleached Sambal’ na tumutukoy sa Hilagang
wika (Tina Sambal), dahil karamihan sa mga salita rito ay hiram mula sa Espanyol at
Ilocano. Ayon kina Lewis, M., Simons, G., at Fennig, C. (2015), ang mga taong
Sambal ay etnolinggwistikong grupo na naninirahan sa lalawigan ng Zambales na
may 70,000 na populasyon. Tina Sambal ang wikang sinasalita sa mga munisipalidad
ng Santa Cruz, Masinloc, Iba at Pangasinenseng Infanta ng Central Luzon sa
Pilipinas. Katulad ng iba pang mga wika sa bansa, ang Tina Sambal ay isang
Austronesian, Malayo-Polynesian. Gayunpaman, ang terminong Tina ay itinuturing
na bangkiwi na nangangahulugang biro o paglalaro ng mga salita, sa Sambal
Botolan. Kaya, karamihan sa mga ispeker ng Tina Sambal ay hindi kinilala ang
termino bilang tawag sa kanila. Kaugnay nito, tinatangka ng pag-aaral na ito na
maidokumento at mailarawan ang wikang Tina Sambal.
1.1 Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang mga tunog o fonim na bumubuo


sa wikang Tina Sambal. Nilalayon nitong matukoy at matalakay ang mga fonim na
segmental, suprasegmental at fonotaktiks.

1.2 Metodolohiya

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa presentasyon at analisis ng datos.


Interbyu o pakikipagpanayam ang ginamit sa pangangalap ng datos.

1.2.1 Pangongolekta ng Datos

Personal na ininterbyu ng mananaliksik ang informant. May


pagkakataon ding ginamit ang messenger app sa pakikipag-usap sa informant.
Sa pamamagitan ng voice message o voice email ng nasabing app, ay
naipapadala ng informant sa mananaliksik ang mga datos.

Binubuo ng 189 na salita ang eliciting material na ginamit sa


pangangalap ng datos. Ibinatay ang mga salitang ito sa listahan ng mga salita
ni Swadesh.

1.2.2 Informant

Ginamit na informant sa pag-aaral ang isang neytib ispeker ng wikang


Tina Sambal. Siya ay 48 taong gulang at nagmula sa Santa Cruz, Zambales.
Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Brgy. Suarez, Iligan City. Bagaman
nasa Iligan na ang informant, ginagamit pa rin niya ang kaniyang unang wika
sa pakikipag-usap sa loob ng tahanan.
2.0 Presentasyon at Analysis ng Datos

Fonoloji ang tawag sa pag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Makabuluhang


tunog kapag ito ay may dalang kahulugan at kung wala naman, itinuturing itong
ingay. Tunguhin nitong mailarawan ang mga patern ng natatanging tunog na ginamit
sa isang wika. Fonim ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang
wika. Nakikilala ang kahulugan ng fonim kung maipapakitang magkaiba ang mga ito
sa magkakatulad na kapaligiran tulad ng ‘oso’ na isang uri ng hayop at ‘uso’, isang
moda (Garcia, 2020:3-4). Masasabi na ang dalawang magkaibang tunog katulad ng
/o/ at /u/ sa mga salitang ‘oso’ at ‘uso’, ay nakakaapekto sa kabuuang struktura ng
pangugusap. Bawat tunog na bubuo sa bawat salita ay nagdadala ng kahulugan. Sa
salitang ‘babaye’ at ‘babayi’, ang /e/ at /i/ ay hindi magkaibang tunog kundi mga
tunog ng iisang ponemang may simbolong /ɪ/ dahil iisa lamang ang kahulugan nito.

Sa bahaging segmental, ang pagbigkas ay isang linyar na sekwens ng mga


segment sa maikling duresyon. Inilarawan dito ang tunog ng mga vawel at konsonant
ng isang partikular na wika na may katumbas na simbolo. Nabibigkas ang mga vawel
sa paraang pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila (posisyon ng
dila) sa pagbabagu-bago ng hugis ng bibig. Sa konsonant naman, natutukoy ang
paraan ng artikulesyon (ang paraan ng paglabas ng hangin) at punto ng artikulesyon
(pinakamaliit na guwang o hindi makalabas na hangin). Bukod dito, malalaman din
na voiced o voiceless ang isang konsonant sa pamamagitan ng vibration na tunog sa
leeg kapag binibigkas ang partikular na tunog. Suprasegmental naman ang tawag sa
ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolo na may dalang kahulugan.
Malalaman kung epektibo ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagbigkas ng
bawat silabol batay sa tono, diin, intonasyon at antala.
2.1 Fonim na Segmental

2.1.1 Mga Konsonant

Ang wikang Tina Sambal ay may labing-anim (16) na fonemik consonant. Ang lahat
ng ito ay walang aspiresyon. Ang lahat ng mga stap ay makikita sa unahan, gitna at
huling silabol ng salita maliban sa glottal na /ʔ/.

