Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ATERRADO, APPLE S.

BSCE3-3
201810147

Ang Pagbabalik Tanaw Sa Kasaysayan

Mahalaga na ating balikan at gunitain ang nakaraan upang mabigyang linaw ang

mga pangyayari sa kasalukuyan. Ang kasaysayan ay siyang sumasalamin,

nagpapatunay at kumikilala sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Naging malaking

bahagi na ng ating kasaysayan si Fernando de Magallanes o kilala sa tawag na

Ferdinand Magellan. Siya ay isang Portugese na ekplorador na naniwalang posibleng

makapaglayag sa buong mundo. Isa siya sa mga taong may napaka laking papel na

ginampanan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa aking mga kaalaman, si Ferdinand

Magellan ang unang Europeo na nakarating sa bansang Pilipinas at una niyang

napuntahan ang lungsod ng Samar. Ito ang nagging daan upang makilala ang bansang

Pilipinas sa Europeo. Nang makarating sila sa Cebu, inangkin nila ang teritoryong ito sa

ngalan ng Espanya kaya’t naisagawa ang pagbibinyag sa mga katutubong naninirahan

dito. Ibinahagi ni Ferdinand Magellan ang salita ng Diyos sa mga tao na nakitira sa isla

at isa ito sa mga pangyayaring nakapagpalaganap ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Sinubukang sakupin ni Magellan ang Mactan ngunit hindi siya nagtagumpay sapagkat

nang malaman ito ni Lapu-lapu, pinulo niya ang kanyang hukbo at nagsimula ang

labanan. Dito nasawi si Ferdinand Magellan at kinilala ang laban na ito sa kasaysayan

ng Pilipinas bilang The Battle of Mactan.

Samantala, dahil sa kagustuhang malibot ang buong mundo ay pinamunuan ni

Ferdinand Magelan ang isang ekpedisyon na naglalayong makarating sa isang isla sa

silangan kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang pampalasa. Ganon na

lamang ang pagnanais niyang makarating sa islang ito dahil ang mga pampalasa noong

panahong iyon ang naghahatid ng malaking salapi sa mga bansa sa Europe. Bunga ng
ekspedisyong ito ang iba’t ibang kontribusyon sa kasaysayan ng ating mundo. Dahil sa

kaniyang paglalayag, napatunayan niya na bilog ang mundo at possible itong maikot

sapagkat nagawa nilang marating ang Silangan sa pamamagitan ng Rutang Kanluran.

Gayuundin, Si Ferdinand Magellan ang nagbigay ng pangalan sa Pacific Ocean.

Pinangalanan niya ito bilang Mar Pacifico, na ang ibig sabihin ay “Peaceful Sea” sa

Portugese, dahil ang mahinahon ang dagat noong nilayag niya ito.

You might also like