Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IMAHEN NG MGA KABABAIHANG PILIPINO SA AKDANG PAMPANITIKANG EL

FILIBUSTERISMO

Isinumite sa Kagawaran ng Edukasyon,


Pamantasan ng Katimugang Mindanao
Bilang Bahagi ng Pangngailangan sa
Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan

Isinumite nina;
Edmarlin C. Martin
Mary Joy M. Monteron
Ella Mae M. Morales
Rohanna A. Mundas
Bomidin S. Nando
I- INTRODUKSYON

Ang El Filibusterismo isa sa mga pinaka tanyag na akdang pampanitikan sa Pilipinas na


mismong nailathala ng bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang akda ay sumasalamin sa mga
karanasan ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga kastila. Ayon kay
Patricia Melendez-Cruz, sinasabing ang pagsulat ng akda tulad ng El Filibusterismo sa
panahon ng kastila ay paraan upang makapagbigay pahayag, makapangusap, at makapag-
isip ang mamamayang pilipino sa ilalim ng pananakop.
Naipakita sa akdang ito ang mga pang-aalipusta, pag-mamaltrato, at pang-aapi ng mga
mananakop na Kastila sa mga mamamayang Pilipino. Ayon kay Dr. Ma. Luisa T. Camagay,
Ipinapalabas ng mga ilustradong Filipino tulad ni Rizal ang hindi pagsang-ayon sa
paglalarawan ng mga Kastila sa mga Filipino bilang taong barbaro at salat sa anumang uri
ng sibilisasyon sa pamamagitan ng paglalahathala ng mga artikulo ukol sa sariling wika,
sistema ng pagsusulat at paniniwalang espiritwal, gayundin sa mga bagay na may
kinalaman sa kultura bago pa man ang pananakop ng mga Kastila.
Isiniwalat sa akdang pampanitikang El Filibusterismo ang mga imahe ng bawat karakter
na natukoy sa akda sa mga tunay na katangian ng mga mamayang Pilipino noon base sa
kinatatayuan nito. Isa na rito ang kaugalian ng mga kababaihang Pilipino tulad ni Maria
Clara na nagpapakita ng kaugalian ng mga dating Pilipina na mahinhin, resposable at
maalahanin. Dahil sa ganitong pamamaraan ng paglalarawan ni Rizal, madaming kritiko ang
nagsabing ang tingin sa mga babae noong kapanahunan ni Rizal hanggang sa ilang taon
ang nakalipas, ay nakapagbaba sa estado ng mga kababaihan. Bagama’t ang paglalarawan
ni Rizal kay Maria Clara ay isang mahinhing babae, makikita pa rin sa kanya ang
pagmamahal sa Bayan. Sa pag-aaral na ito ay binibigyang pansin ang mga imahe ng mga
karakter na kababaihan sa reyalidad na pamumuhay ng mga kababaihang pilipino noon sa
ating bansa. Malaki ang naging ugnayan ng kaugaliang ipinapakita ng mga karater na
kababaihan sa akdang El Filibusterismo sa mga tunay na kaugalian kababaihang Pilipino
noon sa ating bansa. Ayon sa pag-aaral ni Michelle Aligan, ang mga kababaihan sa akdang
El Filibusterismo ay nagpapakita ng mga katangiang palaban, tulad ng pagsasabuhay ni
Maria Clara sa mga kababaihang walang sapat na lakas upang ipagtanggol ang mga sarili,
at si Juli na tumanaw ng utang na loob at handang tumulong kahit pa buhay niya ang
nakataya.
Mahalaga ang pag-aaral na ito para matutunan ang tunay na kalagayan ng mga
kababaihan noon sa ating bansa. Naikukumpara rin sa akdang ito ang kaugalian ng mga
Pilipina noon at ngayon base sa ipinapakita ng mga karakter ng kababaihan sa akda.
II- LAYUNIN AT SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay matukoy ang imahe ng mga babae sa akdang
El Filibusterismo.

Upang matamo ito, pinagsikapang masagot ang mga sumusunod na tiyak na suliranin.
1. Ano-ano ang imahe Ng Babae sa akdang El filibusterismo?
2. Paano Ipinakita ang imahe Ng babae sa akdang el filibusterismo?

III- ANALYSIS AT INTERLRETASYON NG MGA DATOS

Sa bahaging ito, inilahad, sinuri at binigyang pagpapakahulugan ang mga nakalap na datos.
Sinuri ng mga mananaliksik ang isang akdang pampanitikan na pinamagatang El
Filibisterismo na kakikitaan ng ilang imahe ng kababaihang Pilipino.