Batay sa punto ng artikulesyon, ang baylebyal ay mga tunog na


nangangahulugang paglalapat ng mga labi sa pagbigkas na maaaring pasara o stap,
pailong o neysal. Dental o pangipin ang pagdidiit ng dulo ng dila at ng ngipin.
Alvyolar kapag binibigkas na ang dila ay tumatama o lumalapit sa alveolar ridge,
isang maliit na ridge sa likod ng itaas na ngipin. Para naman sa Alvyo-palatal, ang
posisyon ng dila ay malapit sa ngalangala habang. Velar kung pagdidiit ng likod ng
dila at lumalapit ang dila sa velum. Glotal naman kapag paimpit o napipigilan ang
paglabas ng hangin.

Para sa pamamaraan ng artikulesyon o paraan ng paglabas ng hangin, stap


kapag pabuga ang paglabas ng hangin at napipigil ang paglabas ng hangin; neysal
kapag lumalabas ang hangin sa ilong; frikativ kapag lumalabas ang hangin sa makitid
na daanan sa pagitan ng artikulador at punto ng artikulesyon; tap kapag buhat ito sa
sunud-sunud na galaw ng dila; lateral naman kapag lumalabas ang hangin sa
magkabila ng dila tungo sa sentro ng dila na siyang pumipigil dito. Nahahati rin ito sa
pagkakaroon ng tinig (voiced) at di-pagkakaroon ng tinig (voiceless). May tinig
kapag gumagalaw ang larynx at nagkakaroon ng vibration sa pagbigkas at walang
tinig kung hindi gumagalaw ang larynx kaya walang tunog na lumalabas.

Sa Teybol 2.1, makikita ang plot ng mga fonemik consonant ng Tina Sambal.
Labyo- Alvyo- Glotal
Baylebyal Dental Alvyolar Velar
Dental Palatal

vl. p t k ʔ
Stap
vd. b d g

vl. s h
Frikativ
vd.

Trill r

Neysal m n ɳ

Likwid
l
Lateral vd.

Glayd w y[j]

Teybol 2.1. Fonemik chart ng wikang Tina Sambal

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang mga fonim sa Tina Sambal. Ibibigay ang
Filipino at English gloss para sa mga halimbawa sa ganitong format: ['bʌkil]
‘bundok; mountain.’ Ginamit na eliciting material ang Swadesh list kung saan
ibinatay ang 189 na mga salita para sa Englsih gloss.

2.1.1.1 Mga Stap

Ang Tina Sambal ay may pitong stap – tatlo ang may tinig (voiced) at apat
naman ang wala (voiceless). Makikita ang mga ito sa unahan, gitna at huling bahagi
ng salita.
2.1.1.1.1 Baylebyal

2.1.1.1.1.1 /b/: voiced baylebyal stap

Unahan

/'bʊkot/ ‘likod; back’

/bʊ'tʊl/ ‘buto; bone’

/bɪ'tɪs/ ‘bente; leg’

/'bʌʔjʌ/ ‘atay; liver’

Gitna

/ʌl'bʌn/ ‘lahat; all’

/gʌ'bʊk/ ‘alikabok; dust’

/ʔɪ'bɪ/ ‘bigay; to give’

/jʌ'bɪ/ ‘gabi; night’

Huli

2.1.1.1.1.2 /p/: voiced beylebyal stap

Unahan

/pʊ'sʊʔ/ ‘puso; heart’

/'pʌʔnumʌn/ ‘paano; how’

/'pʊʔon/ ‘puno; tree’

Gitna
/'lʊpɪs/ ‘balat; skin (of a person)’

/'tʊʔpʌk/ ‘basa; wet’

/'ŋɪpʊn/ ‘ngipin; tooth (front)’

/lʊ'pʊt/ hangin; wind (breeze)’

Huli

/'ʌjʊp/ ‘hayop; animal’

/mʌlʌ'jʊp/ ‘lamig; cold (weather)’

/'ʔɪkʌp/ ‘laro; to play’

2.1.1.1.2 Dental

Ang mga tunong na ito ay karaniwang alvyolar sa ibang mga wika ngunit
dental ito sa wikang Tina sambal, dahil sa pagbigkas ng mga tunog na ito ay may
pagdidiit na nangyayari sa pagitan ng dulo ng dila at ng ngipin.

May alofown ang /d/ na [r] sa ibang salita ng Tina Sambal kung saan
maaaring sa pagsulat o pagbigkas ay nagkakapalitan ang mga ito.

