Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging


EsP6P- IIa-c–
responsible sa kapwa sa pagpapanatili ng
30
50% 10 1-10
mabuting pakikipagkaibigan.

Naipakikita ang kahalagahan ng EsP6P- IIa-


50% 10 11-20
pagiging responsable sa kapwa c– 30

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE VI – ESP
GURO AKO CHANNEL

SUMMATIVE TEST 2
GRADE VI – ESP
GURO AKO CHANNEL

I. Lagyan ng tsek ( √ ) kung ang pangungusap ay nagsasabi ng pagkamapanagutan at ekis (x) kung
hindi ang mga sumusunod na sitwasyon.

______ 1. Si Sheila ay nangako na tutulong sa kanyang kaibigan ngunit kinalimutan niya ito.
______ 2. Si Luis ay humiram ng pera sa kanyang kaibigan at nangakong babayaran kinabukasan
ngunit ipinagsawalang-bahala niya ito.
______ 3. Dinamayan ni Carlo ang kanyang kaibigan na namatayan ng ama sa oras ng
pagdadalamhati ng pamilya nito.
______ 4. Maayos ang pakikipag-usap ni Sonia sa kanyang kaibigan na si Brenda ngunit kanya itong
sinisiraan pag hindi siya pinapakopya ng takdang-aralin.
______ 5. Isang umaga, may nasagap kang balita na nadisgrasya ang kapatid ng iyong kaibigan,
agad-agad mo siyang pinuntahan at dinamayan.
______ 6. Si Kristina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil Government at nagkataong
ang kanyang matalik na kaibigan na si Celia ang kanyang katunggali. Nanalo si Celia at agad itong
kinamayan ni Kristina.
______ 7. May usapan kayo ng mga kaibigan mo na manood ng firework display sa plasa.
Nakatakda kayong magkita-kita ng ika-5 ng hapon ngunit hindi sila sumipot sa takdang oras na
napag-usapan nyo.
______ 8.Hiniram ng matalik mo na kaibigan na si Lanie ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako
niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Tinupad niya ang kanyang pangako na isasauli ang
iyong aklat sa takdang oras.
______ 9. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan. Tinuruan mo siyang
sagutin ang inyong takdang-aralin.
_____ 10. Magsusuot kayo ng Filipiniana sa inyong palatuntunan sa Buwan ng Wika. Walang
maisusuot ang iyong kaibigan at nagkataong may dalawa kang kasuotan kaya’t pinahiram mo sa
kanya ang isa.

II. Isulat ang T sa patlang kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagkakawanggawa at M kung hindi.

_______11. Inipon mo ang mga lumang laruan para ipamahagi sa mga batang lansangan sa
darating na kapaskuhan.
_______12. Si Rodelyn ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang mga bata sa bahay
ampunan.
_______13. Nangako si Marvin na magbabagong-buhay matapos malaman ang War on Drug ng
pamahalaan.
_______14. Ikaw ay sumama sa mga gawaing pampook sa inyong lugar gaya ng pagtuturo sa mga
bata, pamimigay ng mga relief goods at iba pa.
_______15. Namigay kayong magkakaibigan ng mga lumang damit na mapakinabangan pa sa mga
nasunugan.
_______16. Sa halip na maglaro, tumutulong si Mario sa mga gawaing bahay.
_______17. Para tumaas ang magiging ani ng kaniyang kababayan, ibinahagi ni Manolo ang
kaniyang kaalaman sa pagtatanim ng palay sa mga magsasaka sa kanilang bayan.
_______18. Maaga kang gumigising para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga
nakababata mong kapatid.
_______19. Nag-aaral ka nang mabuti upang makakuha ng magandang kurso pagdating mo sa
kolehiyo.
_______20. Ibinabahagi mo sa mga batang lansangan ang mga natitira mong baong pagkain sa
paaralan.

PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL

ANSWER KEY:

I.
11. T
1. X
12. T
2. X
13. M
3. /
14. T
4. X
15. T
5. /
16. M
6. /
17. T
7. X
18. M
8. /
19. M
9. /
20. T
10. /

You might also like