Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Cainta Sub-Office
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
Quarter 2 Week 1 - 2
Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: __________________
Baitang at Pangkat: ________________________________ Petsa: __________________
Kasanayan: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

Panuto:

Basahin ng mabuti ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol dito.

Si Pagong at Si Matsing
Nasa tabing ilog ang magkaibigang Matsing at Pagong. Nakakita sila ng naaanod
na puno ng saging. Nagkasundo silang kunin ito. Nang makuha nila ang saging, hinati nila
ito. Ang puno ay kay Pagong at ang dulo ay kay Matsing. Itinanim nila ang kani-kanilang
bahagi. Namatay ang tanim ni Matsing samantalang nabuhay ang kay Pagong.
Dinalaw ni Matsing si Pagong. Nakita niyang namumunga na ang tanim nitong
saging. Sinabi niyang tutulungan niya si Pagong na kunin ang bunga ng saging. Pumayag si
Pagong ngunit nang nasa itaas na si Matsing ay panay ang kain nito. Ayaw nitong
magbigay kay Pagong. Sa galit ni Pagong, nilagyan niya ng tinik ang puno ng saging.
Nasaktan ni Matsing nang bumaba sa puno. Inihagis ni Matsing ang saging sa ilog.
Tuwang-tuwa naman si Pagong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? __________________________________

2. Paano nila hinati ang nakita nilang puno ng saging? ______________________________________

3. Bakit nagalit si Pagong kay Matsing? _________________________________________________

4. Bakit nasaktan si Matsing nang bumaba siya sa puno? ___________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit tuwang-tuwa si Pagong nang inihagis ni Matsing ang saging sa ilog?

_______________________________________________________________________________
Panuto:

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Si Tambelina
May isang bata ang itinuturing na kakaiba, sa isang bulaklak siya lumabas at tila isang maliit
na diwata. Kasing laki lamang niya ang hinlilit ng isang normal na tao. Ngunit kahit siya ay maliit,
kilala siya sa kanilang lugar dahil sa pagiging matulungin. Itinuturing siyang espesyal na bata ng mga
taga roon. Habang namamasyal si Tambelina, nakakita siya na isang ibon. Nilapitan niya ito at
nalaman niyang bali ang pakpak nito. Ginamot niya ito at pagkatapos ng pagpapagaling ay umalis na
ito. Isang araw napadpad si thumbelina sa tabing ilog. Naglalakad lakad siya ng siya ay mahulog at
anurin ng tubig. Sumakay siya sa nakita niyang dahon. Takot na takot si thumbelina nang makakita
siya ng lumilipad malapit sa kanya. Napansin niya na ito ang ibon na kaniyang tinulungan. Lumapit
ang ibon sa kaniya at pinasakay sa likod. Inilipad ng ibon si Tambelina papunta sa tirahan nito at
wari'y nagpapasalamat din. Nagpasalamat si Tambelina sa ibon.
_____6. Saan nagmula si Tambelina?
a. bulaklak b. mayamang pamilya c. pamilya ng mga duwende d. puno ng kawayan
_____7. Bakit Tambelina ang itinawag sa pangunahing tauhan ng kuwento?
a. dahil siya ay malaking babae c. dahil kasing laki lang siya ng hinlalaki
b. dahil mataba siya d. wala sa nabanggit
_____8. Ano-ano ang katangian ni Tambelina?
a. madamot at palaaway c. maganda, mabait at matulungin
b. sinungaling d. tamad
____ 9. Ano ang ginawa ni Tambelina nang makita na nabali ang pakpak ng ibon?
a. binabayaan b. kinausap c. ginamot d. pinakain
____10. Paano tinulungan ng ibon si Tambelina ng mahulog ito sa ilog?
a. pinasakay sa likod b. pinasakay sa bangka c. hinila ng patpat d. wala sa nabanggit
Kasanayan: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon
Panuto:
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Bilugan ang pang-uri sa bawat
pangungusap. Gumuhit na arrow mula sa pang-uri hanggang sa pangngalan o panghalip na inilalarawan nito.

Halimbawa:
Narinig mo ba ang malakas na tunog?

11. Tahimik ang buhay nila sa kabukiran.

12. Si Pedring ay masipag na mangingisda.

13. Maraming tao ang napinsala ng lindol.

14. Masasarap ang mga kakaning mabibili sa bayan ng Cainta.

15. Hindi ako kumakain ng pagkain na maalat.

16. Lanta na ang mga rosas sa plorera.

17. Sariwa ba ang mga gulay sa palengke?

18. Dumating na ang kuwadradong salamin para sa sala

19. Sina Dina at Ramon ay may tatlong anak.

20. Ang trak ay dumaan sa makitid na tulay.

Panuto:

Mag-isip ng wastong pang-uring gagamitin sa paglalarawan sa mga larawang nasa ibaba. Isulat ang inyong
kasagutan sa patlang.