2.1.1.1.2.1 /d/: voiced dental stap

Unahan

/du'kʌ/ ‘masama; bad’

/'dʌjʌ/ ‘dugo; blood’

/'dɪkʊt/ ‘damo; grass’


Gitna

/'jʌdtɛ/ ‘ito; this’

Huli

/bɪr'tʊd/ ‘alindog; charm’

2.1.1.1.2.2 /t/: voiceless dental stap

Unahan

/tʌj'sʊp/ ‘hipan; to blow (wind)’

/tʊtʊl'jʌn/ ‘tenga; ear’

/tʊk'lʊ/ ‘upo; sit’

Gɪtna

/bʊ'tʊl/ ‘buto; bone’

/'ʔɪtʌ.ɪ/ ‘sa; at’

Huli

/'ʔʊjʌt/ ‘ugat; root’

/'mʌʔmʊt/ ‘mainit-init; warm’

/mʌb'jʌt/ ‘mabigat; heavy’

2.1.1.1.3 Velar

2.1.1.1.3.1 /g/: voiced velar stap

Unahan
/gʌ'mɘt/ ‘kamay; hand’

/'gʌʔgʊt/ ‘hawak; hold (in hand)’

/'gʊʔrʌj/ ‘kalmot; scratch (itch)’

Gitna

/tɪ'goʔ/ ‘asal; conduct’

Huli

/hʌm'bʊg/ ‘hambog; cocky’

2.1.1.1.3.2 /k/: voiceless velar stap

Unahan

/'kʌmjʌt/ ‘kumagat; to bite’

/kʌ'mʊl/ ‘mapurol; dull (knife)’

/kʌlʌm'ʔʌn/ ‘kasama; with (accompanying)’

/kʊ'nʌʔ/ ‘isda; fish’

Gitna

/'nʌkʌʔnʊ/ ‘kailan; when’

/mʌk'lʌŋ/ ‘tuyo; dry (substance)’

/mʌkʌ'tiŋ/ ‘kaunti; few’


/ʔɪ'kʊj/ ‘buntot; tail’

Huli

/ʔʌ'nʌk/ ‘bata; child (young)’

/'mʌʔlʊk/ ‘matulog; to sleep’

/'ʔʌsʊk/ ‘usok; smoke’

2.1.1.1.4 Glottal

Walang nagsisimula at nagtatapos sa patinig kung ang tunog sa Tina Sambal


ang pag-uusapan maging sa ibang mga wika, lahat ay nagtatapos sa katinig. Ang
glottal stop ang conventional na onset ng mga salitang nagsisimula sa vawel sa
ortografi.

Maipapakita lamang ito sa pagsulat ng mga fonim at hindi sa paraan ng


pagsulat. Tunog ang pinag-uusapan dito kaya ang mga nagsisimula at nagtatapos sa
/ʔ/ ay naririnig lamang at hindi nakikita sa pagsulat.

2.1.1.1.4.1 /ʔ/: voiceless glottal stap

Unahan

/'ʔʌwlo/ ‘araw; day ‘

/'ʔʌjɪ/ ‘paa; foot’

/'ʔʊlʌj/ ‘ahas; snake’

Gitna

/'bʌʔjʊ/ ‘bago; new’


/'lʊʔʊy/ ‘leeg; neck’

Huli

/mʌtɪb'jʌʔ/ ‘pula; red’

/lʌ'koʔ/ ‘lakad; walk’

2.1.1.2 Mga Neysal

Ang mga tunog na /m/ (baylebyal), /n/ (alvyolar), at /ŋ/ ( velar) ang tatlong
neysal sa Tina Sambal. Lahat ng tunog ay voiced at maaaring makita sa unahan, gita
at huling bahagi ng salita.

2.1.1.2.1 Baylebyal

2.1.1.2.1.1 /m/: voiced baylebyal neysal

Unahan

/'mʌbjʌt/ ‘mabigat; heavy’

/mʌtʊj'nʊng/ ‘tuwid; straight’

/mʌnʌ'bɪ/ ‘mahulog; to fall’

Gitna

/ʔɪ'nʊmdʊŋ/ ‘tumayo; to stand’

/'ŋʌʔmɪn/ ‘kasi; because’


Huli

/mʌ'tʌrʊm/ ‘matalim; sharp (knife)’

/lʌ'nɘm/ ‘tubig; water’

2.1.1.3 Alvyolar

2.1.1.3.1 /n/: voiced alveolar neysal

Unahan

/nʌ'tɪ/ ‘mamatay; to die’

/nɪ'lʊmtʌw/ ‘lumutang; to float’

/'nɘ/ ‘kung; if’

Gitna

/'wʌnʌn/ ‘kanan; right (hand)’

/bɪndɪ/ ‘binhi; seed’

Huli

/'tʌn/ ‘at; and’

/tʊtʊl'jʌn/ ‘tenga; ear’

/'ŋʌlʌn/ ‘pangalan; name’

2.1.1.4 Velar

2.1.1.4.1 /ŋ/: voiced velar neysal


Unahan

/'ŋʌlʌn/ ‘pangalan; name’

/'ŋipon/ ‘ngipin; teeth (front)’

Gitna

/mʌl'ŋʊʔ/ ‘marinig; to hear’

/mʌŋɪ'tɪt/ ‘itim; black’

Huli

/mʌk'lʌŋ/ ‘tuyo; dry (substance’

/mʌkʌ'tɪŋ/ ‘maliit; small’

2.1.1.5 Trill

Ang fown na [r] ay isang trill sa wikang Tina Sambal dahil kapag binibigkas
ang tunog na ito, may vibresyon na namumuo sa pagitan ng aktiv at pasiv na
artikulador. Iilan lamang ang mga salitang nagtatapos sa fonim na /r/.

