Agri4-Week 7-Modyul 7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
(Agrikultura)
Unang Markahan
Modyul 7: Pag-aabono
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pag-aabono
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatangaring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hazel P. Cablar


Editor: Maya P. Sabiniano
Tagasuri: Roger S. Tamondong
Tagaguhit: Eizen Beyonce V. Macalingay
Tagalapat:
Tagapamahala:
JENILYN ROSE B. CORPUZ CESO VI
Schools Division Superintendent

MARIA TERESA A. NAMORO EdD


Assistant Schools Division Superintendent

JUAN C. OBIERNA
Chief, Curriculum Implementation Division

LEARNING RESOUCE MANAGEMAENT SECTION

HEIDEE F. FERRER EdD


Education Program Supervisor, LRMDS

BRIAN SPENCER REYES LIZA J. DE GUZMAN


Project Development Officer Librarian
Inilimbag sa Pilipinas ng Project 3 Elementary School
Department of Education – Region NCR-Quezon City
Office Address: Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 352-68-07
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com/sdo.quezoncity@deped.gov.ph

ii
4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(Agrikultura)

Unang Markahan
Modyul 9: Pag-aabono
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pag-aabono !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pangekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng ma paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4 (Agriculture) ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Pag-bono!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan o tahanan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

iv
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan kang matutunan ang


tungkol sa pag-aalaga ng hayop.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutukoy


mo ang mga sumusunod:
1. Naiisa-isa ang wastong paglalagay at paggawa ng abonong
organiko;
2. Napagsusunod-sonod ang mga pamamaraan sa paglalagay at
at paggawa ng abonong organiko:
3. Napapahalagan ang kabutihang dulot sa pagsunod sa wastong
Pamamaraan sa paglalagay at paggawa ng abonong organiko.

Subukin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat and TAMA


kung totoo ang isisnasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.
_____1. Ang organikong abono ay nagpapaganda sa kalidad o uri ng
lupang pagtatamnan.
_____2. Ang paggamit ng organikong pataba ay higit na iminumungkahi
dahil hindi ligtas at ito ay mahal.
____ 3. Dalawang metro ang haba, luwang at lalim sa paggawa ng
compost pit.
____ 4. Maaring ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo,
Basurang nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
____ 5. Ang pagsasabog ng abo at pagpatong ng lupa sa compost pit
ay di-nakatutulong sa paggawa ng organikong pataba.

1
Aralin
7 Paglalagay at Paggawa ng Organikong Abono

Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman. Ito ay


nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at
nakapagpapataba ng mga halaman. Kaya mainam na sa ating
paghahalaman tayo ay mayroong kaalaman sa paggawa ng organikong
pataba sa pamamagitan ng paggawa ng compost.

Ang abono ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito ang


lupa upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan
ng mga halaman gamit ang ugat nito. Bagamat may mga organikong
abono na madaling mabili sa mga tindahan, ang paggamit ng organikong
abono ay higit na iminumungkahi dahil ito ay ligtas at mura. Ngunit hindi
lamang basta maglalagay ng abono upang lumaki ang mga halaman.
Kailangan ang masusing kaalaman sa pagpili ng abono at ang wastong
paggamit nito.

Balikan

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Suriing Mabuti ang


wastong gamit ng mga kagamitan sa paghahalaman. Isulat ang sagot
sa patlang bago sa bilang.

Hanay A Hanay B
_____1. Pala a. Gamit sa paglilipat ng lupa
_____2. Asarol b. Gamit sa paglilinis ng kalat
tulad ng tuyong dahoon
_____3. Kalaykay c. Gamit sa pagbubungkal ng
lupa sa paligid ng halaman
_____4. Regadera d. Gamit sa pagbubungkal ng
lupa
_____5. Dulos e. Gamit sa pagdidilig ng
halaman

2
Mga Tala para sa Magulang

Inaasahan po ang masusing paggabay sa inyong mga anak sa pagsagot sa modyul


na it o . H a n g a d p o n a m in a n g i n y o n g p a k ik iis a u p a n g la l o n g m a t u t o a n g
in y o n g mg a a n a k

Tuklasin

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at


malago ang mga pananim. Ito ay maaring magmula sa likas na yaman.
Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga
basura tulad ng balat ng prutas/gulay, dahon ng halaman at mga dumi ng
ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Tinatawag itong organikong
abono. Ito ay nagpapaganda sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.

Ano ang napapansin ninyo sa larawang ito? Ano-ano


kaya ang dahilan at malago ang halamang nasa larawan?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

3
Suriin

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at


malago ang mga pananim. Ito ay maaring magmula sa likas na yaman.
Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga
basura tulad ng balat ng prutas/gulay, dahon ng halaman at mga dumi ng
ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Tinatawag itong organikong
abono. Ito ay nagpapaganda sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.

Wastong Pamamaraan sa Paggawa ng Abonong Organiko

1. Humanap ng medyo mataas na


lugar.

2. Hukayin ito ng 2 metro


ang haba, luwang at lalim

30 sentimetro

Mga tuyong
damo,daho,balat ng
prutas at gulay

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang


nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.

4. Patungan ito ng dumi ng hayop


tulad ng baboy,manok at baka.

4
5. Sabugan ito ng abo at
patungan ito ng lupa.

6.Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng ng damo, nabubulok na


basura, dumi ng hayop, at lupa hanggang mapuno ang hukay.
Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga
compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gait ang metal screen na
maliit ang mga butas.

