Bautista - Worksheet Module 3 - Online Newton

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

=Worksheet=

Pangalan: Necole Ira Bautista


Taon at Seksyon: 10 - Newton
Email: bautistanecoleira@gmail.com
Petsa: 12/01/2020

Gawain 2

1.​ S
​ ino si Achilles? Ano ang malaking tungkulin niya sa digmaan ng Troy?

Si Achilles ay isang griyegong bayani ng digmaang Troy. Dahil sa kanya, nasakop ang panglabindalawang
siyudad na hindi pa kinakailangan ng malaking hukbo ng mandirigma.​Si Achilles ay ang pinakatanyag na bayani noong
pumutok ang Digmaang Troy o Trohano.​ ​Isinawsaw siya ng kanyang ina sa ​Ilog ng Styx​ upang mapananggalang ang
katawan ni Achilles mula sa lahat ng anumang pagkasugat. Tinanganan siya ng kanyang ina sa isang sakong, kaya't
tanging ang ibang mga bahagi lamang ng kanyang katawan ang nababad sa tubig ng Ilog ng Styx. Tanging isang sakong
lamang ni Achilles ang walang proteksyon laban sa mga sandata. Sa kabila ng ginawang ito ng kanyang ina, nagpasya pa
rin si Achilles, noong malaki na siya, na makilahok sa digmaan sa Troya. Sa huli, namatay siya nang tamaan ng ​palaso​ ni
Paris​ ang sakong ni Achilles.

2.​ A
​ no ang dahilan ng pagkakaroon ng labanan sa Troy?

Nagkaroon ng labanan dahil sa babaeng si Helen na siyang asawa ni Haring Menelaus (kapatid ng Haring
Agamemnon). Nakita ni Helen si Paris at nahulog siya sa binata dahilan upang iwan niya ang kanyang asawang hari at
sumama kay Paris sa Troy.

3. Anong uri​ ng pinuno si Haring Agamemnon? ​.

Isang makasarili at malupit na hari si Haring Agamemnon. Hindi makatwiran ang ginawa niya sa Thebes dahil
lang sa pagtanggi nila sa kanyang hiling. Maaari naman itong idaan na lamang sa masinsinang usapan kaysa idaan pa ito
sa karahasan o digmaan.

4.​ ​Ilarawan si Paris bilang isang mandirigma. Nararapat bang taglayin ang ganitong katangian ng isang
mandirigma?

Isang gwapo at matipunong mandirigma si Paris ngunit siya ay duwag sa unang pagtatagpo. Noong
nakita niya si Haring Menelaus ay nagtago ito sa likod ng kanyang mga kasamahan. Ngunit sa huli ay ipinakita
niya ang tapang sa labanan nila Achilles, hindi siya basta basta sumugod at pinakinggan niya ang payo ng diyos
na si Apollo kung paano niya mapapatay si achilles.. Oo nararapat na taglayin ang kanyang katangian bilang
isang mandirigma dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay tapang at pagiging agresibo ang iiral sa isang digmaan
kailangan itong pag isipan at pagplanuhan, puntiryahin ang kahinaan ng kalaban.

5. Paghambingin ang katauhan nila Hector at Achilles? Ipaliwanag kung sino sa kanila ang dapat pamarisan at
ituring na magiting

Si Hector ay ang pinakadakilang mandirigma ng Trojan, at ang heneral ng tropang Trojan habang si

Achilles naman ay ang pinakadakilang mandirigma na Greek. Para sa akin, Si Achilles ang dapat na ituring na
isang tunay na magiting na mandirigma at dapat pamarisan dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para lamang
maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kaibigan.
G. Jan Lester T. Diaz – Guro sa Filipino 10 | ​janlester.diaz@deped.gov.ph​ | Filipino10Q1L1 | Modular Section |
G. Jan Lester T. Diaz – Guro sa Filipino 10 | ​janlester.diaz@deped.gov.ph​ | Filipino10Q1L1 | Modular Section |

You might also like