Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Alexandria P.

Orcajada DM7
Course: Kasaysayan1- Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Pagkakabuo ng Kapuluan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang bansang matatagpuan sa Timog Silangang Asya. Ang Pilipinas
ay napapalibutan ng mga bansang: Taiwan sa hilaga, Indonesia sa Timog, at Vietnman
sa Kanluran.  Napapalibutan din ito ng malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-
Celebes sa Timog, Dagat Tsina sa Kanluran, at Karagatang Pasipiko naman sa
Silangan. Kung titingnan ang globo o mapa, makikitang ito ay nakalagak sa may
dakong hilaga ng ekwador, mula sa apat na digri 23 minuto hilagang latitude at 116 digri
hanggang 127 digri silangang longitud. Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman
ng humigit-kumulang 7,641 na mga pulo na may kabuuang lawak na 300,000 km 2. Ang
labingisang pinakamalaking mga pulo ay sumasakop sa ika-94 na bahagdan ng
kabuuang lawak ng lupa. Ang malalaking pulo ay ang Luzon, Mindanao at Samar,
Leyte, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Cebu at Bohol. Ang pangkat ng ng mga pulo
ay ang Luzon, Visayas at Mindanao. Isang malaking hakbang sa kasaysayan ang
pagsagot sa tanong kung paano nga ba nabuo ang Kapuluan ng Pilipinas. Ating
tuklasin ang iba’t-ibang mga teorya na naglalahad ng mga kasagutan sa ating
katanungan.
Ayon sa mga siyentipiko ay mayroong iba’t-ibang teorya sa kung paano nabuo ang
kapuluan ng Pilipinas kabilang dito ang mga sumusunod: Teoryang Continental Drift o
Pagkaanod ng Kontinente, Teoryang Land Bridges o Tulay na Lupa, Teoryang Plate
Tectonics, at Teoryang Bulkanismo. Ang Teoryang Continental Drift o Pagkaanod ng
Kontinente ay pinabulaanan ng isang Alemang siyentista na nagngangalang Alfred
Wegener, ayon sa kanya, ang daigdig ay binubuo ng isang malaking kalupaan na may
240 milyong tao na nag nakalilipas. Tinawag ang malaking masa ng lupang ito na
Pangaea. Sumang-ayon naman si Alexander du Toit, isang heologo, sa teorya ni
Wegener. Subalit, iginiit niya na dalawa, at hindi lamang iisa ang lupain noon sa
daigdig. Ang dalawang lupaing ito ay tinawag niyang Laurasia na nasa hilagang hating
globo at Gondwana na matatagpuan sa timog hating globo. Sakop ng Laurasia ang
Asya, Europa, at Hilagang Amerika. Ang Gondwana naman ay binubuo ng Aprika,
Timog Amerika, Arabia, India, Australia at Antarktika. Hindi nanatiling buo nag Laurasia
at Gondwana. Nagkahiwa-hiwalay din ang mga ito at nabuo naman ang pitong
kontinente sa kasalukuyan.
Ang Teoryang Land Bridges o Tulay na Lupa ay nagsasaad na, ang mga pulo ng
Pilipinas ay dating kabahagi ng tinatawag na Continental Shelf na bahagi ng Mainland
Asia. Ang Continental Shelf ay mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na naka-kabit
sa mga kontinente. Ito ay pinag-uugnay ng mga tulay na lupa na noon ay lumitaw dahil
sa pagbaba ng lebel ng tubig sa karagatan bunsod sa paglubog ng yelo sa ibang
bahagi ng mundo. Ang panahon kung kailan mababa ang temperatura sa ibang lugar sa
daigdig, bumaba ang lebel ng tubig sa karagatan, at nagkaroon ng malawak na
pagyeyelo sa ibabaw ng daigdig ay tinatawag na “Ice Age”. Ayon sa teoryang ito, dating
pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo sa isa’t-isa. Paliwanag ng mga
siyentipiko, sa pagkatunaw ng yelo sa malaking bahagi ng Hilagang America, Europa,
at Asya may 250 libong taon na ang lumpias, ay lumubog ang mababang bahagi ng
daigdig at ilan na mga tulay na lupa, dahilan kung bakit nakahiwalay nag Pilipinas sa
iba pang mga bansa sa Asya. Naglahad ng mga katibayan ang mga siyentipiko upang
masuportahan ang Teorya ng Tulay na Lupa, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Mababaw ang bahagi ng West Philipppine Sea na nakapagitan sa Pilipinas at ibang
bahagi ng Asya, napakalalim ng Karagatag Pasipiko na matatagpuan sa silangan ng
Pilipinas na siyang patunay na ang Pilipinas ang dulong bahagi ng Asya, at
magkakatulad ang mga uri ng halaman, puno, at hayop sa Pilipinas at sa iba pang
karatig bansa nito.

