Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan –
Aralin 1: Konsepto ng Asya
Tungo sa Paghahating-
Heograpiko
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating-Heograpiko
Unang Edisyon, 2020

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang
Manunulat: Flordeliza akdaHead
A. Jastia, ang Teacher-
Pamahalaan
C.P.ng Pilipinas.
Garcia Gayonpaman, kailangan
High School
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
Tagapatnugot: Amalia C. Solis, EPS Araling Panlipunan
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ayTagasuri:
ang pagtakda ng kaukulang
Ebuena P. Alvarez,bayad.
Head Teacher
Tagaguhit:
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark,
Tagalapat: palabas
Flordeliza sa telebisiyon,
A. Jastia, pelikula,
Head Teacher- C.P.atbp.)
GarcianaHigh
ginamit sa modyul na ito ay
School
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda Genia V. Santos, CLMD
ang karapatang-aring Chief
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Walang anomang parte ng materyales naRegional
ito angADM Coordinator
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Maria Magdalena M, Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H.ng
Inilathala ng Kagawaran Rondilla, CID Chief
Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – National Capital Region


Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan –
Aralin 1: Konsepto ng Asya
Tungo sa Paghahating-
Heograpiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Asyano Baitang 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto ng Asya Tungo sa
Paghahating Heograpiko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating-Heograpiko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahagingAlamin
ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


Subukin
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahagingTuklasin
ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyongSuriin
ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo itoPagyamanin
ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o


talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isaisip
makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ngTayahin
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Susi sa Pagwawasto

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral sa
ikapitong baitang. Ito ay isang materyal sa pagkatuto na binuo alinsunod sa
itinalagang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto. Nakaayos batay sa
nakatakdang pagkakasunod-sunod ang mga saklaw na paksa. Handog nito ang
paglalahad ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin o
paksa gamit ang iba’t ibang pamamaraan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpiko:


Silangang Asya, Timog-Silangang Asya; Timog Asya, Kanlurang Asya, at
Hilagang Asya

Ang modyul ay may paksa na:

 Paghahating Heograpiko ng Asya

Sa modyul na ito ay inaasahang maisakatuparan mo ang sumusunod na layunin:

1. Nailalarawan ang sukat, hugis at anyo ng kontinente ng Asya;


2. Naipaliliwanag ang mga salik sa paghahating heograpiko ng Asya;
3. Naiisa-isa ang mga bansang bumubuo sa bawat rehiyon sa Asya;
4. Naihahambing ang kapaligirang pisikal at kultural ng mga rehiyon sa
Asya;
5. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin tungkol sa pamamaraan ng pag-
angkop sa kapaligiran; at
6. Nakagagawa ng isang produkto na nagtatampok ng mga natatanging
kapaligiran at kultural na aspeto ng mga rehiyon sa Asya.
Ang Asya ay isa sa kontinente ng daigdig. Maituturing itong pinakamalaking
kontinente sa mundo at nahahati ito sa limang rehiyon. Maaari mo bang tukuyin
ang mga bansa na kabilang sa bawat rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng
pagsusuri sa Mapa ng Asya na nasa ibaba.
.
Pinagkunan

Mapa ng
Asya
Pinagkunan:

Silangang Timog Asya Hilagang Timog -


Asya Asya Silangang
Asya

Kanlurang Asya

6
Aralin
Konsepto ng Asya Tungo sa
1 Paghahating-Heograpiko

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Malaki ito kung pag-
uusapan ang lawak ng teritoryo. Sa laki ng Asya, binubuo rin ito ng maraming
bansa na may magkakaibang kapaligiran at klimang nararanasan. Tunghayan
natin ang konsepto ng Asya at ang mga pinagbatayan sa paghahating-heograpiko
nito.

Balikan

Subukan natin ang iyong nalalaman tungkol sa mga kontinente ng mundo.


Maaari mo bang tukuyin ang pitong kontinente na mayroon sa ating daigdig?
Suriin ang mapa sa ibaba at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.

