Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

El Filibusterismo

Kasawian sa Pag-ibig

Tauhan:
Kapitan Tiyago, Basilio, Simon, Juli, Padre Camorra, Propesor, Sundalo, Hermana Penchang,
Hermana Bali, Makaraig, Kaibigan ni Basilio
TAGAPAGSALAYSAY: Naging sobrang bugnutin si Kapitan Tiyago. Unti-unti kasing
binabawasan ni Basilio ang ibinibigay ditong opyo. May ilang
okasyong nag-aalboroto ang matanda. Kapag sobrang
nagwawala, doon lamang nagiging mapagbigay si Basilio.
Awang-awang tinuturukan niya ng sapat na pampakalma
ang matanda. Ilang sandali lang ay makukuntenti na ang
ngingisi-ngising alipin ng droga. Ngingiti ito at malakas na
tatawa. Tatawagin nito ang inampon bilang anak niya. Maya-
maya ay ngunguyngoy ang matanda na tila isang munting
bata hanggang sa makatulog.
Sapagkat nakatulog na ang matanda, bumalik na si Basilio
sa kaniyang silid at pinatuloy ang kaniyang pagbabasa.
Subalit napahinto ang binata nang may naulinigan siya.
Mararahang yabag iyon na papalapit sa kaniya.
BASILIO: Si..sino yan?
[Marahang bumukas ang pinto at tumambad sa liwanag ng lampara si Ginoong Simoun]
SIMOUN: Kumusta ang lagay ni Kapitan Tiyago?
BASILIO: Nanghihina pa siya. Pabagu-bago ang tibok ng puso niya at
ayaw niyang tumikim man lamang ng anumang pagkain.
Sobra po siyang pinagpapawisan tuwing magmamadaling
araw.
SIMOUN: Delikado ba ang kaniyang kalagayan?
BASILIO: Pinananalaytayan po ng lason ang mga ugat niya. Wa-wala
po katiyakan ang mga ka-kalusugan niya. Kung sumablay po
ang paggagamutan namin ay ba-ba-baka matuluyan siya.
SIMOUN: Katulad ng bansa natin
[Hindi pinasin ni Basilio ang nais ipahiwatig ng mag-aalahas.]
BASILIO: Pinanghihina po siya ng lagim na susuungin.
SIMOUN: Katulad ng panghihina ng pamahalaan natin.
[Hindi sumagot si Basilio at tumahimik na lamang.]
SIMOUN: Ako’y naririto upang ika’y hikayatin muli, Basilio. Wala ng
panahon upang makipagtalo ka sa akin. Sasabog ang
rebolusyon sa isang hudyat ko. Alin ang pipiliin mo ngayon,
Basilio: kamatayan o kinabukasan?
BASILIO: Ka-kamatayan o ki-kinabukasan?
SIMOUN: Saan ka papanig: sa amin o sa pamahalaan? Hindi ka
maaaring pumagitna sa dalawang batong nag-uumpugan.
BASILIO: Ku-kung ako ay sasama sa inyo, ano ang inaasahan
ninyong bagay na babalikatin ko sa grupo?
SIMOUN: Ikaw ang pamamahalain kong magbubukas ng mga pinto sa
monastery. Ikaw ang…ikaw ang magtatakas kay Maria
Clara!
BASILIO: Ka-kay Maria Clara? Sa…sa anak ni Kapitan Tiyago sa
Monasteryo? Pe…pero nahuli na po tayo.
SIMOUN: Na..nahuli? Li-linawin mo ang sinasabi mo, Basilio!
BASILIO: Pumanaw na ang babaeng pinakama…. Ka-kaninang alas
sais. Binibihisan na po siya.
SIMOUN: Hindi. Hindi totoo ang sinasabi mo. Kasinungalingan!
[Lumuluhang paghihinagpis ni Simoun.] Hindi maaring
mamatay si Maria Clara. Naririto ako upang iligtas siya.
Itatakas ko siya sa monasteryo! Kailangang makita niya ako!
[Tumakbong palabas si Simoun habang isinisigaw ang pangalan ng babaeng kaniyang
iniirog.]
TAGAPAGSALAYSAY: Isang gabi, nagkaroon ng himagsikan.
