Detailed Lesson Plan - Nagbago Ako - Macaraegmarie

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pangasinan State University

Bayambang Campus
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bayambang, Pangasinan
1st Semester A.Y. 2020-2021

MASUSING BANGHAY-
ARALIN SA FILIPINO IV

Ipinasa ni:

MARIE B. MACARAEG

BEE-EGE 2-1

Ipinasa kay:

DR. MIKE KELVIN NICOLE N. BUTED

Instructor, EGE 5
I. Mga layunin

a.) Natutukoy kahulugan ng mga nasalungguhitang salita sa kuwento.


b.) Nailalahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
c.) Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong buhay.

KABUTIHAN

II. Paksang aralin

Paksa: Maikling kuwento : “Nagbago na ako”


Sanggunian: Yamang Filipino: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino IV, pahina 66-
68
Kagamitan: Ginupit-gupit na mga letra
Manila paper (Nakasulat ang depinisyon ng talasalitaan)
Flip Chart
Larawan (ng batang nagdadasal, naglilinis sa kapaligiran, tumutulong sa
kapwa, nagmamano)

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“Tumayo ang lahat ay umpisahan ang (Mananalangin)


panalangin. (Pangalan ng estudyante)
pangunahan mo ang panalangin.”

2. Pagbati

“Magandang umaga mga mag-aaral” - Magandang umaga rin po binibini.

3. Pagtala ng liban

“Sumagot ng present at itaas ang inyong (Sasagot ng present kung naroon sa klase)
kamay sa pagtawag ko ng inyong pangalan.”
(Tatawagin isa-isa ang mga pangalan ng
estudyante)

B. Panlinang na gawain

1. Pagganyak na gawain

“Handa na ba kayong making?”

“Magaling! Nakikita niyo ba ang nakadikit sa


pisara?”
“Nababasa niyo ba ang nakasulat sa kaliwang
bahagi?”

“Tama. Ang nasa kanang bahagi ay nakalagay


sa magulong letra o jumbled letters. Habang
ang nasa kaliwang bahagi naman ay maayos
ang pagkakasulat.”

(Ipapaliwag ang gagawin)

“Tayo ay magkakaroon ng gawain. Ang


pamagat ng gawaing ito ay “ Ayusin Mo Ako”
Nais kong iayos ninyo ang mga letra upang
makabuo ng salita na bubuo sa pangungasap na
nasa kaliwang bahagi ng Manila Paper.”

“Pipili ako ng sampung mag-aaral upang


sumagot sa harapan. Habang ang iba ay
titignan ang kanilang gagawin o maaari rin
kayong sumagot sa inyong mga upuan.”

“Handa na ba kayo?” - Opo

(Pipili ng mag-aaral na nais makilahok)

“Isa-isang pupunta sa harap ang mga napili ko


at sagutan ang numero na nakalaan sa inyo.”

“AYUSIN MO AKO”

1. Si John ay _______ kung kaya’t maya’t-


maya siya ay paroon at parito.
DIHIN PAKALIMA

Tamang sagot : HINDI MAPAKALI

2. Dahil sa pangit na ugali mo ay


_____________ ang mga kamag-anak mo
sayo.
SUNAYA

Tamang sagot : NASUYA

3. Inutusan ako ni nanay na bumili sa tindahan,


hindi na ako _____________ pa at agad na
sinunod ang kaniyang utos.
A N G- T U B I A L I

