Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE


Departamento ng Edukasyon
Lungsod ng Sorsogon
T.P. 2018-2019

FIL120: Pahayagang Pangkampus


Propesor: Gng. Helen Malate
Paksa: Mga Pananda sa Pagwawasto ng Pruweba
Tagapanayam: Bea Lagamayo
Kathleen Ledesma
Kurso: BSED 4B – Fil

I. Panimula

Pagmamarka ng Pruweba

Isa sa mga pinakamahalagang bahaging pagdadaanan ng isang akda o isang publikasyon ang
pagbasa ng pruweba (proofreading). Sa yugtong ito, “nililinis” ng tagabasa ng pruweba (proofreader) ang
manuskrito upang mas maging malinaw, maayos, at kaiga-igaya ang pagbasa.

Malaking kahingian sa tagabasa ng pruweba ang masinop na pagkilatis sa manuskrito. Sa


kaniyang mata huling nagdadaan ang publikasyon bago ito ganap na malathala. Isinasaalang-alang ng
mahusay na tagabasa ng pruweba ang mga sumusunod na detalye sa pagmamarka ng teksto:

1. Ispeling. Kadalasang hindi naiisipang baguhin ang wikang ginagamit ng word processor sa
computer. Dahil ditto, mga salitang mula sa napiling wika lamang ang makikilala ng word
processor. Hindi rin maiiwasang gumagana ang autocorrect na function nito kung kaya binabago
ng word processor ang ispeling ng mga salitang itinipa base sa wikang napili.
2. Diwa ng teksto. Kinakailangang mala yang tagabasa ng pruweba sa diwa ng tekstong kaniyang
minamarkahan. Hinihingi ng teksto ang pagiging matalas ng mata ng tagabasa ng pruweba sa
mga detalyeng kulang, naputol o sobra.
3. Pisikal na anyo ng manuskrito. Ang mga sumusunod na detalye hinggil sa pisikal na anyo ng
manuskrito ang kailangang isaalang-alang ng tagabasa ng pruweba:
a. Uri ng tipo ng font. Isang kahingian ng tagabasa ng pruweba ang pagmemorya sa
estilong ginagamit sa mga publikasyon. Kailangang mayroong estandardisadong font
at tipo para sa uri ng publikasyong ilalathala. Natutukoy ng mahusay na tagabasa ng
pruweba ang dapat na italiko sa boldface, ang nakasulat nang nagsisimula sa malaki o
maliit na titik, at ang laki ng font ng pamagat, sa pangalawang pamagat, at teksto.
b. Pahina at tumatakbong pang-ulo. Kailangang tiyakin ng tagabasa ng pruweba na
sunod-sunod ang mga pahina ng manuskrito at nailey-awt nang tama ang
tumatakbong pang-ulo (running head) nito.
c. Espasyo sa bawat salita at linya. Tinitiyak ng masinop na tagabasa ng pruweba ang
mga sobra o kulang sa espasyo sa pagitan ng mga salita at mgs linya. Tinitingnan rin
niya ang pangkalahatang itsura ng pahina kung pantay ang pagkakaley-awt ng bawat
pahina.

Mga Tungkulin ng Tagapagwasto

 Ang petsa, pook, dami at bilang ng pahina ay tama at nasa tamang ayos
 Ang balita ay nagtataglay ng angkop na ulo ng balita.
 Ang ulo ng balita ay nailimbag ng tama at maayos.
 Ang linya at alintuntunin ng kolum ay tuwid.
 Ang mga linya ay tuloy tuloy at ang karugtong ng ulo ay maayos na nailagay
 Ang pasikot-sikot na komposisyon tulad ng pabaligtad ng ayos ng mga letra at maluwag
na tipo ay ilapat nang wasto.
 Ang espasyo ng mga linya ay dapat iwasan.
 Ligaw na guhit o malabong mga linya ay hindi dapat isisingit.
 Ang mahabang balita na mahigit sa tatlong dali ang lalim ay kailangang mayroong
katulong na pamagat.
 Lahat ng materyales na hindi kailangan ay dapat na burahin.

Mga Simbolong Ginagamit sa Pagbasa ng Pruweba

Sanggunian: * Aklat ng Bayab KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat: Ikalawang Edisyon. Maynila.
Komisyon sa Wikang Filipino. 2015

You might also like