2.1.1.5.1 Alvyolar

2.1.1.5.1.1 /r/: voiced alvyolar trill

Unahan

/rɪn'dʌ/ ‘renda; bridle’


Gitna

/bɪr'tʊd/ ‘alindog; charm’

/'ʔʌndɪrɪt/ ‘kuliglig; cricket’

/kʌr'sʌdʌ/ ‘kalsada; road’

Huli

/lʊ'pʌr/ ‘lipad; flight’

/tʊ'ʊr/ ‘tuhod; knee’

2.1.1.6 Mga Frikativ

Frikativ ang isang konsonant kapag ang artikulador ay bahagyang pagsara sa


bibig – kapag lumalabas ang hangin sa makitid na daan sa pagitan ng artikulador at
punto ng artikulasyon. Ang mga fonim na /s/ at /h/ ang mga frikativ ng Tina Sambal
na parehong walang tinig (voiceless). Makikita ito sa lahat ng posisyon sa salita.

2.1.1.6.1 Alvyolar

2.1.1.6.1.1 /s/: voiceless alvyolar frikativ

Unahan

/'sʌlʌy/ ‘itlog; egg’

/sɪ'rʌʔ/ ‘bulok; rotten (log)

/sʌ'bʊt/ ‘buhok; hair’

Gitna
/'ʔʌsʌ/ ‘isa; one’

/'ʔʌjsɪŋ/ ‘damit; clothes’

Huli

/'ʔʊlʌndɪs/ ‘langgam; ant’

2.1.1.6.1.2 /h/ voiceless glottal fricative

Unahan

/hʊmɪnʌ'wʌ/ ‘huminga; to breathe’

/'hʌnʌy/ ‘ina; mother’

/'hɛlʌ/ ‘sila; they’

/'hɪʔnʊ/ ‘sino; who’

Gitna

/jʌbʌhon/ ‘lukutin; crumple’

Huli

/'lʊpʌh/ ‘mukha; face;

/mʌgʌ'noh/ ‘madali; covenient’

2.1.1.7 Lateral Approximant


Ang fonim na /l/ ang likwid lateral ng wikang Tina Sambal. Karaniwang
makikita sa unahang bahagi ng salita na sinusundan ng vawel at konsononant. Nasa
pagitan ng dalawang vawel naman kapag nasa gitna ang posisyon tulad ng /ʔʌloŋ/
(‘ilong; nose’), kung saan nasa pagitan ng dalawang fonemik vawel na /a/ at /o/ ang
fonim na /l/. Maaari itong Makita sa lahat ng posisyon ng salita.

2.1.1.7.1 Alvyolar

2.1.1.7.2 /l/: voiced alvyolar lateral approximant

Unahan

/'lʊtʌʔ/ ‘lupa; earth (soil)’

/lʌmɪsʌ'wʌn/ ‘lamesa; table’

/lʌlʊ'mʌ/ ‘iba; other’

Gitna

/'ʔʌloŋ/ ‘ilong; nose’

/ʔʊlʊl/ ‘uod; worm’

Huli

/bʊ'tol/ ‘buto; bone’

/'bʌkɪl/ ‘bundok; mountain’


2.1.1.8 Glayd

May dalawang Glayd ang Tina Sambal, ang mga fonim na /w/ at /j/ kung saan
halos magkatulad ang pagbigkas nito sa vawel at halos katulad din ang function sa
consonant kaya tinawag ding semivowel o semikonsonant.

2.1.1.8.1 Labyovelar

2.1.1.8.1.1 /w/: voiced labyovelar glayd

Unahan

/'wʌnʌn/ ‘kanan; right (hand)’

/wʌ'lo/ ‘walo; eight’

Gitna

/'lʊwʌ/ ‘dalawa; two’

/'tʌwʊ/ ‘tao; person’

Huli

/mʌsʊl'yʌw/ ‘dilaw; yellow’

/nɪ'lʊmtʌw/ ‘lumutang; to float’

2.1.1.8.2 Palatal

2.1.1.8.2.1 /j/: voiced palatal glayd


Unahan

/'jʌdtɛ/ ‘ito; this’

/'jʌʔrɪn/ ‘iyan; that’