Tamang sagot : NAG-ATUBILI

4. Habang ako ay nag-lalaro sa aming hardin


ay nakakita ako ng _____________ na
nakadikit sa dahon.
IGHAD

Tamang sagot : HIGAD

5. Ako ay _____________ nang makakita ako


ng bata sa lansangan na walang tirahan.
HABAGAN

Tamang sagot : NAHABAG

6. _____________ ni nanay yang banig at doon


kami nagpahinga.
TAGINILA

Tamang sagot : INILATAG

7. Habang ako ay mag-iisa, _____________ ko


ang mga pagkakamaling nagawa ko.
TANTOPAGNA

Tamang sagot : NAPAGTANTO

8. _____________ ako habang nakatingin sa


ganda ng paligid.
M A G N U M U N I- I N U M

Tamang sagot : NAGMUMUMI-MUNI

9. Ang aking damdamin ay _____________


nang iwanan ako ng aking ama.
KISGAMIHIHGAN

Tamang sagot : NAGHIHIMAGSIK

10. Sa pagpunta ko roon ay _____________ na


lamang akong nakahiga hanggang sumapit ang
“Mahusay! Nasagutan ninyo ng tama ang dilim.
nakahandang gawain.” NNILITAA

Tamang sagot : NANATILI

1. Paglalahad ng paksa

“Ang mga salitang nasa ating gawain ay


maaring nagagamit na natin sa araw-araw
nang hindi namamalayan kung kaya’t kayo ay
pamilyar na dito.”

“Sa paksang ating tatalakayin ay nagamit ang (Tahimik na nakikinig)


mga salitang ito na nagbigay buhay din sa
kuwento. Ngaunit bago natin umpisahan ang
talakayan ay aalamin muna natin ang
kahulugan ng mga salitang ito upang mas
lubos na maunawaan.”

(Pag-alis ng sagabal)

 Hindi mapakali- hindi mapalagay


 Nasuya- nainis o nagalit
 Nag-atubili – nag-alinlangan; hindi
sigurado
 Higad – uuod na nagiging paru-paro;
kumakain ng mga halaman o dahon-
dahon
 Nahabag- naawa
 Inilatag- ibinaba o inilagay ng palapad
 Pagmumuni-muni – pag-iisip ng
malalim
 Napagtanto - nalaman
 Naghihimagsik - pag-suway; pag-
laban
 Nanatili - hindi umalis; hindi
gumalaw

“Mababasa ninyo sa harapan ang mga


kahulugan ng salitang isinaayos ninyo
kanina.”

“Ngayong alam niyo na ang kahulugan ng


mga salitang ito, nais kong basahin ninyo ang
kuwento sa inyong aklat sa pahina 66-68.”

2. Pagtatalakay

(Pagkatapos basahin ang kuwento)

“Sa buhay natin ay may pagkakataong


naranasan o nararanasan at mararanasan natin
ang pangyayari sa kuwento ngunit sa yugtong
ito kung saan alam na natin ang kahihitnan at
matututo na tayo, gagawin pa ba natin ang - Hindi na po dahil alam na natin ang maaaring
ginawa ng tauhan sa kuwento?” mangyari.
-Hindi na po kasi mali yung ginawa niya.

“Isa-isahin natin ang mga kaganapan sa


kuwento.”

“Sino ang mga tauhan sa kuwnento?” - Ang mga tauhan po sa kuwento ay ang batang
11 na taong gulang at yung tatay niya.

“Tama. Maaari niyo bang ilarawan ang bata? -Pangit po yung ugali nung bata dahil
Mabait ba siya? masunurin?” sinusungitan niya yung mga kasama nila sa
bahay.

“Oo. At dahil sa pag-uugaling ito ng bata ay


nasuya ang kaniyang ama.”

“Nasaan sila nang mga panahong iyon?” -Nasa lungsod ng Los Banos po,
nagbabakasyon.

“Tuwing nagbabakasyon ang buong mag-anak


ay inaasahan na magiging masaya ang lahat
ngunit nang dahil sa hindi dumating ang
kniyang mga kalaro ay hindi na mapakali ang
bata na naging dahilan ng pagkasuya sa kaniya
ng ama.”

“Ano ang ginawa nang kaniyang ama nang - Iniwan niya po ito sa Mt. Makiling mag-isa.
masuya ito sa pag-uugali ng kaniyang anak?”

“Ngunit bago iyon, ay inutusan niya muna -Opo.


itong kumuha ng banig, tubig, libro at pagkain
hindi ba?”