21. Ang rosas ay ________________. 22. ________________ ang ngiti ni Lala.

23. Si Lino ay _____________ sa kanyang kaklase. 24. Bumasa ng ____________ si Ana.

25. Nagluto ng _______________na sopas ni nanay.


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Cainta Sub-Office
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
Quarter 2 Week 3 - 4
Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: __________________
Baitang at Pangkat: ________________________________ Petsa: __________________
Kasanayan: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon

Panuto: Isulat kung ano ang sasabihin mo sa mga sumusunod na sitwasyon:

1. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong guro sa pagpasok mo sa paaralan.


___________________________________________________________________________________________
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo sa sala na nanonood ng TV ang iyong tatay.
___________________________________________________________________________________________
3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan, nakasalubong mo ang iyong tiyahin.
___________________________________________________________________________________________
4. Nakasabay mo sa kantina ang inyong bagong guro.
___________________________________________________________________________________________
5. Nadatnan mo sa bahay na may bisita ang nanay mo.
___________________________________________________________________________________________
Kasanayan: Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan

_______6. Mahusay sa klase at mabait si Marco. Ano ang maaaring bunga ng sitwasyon?
a. Gusto ng mga magulang niya na manguna siya. c. Mababa ang grado niya
b. Marami siyang kaibigan d. Likas kay Marco ang pagiging mabuti.
______7. Pinilit ni Addie na magtapos ng pag-aaral kahit mahirap lamang sila. Ano ang maaaring sanhi ng sitwasyon?
a. Nakatapos siya ng kanyang pag-aaral c. Gusto niyang makaahon sila sa kahirapan.
b. Nawalan siya ng trabaho at nag-aral na lang. d. Natuwa ng lubos ang kanyang mga magulang.
______8. Napakainit ng panahon. Ano ang magiging bunga ng sitwasyon.
a. Binasa naming ng tubig ang atip. c. pinaandar naming ang bentilidor.
b. Binuhusan ng tubig ang daan. d. Naglaro kami sa labas.
______9. Nagtulungan kami. Ano ang magiging bunga nito.
a. Nagalit ang nanay c. Nagkagulo-gulo sa Gawain
b. Madali naming natapos ang Gawain d. Hindi natapos ang gawain
______10. Nakatawid ako ng maayos. Ano ang magiging sanhi nito?
a. Gumamit ako ng pito c. Pinahinto ko ang lahat ng sasakyan
b. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan. d. Inaway ko ang mga tsuper.
c.
Kasanayan: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pamatnubay na tanong;

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari mula sa


nabasang teksto. Lagyan ng bilang 1-5.

______11. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.


______12. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa
bagyo.
______13. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
______14. At sa dakong huli ay inalis na niya ang
makapal na kumot at patuloy na nakinig ng
balita.
______15. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa
paaralan tungkol sa bagyo.
Kasanayan: Nakakapagpahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan o nabasang
teksto, balita, isyu o usapan.

Panuto: Basahin ang kuwento. Ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa tatlong pangungusap.

Estudyante….Naistranded!

Umihip ang hangin at bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang mga estudyanteng papasok sa kanilang mga
klase kahit pa may dala silang payong. Nagtrapik sa mga lansangan dahil may ilang lugar na tumaas ang tubig.
Nagbanggaan angdalawang sasakyan dahil sa madulas ang kalsada. Sumimangot na ang mga pasahero dahil
mahuhuli na sila sa kani-kanilang pupuntahan. Samantala, dahil sa biglang pagbuhos ng ulan at balitang mga
pagbaha sa ilang lansangan, nag-anunsyo ang pangasiwaan ng paaralan na suspendido na ang klase.
Sinuspinde man ang klase, hindi rin makauwi ang mga estudyante. Malakas pa ring bumubuhos ang ulan.
Naghihintay silang tumila ang ulan habang nag-aabang ng masasakyan pauwi. Ginabi na ang mga naistranded bago
nakauwi.

16. __________________________________________________________________________________

17. __________________________________________________________________________________

18. __________________________________________________________________________________

Kasanayan: Nagagamit mo nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Panuto: Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap at tukuyin kung nasa anong aspekto ang mga
ito. ( Naganap, Nagaganap, Magaganap )

_________________ 19 Ang malikot na bata ay napaso sa kalan.

_________________ 20. Manghuhuli ng mga gumagalang aso ang lalaki.

_________________ 21. Sina Mabelle at Paolo ay sumasayaw ng Tinikling.

_________________ 22. Ang magkakapatid ay nagdadasal gabi-gabi.

_________________ 23. Ang mag-aaral ay magsisimba mamayang hapon.

_________________ 24. Sumulat siya ng liham sa kanyang ina.

_________________25. Ang pamahalaan ay magpapadala ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyo.

You might also like