4
1
6

5
7
2

3
Blankong Mapa ng Mundo
Pinagkunan:https://www.pinclipart.com/picdir/middle/164-1648420_seven-
continents-australia-not-oceania-us-blank-map.png

1 5

2 6

3 7

4
7
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag- aaral ang
mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa
5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication): pagtutulungan (Collaboration);
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao
(Character building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagdaloy ng modyul na
ito inaasahang:
Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain.
Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang matiyak na nagagawa ng mga
mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na
instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin

Anong Say Mo! Suriin ang mapa ng Asya. Sagutin ang mga tanong .

Ano ang iyong masasabi sa hugis ng


Asya?

Ano ang iyong masasabi sa laki ng Asya?

Paano mo mailalarawan ang Asya?

Mapa ng Asya
Pinagkunan:http://ontheworldmap.com/asia/map
-of-asia-max.jpg

8
Suriin

Paghahating Heograpiko ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo dahil may


kabuuang sukat ito na umaabot sa 17 milyong milya kuwadrado o humigit
kumulang 44 milyong kilometro kuwadrado. Ito ay may tiyak na lokasyon na
humigit-kumulang 10 degrees timog hanggang 90 degrees hilagang latitud at mula
11 degrees hanggang 175 degrees silangang longhitud (Asya: Pag-usbong ng
Kabihasnan pahina 4). Ang hugis ng Asya ay iregular. Malapad ang gawing
sillangan ng Asya habang makitid ang bandang kanlurang bahagi. Sa timog na
bahagi naman ang nakausling bansa na India. Malawak na lupain naman ng
Siberia ang hilagang bahagi ng kontinente. At sa timog-silangang bahagi naman
matatagpuan ang mga pulo tulad ng Luzon, Borneo, Java, Sumatra. (Asya,Pag-
usbong ng Kabihasnan, pahina 21)

Samantala, ang anyo ng Asya ay binubuo ng tundra at nababalutan ng yelo sa


buong taon ang hilagang bahagi. Matatagpuan din dito ang mga kabundukan ng
Ural at Himalayas na katatagpuan ng pinakamataas na bundok sa mundo ang
Bundok Everest. Ang Asya ay binubuo ng lupain ng mga tangway tulad ng Turkey,
India, Arabia, Korea at iba pa. Napalilibutan din ang Asya ng mga Karagatang
Arctic, Pasipiko at Indian na dinadaluyan ng mga ilog ng Ob, Yana, Yenisey, Huang
Ho, Yangtze, Mekong, Chao Phraya, Irrawaddy, Ganges, Indus at iba pa.

Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon na kung saan ang paghahati nito ay
nakabatay sa pisikal, historikal, politikal at kultural na aspeto. Ang mga bansa sa
Asya na may magkakapareho ng kultura, lahi, kasaysayan at relihiyon ay
karaniwang pinagsasama-sama sa isang rehiyon. Ang limang rehiyon sa Asya ay
Hilagang Asya, Timog Asya, Silangang Asya, Timog-Silangang Asya at Kanlurang
Asya. Tunghayan natin ang limang rehiyon sa Asya (Pinagkunan: Asya, Pag-usbong
ng Kabihasnan mga pahina 5-9).

Hilagang Asya
 Ang Hilagang Asya ay tinatawag ding Inner
Asia na binubuo ng mga bansang dating
Soviet Central Asia.
 Kilala sa pagkakaroon ng malawak na
damuhan. Nahahati sa tatlong uri ang
grassland, ito ay ang steppe, prairie at
savanna.
 Katangian din ng rehiyon ang pagkakaroon
ng boreal forest o taiga na may kagubatang
coniferous.
 May malamig na klima ang rehiyon.
 Matatagpuan sa rehiyong ito ang Lake
Baikal na pinakamalalim na lawa sa
Pinagkunan:https://thumbs.dream mundo.
stime.com/b/kazakhs-national-
dress-illustration-costume-white-
background-33419611.jpg
Mga Bansang Bumubuo sa
Hilagang Asya:
 Kazakhstan
 Kyrgyzstan
 Tajikistan
 Azerbaijan,
Turkmenistan
 Uzbekistan,
 Georgia,
 Armenia at
 Siberia o ang
lupaing bahagi ng
Russia
Mapa ng Hilagang Asya
Pinagkunan:https://lh3.googleusercontent.com/prox
y/Gilnw3ZMvhSo829njc5pU9VV52mCiZnzc_YfwqxWJ
WVAs-dFn6w2Oh4-
4FxGMoKrb4eO2yekRQzbGXz_CfTh-WpwNFQx1jlllPu-
sKgg