“Sa inyong tahanan, kung pinapagalitan ba - Hindi po. Kasi po pinagsasabihan na po kami
kayo ng inyong mga magulang ay ganiyan din agad at minsan po pinapalo.
ba ang ginagawa sa inyo?”

“Karaniwan sa mga magulang ay ganiyan ang


ginagawa kaya’t nakapagtataka kung bakit
ganun ang ginawa ng ama sa kaniyang anak,
hindi ba?”

“Pagkarating nila sa bundok ng Mt. Makiling -Hindi na raw po nila matiis ang pag-uugali
ay agad na pinababa ang bata dahil sabi ng nito at hindi na rin nila siya kayang
kaniyang ama?” pakisamahan.

“Ano pa ang sinabi ng kniyang ama?” -Sinabihan din po siya na manatili doon
maghapon hanggang matutunan niya ang
tamang pag-uugali.

“Tama. Nais ng kaniyang ama na


mapagnilayan niya ang kaniyang maling
nagawa at maisip kung ano ba ang tamang pag-
uugali.”

“Hinayaan nung tatay na yung bata mismo ang


makaalam kung ano nga ba ang tama at mali.”

“Ano ang ginawa ng bata matapos itong -Hindi po dahil galit siyang bumaba ng kotse at
sabihin ng kaniyang ama? Napagtanto niya ba pinagtatapon niya ung mga pinadala sa kniya
agad ang nais iparating ng kaniyang ama sa ng kaniyang ama.
kaniya?”

“Sa pagkakataong ito ay hindi pa rin niya


nauunawaan ang sinabi ng ama. Mas matindi
pa rin ang galit na nararamdamn niya kung
bakit ito ginagawa sa kaniya.”

“Kung kaya ang nasa sa sitwasyon ng bata - Makakaramdam rin po ako ng galit kasi bakit
makakaramdam din ba kayo ng galit? Ano pa ako iiwan mag-isa.
ang iba ninyong maaaring maramdaman?” -Malulungkot po ako dahil iiwan ako mag-isa.

“Salamat. Marahil karamihan sa inyo ay


makakaramdam din ng galit o malulungkot at
baka maisip niyo pa na hindi na kayo mahal ng
mga magulang ninyo kung bakit ginawa ito.
Ngunit isipin natin na may dahilan kung bakit
nila ito ginawa at mauunawaan rin natin ito.
Maliwanag ba?”
- Opo.

“Sa pagpapatuloy ng kuwento, nang nag-iisa


na nag bata ao ang kaniyang ginawa?
-Umiyak po siya ng umiyak at pinagpupukol
niya ang mga maliliit na bato.

“Huminto rin ba siya sa pag-iyak?” -Opo

“Oo, dahil naisip niya na wala ring mangyayari


kung ipagpapatuloy niya ang pag-iyak.”

“Tama nga naman siya, walang mangyayari


kung ipagpapatuloy niya lang ang pag-iyak
hindi ba? Hindi naman iyon ang nais mangyari
ng kaniyang ama kung bakit siya iniwan doon
mag-isa.”

“Kung kaya’t itinuon na lamang niya ang


kaniyang atensiyon sa paligid. Nag-umpisa ito
sa pagpupukol niya ng maliliit na bato.
Pinagbabato niya ang mga batong nakikita niya
pero dahil napapagod ay tumigil din siya.”

“Ano naman ang sumunod niyang ginawa?” -Pumitas po siya ng dahon ng halaman tapos
nakakita siya ng higad. Pero dahil ayaw niyang
humawak ng higad ay pinagmasdan niya na
lamang ito.

“Tama. At habang pinagmamasdan niya ang -Hindi po dapat sirain ang halaman dahil
higad ay may napagtanto siya, ano iyon?” pagkain ito ng ibang hayop.
“Tama. Dahil kung ipinagpatuloy pa niya ang
ginagawa niyang ito wala ng makakain ang
ibang hayop. Bukod pa doon ay nasisira niya
ang kalikasan.”