/jʌ'bɪ/ ‘gabi; night’

Gitna

/'ʔʌjɪ/ ‘paa; foot’

/'ʔɪjʌ/ ‘siya; he’

Huli

/'ʔʊlʌj/ ‘ahas; snake’

/'gʊʔrʌj/ ‘kalmot; scratch (itch)’

/ʔɪ'kʊj/ ‘buntot; tail’

2.1.2 Mga Vawel


May apat na fonemik vawel ang Tina Sambal. Mula sa 100 na mga salita sa
eliciting material, personal na ipinabasa ang listahan ng mga salita sa informant at
may pagkakataon na ginamit ang messenger app sa pakikipag-usap. Sa pamamagitan
ng voice message o voice mail ng nasabing app, natuklasan ng mananaliksik na apat
ang fonemik vawel ng nasabing wika. Ang /ʌ/ ng Tina Sambal ay binbigkas na [ʌ],
kung saan pagitna (pabukas) na palikod ang paraan ng pagbigkas at bahagyang
pabilog ang hugis ng bibig. Ang /ɪ/ ay binibigkas na [ɪ], pataas (pasara) na paharap

ang paraan ng pagbigkas at di-pabilog ang hugis ng bibig. Ang /ɘ/ ay binibigkas na

[ɘ], pataas (pagitna) na papasentral ang paraan ng pagbigkas at mas mahina ang
pagbigkas nito kaysa sa /ə/ o schwa. Ang /o/ ay binibigkas na [o], kung saan pagitna
(pasara) na palikod ang paraan ng pagbigkas at pabilog ang hugis ng bibig. Sa
ginawang pagsusuri, natuklasan na ang salitang lowa (two), ay binibigkas na [‘luwa]
at hindi [‘lowa]. Sa ortografi, maaaring “o” ang nakasulat sa halip na “u”, ngunit sa
fonetik na pagsusuri, /ʊ/ ang ginamit dahil tunog ang basehan ng pag-aaral at hindi
letra.

Sa Teybol 2.2, makikita ang plot ng mga fonemik vawel ng Tina Sambal.

Paharap Pasentral Palikod


Pataas ɪ ʊ

Pagitna ɘ
Pababa ʌ
(di-pabilog) (pabilog)
Teybol 2.2. Fonemik chart ng wikang Tina Sambal.

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang mga fonemik vawel ng Tina Sambal.

2.1.2.1 /ʌ/: bukas, pagitna na palikod, pabilog


Sa wikang Tina Sambal, ang fonim na /ʌ/ ay binigkas nang pababa na palikod
kung saan pababa ang posisyon ng dila habang palikod ang sa lalamunan. Mas
matunog o sonorous ito kung nasa open syllable dahil nangingibabaw ang tunog nito
sa unahang konsonant. Mas mahina naman ang tunog kung nasa closed silabol.
Gitna

Open: /lʌ'moʔ/ ‘asawang babae; wife’

/'dʌjʌ/ ‘dugo; blood’

Closed: /ʔʌl'bʌn/ ‘lahat; all’

Huli

Open: /'ʔʌnjʌ/ ‘ano; what’

/'ʔɪkʌ/ ‘ikaw; you’

2.1.2.2 /ɘ/: pagitna na pasentral

Ang tunog na [ɘ] ay mas mahina ang pagbigkas kaysa sa [ə] schwa.
Iilan lamang ang mga salita ng Tina Sambal na may fonim na /ɘ/.

Gitna

Open: /bɘ'bɘj/ ‘bibig; mouth’

2.1.2.3 /ɪ/: pataas na paharap, di-pabilog

Ang mga sumusunod ay ilang halimbawang salita ng Tina Sambal na may


fonim na /ɪ/. Maituturing na alofown ng /ɪ/ ang [ɛ] dahil walang pagbabago sa
kahulugan ang magaganap kung mabibigkas ito na [ɪ]. Kadalasan itong maririnig sa
mga hiram na salita.
Gitna

Open: /sɪ'rʌʔ/ ‘bulok; rotten’

Closed: /mʌtɪb'jʌ/ ‘pula; red’

Huli:

Open: /'ʔʌjɪ/ ‘paa; foot’

/mʌrʌ'nɪ/ ‘malapit; near’

2.1.2.4 /ʊ/: pataas na palikod, pabilog,

Pataas na palikod kung binibigkas ang fonim na /ʊ/, kung saan pataas ang
posisyon ng dila habang pasentral ang sa lalamunan. Ang fonim na /ʊ/ ang tunog ng
simbolong “u” sa ortografi. Maaaring nagkakaiba ang tunog [o] sa fonim na /ʊ/ sa
mga salita tulad ng lowa ‘two’ at luwa ‘tears.’ Batay naman sa analisis mula sa
pagbigkas ng informant sa salitang lowa (two), ay binibigkas na [‘luwa] at hindi
[lo’wa], kaya masasabing ang fonim na /ʊ/ ang gagamitin kahit na “o” ang simbolong
nakasulat sa ortografi. Napapanatili lamang ang fown na [o] sa mga hiram na mga
salit, ngunit walang pagbabago sa kahulugan kung mabibigkas na [ʊ].

