Professional Documents
Culture Documents
Soslit Modyul 1 Guide
Soslit Modyul 1 Guide
COURSE OVERVIEW
Bilang ng Yunit 2/ 3
SLSU Mission
SLSU will:
a. Develop Science, Technology and Innovation leaders and
professionals;
b. Produce high-impact technologies from reseaech and innovations;
c. Contribute to sustainable development through responsive
community enggagement programs;
d. Generate revenues to be self-sufficient and financially-viable
Modyul I
Kasanayan sa Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
MODULE GUIDE
PATNUBAY SA MODYUL
Isa sa mga dapat linangin sa pagtuturo ng guro sa mga mag-aaral ay ang panitikan. Sa
panitikan nasasalamin ang kultura ng isang bansa. Ang panitikan ng Pilipinas ay nahahati sa iba’t-
ibang yugto ng panahon, mula sa panahon ng katutubo hanggang sa panahon ng Computer Age.
Bawat panahon ay may mga kanya-kanyang akdang pampanitikan at taglay nito ang paksang o mga
isyung nangingibabaw sa bawat panahon. Ayon pa nga kay Magno (1992) sa bawat anyo ng
panitikan maririnig, malalanghap, masasalat ang kulay, tunog, amoy, at hipo ng isang panahon. Ang
pagbabanyuhay ng panitikan ay naglalarawan ng pagsulong ng isang sibilisasyon, ng pag-unlad ng
isang bansa at ng paglaki ng isang lahi. Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang
uri. Ito ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao (Salazar, et.al
(2009). Ayon pa rin sa kanila, ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Dito
masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mamamayan
na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga
pahayag.
Ang modyul ay nahahati sa tatlong aralin; ang una nakatuon sa kasaysayan ng Panitikan na
kung saan ang bawat panahon ay may mga iba’t-ibang suliraning panlipunan na napaloob sa mga
akdang pampanitikan na naisulat na makatulong upang mamulat ang mga mag-aaral at magbigay
daan sa kanilang kritikal na pag-iisip sa pag-unawa sa mga isyu o pangyayari sa lipunan. Sa tulong
nito, madaling makabuo ng mga sulating pampanitikan ang mga mag-aaral. Ang pangalawang
aralin ay ang mga panitikan hinggil sa kahirapan, karapatang pantao, pangmanggagawa,
pangmagsasaka at pambansa, isyung pangkasarian, minorya at migrasyon at diaspora at ang
pangatlo naman ang worksyap sa pagsulat ng sariling akdang pampanitikan tungkol sa pinag-
usapang paksa. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino na
maging daluyan para makabuo ang mga estudyante ng katha na nagpapakita ng pansosyedad na
literatura ng bansa.
Modyul I
Kasanayan Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
PLANO NG PAGKATUTO
INTRODUKSYON
tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, nobela, kantahin o talumpati nalalaman kung ano ang
obserbasyon ng mga manunulat sa kanilang paligid at sa kanilang buhay.
Sa unang bahagi ng aralin, tatalakayin dito ang Kasaysayan ng Panitikan mula sa Panahon
ng Katutubo hanggang sa Computer Age at ang mga Teoryang Pampanitikan kung saan nakaangkla
nito panunuring gagawin ng mga mag-aaral sa mga akdang pampanitikan.
PAGTALAKAY NG ARALIN
panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang
mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito,
tinatawag ding Panitikang Pilipino, ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din
itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at
kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga
Pilipino ang nobelang Noli me Tangere ng pambansang bayaning si Dr. José Rizal. Mayaman ang
Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga ito; ang kuwentong-bayan, maikling kuwento, sanaysay, tula, dula, nobela, drama,
balagtasan, parabola bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awitng-bayan,
epiko, pelikula at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa bisà ng Proklamasyon
Blg. 968, s.2015, ang "Buwan ng Panitikan ng Filipinas" ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril.
Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas 2018 na may temang "Pingkian" ay kasabay ng ika-230
anibersaryo ng pagkakasilang ni Francisco Balagtas, ang "Bayani ng Harayang Filipino.
Ano nga ba ang Panitikan? May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino
ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga ito sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.
Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang
isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain na
pamamaraan. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw
sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya
sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ito ay isang
payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang
panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan,
lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
Mga katangian ng Panitikang Pilipino
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-
guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at
pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na
salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May búhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at
dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan.
Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang panitikan,
pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat
ang mga ito ng kapwa tao.
Sa kasalukuyan, madali at magaan ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan
sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga
nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan
ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong
kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter. Dahil sa internet, naging
maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para
sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan,
kasaysayan, at kalinangan o kultura.
Kahalagahan ng Panitikang Pilipino
May kaakibat na kahalagahan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang
panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang
matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging
makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang
pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng
ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang
kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa
ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng
ugnayan ng mga bansa.
Dalawang Uri ng Panitikan
1. ayon sa paghahalin
2. ayon sa kaanyuan o anyo
Panitikan ayon sa Paghahalin
a. pasalindila,
b. pasalinsulat,
c. pasalintroniko.
Pasalindila
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa
marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga
tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang
pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan
ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng
panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng
mga Pilipino.
Pasalinsulat
Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong
mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang
sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
Pasalintroniko
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa
pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga
halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at
ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa
mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.
Panitikan ayon sa Anyo
a.patula,
b. patuluyan
c. patanghal
Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga
taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-
tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang
patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng
mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang
paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang
bawat isa sa mga ito:[3]
Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay,
mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na
diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto
na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-moro,
na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang
ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.
Sinaunang Panitikang Pilipino
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at
pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa
sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga
pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man
dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit
karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng
mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng
punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.
Paraang pormalistiko
Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at
pagpapaliwanag maging pagsulat-ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang ganitong
paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.
Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok o
eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya , ang pamamaraan ng pagbasa ng
pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o
literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksiyon ng
mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuonan ng pansin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa o
unidad ng katawan ng teksto, o sa madaling sabi: nakatuon mismo sa pinakateksto.
Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang Pilipino
Sinaunang Panahon
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan naanyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyanat ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunanganyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga
panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis nabato. Ngunit
iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira itong mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang
ang mga itoay gawa ng demonyo.
Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:
1. Alamat
2. Kuwentong Bayan
3. Epiko
Bidasari – Moro
Biag ni Lam-ang – Iloko
Maragtas – Bisaya
Haraya – Bisaya
Lagda – Bisaya
Kumintang – Tagalog
Hari sa Bukid – Bisaya
4. Mga Awiting Bayan
5. Karunungan Bayan
Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan
hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan
hal. Isang tabo, laman ay pako. (langka)
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na
ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa
dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay
ang panitikang panrebolusyon.
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang
akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa: ang tulang gaya
ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa
mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari,
reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Floranteat Laura ni Balagtas.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinilala sa
ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasulat sa Kastila dahil sa pagpigil, sa nadaramang takot
at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa;
ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat. Ang pasyon ang isa sa
patulang anyo na makarelihiyon.
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila,
karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang
Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-udyok na kalabanin ang
pamahalaan. Dahil sa labis na pang-alipin at pang-alispusta at masidhing diskriminasyon ng mga
Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito
ng mga panitikang nagrebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan
ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng
bansa bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang
kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-
panulat upang maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustang Kastila at upang patuloy
na makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag- panulat na Laong Laan
ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay
gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga
bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag- panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami
pang iba ay nagsisulat din.
Sa panahong ito napalitan ng Alpabetong Romano ang Alibata. Itinuro ang Doctrina
Cristiana. Naging bahagi ng wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila. Nadala rin ang ilang
akdang pamapanitikan ng Europa at tardisyong Europio na nagging bahagi ng ating panitkan gaya
nga awit, kurido, moro-moro at iba pa. Sa panahon ding ito nasinop at nasalin ang makalumang
panitikan sa Tagalog sa ibanag wikain. Nailathala ang iba’t- ibang aklat pambalarila sa wikang
Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya.
Panahon ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sapamahalaang Kastila. Kung
relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing
ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang
Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa
bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula
lamang umusbong ang mga panitikansa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na
manunulat. Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina, Jose Corazon de Jesus na tinaguriang
Makatang Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinabayad kapag nagpagawa sa kanya ng mga sulatin. Maalab ang diwang makabayan sa
panahong ito na hindi na nagawang igupo ng mga Amerikano. Pinasok ng mga manunulat na
Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
Pag-ibig sa bayan at pagnais ng kalayaan ang tema ng mga isinulat. Namayani sa panahong ito ang
mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles. Pinatigil ang mga dulang may temang
makabayan. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway. Pinauso rin ang balagtasan
katumbas ng debate. Sa panahong ito nagsimula ang pelikula sa Pilipinas.