“Ano ang sumunod na nangyari?” -Sinipa niya po yung bato.

“Ano naman ang nakita niya matapos niyang -Nakakita po siya ng langgam.
sipain ang bato?”

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa ng langgam -Sa ilalim po ng bato ang kanilang tirahan.
sa ilalim ng bato?”

“Tama, sa ilalim ng bato nakatira ang mga


langgam at muli ay nasira niya ito.”

“Nang nagtakbuhan ang mga langgam ay


tinawan niya pa ang mga ito.”

“Tama ba ang pag-uugaling ito?” -Hindi po.

“Ang inasal ng bata ay sobrang mali. Dahil


natuwa pa siya ssa pagghihirap ng iba. Habang
pinagmamasdan niya ang mga langgam ay
napansin niyang may dala silang puti at maliit
na marahil ay kanilang pag-kain.”

“Ano ang naramdaman ng bata hang


pinagmamasdan niya ang mga batang
langgam?” - Naawa po siya

“Bakit siya naawa?” - Dahil napagtanto po niya na nasira niya ang


kanilang tahanan

“Tama. Katulad sa nangyari doon sa dahon ay


napagtanto niya na mali pala yung ginawa niya
dahil nakakasira na siya ng pangangailangan
ng iba.”

“Sa kaniyang pananatili doon ay nakaramdam


siya ng gutom. Hinanap niya ang mga
ipinadala sa kaniya ng kaniyang ama. Matapos
kumain ay bumababa siya ng bundok at
humanap ng magandang lugar. Inilatag niya
ang banig. Napaisip-isp siya at pinag-masdan
ang magandnag tanawin.”

“Ano ang kaniyang napagtanto habang


pinagmamasdan ang paligid?”
- Napagtanto po niyang ‘kay ganda ng paligid.
Ang mga ulap at halaman.
- Nakakatuwa ang huni ng ibon
“Magaling. Hanggang sa tumigil na ang
naghihimagsik niyang damdamin. At dinama
na lamang ang kagandanhan at kapayapaan sa
paligid.”

“Minsan sa buhay natin ay kailangan nating


mapag-isa upang makapag isip-isip at
mapagtanto ang kamalian na nagawa natin.
Dahil sa patuloy na pagsubok sa atin ng nasa
paligid, mas naaayon pa rin na kalamado ang
ating isipan sa lahat ng pakakataon.”

“Maliwanag ba?”

“Sa huli anong ginawa ng bata matapos ang -Opo


kaniyang pamumuni-muni?”

- Ipinangako niya sa kaniyang sarili na


magbabago na siya at nagdasal siya sa Diyos.
“Tama. Ma0y naging bunga ang ginawa ng
kaniyang ama sa kaniya dahil sa wakas ay
napagtanto niya ang kaniyang kamalian at
ipinangakong magbabago na siya. Higit pa
doon ay pinakamagandang gawain ay
manatililing malapit sa Diyos at humingi ng
gabay sa lahat ng oras.”

“Ano ang sumunod na nangyari?”

“Sinundo na po siya ng kaniyang ama at


magalang niya itong binati.”
“Tama. At kahit walang naging imik ang
kaniyang ama ay masasabi natin na masaya ito
sa nangyari sa anak dahil alam niyang nagbago
na ito.”

3. Paglalahat

“Ano ang nais ibahagi sa atin ng kuwentong - Dapat maging mabuting bata para hindi
nagbago na ako?” mapagalitan ng magulang.
- Matutong sumunod sa nakakatanda.
- Dapat ay pahalagahan lahat ng bagay

“Tama. Ang mga sinabi ninyo ay ang mga aral


na nais ibahagi ng kuwento.”

“Dapat maging mabait tayo sa ating paligid.


