Alamat NG Suso

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Suso

Noong unang panahon, sa isang maliit na bayan sa Ilokos, ay may isang dukhang magsasaka.
Ang magsasakang ito ay ubod ng sipag. Kaya naman sa pamamagitan ng bakang kanyang
katulong sa pagbubungkal ng lupang isang hektarya lamang ay nabubuhay niya ang kanyang
asawa at siyam na anak. Sila'y matulunginat di nagpapabayang tumulong sa kanyang mga
gawain sa bukid.

Ngunit sila ay may suliranin. Ang kanilang baka ay napakatakaw. Ito'y ayaw ng damo sa bukid.
Ang gusto niya ay palay at gulay. Di miminsan kundi maraming beses ang bakang ito ay
makawala sa halaman. Tuwing ito ay mangyayari, sa galit ng magsasaka, oras na siya'y mahuli,
binubugbog niya nang walang pakundangan. Ang kanyang nakakain ay nasisira sa loob lamang
ng isang oras at maaari nang ikabuhay nilang mag-anak sa loob ng isang buwan.

Isang gabi... masarap ang tulog ng magsasaka sapagka't siya'y maghapong walang lubay sa
paggawa. Naging ugali na niya ang pagtulog nang maaga at magising nang maaga rin. Kaya't
mag-iikaapat pa lamang ng madaling araw siya ay nagising na. Naging ugali rin niya ang sa
kanyang pagbangon siya'y tuluy-tuloy na pupunta sa kinatatalian ng kanyang baka... Iyan ang
kanyang ginagawa noong madaling-araw na iyon. Ngunit... ang baka ay wala at ang natira ay
kaputol ng lubid na tali nito.

Sumugod ang magsasaka sa pusikit na dilim ng gabi upang hanapin ang kanyang hayop.
Sapagkat madilim, siya'y lubhang nahirapan sa paghanap. Ito'y kanyang nakita nang umaga na sa
dulo ng kanyang bukid, at busog na busog - halos pumutok ang tiyan.

Nang makita ng magsasaka ang kanyang mga halamang nasira, siya'y nasindak. Ang palay ay
halos kalahati ang nawasak; ang mga petsay ay sirang lahat; ang mga sibuyas ay gayon din. Sa
laki ng galit ay hinabol ang baka upang parusahan.

Natatandaan na nang baka kung ano ang mangyayari sa kanya pagnahuli. Kaya mabigat man ang
tiyan, siya'y nagtatakbo nang matulin. Takbo nang takbo ang baka, ang magsasaka naman ay
habul nang habul. Pagod na pagod ang magsasaka sa kahahabol ngunit hindi pa rin mahuli ang
hinahabol.

Bumagtas ang baka sa isang gubat at nagpasuut-suot sa ilalim ng punong kahoy. Humabol pa rin
ang magsasaka. Ang kanyang mga binti ay naninigas na sa pulikat ayaw pa ring lubayan an
paghabol. Sa kasamaang-palad ang magsasaka ay natalisod sa ugat na litaw at siya'y nadapa. Ang
kanyang ulo'y nauntog sa punongkahoy at siya'y nawalan ng malay-tao.

Nang magising, siya'y nag-inut-inot na makatayo upang hanapin sa kanyang paligid ang sutil na
baka. Wala ito. Marahil ay nagtuloy sa kaibuturan ng gubat. Siya'y papilay-pilay na lumakad at
pumasok sa kukupalan ng raga punongkahoy, baging, at matataas na damo. Maghapon siyang
naghanap at nagtiis ng gutom, ngunit hindi pa rin matagpuan ang baka.

Nang magtatakip-silim na, siya'y umuwi. Ang galit sa hayop ay kumukulo pa rin sa loob ng
kanyang dibdib. Siya'y nanalangin kay Buthala, "Saan mang lugar makarating ang baka ay
parusahan mo po at alisin ang mga paa nang huwag makatakbo."

Kinabukasan ay ipinagpatuloy pa rin ng magsasaka ang paghanap. Araw-araw sa loob ng isang


linggo, siya'y hindi naglubay sa paghanap. Nahaluglog na niya ang lahat ng kagubatan ngunit
hindi siya nagtagumpay!

Sa lugar na kung saan niya kahuli-hulihang nakita ang baka, ay may nagtapuan siyang isang
kakaibang suso. Ito ay malaki sa karaniwan. Ang kulay ng balat ay pula tulad ng balat ng
kanyang baka. Kung lumakad ay napakabagal. Siya'y lumapit sa suso at pinagmasdang mabuti.
Ito ay may ulo at sungay na parang baka.

"Baka ito ang bakang hinahanap ko!" Dinampot ang suso saka umuwi. Pagdating sa kanila, ang
suso'y pinawalan sa ilalim ng punongkahoy na pinagtalian niya sa kanyang baka.

Lumipas ang isang linggo. Nakalimutan na ng magsasaka ang. bakang nawala. Nawala rin sa
alaala ang susong pinawalan sa hapunah ng baka.

Isang umaga napansin niyang ang kanyang mga gulay ay sira-sira at gutay ang mga dahon.

"Ano kaya ang sumisira nito?" sabay upo at nagmasid. Sa ilalim ng dahon ng isang pctsay ay
nakita niya ang isang susong kamukhang-kamukha ng susong kanyang napulot sa gubat. "Ikaw
pala ang naninira sa aking mga halaman!" ang naibulalas ng magsasaka. Sa laki ng galit,
dinampot ang suso at biglang ipinukol sa isang punongkahoy. Ito ay nagkadurug-durog!

Sa loob-loob ng magsasaka ay wala nang sisira sa kanyang mga halaman. Subalit sa isang dahon
ng petsay, may natagpuan na naman siyang isang susong kamukha ng kanyang ipinukol.

"Nanganak yata ang walang hiyang ito!" ang paanas na sabi. Dinampot at ipinukol. Hindi lang
iisa o dalawa. Marami pang nakita. Ang mga ito ay ipinukol na lahat ang punongkahoy. Siya'y
naglakad at sa bawa't hakbang ay natitisud niya ang nagkalat na suso.

"Kung alam ko lang na ang mga susong ito'y magiging salot sa aking halamanan..." ang usal na
hindi tinapos. Basta't bubulung-bulong!

Pinoy Edition © 2021 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-suso/

You might also like