Iba’t-ibang Pamamaraan ng Paglalagay ng Abono

Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng


lupa. Kadalasang ginagawa ito sa mga palayan
at maisan.

Broadcasting Method
Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi
gaanong malapit sa ugat ng halaman sa
pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan
para rito.
Ito ay kadalasang ginagawa sa mga
halamanan na nakatanim na pahilera at hindi
paisa-isa.
Side Dressing Method

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng


pagdidilig o pag iispray ng solusyong abono
sadahon ng halaman

Foliar Application
Method
5
Humukay nga pabilog sa paligid ng
tanim na may layong kalahati hanggang
isang pulgada mula sa puno o
tangkay.Ilagay ang pataba sa lugar na
hinukay.Takpan ng lupa ang pataba.

Ring Method Application

Paglalagay ng abono sa
pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa
lupa bago itanim ang halaman. Kapag ang
halaman naman ay itatanim sa paso ang
pataba ay inihahalo muna sa lupa bago
itanim ang halaman

Basal Application

Pagyamanin

Unang Gawain
Isulat ang mga paraan ng paglalagay ng abono o pataba sa guhit
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pangalawang Gawain
A. Lagyan ng numero ang patlang ayon sa pagkasunod-sunod ang mga
pamamaraan sa paggawa ng compost pit.
________1. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang
mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang
metal screen na maliit ang mga butas.
________2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim
________3. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok
at baka.

6
________4. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng ng damo,
nabubulok nab asura, dumi ng hayop, at lupa
hanggang mapuno ang hukay.
________5. Humanap ng medyo mataas na lugar.
________6. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.

B. Ayusin ang mga paraan sa paggawa ng basket composting sa


paglagay ng numero sa patlang.
________1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki
at haba na may isang metro ang lalim.
________2. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
Kawayan upang mabulok agad ang basura.
________3. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman
sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na
mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
________4. Ikalat ng pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong
dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng
hayop, at lupa tulad din ng compost pit hanggang mapuno
ang lalagyan.
________5. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan
upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

Isaisip

Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng


lupa. Ito ay makukuha sa paggawa ng compost.
Ang organikong abono ay ang mga pataba na katulad ng
compost na galing sa mga duming binulok na dahon ng mga
halaman at iba pang mga bagay na maaring matunaw. Samantalang
ang di-organikong pataba tulad ng urea (46-0-0) at complete fertilizer
(14-14-14) ay inihanda sa prosesong kemikal at mekanikal, subalit
iminumungkah na huwag masyadong gamitin sapagkat ito ay
nakasisira at hindi ligtas para sa tao.

nakasisira at hindi ligtas para


7 sa tao.

Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na


gawain. Malaking tulong ito sa kabuhayan ng mag-anak.
Isagawa

A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang ang titik


ng wastong sagot.
a. Broadcasting method d. Basal Application
b. Side dressing method e. Foliar Application
c. Ring method
_____1. Ito ay ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo
ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman
ay itatanim sa paso ang pataba ay inihahalo muna sa lupa bago itanim
ang halaman
_____2. Ito ay ang paghuhukay nga pabilog sa paligid ng tanim na may
layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay at
paglagay ng pataba sa lugar na hinukay.
_____3. Ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag iispray ng
solusyong abono sa dahon ng halaman
_____4. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat
ng halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
Madalas ginagawa sa mga halamanan na nakatanim na pahilera at hindi
paisa-isa.
_____5. Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa. Kadalasang
ginagawa ito sa mga palayan at maisan.

B. Itala ang pagkasunod-sunod sa paggawa ng organikong pataba

8
Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat and TAMA


kung totoo ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.
____ 1. Ang mga damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, at lupa
ay maaaring ihalo sa paggawa ng organikong abono.
_____2. Tumatagal ng tatlong buwan o higit pa ang paggawa ng
organikong pataba.
_____3. Kinakailangan ng pag-iingat kapag naglalagay ng abono sa
halaman.
_____4. Nakakasira sa lupa ang palaging paggamit ng komersyal na
pataba gaya ng urea.
_____5. Dapat lagyan ng bubong ang sisidlan ang composting
upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
____6. Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim.
Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang
sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng mga ugat ng
pananim.
_____7. Ang paggamit ng organikong pataba ay higit na iminumungkahi
dahil ligtas at ito ay mahal.
_____8. Ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay
habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga.
_____9. Ang paglalagay ng pataba ay maaring ilagay bago magtanim,
Habang nagtatanim o pagkatapos magtanim.
____10. Isa lamang ang paraan sa paglalagay ng abono sa mga pananim.

Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng mga makabagong pamamaraan ng
paggawa ng organikong pataba. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

9
Susi ng Pagwawasto

10.TAMA
9. TAMA
8. TAMA
7. TAMA
6. TAMA
MALI 5. C 5. 5. TAMA
TAMA 4. E 4. 4. MALI
TAMA 3. B 3. 3. TAMA
TAMA 2. E 2. 2. TAMA
TAMA 1. A 1. 1. TAMA

Subukin Balikan Tayahin

Sanggunian
K-12 Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4, ph. 366-378.
K-12 Teacher’s Guide: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
ph. 145-147.

Maria A. Barza, et.al. 2012. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


4, Quezon City,Philippines: Sta. Teresa Publications, Inc. ph. 170-178

10

You might also like