Hindi lamang sa ating kapwa kundi pati na rin - Hindi na po magiging masungit sa mga tao sa
sa ibang mga nilalang. Sa paanong paraan natin paligid.
ito maipapakita?” -Lagi na pong susundin ang utos ng mga
magulang.
- Hindi na po magpipitas ng mga halaman dahil
maaaring pagkain or tahanan ito ng ibang
hayop.
“Tama. Huwag nating hahayaang makasira
tayo ng bagay na pinakakailngan ng ating nasa
paligid. Katulad na lamang ng sa kuwento.”

“Sa ating buhay ay sinusubok man tayo ng


napakaraming problema, piliin pa rin nating
maging mabuti at mahinahon.”

“Maaring maging masama man ang pag-uugali


sa ngayon maaari pa ring tayong magbago.
Hindi tayo mananatili sa kasamaan na iyan. Sa
tulong Diyos kung saan dapat lagi tayong
manampalataya.”

“Naiintindihan ba? Kung kaya’t dapat kayong


mga bata ay huwag niyo ng papasakitin ang ulo
ng mga magulang ninyo, maliwanag?”

-Opo, ma’am. Magiging mabait na bata na po


kami.

4. Paglalapat
Mga larawan:
“Magkakaroon tayo ng gawain.”

Palatuntunan:

1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo.

2. Sila ay bubunot ng envelop kung saan nasa


loob noon ang mga bahagi ng larawan na dapat
nilang buuin.

3. Matapos mabuo ang larawan ay sasabihin


nila kung ano ito at dapat na iugnay ito sa
kuwentong nabasa.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at MALI isinasaad ng pangungusap at MALI
naman kung ito ay hindi wasto. naman kung ito ay hindi wasto.

1. Ang bata sa kuwento ay nasa edad- 11 1. Ang bata sa kuwento ay nasa edad- 11
na taong gulang. na taong gulang.
Tamang sagot: TAMA
2. Pinalo ang bata dahil siya ay may
masamang ugali. 2. Pinalo ang bata dahil siya ay may
masamang ugali.
Tamang sagot: MALI
3. Ang ibig sabihinng salitang nag-
aatubili ay nag-aalinlangan. 3. Ang ibig sabihinng salitang nag-aatubili
ay nag-aalinlangan.
4. Nang makita ng bata ang higad ay agad Tamang sagot: TAMA
niya itong kinuha at pinahirapan.

5. Iniwan sa bundok Makiling ng 4. Nang makita ng bata ang higad ay agad


knaiyang ama ang bata dahil sa niya itong kinuha at pinahirapan.
nakasusuyang ugali nito. Tamang sagot: MALI

6. Hindi nakaramdam ng awa ang bata 5. Iniwan sa bundok Makiling ng


matapos niyang masira ang bahay ng kaniyang ama ang bata dahil sa
mga langgam. nakasusuyang ugali nito.
Tamang sagot: TAMA
7. Nagbago na ang bata.

8. Nahabag ang bata sa kaniyang nakita. 6. Hindi nakaramdam ng awa ang bata
Ang nasalungguhitang salita ay matapos niyang masira ang bahay ng
nangangahulugang natawa. mga langgam.
Tamang sagot: MALI
9. Sa ilalim ng bato nakita ng bata ang
higad. 7. Nagbago na ang bata.
Tamang sagot: TAMA
10. Nakaramdam ng galit ang bata para sa
kaniyang ama.
8. Nahabag ang bata sa kaniyang nakita.
Ang nasalungguhitang salita ay
nangangahulugang natawa.
Tamang sagot: TAMA

9. Sa ilalim ng bato nakita ng bata ang


higad.
Tamang sagot: MALI

10. Nakaramdam ng galit ang bata para sa


kaniyang ama.
Tamang sagot: TAMA

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito


sa sagutang papel.

1. Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento?

2. Paano mo isasabuhay ang aral na natutunan


mo sa kuwento sa iyong buhay?

3. Ilarawan ang iyong sarili bilang isang anak,


kapatid, kaibigan at miyembro ng lipunan.

You might also like