Timog Asya

Ang Timog Asya ay tinatawag na subkontinente dahil sa laki nito. Isa


rin itong tangway na hugis tatsulok.
Dito matatagpuan ang mga kabundukan ng Himalayas at Hindu Kush
Mabundok ang hilagang bahagi ng rehiyon, sa timog naman ng mga
kabundukan makikita ang Indo-Gangentic Plain, Thar Desert sa
kanluran nito habang sa timog nito ay Deccan Plateau. Sa panig ng
Arabian Sea matatagpuan ang Western Ghats at sa bandang Bay of
Bengal naman ang Eastern Ghats.
Pinalilibutan ang rehiyon ng Indian Ocean, Arabian Sea at Bay of
Bengal.
Ang rehiyon ay may maikling tag-init habang nakararanas ng monsoon
na tropikal ang Sri Lanka at india. Nanatiling malamig naman sa
hilagang bahagi ng rehiyon
pangunahing relihiyon dito ay Hinduismo.
Land of Mysticism ang bansag sa Timog Asya dahil sa mga pilosopiya
at relihiyong nagmula dito gaya ng Hinduismo, Budhismo, Jainismo at
Sikhismo.
.

Pinagkunan:
Mga Bansang Bumubuo sa Timog
Asya:

India
Pakistan
Bangladesh
Nepal
Bhutan Mapa ng Timog Asya
Sri Lanka Pinagkunan ng larawan::https://www.rese archgate.net/profile/Navee
d_Janjua2/publication/304 821263/figure/fig2/AS:381
Maldives 309303181321@1467922
630530/Map-of-South- Asian-c lountries.png

Silangang Asya

 Ang Silangang Asya ay binubuo ng mga lambak,


mababang talampas, steppes at kapatagan.
 May mga disyerto din dito tulad ng Taklamakan
sa China at Gobi sa Mongolia.
 Ang malawak na bahagi ng rehiyon ay ang China
na kung saan ang 80 porsiyento ng mga lupain
dito ay kabundukan at talampas na nasa
kanlurang bahagi ng bansa samantala ang 20
porsiyento naman ay binubuo ng patag na
lupain ng mga kapatagan at lambak.
 Mahalaga naman sa pamumuhay ng mga Tsino
ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze at Xi Jiang
na nagsisilbing ruta para sa kalakalan at
nagpapataba ng lupa.
 Nahihiwalay naman sa rehiyon ang Japan na
may apat na malalaking isla ng Kyushu,
Shikoku, Honshu at Hokkaido.
 Ang Silangang Asya ay may katamtamang klima
Piangkunan ng larawan:
https://i.pinimg.com/original at nakararanas ng apat na panahon.
s/ce/70/43/ce70439dc38ade
aabd34c19b55381812.jpg

 Kabilang sa rehiyong ito ang bansang may


pinakamalaking populasyon sa mundo ang China
at ang isa sa pinakamayamang bansa ang Japan.
 Kilala namang mga industriyalisadong bansa ang
Japan, South Korea at Taiwan.
 Ang Confucianism, Taoism at Shinto ay mga
pilosopiya/relihiyon na umusbong sa rehiyong ito.