Gitna

Open: /'lʊtʌʔ/ ‘lupa; earth (soil)’

/'tʊʔpʌk/ ‘basa; wet’

Huli:

Open: /'ʔʊmnʊ/ ‘ilan; some’

/'tʊklo/ ‘upo; sit’


2.2 Mga Fonim na Suprasegmental

Ang mga fonim na suprasegmental ay tumutukoy sa mahalagang yunit ng


tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sinisimbolo ito ng
notasyong fonemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng fonim
na suprasegmental ay diin, haba, tono at antala.

2.2.1 Diin o Stress

Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas o emphasis ng pantig sa isang


salita. Ginagamit na simbolo ang /ˈ/ upang matukoy ang silabol ng salita na may diin.
Karaniwang makikita sa huling dalawang pantig o penultima ang diin ng salita. Sa
wikang Tina Sambal, mahalaga ang diin sa bawat salita dahil nababago ang
kahulugan ng salita sa pag-iiba ng diin.

Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng ultima (ang pantig buhat sa
hulihan) at penultima (ikalawang pantig buhat sa hulihan) sa bawat salita ng Tina
Sambal.

2.2.1.1 Ultima

/tʊtʊl'jʌn/ ‘tenga; ear’

/gʌ'bʊk/ ‘alikabok; dust’

/ʔɪ'bɪ/ ‘bigay; to give’

/mʌsʊl'jʌw/ ‘dilaw; yellow’

/mʌrʌ'nɪ/ ‘malapit; near’


2.2.1.2 Penultima

/'ʔʌjɪ/ ‘paa; foot’

/'bʊkʊt/ ‘likod; back’

/'ʔɪkʌp/ ‘laro; to play’

/lʌ'lʊmʌ/ ‘iba; other’

/hʊmɪnʌ'wʌ/ ‘huminga; to breathe’

Minimal pair

/lʌ'koʔ/ ‘marami; many’

/'lʌkoʔ/ ‘paninda; merchandise’

2.2.2 Haba o Length

Ang haba ay ang haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa vawel ng


silabol ng salita. Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang silabol ng salita na
may diin. Nangyayari ang pagpapahaba kapag may dalawang vawel sa salita at
nakakaltas ang isa.
Ang mga sumusunod ay ilang salita sa Tina Sambal na may haba:

/'dʌʔʌn/ ['da:n] ‘luma; old’

/'mʌʔʌntor/ ['mʌ:ntor] ‘maikli; short’

/'mʌʔʌnlɪ/ ['mʌ:nlɪ] ‘mahaba; long’


2.2.3 Tono at Intonesyon

Ang intonesyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Bawat tao ay may kani-kaniyang
paraan ng pagbigkas ngunit may norm sa pagsasalita upang higit na magkaunawaan
ang nag-uusap. Hindi dapat ipagkamali ang intonesyon sa punto at tono ng
pagsasalita. Ang punto ay ang rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Tina
Sambal sa ibang mga wika. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng
tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono, ngunit iisa ang
intonesyon.

Kapag normal na pagsasalita, karananiwang nagsisimula sa lebel 2 ang mga


pangungusap. Ngunit, umaabot sa lebel 3 kapag nagtatanong, at lebel 1 kung pahayag
lamang.

2.2.3.1 Lebel ng tono

2
1

Mga halimbawang parirala na nagpapakita ng pagtaas (↑) at pagbaba(↓) ng tinig.

2.2.3.1.1 Pakiusap

Gaw-on mo yoy nay da lan ↓ “Pakigawa na ninyo ang mga daan.”

2.2.3.1.2 Padamdam

Hay katawan! ↑ “Diyos ko!”


2.2.3.1.3 Panagot sa tanong

Ya. Nayari ko nay nangan ↓ “Oo. Tapos na akong kumain”

2.2.3.1.4 Pahayag

Nayare yay na Denis ↓ “Tapos na si Denis”

2.2.3.1.5 Patanong/ Interogatib

Ma linis ana duman? ↑ “Malinis na ba?”

2.3 Fonotaktiks

Fonotaktiks ang tawag sa kombinasyon o sekwens ng mga fonim sa isang


partikular na wika. Tinutukoy nito ang pinahihintulutang silabol straktyur, consonant
clasters at sekwens ng vawel sa pamamagitan ng fonotaktik konstreynts.

2.3.1 Mga Diptong

Ang Diptonggo ay bunga ng kombinasyon ng mga vawel na sinusundan ng


glayd. May apat na diptonngo ang Tina sambal. Makikita ito sa teybol sa ibaba.