Mga Pahayagan:
El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)
PANAHON NG HAPON
Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan. Itinuring ang
panahong ito na “Gintong Panahon ng Panitikan” para sa mga manunulat sa wikang tagalog
sapagkat higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang Pilipino. Sa panahong ito, ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng
wikang Ingles. Ang paksa ay tungkol sa buhay- lalawigan. Ipinasara ang mga sinehan at ginawa na
lamang tanghalan. Sa panahong ito ay nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami
ang akdang naisulat.
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon
ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong
ito dahil ipinagbawal ng namunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang
nililikha. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na
5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at
ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas. Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan
ng mga Hapon, kahirapan ng pamumuhay noon atbp. Nabuksang muli ang mga palimbagang
naipasara dahil sa giyera. Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature
noong 1950. Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa. Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang
pangkolehiyo. Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak,
Tagumpay, Ilang-ilang atbp.
Noong 1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang nagging paksa sa panahong ito ay ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan.
Nagsimula ang programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972. Pinahinto ang mga
pampahayagan at maging samahang pampaaralan. Itinatag ang “Ministri ng Kabatirang
Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan).
Sa panahong ito ang nilalaman ng mga akda katulad ng sanaysay, tula at maging mga awitin ay
tuwirang panunuligsa sa mga nanungkulan na may mga tiwaling gawain at pagpuri sa mga
nakagawa ng kabutihan. Dahil sa natamo na kalayaan sa pamamahayag, ang mga manunulat, ang
galak at tuwa sa kanilang puso ay nababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang
naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag. Ang awiting Magkaisa ay nagpakita ng
makasaysayang tagpo ng Sambayanang Pilipino na hinangaan ng Sandaigdigan. Ang binuhay na
awitin na Bayan ko ni Freddie Aguilar na sa panulat ni Jose Corazon De Jesus ay pangunahing
pumailanlang sa radio at telebisyon dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang
matahimik na rebolusyon. Maging sa mga sanaysay ay bakas at damang-dama ang kasiyahan ng
mga Pilipino sa nakamit na bagong kalayaan. Sa kabilang dako, ang maikling kuwento taglay ang
katangiang dala o buhat sa nakagawian sa panahon ng mga Hapon. Noong panahong iyon ay
ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa sariling wika. Kaya’t nailimbag sa gintong
panahon ang maikling kuwento. Bagama’t sa panahong ito ay nagging masigasig ang mga
manunulat sa kanilang katha, nanumbalik ang ala-dagliang kawalan ng banhay ang maikling
kwento. Nagkaroon ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagkukwento. Ang mga paksang dati na hindi
naisulat ay napapansin. Naging matimpi sa pagtalakay sa paksa. madula ngunit maligoy. Ang mga
katangiang ito ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito’y tinawag na Kontemporaryong
Maikling Kuwento. Sa larangan ng radio at telebisyon ay maririnig na rin sa kasalukuyan na
nakapagpahayag na ng tunay na niloloob nang walang takot at pangamba ang mga tagapagsalita sa
radio at mga lumalabas sa telebisyon. Marami sa panahong ito ang mga komentarista sa radio at
telebisyon kung saan pawang laman ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga
nasa puwesto. Ang mga pahayagan, magasin at iba pang mga babasahin, matapos mawakasan ang
Martial Law, tila hudyat na rin ng pagpanumbalik ng karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa
pamamahayag. Dumami pa ang mga nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito. Isa pang
makulay na kabanata ng panitikang Pilipino ang panahong ito. Namulat ang mga Pilipino sa
kahalagahan ng pambansang wika. Marami na ang sumubok na sumulat gamit ang kanilang
vernakyular. Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isinulat. Malaki rin ang impluwensya ng
agham at teknolohiya. Malayo na rin ang naabot ng media. Kahit sa telebisyon nagbago na rin ang
wikang ginamit. Hindi lang pampanitkan ang uri ng salitang ginamit ngunit napansin may mga akda
na gumamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin.
Chat, FB, Tweet, blog, jejemon, unli, website, usb, email, download, wifi, connect, burn, scan, cd….