Piangkunan ng larawan:
https://i.pinimg.com/original
s/ce/70/43/ce70439dc38ade
aabd34c19b55381812.jpg
Mga Bansang Bumubuo sa
Silangang Asya:
China
Japan
North Korea
South Korea
Mongolia
Taiwan

Mapa ng Silangang Asya


Pinagkunan:
https://www.mapsofworld.com/asia/maps/map-of-
east-asia.jpg
Timog-Silangang Asya

 Sa kabilang banda, ang Timog- Silangang Asya ay nauuri


sa dalawa ang Pangkontinenteng Timog-Silangang Asya o
Mainland Southeast Asia na isang tangway na nasa
pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang lupaing
ito ay binubuo ng kabundukan at talampas na
dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao
Phraya, Mekong at Red River.
 Ang isa pang uri ay Pangkapuluang Timog-Silangang
Asya o Insular Southeast Asia na binubuo ng mga isla ng
Pilipinas, Indonesia at Timor Leste.
 Kilala naman na Farther India at Little China ang rehiyon
ito.
 Ang ilan sa mga kapuluang dito ay kabilang sa Pacific
Ring of Fire
 Ang rehiyong ito ay may malawak at matabang kapatagan
dahil ito ay may klimang tropikal. Dagdag pa rito, ang
klima ng rehiyon ay naaapektuhan ng mga monsoon.
Pinagkunan ng larawan:https://clipartstation.com/wp-
content/ uploads/2018/09/filipino-clipart-png-3.png

Mga Bansang
Mga Bansang Bumubuo
Bumubuo Insular
Mainland Southeast Asia
Southeast Asia  Malaysia
 Myanmar  Indonesia
 Laos  Pilipinas
 Thailand  Brunei
 Cambodia  Singapore
 Vietnam  Timor
Leste

Mapa ng Timog-Silangang Asya


Pinagkunan:https://www.worldatlas.com/r/w1200-
h701-c1200x701/upload/4b/2f/59/shutterstock-
151138391.jpg
Kanlurang Asya

 Kilala ang rehiyon bilang Moslem World at Arid


Asia
 Ang kapaligiran ng Kanlurang Asya ay
mabuhangin at mabato.
 Dahil sa sobrang init at hindi gaanong umuulan
madalas tuyo ang mga ilog at lawa.
 May tatlong katangian ang kapaligiran ng
rehiyon, ito ay ang Northern Tier, Arabian
Peninsula at Fertile Crescent.
 Ang Northern Tier ay mabundok at matalampas
habang ang Arabian Peninsula ay malawak na
tangway na pinalilibutan ng mga anyong tubig
ng Red Sea, Arabian Sea at Persian Gulf.
 Malaking bahagi nito ay disyerto ng Arabian at
Iranian.
 Ang Fertile Crescent naman ay nagtataglay ng
matabang lupa at suplay ng tubig. Pinagkunan:
 Nakararanas ng tuyong tag-init ang bansang https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/i
Turkey, Israel at Lebanon habang sa Saudia mages?q=tbn%3AA
Arabia, Afghanistan, Iran at iba pang bansa ay Nd9GcQONdWUzFb
nakararanas ng pabugso-bugsong ulan. H2U5ypBaAzvVJPr
BcG7vpfEevav1g8_
GykYn2cvjh&usqp=
CAU

Mga Bansang Bumubuo sa Kanlurang


Asya:
Bahrain,
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab Emirates
Yemen

Mapa ng Kanlurang Asya


Pinagkunan:https://cdn5.vectorstock.com/i/100
0x1000/43/54/west-asia-region-map-countries-
in-western-asia-vector-24914354.jpg
Pagyamanin

PICK THE NO ONE!


Subukin ang inyong pagkakaunawa sa Konsepto ng Asya tungo sa
Paghahating-heograpiko sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pahayag sa bawat
pangkat. Piliin ang letra na HINDI kasama sa pangkat pagkatapos tukuyin kung
anong rehiyon sa Asya ang inilalarawan ng natirang mga pahayag.

