Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Jelly Ann P.

Andres
Dalumatfil

2BSA1

Sa inyong palagay ano ang naging basehan sa pagpili ng mga salita sa sawikaan ng taon?

a. Selfie

Marahil sa mabilis na paglaganap at paglago ng teknolohiya sa bansa naging daan para mabuo ang
salitang selfie. Dahil sa pagkahumaling ng mga tao, partikular tayong mga Filipino, sa social media lalo
na sa facebook at instagram, nabuo ng salitang selfie o ang pagkuha ng letrato sa sarili para maging
konektado sa buong mundo.

b. Wangwang

Ang salitang wangwang ay nakilala o sumikat noong panahon ni pangulong P-Noy Aquino at ito rin
ang naging representasyon ng administrasyong Aquino. Ang wangwang ay ginamit ng pangulo bilang
pakahulugan o sagisag sa kanyang “matuwid na daan” ngunit nabigyan ito ng ibang kahulugan na
pagbabago, na naging dahilan para mas lalong maging popular ito sa ating bansa.

c. Pandemya

Ang salitang pandemya ay nagsimulang sumikat o maging popular dahil sa kinakaharap na krisis ng
buong mundo na tinatawag na Covid-19. Siguro ito ang napili bilang salita ng taon dahil sa lalim ng
kahulugan at kabuluhan nito sa tao at dahil ito rin ang nagpahinto ng maraming bagay sa buhay ng tao
hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ang salitang pandemya ay hindi na bagong salita sa
atin ngunit ito ay naging popular hanggang ngayon dahil sa laki ng naapektuhan nito sa iba’t ibang aspeto
ng ating buhay.

d. Tokhang

Ang salitang tokhang ay marahil umusbong simula noong administrasyon ni pangulong Duterte. Dahil
sa kasikatan o popularidad nito at maging sa kabuluhan nito sa buhay ng mga Filipno ito ay pinili bilang
salita ng taon. Ang bagong salita na ito ay sumalamin sa katotohanan at bagong pangyayari sa ating
lipunan na kinabibilangan. Ito rin ay mas naging popular noong ito ay ginamit na tawag sa pagsugpo sa
lumalaganap ng droga sa bansa. Ito ay ang “oplan tokhang” na isinulong at patuloy na isinusulong sa
administrasyon ni pangulong Duterte.

e. Fotobom
Ang ibig sabihin ng fotombom ay sagabal o panira na bagay o tao sa isang larawan. Ang salitang ito ay
mas nakilala dahil sa naging isyu noon sa monumento ng bayaning si Jose Rizal, na kung saan sa likod ng
kanyang monumento ay may isang malaking gusali na itinayo na naging panira dito. Dahil doon ang
gusali ay binansagan na “Pambansang Fotobom”. Marahil napili ang salitang “Fotobom” dahil sa
kabuluhan nito sa buhay ng mga Pilipino at sa kalagayan ng lipunan. Ayon sa aking nabasa ang salitang
ito ay nagkaroon ng kabuluhan sa kultura at sa kasaysayan ng Pilipino dahil na rin sa pag sagabal nito sa
monumento ng bayaning si Jose Rizal at umabot sa korte ang usaping ito.

f. Miskol

Ang salitang miskol naman ay bunga din ng lumalagong teknolohiya sa bansa. Ito ay napili bilang
salita ng taon siguro ay dahil lumaganap ang pagkahumaling ng mga tao sa komunikasyon gamit ang cell
phone. Nag mula ito sa English word na “missed call” na ating inangkin at nabigyan ng bagong salita na
miskol. Ayon kay Adrian Remodo (2008, 8), “Ang miskol ay tekstong hindi lamang tumutukoy sa
salitang bunga ng isang rebolusyon na dulot ng makabagong teknolohiya at komunikasyon. Tumutukoy
rin ito sa pagbabagong nagaganap sa ating sarili, sa pakikitungo natin sa iba, at sa ating pagnanasa na
patuloy tayong magparamdam sa panahon ng tunggalian at mas pinipili na lamang ng karamihan sa atin
ang magparamdam sa pamamagitan ng pinakamadali ngunit pinakamagastos na paraan: ang cell phone.”

g. Jejemon

Ang salitang “jejemon” naman ay bunga rin ng teknolohiya. Ito ay nilikhang salita na kumakatawan sa
isang umuusnong na kultura na dulot ng teknolohiya o cellphone. Ito’y marahil ang naging ibang tawag
sa salitang jologs naging popular ito dahil sa pag gamit ng ibat ibang salita o pagpapalit ng letra para
mabuo ang isang salita.

h. Lobat

Marahil sa epekto ng pag unlad ng teknolohiya ay madami na ang gumamit ng cell phone upang
makipag usap o kumunekta sa iba hindi lamang sa paraan ng pagtawag kundi pati sa pagtext, lalo na sa
pagkonek sa internet. Ang salitang lobat ay nagmula sa salitang “low battery” o pagkaubos ng enerhiya
ng baterya ng cell phone. Ito ay naging isyu ng pakikipagtunggali ng lipunan sa hindi mapigilang
modernisasyon ng mundo.

i. Huweteng
Siguro ito ay napili bilang salita ng taon dahil sa malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga tao sa
aspektong pampoliyika, pang-ekonoiya at iba pa. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang sugal na patuloy
na umiiral noon pa man. Ayon kay Anonuevo ang huweteng ay isang problema na marapat na harapin.

j. Canvas

Ang salitang canvas ay naging mainit na usapin dahil sa katatapos na eleksiyon noon sa panahon ni
PGMA na kung saan ay sinasabing nagkaroon ng dayaan sa eleksiyon dahil sobrang dikit ng resulta ng
boto. Ang salitang ito ay hindi nab ago sa atin ngunit naging popular marahil sa naganap noon na
sabwatan sa halalan. Itinuturing ang salitang canvass na isang mapagbagong gawain sa eleksiyon na
naglalaman ng isang masusing pagkilates ng mga dokumentong naglalaman ng resulta.

You might also like