Ito ang mga salitang karaniwang nang ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot
nan g teknolohiya. Sa dahilang parte nan g ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong
idinulot nito sa ating buhay at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabago sa papel na ginagampanan ng
impormasyon sa ating trabaho, buhay at pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay
natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya, ang kompyuter, cellphone at internet. Naging
biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa internet ng pamamahayag ang blogging. Isang anyo
ng pagsusulat sa espasyo sa internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may internet access
na magsulat ng kanyang nais isulat at ipalimbag ito sa pandaigidgang saklaw. Ang presensya ng
mabilisang input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin
ng isang print-based system. Kasunod din ng pagsulpot ng mga networking sites gaya ng Friendster
at facebook nagging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa isang
bagay. Sa libro at minsan sa internet na rin ay nakikita ang mga akda na naisulat sa pamamagitan
ng naghaharing paraan ng pagtetext, ang Ho-U-ismo, kung saan ang karakterisasyon ng ganitong
klase ng texting ay gumagamit ng U bilang txter ng mga karakter na mas pinaikli at pinaarte ang
dating. Sila ang mga pinoy na nagagawang ibahin ang wikang Ingles sap unto na hindi na ito
maunwaan. Samantala, ganito rin ang nangyayari sa isang nabuong paraan ng pamamahayag ang
jejemonismo kung saan ito naman ay pagpapalit ng karakter na gamit sa pagtetext. Ang cellphone
ang nagbago sa pang-araw-araw na komunikasyon, dito nabuo ang Hu-U-ismo at jejemonismo.
Habang ang computer- Lol, BRB Internet, dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan
ang pagpapahayag ng saloobin ng sinuman nan a nais makisawsaw sa isyu.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at
aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi
sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video
clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang
lahi man din. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng
panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at
kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang
pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit
ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
Pakinabang ng Panunuring Panitikan:
Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at
kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.
Kahalagahan ng Panitikan
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan.
Panunuri o Kritisismo
Panunuri
Naghahanap ng estruktura
Naghahanap kung ano ang puwede
Nagtatanong upang maliwangan
Nakalahad sa mabuti, matapat at obhetibong tinig
Kritisismo
Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kulang
Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko.
Ang Kahulugan Nito At Mga Uri, Anyo At Mga Akda Ng Bawat Anyo
Uri ng Panitikan
1. Kathang-Isip (Fiction)
Ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga
kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.
2. Hindi Kathang –Isip (Non-Fiction)
Ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay,
awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.
Mga Anyo ng Panitikan
1. Tuluyan o Prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng
pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag.
2. Tula o Panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
Bawat anyo ay mga iba’t ibang mga akda
Mga Akdang Tuluyan
Alamat
Isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
Anekdota
Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang
sikat, o kilalang mga tao.
Nobela
Tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo
ng iba’t ibang kabanata.
Pabula
Parabula
Tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
Maikling Kuwento
Ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan.
Dula
Uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
Sanaysay
Maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-
akda.
Talambuhay
Isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
Talumpati
Isinalaysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
Balita
Nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa
Kwentong Bayan
Uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan.
MGA AKDANG PATULA
Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang
ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin.
Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na
taludtod. Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa.
Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa
paggunita sa isang sumakabilang-buhay na.
Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng
papuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak
na bilang ang pantig at taludtod.
Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan
ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang
kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan
ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.
Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal.
Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas.
Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-
dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong
namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay
paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang
matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o
makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang
naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing
ay siya niyang pakakasalan.
Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at
pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan,
salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na
binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco
“Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de
Jesus (Huseng Batute).
Kahalagahan ng Panitikan
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.
Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at
ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang
kasalukuyang sistema.
Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng
pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng
sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang
diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
MAIKLING KUWENTO
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog. Kahit ano
ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga
pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi
maipaliwanag ng kaalaman. Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o
maaaring maganap.” Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling
kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
o Tao laban sa tao
o Tao laban sa sarili
o Tao laban sa lipunan
o Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama
din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
1. Simula
1. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung
sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.
2. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na
dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan,
at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
TULA
Ano ang tula?
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng
wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang
mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan
itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Uri ng Tula
1. Maikling Tula
Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa
limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7
Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na
5-7-5
2. Tulang Liriko o Pandamdamin
Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang
itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito
ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan
ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang
dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit
ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang
talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:
Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
Pastoral (Dalitbuki)
Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay
parangal)
Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na
pamamaraan.
Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro
Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
3. Tulang Pasalaysay
Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod.
Narito ang apat na uri ng tulang ito:Epiko (Tulabuyani)
ELEMENTO NG TULA
Saknong isang grupo ng mga salita sa loob ng tula na may dalawa o higit pang taludtod
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
- Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa patinig.
- Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa katinig.
- Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig at
mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng
pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad
ang talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
Halimbawa ng Tula
NGAYONG TAG-ULAN
Ni Kiko Manalo
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang
damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay
maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.
Uri ng Sanaysay
1. Pormal – Ang talakayin nga uri nito ay ang mga seryosong mga pagsa nga nagtataglay ng
masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay
ang pahayagang editoryal.
2. Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-
araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga
bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang
personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.
Mga Bahagi
1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa.
2. Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o
idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong
puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang
pansin.
3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng
isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na
maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang panitikan,
pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat
ang mga ito ng kapwa tao.
Sa kasalukuyan, madali at magaan ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan
sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga
nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan
ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong
kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter. Dahil sa internet, naging
maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para
sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan,
kasaysayan, at kalinangan o kultura.
Teorya ng Panitikan at Pagsusuri
A. Sining at Panitikan
1. Tao at Sining. Ang tao ay napaliligiran: ito ay isang katotohanang hindi maipagwalangbahala
sapagkat anumang bagay na likha ng tao na hindi maibibilang sa mga tinatawag na kababalaghang
pangkalikasan ay ang anyo ng sining. Samakatwid, gaya ng eskultura at pagpipinta, ang arkitektura,
pagpaplano ng siyudadat paligid, potograpiya, dulaan, “cinema” at iba pa ay maituturing ding sining.
Ang pagsasama-sama o kumbinasyon ng ilan o lahat ng anyo ng sining ay hindi lamang
nagsisislbing kaligiran n gating buhay kundi nagiging paraan pa rin ng pagtatamo ng katiwasayan
at kaunlaran. Dahil dito, masasabi pa ring sa pamamagitan ng sining ay napagtatangkaan ng tao na
iangkop niya ang sarili sa kapaligiran, likas man ito o panlipunan; gawing kasangkapan ang
kapaligirang ito sa pagtataguyod ng kanyang kagalingan at pag-unlad ; ilahad ang kanyang
pangarap at mithiin, ang kanyang mga paniniwala at pananaw, ang hangaring makaisa ang
kanyang Tagapaglikha.
2. Tao at Panitikan. Hindi mapag-aalinlangan na ang panitikan ay isang anyo ng sining. Katunayan,
kabilang ito sa kategorya ng mataas na uri ng sining. Ang matwid sa ganitong pagpapahalaga ay
halos kawangki na ng pagsasaalang-alang sa katangian ng tao. Sang-ayon kay Plato, sa kanyang
Phaedo, ang tao ay nag-aangkin ng “iba’t-ibang anyo ng kaluluwa”, yaong pagkakaroon ng mga
hangarin at guniguni na siyang magbibigay sa kanya ng pagkakataong makilala ang sarili at sabihin
pa’y malaman ang pinakapunong dahilan ng kanyang pagkatao at pananatili sa daigdig.
Samutsari ang bias ng panitikan sa bawat tao, gayundin sa bawat lipunan. Maraming bagay
sa kasalukuyanang mga nasa angkop nilang kalagayan dahil sa panitikan. Panitikan ang titis na
nagpasiklab sa himagsikang pinamunuan ni Bonifaciona napatitik sa kasaysayan n gating lahi at
magugunitang ang panitikang nagpaalab ng kanyang poot (ang Noli Me Tangere ni Rizal) ay
iniluwal din ng kapwa panitikan, bagaman di – tuwiran.
B. Sining ng Panunuri
1. Pangkalahatang Pangangailangan.
Sa pamamagitan ng sining, nagagawa ng taong mailahad ang kanyang naiisip at nadarama,
ang kanyang mga pangarap at guniguni, ang kanyang paniniwala at pananaw at ang kanyang
hangad na makaisa ang kanyang Tagapaglikha. Sa pamamagitan ng sining, nagkakatinig,
nagkakaanyo at nagkakahugis ang kirot at lugod, ang hirap at saya, ang panimdim at pangamba –
lahat ng karanasang nagpapatining ng pagkatao, nagpapatangi sa isang panahon o sandali at
nagpapakulay sa buhay.
