Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ALAALA

By: Leanne Joyce Quinto (LOL)

Hindi ko lubusang naipabatid


Ang kaligayahan na iyong hatid
Biglang nagbago ang lahat
Noong ikaw ay lumayo at ako'y namulat

Bigla kang naglaho at ako'y iyong nilisan


Hindi man lang pinagbigyan,
Aking pagmamahal na nararamdaman
Tila naduwag at ako'y biglang iniwan.

Hindi mo nga ba talaga napansin?


Ang aking pagmamahal at pagtingin?
Hindi mo ba talaga narinig?
Lahat ng aking pagsusumamo't mga hinaing?

Maraming tanong ang nabuo sa aking isipan


Halika makinig ka sa aking sisimulan
Sana pagkatapos ko ay maintindihan mo
Ang lahat ng alinlangan at agam-agam ko

Bakit.
Bakit tayo humantong sa ganito?
Hindi ba’t sinabi mo sa akin na ika’y sigurado na?
Bakit nga ba ang bilis mong sumuko?
Sabi mo kakayanin mo dahil binigyan kita ng lakas ng loob..
Bakit?
Bakit ka biglang lumayo?
Ni hindi ka man lang nagbigay ng palatandaan na ang
kaligayahan natin ay matatapos na. Iniwan mo nalang akong bigla.
Akala ko may susunod pa tayong pagkikita pero iyon na pala
ang huli. Kung alam ko lang, sana di na ako umuwi.
Paano.
Paanong lahat ay biglang naglaho?
Ni wala man lang palatandaan na lahat ay biglang magbabago.
Paanong hindi mo naisip ang nararamdaman ko?
Wala ka man lang binigay na dahilan kung bakit biglang
nagkaganito.
Paano mo nakayang putulin ang lahat na tila ba wala lang?
Paano mo nagawang ganituhin ang puso kong natuto muli na
magmahal sayo?
Sumugal ako
Sumugal ako para sayo dahil akala ko hindi ka katulad ng iba.
Pero nagkamali ako dahil tulad nila, sinaktan mo rin ako at
pinaluha.

Sino.
Sino nga ba ako para sa iyo?
Isa lang ba ako sa marami mong kausap? Isa lang ba akong
pampalipas oras?
Sino ba ang una sa ating sumuko?
Ikaw na biglang bumitaw o ako na napagod sa paghihintay?
Sino ba ang dapat sisihinin?
Ako na nagmahal agad o ikaw na hindi handa sa relasyon?
Sino ba ang mas nagmahal sa atin?
Ako na handang sumugal or ikaw na natakot magmahal?

Saan.
Saan ako lulugar sa ngayong punto?
Ni hindi ko nga alam kung saan ako lulugar sa'yo. Hindi ko
alam kung ano ba ang mayroon tayo.
Saan ako kukuha ng lakas ng loob?
Yung unti unti kong binuo ay muling gumuho dahil sa iyo.
Saan na ako magsisimula ngayon?
Hindi ko na kasi alam kung nasaang punto na ako. Hindi
naman naging tayo pero heto ako ngayon durog na durog sa iyong
paglalaho.

Ano ba ang kakulangan ko?


Naging hadlang ba ang layo ko sa iyo? Para iwan mo nalang
ako?
Kailan ba ako magiging sapat?
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Minahal naman kita
nang tapat.

Para kang multo, dumaan ka at biglang naglaho.


Sandaling magandang alaala, nagbigay poot sa puso ko.

Malaya ka nang gawin ang gusto mo


At pinapalaya ko na rin ang sarili ko
May sari-sarili na tayong tatahaking daan
Sana ay hindi na tayo magtagpo kailanman.

You might also like