Teybol 2.3 Mga Diptonggo ng Tina Sambal

Diptonggo Halimbawa
/sʌlʌj/ ‘itlog; egg’
/ʌj/ /'hʌnʌj / ‘ina; mother’
/'guʔrʌj/ ‘kalmot; scratch
(itch)’
/ʔulʌj/ ‘ahas; snake’
/ʔɪ'tʌw/ ‘doon; there’
/ʌw/ /mʌk'sʌw/ ‘malakas; strong’
/mʌsʊl'jʌw/ ‘dilaw; yellow’
/nɪ'lʊmtaw/ ‘lumutang; to float’
/ɪw/ /sɪsɪw/ ‘sisiw; chick’
/ɘj/ /bɘ'bɘj/ ‘bibig; mouth

/'lʊʔʊj/ ‘leeg; neck’


/ʊj/
/ɪkʊj/ ‘buntot; tail’

Maaaring magkakapalitan ang /uj/ at [oj] sa salitang ‘ikoy’ dahil magkatulad


lamang ang pagbigkas nito. Kahit na papalitan ng /uj/ ang [oj], walang pagbabago sa
kahulugan ang mangyayari dahil variant ang mga ito.

/i’kuy/ ~ [i’koy] ‘buntot; tail’

2.3.2 Mga Konsonant Klaster

Matatagpuan ang mga klaster sa mga salitang banyagang nasama na sa


bokabularyo ng Tina Sambal. Ito ay binubuo ng dalawang konsonant na nasa isang
silabol lamang. Hindi lamang buhat sa wikang Kastila o Ingles ang kinapapalooban
ng mga klaster sa Tina Sambal kundi impluwensiya na rin sa ibang wika tulad ng
Tagalog at Kapapampangan. Nabubuo ito buhat ng pagkawala ng vawel sa
pagitan ng dalawang konsonant sa isang salita. Kadalasan ginagamit ang mga ito sa
hiram na mga salita dahil hindi masyadong nagagamit ang klaster sa bokabularong
Tina Sambal.

l r w j
b /'tʊblɪŋ/ /'brʌsʊ/ /mʌmʌl'bwʌt/ /mʌtɪ.'bjʌ/
‘tudling; furrow’ ‘braso; arm’ ‘magsaka; ‘buhusang
farm’ bigla; flush’
p /'plʌŋgʌnʌ/ /'prʌnɪlʌ/ /pjʌn'sʌ/
Palanggana; basin ‘planela; ‘piyansa; bail’
flannel’
t /trʌŋ'kʌsʊ/
‘trangkaso;
flu’
k /'klɪmʌ/ /'krʊs/ /kwɪr'dʌs/ /'tʌkjʌj/
‘klima; climate’ ‘krus; cross’ ‘kuwerdas; ‘bisig;
chord' forearm’
g /'glʊb/ /'grɪpʊ/ /'ʌgwʌn'tʌhʌn/
‘globo; globe’ ‘gripo; faucet’ ‘tiisin; endure’
m /'hʌmlɪŋ/ /'mwɪblɪs/
‘salamin; mirror’ ‘muwebles;
furniture’
Teybol 2.4 Mga Konsonant klaster ng Tina Sambal

2.3.3 Silabol Straktyur

Nahahati sa dalawang uri ang silabol, KV (konsonant-vawel) at KVK


(konsonant-vawel-konsonant). KV ang core silabol ng Tina Sambal. Sa pagkakaroon
naman ng klaster, ang silabikesyon ay magiging KKVK o KVKK. Kapag nagsisimula
naman sa vawel ang salita ay KV pa rin ang pattern buhat ng glottal stap bago ang
Posisyon Silabol
/KV/ /KVK/
Inisyal /'dʌ.jʌ/ ‘dugo; blood’ /mʌb.'jʌt/ ‘mabigat;
heavy’
Midyal /mʌ.kʌ.'tiŋ/ ‘kaunti; few’ /tʊ.tʊl.'jʌn/ ‘tenga; ear’
Faynal /jʌ.'bɪ/ ‘gabi; night’ /mʌ.ŋɪ.'tɪt/ ‘itim; black’
vawel. Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng silabol sekwens ng Tina Sambal.