Totoong hindi lahat ng tao ay napagkakalooban ng kakanyahang maging manlilikha ng
sining, ngunit ang lahat ay pinagkalooban ng kakayahang magsuri at ang kakayahang ito ay
Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig
sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
Panunuri o Kritisismo
Panunuri
Naghahanap ng estruktura
Naghahanap kung ano ang puwede
Nagtatanong upang maliwangan
Nakalahad sa mabuti, matapat at obhetibong tinig
Kritisismo
Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kulang
Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala
ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili. Kinilala, hinangaan, at
ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del
Mundo bilang namumukod-tanging kritikong sa panitikang Filipino noong kanilang panahon.
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng
pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at
pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del
Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa
larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon
hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o
akda man.Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni
Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang
paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang
kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga
isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa
kritika?
Ano ang Teoryang Pampanitikan?
Ang Teoryang Pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga
paraan sa pag-aaral ng panitikan.
Sumibol ang Romantisismo noong bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila ng
Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, ang
inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil. Dahil dito,
itinuturing ang Romantisismo bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang Klasismo tulad ng
kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay, ideya at rasyuna. Ilan pang katangian ng Romantisismo ay ang
malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan; ng pagpapalutang ng damdamin kaysa
isipan; ng pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan; ng pagkahirati sa internal na
tunggalian; at ng mahiwaga at kababalaghan.
Eksistensyalismo
Mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan ang Eksistensyalismo dahil may pagkakaiba-iba ng mga
posisyong iuugnay rito. Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang
kongkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal at gayundin, ang usapin ng indibidwal na
kalayaan at pagpili. Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o tendensiya ay
nakaimpluwensya sa maraming mga manunula noong ika-19 at ika-20 siglo. Ang kalayaang pumili
ay kasama ng komitment at responsibilidad. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal. Ang
tao ay nabibigyang-kahulugan dahil siya ay nabubuhay. Hindi naniniwala ang Eksistensyalismo sa
karamihan ng anyo ng idyelismo lalo na yaong nagbibigay-diin sa kamalayan, kaluluwa, katwiran at
ideya.
Dekonstruksyon
Si Derrida Jacques (1930), isang pilosopong Pranses, ang siyang pinagmulan ng pag-aaral ng
dekonstruksyon. Ang pamamaraang ito ng pagbabasa ay isang paghamon sa kanluraning ideya na
ang teksto ay hindi mababago at may nag-iisang kahulugan. Ang dekonstruksyon ay nagpapakita ng
maraming layer ng kahulugan. Sa pagdedekonstrak na gawa ng isang iskolar, ipinakikita na ang
lenggwahe ay madalas na pabagu-bago. Ito’y isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto base sa ideya
na ang mambabasa at hindi ang amnunulat, ang sentral sa pagbibigay rito ng kahulugan.
Feminismo
Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang feminista.
Naniniwala ang mga feminista na ang panitikan ay hindi nyutral o walang pagkikiling kundi ito’y
isang produkto ng panlipunan at pangkulturang kalagayan. May pagkakataong malakas ang dating
feministang pagsusuri dahil kailangang yugyugin ang mga kalakaran at malalim na paniniwala ng
tao. Ang Feminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa mga kababaihan bilang
mambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat.
Naturalismo
Ito ang teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng
paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng nilalang
at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa
masusing pagsusuri. Hindi naniniwala ang mga naturalistiko sa mga bagay na super-natural.
Pinaniniwalaan sa Naturalismo na maaaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat
mayroon itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa likas na batas nito.
Realismo
Ang Realismo ay isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. layon nitong
ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ng
Realismo ang ideya ng paghuhulma at pananaw sa mga bagay. Unang ginamit ang terminong
Realismo noong 1826 ng Mercure francais du XIX siecle sa Pransya bilang paglalarawan sa
doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay.