A. Nauuri sa C. Ang ilang


B. Mal D. May matabang
Pangkontinen- kapuluan kapatagan dahil
aking
te at dito ay sa may klimang
bahagi
Pangkapuluan kabilang sa tropikal ang
ng
Pacific Ring rehiyon
rehiyon
of Fire
ay
damuha
n

HINDI KABILANG:

A. Pinalilibutan
B. May C. Malawak na D. Ang rehiyon
ang rehiyon ng
katamtamang bahagi ng rehiyon ay ay binubuo ng
Indian Ocean, ang China na kung lambak,
klima at
Arabian Sea at saan malaking mababang
nakararanas ng bahagi ng kalupaan
Bay of Bengal apat na panahon talampas, steppes
dito ay kabundukan
at talampas at kapatagan

HINDI KABILANG:

A. A B.Ang Northern C. Nakararanas D. Katangian ng


Tier, Arabian ang rehiyon ng rehiyon ang
ng pagkakaroon ng
Peninsula at tuyong tag-init at
kapaligiran Fertile Crescent pabugso-bugsong boreal forest at
ng ang tatlong pag-ulan sa ibang taiga na may
katangian ng bahagi. kagubatang
rehiyon ay kapaligiran ng coniferous
mabuhangin rehiyong ito.
at mabato

HINDI KABILANG:

at Hindu Kush Pacific Ring


A. Matatagpuan B. Ang ilan of Fire
dito ang sa kapuluan
kabundukan
dito ay
ng Himalayas
nabibilang sa
Plain,Thar Desert amig ang
at Deccan Plateau hilagang bahagi
C. Makikita sa D. ng rehiyon at
timog ng mga M nababalutan ng
kabundukan ang a yelo sa buong
Indo-Gangetic l taon.

HINDI KABILANG:
PAGSUSURI SA MAPA
Nalaman mo na ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Upang masubukan
ang iyong kaalaman hinggil sa mga bansa maaari mo bang ipangkat ang mga
bansa sa Asya sa kinabibilangang rehiyon nito. Isulat ang iyong sagot sa tamang
kabon.

MGA BANSA SA ASYA

Brunei Indonesia
Saudi Arabia Bangladesh
Kazakhstan Kuwait
India Kyrgyzstan
Japan Mongolia
Pilipinas Singapore
Qatar Sri Lanka
Tajikista Israel
n Nepal Siberia
China North Korea
Thailand Maldives
Mapa ng Asya Iraq South Korea
Pinagkunan: Turkmenistan
https://emapsworld.com/images/asia-
location- map.gif

Silangang Timog Asya Timog- Hilagang Kanlurang


Asya Silangan Asya Asya
g Asya

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nahati ang Asya sa mga rehiyon?

2. Magsagawa ng paghahambing sa pisikal na kapaligiran ng mga sumusunod


na rehiyon:
A. Hilagang Asya at Kanlurang Asya

B. Silangang Asya at Timog Asya

C. Timog-Silangang Asya at Kanlurang Asya


SURIIN ANG EPEKTO
Unawain ang isinasaad na katangian ng kapaligiran sa Asya at punan ito ng
EPEKTO sa naging pamumuhay ng mga Asyano. Pumili mula sa pagpipilian sa
susunod na pahina.

KAPALIGIRAN EPEKTO

Ang ilang kapuluan sa


Timog-Silangang Asya
ay kabilang sa Pacific
Ring of Fire

PINAGKUNAN NG LARAWAN::

Ang klima sa Timog


-Silangang Asya ay apektado ng mga monsoon

PINAGKUNAN NG LARAWAN

Malaking bahagi ng Kanlurang Asya ay disyerto

PINAGKUNAN NG LARAWAN

Sa Hilagang Asya matatagpuan ang mga grassland


tulad ng steppe at prairie

PINAGKUNAN NG LARAWAN

Pangunahing katangian ng Timog Asya ay ang


pagkakaroon ng mga kabundukan
PINAGKUNAN NG LARAWAN:
PAGPIPILIAN NA EPEKTO

Nagsisilbing proteksyon o harang sa mga malalakas na bagyo o sigwa


Nagdadala ng mga pag-ulan sa rehiyon na mainam sa gawaing agrikultural
May mainam na pastulan at pag-aalaga ng hayop sa rehiyon
Limitado ang lupang pagtatamnan sa rehiyon subalit mayaman naman sa yamang
mineral na langis at petrolyo
Nakararanas ang mga Asyano ng paglindol at pagguho ng mga lupa

Isaisip

Kumpletuhin ang nilalaman ng pahayag.