Ang El Filibisterismo ay ang sumunod na libro pagkatapos ng Noli Me Tangere . Isang


nobelang isinulat ni Jose Rizal na naglalahad ng kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng
Kastila. Tinatalakay sa nobelang ito ang paghihirap, pang-aabuso at diskriminasyon na
dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa nobelang ito ni Rizal, ipinakita niya
ang iba't ibang kaanyuan ng mga tao ayon sa kanilang mga kasarian.

Talahanayan 1. Imahen ng mga kababaihan sa akdang El Filibusterismo.

BABAENG TAUHAN IMAHENG GINAMPANAN

Juli Madasalin
Masunurin
Matiisin
Madiskarte
Matulungin
Simple
Matapang
Mapagkumbaba
Maparaan

Tumatanaw ng utang na loob


Doña Victorina Iniidolo ang mga kastila
Walang pagpapahalaga sa kapwa

Ginagaya ang asta at galaw ng mga


kastila

Paulita Gomez Maganda


Mapusok

Praktikal

Maria Clara Maganda


Mahinhin
Konserbatibo

Mapagmahal

Makikita sa Talahanayan 1 ang mga nasuri at natukoy na mga imahe o karakter ng mga
babae at kanilang ginampanan sa nobelang El filibusterismo.

Talahanayan 2. Mga paraan kung paano ipakita ang imahe ng mga kababaihan sa
elfilibusterismo.

Si Juli ay isang magandang dalaga na anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.


Inilarawan siya sa akda bilang isang Pilipinang madasalin, masunurin, matiisin, madiskarte
sa buhay , matulungin sa pamilya at simpleng babae na puno ng katapangan na lumalaban
sa anumang hamon buhay . Si Juli ay isa sa mga pangunahing babaeng karakter sa El
Felibusterismo, isang babaeng mapagkumbabang larawan ng kagandahan . Babaeng
tumatanaw ng utang na loob at handang tumulong na kahit buhay pa niya ang kapalit.
Ipinakita sa akda na isa siyang babaeng maparaan , dahil sa pagkakadakip ng mga tulisan
sa kanyang amang si Kabesang Tales ay gumawa siya ng paraan tulad ng pagbebenta ng
kung anumang alahas ang meron siya at pangungutang upang matubos ang kanyang ama.
Hindi siya nagpadala sa takot at lungkot sa buhay. Gumawa siya ng paraan para sa
ikabubuti ng kanyang ama. Isa siyang palaban ,dahil mas pinili niya ang mamatay kaysa ang
madungisan ang kanyang dangal sa kamay ni Padre Camorra.
Si Doña Victorina na kilala sa akda bilang asawa ni Tiburcio de Espedana ay inilarawan
bilang isang Pilipinang lubos na iniidolo ang mga Kastila, walang pagpapahalaga sa
kanyang lahi at mapagtakwil sa mga indiong kanyang kalahi.
Tagapag-silbi ang kanyang dating trabaho. Ngunit naging malaki ang impluwensiya ng mga
Kastila sa kanyang karakter at pamamaraan ng pamumuhay. Isang babaeng nakasuot ng
kasuotang pangkanluranin. Sa kadahilanang niyang nais mapabilang sa mga matatataas na
kastila ay ginagaya niya ang asta at galaw ng pamumuhay ng mga babaeng kastila.
Sa kanya natin maihahalintulad ang mga Pilipinong hindi tanggap ang kanilang lahi at
identidad. Isang babaeng ikinahihiya ang kanyang totoong identidad at walang pagtitiwala sa
sarili. Ipinapakita sa akda ang kanyang imahe bilang taong itinataas ang kanilang estado
mula sa kanilang mga kauri at hayagang minamahal ang dayuhang sibilisasyon.

Ang magandang dalaga na si Paulita Gomez ay pamangkin ni Donya Victorina at umiibig


kay Isagani. Inilarawan siya sa akda bilang isang magandang mestisang babae na mapusok
at praktikal mag-isip. Lumaki siya sa isang prebelehiyong lugar. Noong makulong si Isagani
dahil sa hangarin nito para sa akademya ay natapos na rin ang relasyon nila ni Paulita. Dahil
dito, nagpakasal si Paulita kay Juanito Pelaez na naging paraan upang isakatuparan ang
plano ni Simoun. Kinakatawan si Paulita ng isang kababaihan na walang pakiramdam ng
nasyonalismo at pakikiramay sa iba.