Marxismo
Ang Marxismo ay isang lipon ng mga doktrinang pinaunlad nina Karl Marx at Fredrich Engels noong
kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Nagtataglay ito ng tatlong ideya; pilosopiya ng pagtingin sa tao,
teorya ng kasaysayan at pampulitika’t pang-ekonomiyang programa. Sa pagdaan ng panahon,
nagsanga-sanga ang pag-unawa sa mga konseptong ito tulad ng ipinakita nina Lenin at Stalin sa
Russia, Mao Tse Tung sa Tsina, ng mga Sandinista sa Nicaragua at iba pang mga Marxista sa mga
bansang itinuturing na Third World. Para kay Mao, may kaugnay na mga katanungan ang usapin ng
panitikan:
a. Para kanino ang ating mga sining at panitikan? Sino ang pinaglilingkuran ng
panitikan?
b. Sa anong paraan nagaganap ang paglilingkod na ito?
Pananaw Sosyolohikal
Ang lapit-sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas. Sa pagkapit sa
mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang
tanghalan, mananatiling may lugar ang lapit-sosyolohikal sa panlasa at pakikibaka ng
mamamayan.Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng isang akda.
Hindi lamang ang kasiningan at naging katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang
bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito. Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ng pahayag
ng likhang-sining at lipunan.
Pormalismo
Nagbibigay-pansin sa anyo ng literatura ang mga pormalista. Ang ganitong atensyon sa mga
aspetong pormal ay hindi nangangahulugang hindi kinikilala ang posibilidad ng moral at
panlipunang misyon para sa literatura. Para sa mga pormalista, ang panulaan ay hindi panulaan
dahil lamang gumagamit ito ng temang tumatalakay sa kondisyon ng tao, kung hindi dahil sa proseso
ng wika. Kumukuha ito ng atensyon sa sarili nitong artipisyalidad, sa pamamaraan ng pagsabi nito
ng gustong sabihin
Queer
Ang mga taong kabilang sa ikatlong kasarian (homosexual) ay kailangan tratuhin ng may respeto,
pagmamahal at pantay na pagtingin ano man ang kanilang estado sa buhay. Ang layunin ng
panitikan na ito ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual. Kung ang
tuon ng Feminismo ay ang kalakasan ng kababaihan, samantalang ang Queer na man ay ang mga on
na sa ikatlong kasarian.
Kalayaaan
Patrocinio V. Villafuerte
sa balintawak ang gumising ay isang sigaw
bumalik ang sagot na tila alingawngaw
KALAYAAN
at sa bawat lugar ay mauulinig
ang dala ng hanging may saliw na awit
KALAYAAN
Ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay
ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta. Ang Tulang liriko na uri ng mga
tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata
ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
B. SANGKAP NG TULA
I. TUGMA
Ang tugma ng tula ay salitang pag gamit ng katanig at patinig. Sa unang saknong ay puro
katanig at sa susunod ay patinig naman salitan lamang ang katinig at patinig sa bawat isang
saknong.
II. SUKAT
Ang tula ay may sukat na labing dalawa at labing isa.
III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA
Ang tinutukoy ang paksa sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng KALAYAAN sa kanilang
sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga karapatan natin ang maging Malaya ata
gawin ang mga gusto natin gawin sa buhay at dahil na din ang bansa natin ay isang malayang bansa.
IV. TALINGHAGA
Ang tulang “Kalayaan” ay binuo ng mga salitang di gaano kalalalim kaya madali
maintindihan at makuha kung ano ang gustong ipahiwatig at iparating sa mga makakabasa nito.
V. IMAHEN O LARAWANG DIWA
Sa tulang ito naipakita ang kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng Kalayaan sa sarili
nila at sa bayang kanilang ginagalawan.
VI. ALIW-IW
Sa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula. Magpapatunay dito ay ang pag
gamit ng tulang ito sa sabayang pagbigkas para ilaban sa isang kompitisyon at iba pa.
VII. TONO
Ang tono sa tula ay nagpapakita ng pagpurisigi sa karapatan ng mga Pilipino na magkaroon
ng kalayaan.
VIII. PERSONA
Ang persona sa tula ay para sa ating mga Pilipino na gutom sa kalayaan na hinahanap pa din
ang sarili at pagkakakilanlan sa sariling bayan.
IX. TEORYA/DULOG
Ang teoryang ginamit ay Teoryang Eksistensyalismo. Ito’y dahil ang tula ay nakatuon sa
buhay ng manunulat at sa buhay ng mga taong katha lamang. Malinaw din dito ang proseso ng
pagiging at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad
ang dapat bigyang pansin ng tao upang mamuhay siya ng tunay. Laban din ito sa establisimiyento, at
di-kompormista, at sa huli isang teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng masasabing
impluwensya at pananakot ng relihiyon at moralidad ng bawat tao.