Sa kabuuan ang Asya ay nahati sa limang rehiyon at


isinaalang-alang sa paghahati ay ang

Magkakaiba ang kapaligiran ng mga rehiyon sa Asya


na kung saan ang kapaligiran ng Timog Asya ay
da

;
Silangang Asya ay

Pinagkunan:
Hilagang Asya ay ; https://st2.deposi
tphotos.com/274
7043/10806/v/9
50/depositphotos
; _108061350-
stock-illustration-
Kanlurang Asya ay boy-and-girl-
sitting-reading.jpg

at
Timog-Silangang Asya ay

17
Mga Dapat Tandaan sa Aralin:

 Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Hilagang Asya, Silangang Asya,


Timog Asya, Kanlurang Asya Timog Asya. Ang paghahati sa rehiyon ay
nakabatay sa pisikal na kapaligiran, kultura at kasaysayan.
 Taglay ng bawat rehiyon sa Asya ang magkakaibang kapaligiran na
namumukod tangi at nakaaapekto ng higit sa klase ng pamumuhay ng mga
Asyano dito.
 Ang Hilagang Asya ay may malawak na damuhan at malamig na klima
samantalang ang malaking kapaligiran ng Kanlurang Asya ay madisyerto at
tuyo. Nagtataasang kabundukan naman na may iba’ibang klima ang taglay
ng Timog Asya. Habang ang malaking bahagi ng Silangang Asya ay
kabundukan at may maliit na bahagdan ang kapatagan. Ang Timog-
Silangang Asya naman ay may matabang kapatagan dahil na rin sa
mayroon itong klimang tropikal.
 Ang Kanlurang Asya ay binansagang Moslem World Arid Asia. Samantala,
Farther India at Little China naman ang bansag sa Timog-Silangang Asya na
naimpluwensyahan ng mga naturang kabihasnan.

Isagawa

Nalaman mo na ang kontinente ng Asya ay nahahati sa limang rehiyon at binubuo


ito ng mga bansa. May natatanging kapaligiran, kultura at kasaysayan ang bawat
rehiyon sa Asya. Bilang Asyano, maaari mo bang isulat ang iyong gagawin sa
bawat sitwasyon.

Maraming mga Tsino, Koreano, Arabo


at iba pang lahi ang nagpupunta sa
bansa upang mamasyal at mag-aral.
Bilang Asyano, ano ang iyong dapat
maging pagtingin sa kapwa mo
Asyano?

May kalakasan at kahinaan ang mga


bansa sa Asya. Ano ang iyong dapat na
maging pananaw tungkol dito?

Nakararanas ang bansa ng lindol,


malalakas na bagyo at ang kasalukuyang
pandemiya sa COVID-19. Anong
paghahanda at pag-iingat ang iyong
ginagawa?

18
Tayahin

PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at piliian ang letra ng tamang
sagot.