Si Maria Clara, o minsan kung tawagin ay Clarita, nilarawan sa akda bilang isang maganda,
mahinhin, konserbatibo at kaakit-akit na babae. Sa kanya inihahalintulad ang karakter ng
isang "dalagang Pilipina." Ayon kay Dr. Robert Yoder, ang nagpalaganap ng imahe ng isang
“dalagang Pilipina” ay si Rizal. Sa kanyang artikulo na pinamagatang Philippine Heroines of
the Revolution: Maria Clara they were not, “The "ideal" image, promoted by no less than
Jose Rizal, is that of Maria Clara, a demure, self-effacing beauty whose place was on the
pedestal of male honor.” Dagdag pa rito, nagawa ring gamitin ni Rizal ang mga salitang
nakasalin sa Ingles mula sa Noli tulad ng “an Oriental decoration”, “her eyes always
downcast,” at “a pure soul” (Yoder, 1998). Sa ganitong paraan inilarawan ni Rizal ang isang
dalagang Pilipina, isang pansilangang palamuti, palaging nakayuko o iwas sa tingin ng iba,
at mayroong dalisay na kalooban. Dahil sa ganitong pamamaraan ng paglalarawan ni Rizal,
madaming kritiko ang nagsabing ang tingin sa mga babae noong kapanahunan ni Rizal
hanggang sa ilang taon ang nakalipas, ay nakapagbaba sa estado ng mga kababaihan.
Bagama’t ang paglalarawan ni Rizal kay Maria Clara ay isang mahinhing babae, makikita pa
rin sa kanya ang pagmamahal sa Bayan. Imbes na ipinahayag niya ito sa pamamagitan ng
pakikipaglaban, ipinahayag niya na lamang ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng
tula. Sa pamamagitan ng bugso ng emosyon ay naipakita pa rin ni Rizal kung paano naging
sandata ng isang babaeng mahinhin ang kanyang emosyon para sa bayan na kahit mababa
ang estado ng mga kababaihan noong kapanahunan nila ay nagawa pa rin naman nilang
ipakita ang kanilang pagmamahal at malasakit para sa bayan.

Makikita sa Talahanayan 2 ang ibat ibang paraan kung paano ipinakita at ginampanan ang
imahe ng kababaihan sa nobelang El filibusterismo. Ang bawat karakter na nailista sa taas
ay may kanya kanyang kontribusyon sa nasabing nobela.

IV- KONKLUSYON

Katulad ng mga kalalakihan ay mayroon ring taglay na imahen ang mga kababaihan na
masasalamin sa kanilang karakter sa akdang El Filibusterismo. Ang mga nasabing imahen
ng mga kababaihan mula sa akda ay may malaking bahagi na ginagampanan sa paghubog
ng kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa mga kababaihan. Maaring may pinagbasehan si
Rizal para sa karakter na ito o marahil ay nagbibigay lamang sya ng isang uri ng babaeng
Pilipino noong kanilang kapanahunan.
Sa mga natuklasan ng mga mananaliksik ay may mga imahen ng kababaihan sa akda na
dapat tuluran at dapat na panatilihing maging imahen ng kababaihang pilipino sa
kasalukuyan. Samantalang mayroon namang mga imaheng hindi dapat tuluran o maling
imahen ng mga kababaihang Pilipino.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang imahen ng kababaihan sa akdang El
Filibusterismo. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, natuklasan at nakilala ng mga
mananaliksik ang iba't-ibang imaheng taglay ng mga kababaihan noon sa pamamagitan ng
pagsusuri sa akdang El Filibusterismo .

SANGGUNIAN:
https://upd.edu.ph/mga-ilustradong-filipino-nagmulat-sa-kaalamang-bayan-camagay/
https://www.slideshare.net/ChristianJoyTayag/1unang-bahagi
https://sites.google.com/site/kababaihanatkasarianpi100/diskusyonsamgaobranirizal/elfilibus
terismo?fbclid=IwAR1Ig85BwWS855mJPtkH3-
GK2A9rTg7pjuuz5h6goOmtxm8C1jT6J3S_2vA
https://www.wattpad.com/233742323-el-filibusterismo-buod-pahiwatig-ng-bawat-kabanata?
fbclid=IwAR2rgrhpz7ngC5B0r-ZF_QSuoM5qpawM2eLKp5kBrpu0xiFql-1zaA-pKa0

You might also like