X. REAKSYON/KOMENTO
Ang tinutukoy sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng KALAYAAN sa kanilang sarili at sa
bayan dahil alam naman nating isa sa mga karapatan natin ang maging Malaya ata gawin ang mga
gusto natin gawin sa buhay at dahil na din ang bansa natin ay isang malayang bansa.
Genoveva Edroza-Matute
Subalit hindi niya napalutang ang mga bangkang papel dahil paggising niya kinabukasan ay
nakita niya ang kanyang inang nakalugmok sa sahig habang hinahaplos-haplos ang buhok ng
kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa kanila ang
nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa
ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na ang kanyang ama ay
kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Tinanong niya ang
kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang
ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan.
I. TAGPUAN
II. TAUHAN
Ang mga tauhan ay ang batang lalaki na mahilig gumawa ng bangkang papel at paanurin sa
baha, ang kanyang ina na nag aalaga sa kanilang magkapatid, at ang kapatid niya.
III. BANGHAY
Napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa
nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa ligtas na pook kasama si
Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang
patay sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay
ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang
tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan.
Ang panauhan ng kwento ay ang mga ng tao na humihingi ng KALAYAAN sa kanilang sarili
at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga karapatan natin ang maging Malaya at gawin ang
mga gusto natin gawin sa buhay.
V. TONO
Lungkot ang namumutawi sa kwentong ito dahil hindi birong mawalan ng mahal sa buhay
kahit sabihin mong wala ka pa sa tamang pag-iisip. Iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo ng
buo at nakasanayan mo sa pang-araw araw na buhay mo. Kailangan nating tiising ang sakit at
lungkot dahil sa pagkawala ng ating mahal sa buhay.
Ang tema o gustong pakahulugan ng kwento ay hindi mo alam ang pwedeng mangyari bawat
oras na dumadaan sa buhay mo, mapa sa ibang tao man, sa paligid o kahit sa mga bagay na di mo
inaasahan.
VII. TEORYA/DULOG
VIII. REAKSYON/KOMENTO
Nakakalungkot ang nangyari sa bata , sa kanyang ina at kapatid na walang kamalay malay
na kaya pala hindi pa umuuwi ang kanyang ama ay dahil napatay na ng mga kalaban.
Pagbubuod
Ang Teorya ay isang sistematikong pag-aaral at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan
na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Ito ay
binubuo ng Teoryang Klasismo/Klasisismo, Teoryang Humanismo, Teoryang Imahismo, Teoryang
Realismo, Teoryang Feminismo, Teoryang Arkitaypal, Teoryang Formalismo/Formalistiko, Teoryang
Saykolohikal/Sikolohikal, Teoryang Eksistensyalismo, Teoryang Romantisismo, Teoryang Markismo/
Marxismo, Teoryang Sosyolohikal, Teoryang Moralistiko, Teoryang Bayograpikal, Teoryang Queer,
Teoryang Historikal, Teoryang Kultural, Teoryang Feminismo-Markismo, at Teoryang
Dekonstraksyon.
Sanggunian
1. Almario, V. (2013). MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR. Metro Manila: Aklat ng Bayan,
2. Arrogante, J. (1991). Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino. Manila: National
Bookstore
3. Magno, O. (1992). Ang Panitikang Filipino. Cebu City: R.D.C. Penaves Educational Services
4. Salazar, L. et al. (1995). Panitikang Filipino. Quezon City: Katha Publishing Co. Inc.
5. San Juan, E. Jr. (2015) “Kasaysayan, Sining, Lipunan: Ang Politika ng Panitikan sa
Makabagong Panahon” nakuha noong Hulyo 12, 2020 mula sa https://bit.ly/317k7mO
6. Sauco, C. et.al (1998). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina. Quezon City: Katha
Publishing Company
7. Smael, C. (2019). Panitikan sa Kasalukuyan nakuha noong Hulyo 11, 2020 mula sa
https://bit.ly/3iTmf7z
8. Tariman, K. (2016)“#RevolutionGo: Tungkol sa Makabayang Panitikan sa Panahon ng
Facebook, Twitter at Instagram* nakuha noong Hulyo 12, 2020 mula sa
https://bit.ly/3hb969D