TAGAPAGSALAYSAY: Habang naglalakad papunta sa ospital, malalim ang iniisip ni
Basilio. Nagising laman siya mula sa kaniyang isipan nang
siya ay tanungin ng isang kaibigan tungkol sa nangyaring
himagsikan.
BASILIO: Pag—pag—paghimagsik? (namimilog ang mga mata)
KAIBIGAN: Aba, oo! Bakit, ngayon mo lang ba nalaman ang tungkol sa
himagsikan?
BASILIO: Marami bang nadamay?
KAIBIGAN: Aba, marami. Maraming estudiante ang pinaghuhuli.
[Itinikom ni Basilio ang kaniyang bibig. Dali-dali siyang umalis. Subalit nasulubong niya
ang kaniyang propesor sa medisina.]
PROPESOR: Ikaw ba’y myembro ng Akademya ng Wikang Kastila?
BASILIO: Regular po akong nagbibigay ng butaw.
PROPESOR: Ipinapayo kong tumiwalag ka na sa samahan niño. Punitin
mo iho ang lahat ng dokumentong hawak-hawak mo. Tiyak
na mapapahamak ka kung magiging parang pagong ka sa
galaw at desisyon mo.
BASILIO: May kinalaman po ba si Senyor Simoun?
PROPESOR: Bakit masasangkot ang pangalan niya? Nasugatan siya ng
isang misteryosong kaaway. Nagpapagaling siya ngayon sa
kaniyang bahay.
BASILIO: (Nawala ang kava sa dibdib.) Ang mga tulisan po ba ang
pinakautak sa pag-aalsa?
PROPESOR: Walang binabanggit na tulisan. Mga estudiante raw ang
nagplano ng himagsikan.
BASILIO: Bakit po si-sinisi ang mga estudiante sa Pamantasan?
PROPESOR: Hindi mo ba nabalitaan? Nakakuha raw ng mga paskel ang
mga gwardya sibil sa mismong palarindingan ng
Pamantasan.
BASILIO: Ano ang kinalaman ng mga kabataan?
PROPESOR: Ano ang kinalaman? Lintik na sino pa nga naman daw ang
gagawa ng mga paskel kundi ang rebolusyonaryong
estudiante na kasapi sa inyong Akademya!
TAGAPAGSALAYSAY: Nang matapos ang kanilang konbersasyon, agad-agad
umalis si Basilio. Siya ay dumiretso kay Macaraig upang
hiraman ng pera.
MACARAIG: (Nagulat) Bakit ka naparito Basilio?
BASILIO: Gusto ko sana kitang makausap.
MACARAIG: Dapat kang batiin, Basilio. Umiwas kang makihalubilo sa
mga kaibigan mo sa Akademya sa oras ng kapayapaan.
Pero ngayon ay naririto ka sa mismong oras ng kaguluhan.
[May dumating na sundalo.]
SUNDALO: Ano ang buo mong pangalan, Indio?
BASILIO: Basilio Guerrero
SUNDALO: Salamat naman at hindi mo na kami pinahirapang hanapin
ka. Dinarakip ka rin namin.
BASILIO: Ano ang sabi ninyo? Dadakpin din ninyo ako?
<Bagong tagpo>
TAGAPAGSALAYSAY: Nabalitaan ni Juli ang nangyari kay Basilio na naging dahilan
sa kaniyang malubhang kalungkutan. Balita-balita ay
sasailalim daw sa paglilitis militar ang binatang pilibustero na
pagpapasyahang garotehen sa liwasang bayan. Alam ng
lahat na hindi mapapawalang sala si Basilio.
Siya ay humingi ng payo kay Hermana Penchang kung ano
ang kaniyang gawin para mapalaya si Basilio
JULI: Hermana Penchang, nais ko po sanang humingi ng payo
mula sa iyo kung paano ko matutulungan si Basilio nang
siya ay makalaya sa kulungan at makaiwas sa garote.
HERMANA PENCHANG: Si Padre Camorra lang ang makakatulong sa inyo. Siya ang
nagpalaya sa lolo mo. Siya rin ang makapagpapalaya sa
kasinatahan mong si Basilio!
JULI: Hindi kailanman ako hihingi ng tulong sa padreng iyan!
[Umalis]
HERMANA PENCHANG: Juli!
TAGAPAGSALAYSAY: Kinabukasan ay mugto pa rin ang mga matang namintana
ang dalaga. Inabangan niya ang mga balita.