Ang Teoryang Plate Tectonic naman ay nagsasabing ang ibabaw ng mundo ay binubuo
ng mga malalaking tipak ng malalapad na bato na tinatawag na platong tektonik o plate
tectonic. Ito ay gumalaw sanhi ng init na mula sa pinakaubod ng mundo,
nagbungguaan, nagsiksikan, at mayroong nagkalayu-layo. Sa pagkakabaluktot ng
plato, nagkaroon ng guwang sa pagitan nito at siyang nagresulta sa pagkakaroon ng
mga malalalim na bahagi ng karagatan na tinatawag na “trenches”, at pag-angat ng
ibang bahagi ng plato. Ang ilang halimbawa sa bunga ng prosesong Plate Tectonic ay
ag Palawan, Kanlurang Luzon, Bundok Sierra Madre at Bundok ng Cordillera. Ang
huling teorya sa pagkakabuo ng Pilipinas ay tinatawag na Teoryang Bulkanismo, ito ay
inilahad ni Bailey Willis. Ayon sa teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa
malakas na puwersa at paggalaw na naganap sa ilalim ng kargatan may 200 milyong
taon na ang nakalipas. Nabuo umano ang bansa mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim
ng Karagatang Pasipiko. Ang pulo ay nabuo sa mga bato, buhangin at putik a nagmula
sa bulkan. Ito ay naipon at nagkapatong-patong, tumaas nang tumaas hanggat
umangat at lumitaw sa ibabaw ng tubig. Hawig ang materyales na ibinuga ng bulkasn
sa Negros, Mindoro, Bicol at Mindanao ayon kay James Hutton. Ang teoryang ito
naman ay sinuportahan ng pagkakaroon ng hanay ng mga bulking nakapalibot sa
Karagatang Pasipiko na tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Mahalagang ating matutunan ang pinagmulan ng kapuluan ng Piipinas, dahil ito ay


nakakatulong upang ating mas malaman kung sino tayo bilang mga mamamayang
Filipino, at upang paglinangin an gating kultura at kasaysayna. Ito din ay isang paraan
upang ating maipaliwanag ang topograpiya at mga pangyayari sa ating bansa. Ang
kaalaman sa ating kasaysayan o pinagmulan o pangyayari noong nakalipas na
panahon ay tumutulong sa ating pag-unlad ngayon. Kung ano tayo ngayon at kung
anong bansa mayroon tayo ngayon ay may malaking epekto mula sa ating kasaysayan.

References:
1. [Teacher’s Corner]. (2020, August 6). AP 5 Pinagmulan ng Pilipinas [Video].
Youtube. https://youtu.be/5ARL0vNdaMA
2. [Kto12 Lessons]. (2020, August 31). AP 5 Unit 1 Aralin 3 – Teorya ng Tulay na Lupa
[Video]. Youtube. https://youtu.be/ue43f3jUfiA
3. [Kto12 Lessons]. (2020, August 31). AP 5 Unit 1 Aralin 3 – Teorya ng Continental
Drift [Video]. Youtube. https://youtu.be/5qUXjiPOsgs
4. Dimalanta, C. [TVUP]. (2017, May 19). How the Philippine Island Arc was Formed |
Dr. Carla Dimalanta [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?
v=QJQNOMgRtkg&t=385s
5. Juezan, J. R. (2011, December 26). Teorya ng pinagmulan ng pilpinas.
Slideshare.Net. https://slideshare.net/jaredram55/teorya-ng-pinagmulan-ng-
pilipinas?next_slideshow=1

You might also like