Teybol 2.5 Silabol Straktyur ng Tina Sambal

Bilang
ng Straktyur ng Silabol Halimbawa
Silabol
KV /'nʊ/ ‘kung; if’
KVK /'tʌn/ ‘at; and’
1
KV-KVK /lʊ.'pʌr/ ‘lipad; flight’
KV-KVK /'bʊ.kʊt/ ‘likod; back’
2
KV-KV-KVK /lu.mɪ. 'bʊr/ ‘umikot; to turn’
3
KV-KV-KVK /mʌ.'kɪ.pʊt/ ‘makitid; narrow’
KV-KV-KV-KVK /mʌ. ŋʌ.bʌ.'gʌt/ ‘umulan; to rain’
4 KV-KV-KV-KVK
/kʌ.lɪ.gʌ.'wʌn/ ‘tuwa; joy’
5 KV-KV-KV-KV-KVK /ʔʌ.sɪ.kʌ.sʊ.'wʊn/ ‘batiin; hail’
Teybol 2.6 Silabol Straktyur ng Tina Sambal
Binubuo ng nukleyus (N) at dalawang margin – ang onset (O) at koda (K) ang
isang silabol. Ang rima (R) naman ay binubuo ng nukleyus at Koda.Walang
nagsisimula na vawel sa isang silabol kung tunog ang pag-uusapan, kaya sa pagsulat
ng fonim palaging nagsisimula sa glottal stap bago ang vawel. Sa bahagi ng silabol,
ginagamit ang simbolong [σ] para katawanin ang silabol at simbolong [.] naman sa
pagsasaad ng boundary ng silabol. Ang sumusunod ay ang silabol straktyur ng ilang
salita ng Tina Sambal gamit ang tree diagram.

/tʊ.tʊl.'jʌn/ ‘tenga; ear’

σ σ σ

O R O R O R

N N K N K

t ʊ t ʊ l j ʌ n

/'ʔʌ.loŋ/ ‘ilong; nose’

σ σ

O R O R

N N K
ʔ ʌ l o ŋ
/lʌmɪsʌ'wʌn/ ‘mesa; table’

σ σ σ σ

O R O R O R O R

N N N N K

l ʌ m ɪ s ʌ w ʌ n

3.0 Konklusyon

Sa kabuuang resulta ng ginawang pag-aaral, natuklasan na may


dalawampung makabuluhang tunog ang wikang Tina Sambal. Labing-anim na
fonemik konsonant at apat na fonemik vawel. Nahahati sa dalawang segment ang
pagbuo ng fonim, ang mga fonim na segmental at suprasegmental kung saan
ipinaliwanag sa pag-aaral kung ano ang paraan ng pagbigkas ng mga konsonant at
vawel. Para sa mga konsonant, nabubuo ang bawat fonim sa punto at paraan ng
artikulesyon. Habang sa mga vawel, nabubuo sa pamamagitan ng posisyon ng
dila, lalamunan at hugis ng bibig kapag binibigkas ang bawat fown.
Para sa mga fonim na Suprasegmental naman, binigyan ng halimbawa ang
diin, haba, tono at intonesyon ang ilang salita ng Tina Sambal bilang pantulong sa
mga fonim na segmental. Mayroon din itong anim na consonant klaster at limang
diptonggo. Hanggang limang silabol mayroon ang salita ng Tina Sambal at KV
ang core silabol nito, kung saan ang lahat ng sinusulat sa ortografi ay na
nagsisimula sa vawel ay KV pa rin ang sekwens dahil sa glotal stap batay sa
fonoloji. Maaari ring KV, KVK o KKVK ang straktyur ng silabol nito. Binigyan
linaw din sa pag-aaral kung bakit “Tina Sambal” ang tawag sa mga ispeker sa
mga munisipalidad ng Santa Cruz, Masinloc, Iba at Pangasinenseng Infanta ng
Central Luzon sa Pilipinas.
MGA REPERENSYA:

Arrosas, N. (w.p.). Figure 1. Consonants System in Filipino Language Manner of


Articulation Voicing Place of Articulation. Kinuha noong ika-7 ng Oktubre,
2020. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/33021955/Figure_1_Consonants_System_in_Filipin
o_Language_Manner_of_Articulation_Voicing_Place_of_Articulation

Elgincolin, S. B., Goschnick, H. E., Elgincolin, P. R. (1988). English-Tina Sambal-


Pilipino Dictionary: Tina Sambal Trilingual Dictionary. Manila: Summer
Institute of Linguistics.
https://www.sil.org/system/files/reapdata/36/89/63/36896375477009578944843
947439103337297/xsb_English_Tina_Sambal_Pilipino_Dictionary__1988.pdf

Garcia, L. (1992). Ponemang Segmental. Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon,


856 Nicanor Reyes St.: Rex Book Store.

Ladefoged, P. (2014). Trills. Britannica Encyclopedia. Kinuha noong ika-7 ng


Oktubre, 2020. mula sa https://www.britannica.com/science/phonetics/Trills

Lewis, M.P., Simons, G., Fennig, C., (2015) Ethnologue: Language of the
Philippines,Eighteenth Edition. Dallas, Texas: SIL International

Spencer, A. (1996). Phonology: theory and description. Oxford, UK: Blackwell


Publishers, 1996. Limbag.

WikiVisually.(w.p.). Sambal language. Kinuha noong ika-25 ng Setyembre, 2020.


Kinuha mula sa https://wikivisually.com/wiki/Sambal_language

You might also like