HERMANA PENCHANG: Nakalaya na ang mga estudyante.
JULI: Talaga po? Si Basilio, nakalaya na po ba siya?
HERMANA PENCHANG: Ikinalulungkot ko subalit hindi nakalaya si Basilio at
posibleng ipatatapon siya sa Isla Carolina.
[Napakagat sa labi si Juli]
TAGAPAGSALAYSAY: Kahit takot ay pinilit ni Juli na pumunta kay Padre Camorra.
Kinain niya ang kaniyang mga salita. Subalit ano ba ang
kaniyang magagawa pa para maligtas lang si Basilio?
Dahan-dahan siyang tinutulak ni Hermana Penchang.
HERMANA PENCHANG: Halika na! Pumasok ka na.
[Pumasok na ang dalawang babae sa opisina ni Padre Camorra.]
PADRE CAMORRA: Ano ang maipaglilingkod ko mga binibini? [Parang manyak]
HERMANA PENCHANG: (Hinalikan ang kamay ng padre). Nais po sanang maghingi
ng tulong si Juli, ito pong kasama ko, mula sa iyo, Padre.
Nais po sana niyang palayain ang kaniyang kasintahan.
PADRE CAMORRA: (Ngumiti) Sapagkat siya ang may kailangan, maaari na po
kayong lumabas Hermana.
[Nagdadalawang isip si Hermana Bali subalit sumunod din siya].
[Rape scene. Gukod-gukod hanggang sa tumalon mula sa bintana ng kumbento si Juli
na ikinaresulta ng kaniyang kamatayan.]
TAGAPAGSALAYSAY: Kinagabihan, isang nakakapanghihilakbot na balita ang
gumimbal sa lahat.
TAUHAN 1: Isang dalaga raw ang namatay sa kumbento.
TAUHAN 2: Bakit? Ano ang dahilan ng kamatayan ng kawawang
dalaga?
TAUHAN 1: Tumalon raw ito mula sa bintana ng kumbento. Iyan ang
kanilang sabi-sabi.
TAUHAN 3: Si Juli iyon mga kaibigan. Si Juli, ang dalagang palaging
kasama-kasama ni Hermana Penchang.
TAGAPAGSALAYSAY: Ang balita ay dumating sa mga taenga ni Tandang Selo.
Labis niya iyong kinalungkot. Patay na ang kaniyang apo.
Hindi niya iyon matatangap. Subalit alam niyang ibabaon
lamang sa kasinungalingan ang nangyari sa kaniyang apo.
Alam niyang hindi niya makakamtan ang hustisya.
TANDANG SELO: Apo ko! Ang kaawa-awa kong apo.
TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa matinding galit, tumayo ang matanda.
Napagdesisyunan niyang sumali sa mga tulisan sa bukid.
<pumunta siya sa bukid>
TULISAN: Ano ang ginagawa mo dito?
TANDONG SELO: Nain ko nang sumama sa inyo. Nais kong maghigante!
TAGAPAGSALAYSA: At tuluyan na ngang sumama si Tandang Selo sa mga
tulisan. Kinabukasan ay nakarating kay Basilio ang
masamang balita tungkol sa masaklap na nangyari kay Juli.
<bagong tagpo>
SUNDALO: Kawawang Basilio!
BASILIO: Ako’y makakalaya rin dito. (Nagtimpi)
SUNDALO: Kawawang Basilio. Namatayan ng amahin. Namatayan din
ng kasintahan. (Tumawa na parang demonyo)
BASILIO: Anong sinabi mo? Ulitin mo!
SUNDALO: Sabi ko. NAMATAY NA KASINTAHAN MO!
BASILIO: Bakit?
SUNDALO: Tumalon sa bintana ng kumbento matapos subuking
gahasain ng isang Padre. Masaya ka na? (Tumawa na
naman).
[Biglang dumating si Simoun]
SIMOUN: Iwanan mo muna kami.
[Umalis naman ang sundalo habang tumatawa]
SIMOUN: Ika’y malaya na Basilio.
BASILIO: Totoo po ba? (Umiiyak) Totoo po ba ang nangyari kay Juli?
[Tumago lamang si Simoun]
[Umiyak nang umiyak si Basilio]
BASILIO: Sasali na po ako sa himagsikan, Ginoong Simoun.

You might also like