1. Ang Asya ay hinati sa mga rehiyon bukod sa pisikal na kapaligiran, anu-ano


pa ang mga salik na isinaalang-alang sa paghahati nito?
A. kultural, historikal at politikal na salik
B.kultural, ekonomikal at polikal na salik
C.kultural, siyentipikal at historikal na salik
D.kultural, politikal at pagpapahalaga na salik
2. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ilang rehiyon ito
nahahati?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
3. Bakit tinawag na Land of Mysticism ang Timog Asya?
A.Dahil sa nakamamanghang lugar ditto
B. Dahil sa mga sinaunang kabihasnan dito
C. Dahil sa mga kilalang pilosopong ipinanganak dito
D. Dahil sa mga relihiyon at pilosopiyang umusbong dito
4. Anong rehiyon sa Asya ang kilala bilang Farther India at Little China?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
5. Bakit tinatawag na Arid Asia ang Kanlurang
Asya? A.Dahil tuyo ang kapaligiran sa buong taon
B. Dahil sa malimit ang pag-ulan sa rehiyon
C. Dahil sa malalawak na disyerto at tuyong lugar
D. Dahil ang rehiyon ay matatagpuan malapit sa ekwador
6. Ano ang patunay na ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa
mundo? A.Katumbas ng Asya ang doble ng lawak ng Hilagang Amerika
B. May kabuuang sukat ito na umaabot sa 17 milyong milya kuwadrado
C. May lawak ito na umaabot sa 186 degrees longhitud at 45 degrees latitude
D. Sakop ng teritoryo ng Asya ang mula polong hilaga hanggang polong timog
7. Ano ang katangiang pisikal ng Hilagang
Asya? A.Mabundok at matalampas ang
rehiyon
B. Malaking bahagi ng rehiyon ay damuhan
C. May malawak na disyerto at tuyo ang lugar
D. Isang tangway at ang ilang bansa ay napalilibutan ng tubig
8. Anong rehiyon sa Asya ang may pisikal na kapaligiran na tinatawag na
Northern Tier, Arabian Peninsula at Fertile Crescent?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
9. Anong rehiyon ang katatagpuan ng nagtataasang kabundukan tulad ng
Himalayas at Hindu Kush?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
10.Bakit mahalagang malaman ang katangian ng lugar na ating ginagalawan o
tinitirhan?
A. Upang malinang para sa sariling kapakanan
B. Upang makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran
C. Upang makapaghanda at makaiwas sa mga sakuna
D. Upang maiangkop ang uri ng kabuhayan at pamumuhay

Karagdagang Gawain

Narito ang ilang gawain na maaari mong pagpilian upang mas lalo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman at pag-unawa sa konsepto ng Asya tungo sa
paghahating-heograpiko. Maaaring isagawa ang bawat gawain sa tulong ng ibang
miyembro ng pamilya. Pumili lamang ng isang gawain.

Gawain 1 Gawain 2
Bumuo ng brochure na nagtatampok ng Gumawa ng isang video presentation gamit
mga rehiyon sa Asya at heograpikal na ang ibat ibang platform sa paggawa ng video
katangian nito. Maging malikhain sa na nagpapakita ng mga rehiyon sa Asya at
paggawa nito natatangiang kapaligiran at kultura meron
dito. Maaari itong i-upload sa facebook o
youtube.

Rubrik sa Pagmamarka

Mga Napakahusay (3) Mahusay (2) Di-gaanong Mahusay


Pamantayan (1)
Kalidad ng Sapat at angkop May sapat na Kulang ang
impormasyon ang ibinigay na detalye subalit detalye/impormasyong
detalye/ hindi angkop ang inilahad
impormasyon ibang
impormasyon
Presentasyon Mahusay at May bahagyang Hindi maliwanag ang
maayos ang kaayusan ang kaayusan
paggawa paggawa
Pagkamalikhain Nakahihikayat at Bahagyang Hindi nakakahikayat
masining nakahihikayat at at simple
masining
Sanggunian

Blando, R.,Sebastian, A.,Espiritu A., Golveque, E., Jamora, A., Capua, R.,…Mariano, R.
(2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresources Publishing, Inc.
p.16.

Mateo, G.E., Jose R., Camagay, M.L., Miranda, E., Boncan, C. (2010). Asya Pag-usbong
ng Kabihasnan. Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. pp. 5-9

Iken Edu. Asia: Political Divisions, Location and Physical Features. [Video] Available from:
https://www.youtube.com/watch?v=cekU_MvrkEs.

vnperceptions. Asia Physical Features.[Video] Available from:


https://www.youtube.com/watch?v=-PCsxuGwvOsl [November 12, 2019].

You might also like