Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

GOLDEN GATE COLLEGES

Senior High School Department

MODYUL 8
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Panimulang Mensahe

Para sa mga Mag-aaral:

Hindi maikakailang ang pag-aaral sa proseso sa pagsulat at pag-unawa ng iba’t ibang


teksto ay makapagpapalago sa iyong kaisipan. Isa rin ito sa mga hakbang upang makabuo at
makasulat ka ng isang sistematikong pananaliksik.

Sa kabila nang hinaharap natin na pandemya ngayon, ang institusyon ng Gintong


Tarangkahan kasama ang mga guro ay gumagawa ng mga hakbang tungo sa ikatatagumpay ng
pag-aaral ng mga mag-aaral sa Senior High School. Makatutulong ang modyul na ito sa pag-
unlad ng kaisipan patungkol sa Pananaliksik. Hangad ng modyul na ito na mabigyan ng sapat at
kalidad na mga gawain at impormasyon na kailangan upang makabuo ng mahusay na
pananaliksik.

Lesson Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong


8 Papel
Introduksyon

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa mga paksang tatalakayin,
mga gawaing isasagawa at mga pagsusulit na ibibigay sa bawat paksang matatalakay. Ang modyul 8 ay
kinapapalooban ng paksang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel. Sa paksang ito,
kakikitaan ito ng mga katulong na paksa upang mas mapalalim at mapalawak pa ang pag-unawa sa
paksang kalakip ng modyul na ito. Mayroon ding mga inihandang gawain sa paksang tatalakayin na ang
pinakadahilan ay upang maibigay sa mga mag-aaral ang kasanayan sa pagpapalalim at pagpapalawak sa
mga talakayan. Ang panghuli naman ay ang pansariling pagtataya ng mag-aaral. Hangad ng modyul na ito
na matamo ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nasusuri ang ilang halimbawa pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,metodo, at
etika sa pananaliksik.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik.

Paglinang
Magbigay ng mga salita na maaaring makatulong sa Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at
Konseptong Papel.

Pagbuo ng
Pansamantalang
Balangkas at
Konseptong Papel

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel

Mahalagang tanong:
Sa paanong paraan makatutulong sa mabisang mananaliksik ang pagkakaroon ng
mahusay na pansamantalang balangkas at konseptong papel?

Kaalaman !

Alam Mo Ba?

Ang arkitekto ay bumubuo muna ng plano o blueprint bago simulan ang konstruksiyon ng isang bahay o gusali.
Nakatutulong ito nang malaki upang sa una pa lang ay may gabay na Siya sa disenyo, itsura, sukat, at maging kulay ng
gusaling itatayo. Kung ang arkitekto ay may plano o blueprint, ang manunulat naman ay may balangkas. Nakatutulong sa
manunulat ang balangkas upang maging maayos o organisado ang kanyang isusulat mula simula hanggang wakas.
Learning Module
SHSMababasa sa ibaba ang ilan pa sa mga kahalagahan ng pagbuo muna ng balangkas bago simulan ang pagsulat.
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas

Marami-rami ka nang nagagawa para sa iyong sulating pananaliksik. Binabati kita dahil
sa mga paunang gawaing natapos mo. Malayo-layo na ang narating mo dahil ngayon ay mayroon
ka nang matibay na pahayag ng tesis mula sa ivong nilimitahang paksa at sa mga naunang
impormasyon at datos na nakalap mo. Sa araling ito ay lalong magkakaroon ng direksiyon ang
iyong gawain sapagkat bubuo ka ngayon ng pansamantalang balangkas. Ginamit ang salitang
pansamantala sa balangkas na gagawin mo sapagkat hindi pa ito pinal. Habang dumarami kasi
ang nababasa mong sanggunian ay nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman mo tungkol sa
iyong tesis kaya't maaaring may mabago pa sa iyong balangkas.

Bagama't hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng


direksiyon sa mananaliksik. Mula rito'y makikita niya kung ang mga ideya ay konektado sa isa't
isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang o gap na dapat punan sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang
masagot ng mananaliksik ang dalawang mahahalagang tanong:

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

 Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang i-organisa


patungkol sa aking paksa?
 Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang
saliksikin?

Isa ring magandang pagkakataon ang pagbuo ng balangkas upang maisaayos ng


mananaliksik ang iskedyul para sa bawat bahaging isinulat niya rito. Ang guro ay karaniwang
nagbibigay ng takdang araw o panahon ng pagpasa sa gawan. Halimbawa, kung walong linggo
ang ibinigay para maisagawa ang buong sulatin, magagamit ng mananaliksik ang tentatibong
balangkas upang mahati-hati ang natitirang panahon o araw para sa bawat bahagi. Sa ganitong
paraan ay maiwasan matambak ang gawain o magmadali sa pagtapos ng lahat kapag malapit na
ang araw ng pagpasa.

Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang i-konsidera ang pagiging


maayos ng daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuo mong matibay
na pahayag ng tesis: Dito kasi ihahanay o i-a-align ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong
balangkas.

Makikita sa kabilang pahina ang isang halimbawa ng pansamantalang balangkas.


Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan
(Pansamantalang Balangkas)

I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E-Textbook sa Silid-Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II. Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbook
C. Mga Pormat ng E-Textbook
D. Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol Paggamit ng E-Textbook

III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

IV. Resulta
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya

Ang Konseptong Papel

Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo
ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito'y mailalahad mo ang magagawa mo upang
mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal
para sa gagawin mong pananaliksik. Makatutulong ang konseptong papel upang lalong
magabayan o mabigyang direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya'y baguhan pa lang sa
gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa
pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita
o mailahad kung ano ang mangyayari. Sa pamamagitan nito'y malalaman agad ng guro ang
tunguhin o direksiyong ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay agad ng feedback,
mungkahi, o suhestiyon ang guro kung sakaling may mga bahagi sa konseptong papel na
kailangang maisaayos pa. Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang
konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang oulput resulta.

1. Rationale-Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin
ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

2. Layunin -Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.

3. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng


datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na
impormasyon.

May iba't ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang


paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng
impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet. Gayumpama'y madalas na
hindi sapat ang impormasyon o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa layunin, uri,
gamit, at larangan kung saan kabilang ang paksang sinasaliksik. Kaya naman, may mga
mananaliksik na nangangailangang magsagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng mga
naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o sa pamamagitan ng paggamit ng
survey form o questionnaire, one-on-one interview sa mga taong may awtoridad at primaryang
makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha, o focused group discussion, at iba
pa o kombinasyon ng dalawa o higit pang paraan upang higit na mapagtibay ang kanilang
argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis. Kapag nakalap na ang mga datos ay mayroon ding
iba't ibang paraan ng pagsusuri o pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa mga ito. Maaaring
magamit dito ang mga paraang tulad ng empirikal, komparatibo, Interpretasyon, pagsusuri sa
kahulugan, at iba pa.

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

4. Inaasahang output o resulta -Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng
pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan
ng pagkalap ng datos.

Mababasa ang isang nalmbawa ng konseptong papel. Naka-label naman sa gilid ang
bawat bahagi nito.

Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan


(Konseptong Papel)

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in our
Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang
magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin
ay naiiba sa mga "natutong gumamit" ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nila
Trilling at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman
tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang pang-komunikasyon o digital information and
communications technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa
paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na
mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, sila ay naglalatag ng bagong set ng
pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21 century skills na kinakailangang Rationale

matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad
ng problem solving at critical thinking ang kabiílang sa mga kakayahang ito, kundi maging ang pagiging bihasa sa
mga makabagong kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong
set ng kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay ang life and career skills,
learning and innovation skills, at information, media, and technology skills.

Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology skills lalo na at ang ilan sa mga
silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi lámang sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan din ng unti-unting
pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na maláman kung
paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan
Layunin
bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology skills at kung ano ang impak ng
teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-aralan.

Sa kasalukuyan, magkaka-iba ang lebel ng information, media, and technology skills ng mga guro at mag-
aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel
na ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay naka-depende sa
kanilang information, media, and technology skills.*

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga guro at mag-
aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na
isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling
paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag Metodolohiya

ang mga datos na makukuha mula sa pakikipanayam.

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng


papel na ito. Inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon na maaaring magamit ng piniling
Inaasahang
paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum. output o
resulta

PAGPAPALAWAK
Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa konseptong papel?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang feedback, mungkahi, o suhestiyon ng guro bago pa man magsagawa ng
malalimang pangangalap ng datos ang mananaliksik?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan makatutulong sa mananaliksik ang isang konseptong papel?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
PAGTATAYA
Tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Isulat sa linya ang TAMA kung ito’y
wasto at ang MALI kung hindi.

____________1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel.

SHS Learning Module


GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

____________2. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa


konseptong papel.

____________3. Iisang metodo lamang ng pagkalap ng impormasyon ang maaaring gamitin para
sa konseptong papel.

____________4. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng


pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik tungkol sa paksang kanyang
tatalakayin.

____________5. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan


kung bakit napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na metodolohiya.

SHS Learning Module

You might also like