Professional Documents
Culture Documents
Kuwalitatibong Pananaliksik
Kuwalitatibong Pananaliksik
Talasanggunian
Apendiks
1. Mga Gabay na Tanong
2. Mga Liham (Pagpapatibay ng Kabisaan ng Instrumento, Liham Pahintulot)
2. Data Set (Awtput ng Pag-aaral)
3. Mga Larawan
4. Personal na Impormasyon
3. Dahon ng Pagpapatibay
Ang dahon ng pagpapatibay ay sa tanggapan ng Kolehiyo ng Edukasyon sa
Pagtuturo (CTE) kinukuha dahil ito ay ibinibigay lamang kung tapos nang magdepensa
ang mananaliksik ng kaniyang tesis. Pinalalagdaan ito sa mga panel at nag-iiwan ng
kopya nito sa silid-aklatan ng LSPU at maging sa tagapayo ng mananaliksik. Ang mga
estudyante na may espesyalisasyong Filipino ay ang salin sa Filipino ang ginagamit sa
pahinang ito.
4. Pagkilala/Pasasalamat
Sa bahaging ito ay babanggitin ng mananaliksik ang mga taong naging bahagi ng
pagtatagumpay niyang maisagawa ang kaniyang pag-aaral. Kadalasan ang paglalahad ay
ginagawa una ay pasasalamat sa pangulo ng LSPU, Pangalawang pangulo ng R&D,
Dekana ng Kolehiyong kinabibilangan ng mananaliksik (CTE), Koordineytor sa
Pananaliksik ng kolehiyo, Teknikal na Tagapayo, Tagapayo sa Statistics, Tagapayo ng
mananaliksik, Kritiko sa Wika ng Mananaliksik, Subject Specialist, mga kaibigan o
kaklaseng gustong pasalamatan, asawa o kasintahan, pamilya na nagsilbing inspirasyon
at sa huli ay pasasalamat sa Diyos na pinagmumulan ng lahat ng karunungan at biyaya.
5. Paghahandog
Tanging ang bahagi lamang na ito ang walang format na sinusunod sa uri at laki ng
titik. Malaya ang mananaliksik kung patalata o patula niya ilalahad ang kaniyang
gagawing paghahandog. Ang paghahandog ay ibinibigay sa mga espesyal na tao na
naging kabahagi ng mananaliksik sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap na makatapos
ng pag-aaral at maisagawa ang pananaliksik. Maaari itong mahaba at puwede rin
namang maikli lamang.
6. Abstrak
Ang abstrak ay buod ng naging resulta o kinalabasan ng pag-aaral. Kalimitang ito
ay isang pahina o dalawang pahina lamang. Nilalaman ng buod ang pamagat ng
pananaliksik, layunin o dahilan ng pag-aaral, kongklusyon at rekomendasyon.
7. Talaan ng Nilalaman
Maingat itong ginagawa upang eksakto o tama ang bawat bilang ng pahina na
kinalalagyan ng nilalaman. Sa mga pahina ng panimulang impormasyon ay maliliit na
titik ang inilalagay sa gitnang bahagi bandang ibaba na kumakatawan sa pahina at sa
unang bahagi ng kabanata isa naman bandang itaas kanang bahagi magsisimula ang
bilang isa ng pahina, bagaman hindi nilalagyan ng bilang ng numero ang unang bahagi
ng bawat kabanata. Nilalagyan lamang ng mga bilang ang pahina sa mga kasunod ng
kabanata. Subalit tatandaan lamang na kabilang bpa rin ang bawat unahan ng mga
kabanata, tinatakpan lamang ang bilang na narito para hindi makita kapag inimprenta.
8. Listahan ng Talahanayan
Dito iniisa-isa o itinatala ang mga talahanayan at pamagat ng bawat talahanayan ng
pananaliksik. Nagsisimula ang paglilista sa unang ginamit na talahanayan hanggang sa
dulo.
9. Listahan ng Pigura
Ang nilalaman nito ay ang pigura ng konseptuwal na balangkas na ginamit ng
mananaliksik. Kung minsan ang pigura ay sariling gawa ng mananaliksik. Sa mga
pananaliksik na kuwalitatibo ay hindi lahat gumagawa ng pigura dahil walang mga
baryabol na ipakikita. Subalit minsan naman ay gumagawa rin ang mananaliksik ng
sariling disenyo ng pigura para sa kaniyang pananaliksik.
2. Kaligiran ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ay inaasahang makita ang mga batas, polisiya o memorandum na
sumusuporta o kaugnay ng ginagawa mong pag-aaral. Inilalahad din dito ang dahilan
kung bakit hinangad ng mananaliksik na pag-aralan o gawan ng pananaliksik ang napili
niyang paksa na sinususugan ng mga batas. Kailangang makita rito ang matibay na salig
o batayan ng pananaliksik na ipinakikita ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral at
ang kahalagahan kung bakit dapat itong isagawa.
5. Teoretikal na Balangkas
Dito makikita ang napiling teorya na kaugnay ng pag-aaral. Kailangang ang
gagamiting teorya ng mananaliksik ay magsisilbing gabay sa pagsasakatuparan ng
kaniyang pananaliksik. Kasama rin dito ang mga mahahalagang bahagi ng tesis o
disertasyon na magiging patnubay sa pagsasagawa ng pag-aaral. Matapos maisagawa
ang pag-aaral ay dapat makita sa bahagi ng paglalahad ng pag-aaral kung ang teorya ay
naging katulad batay sa resulta ng pag-aaral o may kaibang nabuo o nabagong pananaw
matapos ang pag-aaral.
6. Konseptuwal na Balangkas
Ito ang sinasabing batayan ng gagawing proseso ng pag-aaral. Sa mga baryabol
na nakapaloob sa pananaliksik na makikita sa paradigma ng pag-aaral iikot ang mga
tanong sa pananaliksik kung saan ito ang magiging batayan sa pagbuo ng mga tanong na
gagawin sa talatanungan. Kung ang mga tanong sa pananaliksik o paglalahad ng
suliranin ay hindi nakaayon sa konseptuwal na balangkas ay mamamali ng kukuhaning
datos ang mananaliksik at magreresulta ng muling pag-uulit o pagkuha ng mga datos.
Kaya sa pagbuo ng talatanungan ay dapat isaalang-alang ang mga nakalahad sa SOP
(statement of the problem) o paglalahad ng suliranin na batay sa nilalaman ng
konseptuwal na balangkas.
7. Paglalahad ng Suliranin
Ang paglalahad ng suliranin ay dapat nakasulat sa unahan ang pangkalahatang
layunin at sa ibaba nito ay ang mga tiyak na layunin. Ang mga tanong ay depende sa
paksa ng pananaliksik at sa datos na kukuhanin. Kahit pa magkatulad ang paksa kung
magkaiba ng disenyo ng pananaliksik ay naiiba rin ng mga tanong sa pananaliksik
sapagkat ito ay nakabatay sa problemang nais hanapan ng solusyon ng mananaliksik.
Ang mga tanong sa talatanungan, checklist o mga gabay na tanong ay nakabatay sa
mga tanong na nakalahad sa bahaging ito ng pananaliksik (SOP).
8. Haypotesis
Ito ay isang intelehenteng hula sa maaaring kalalabasan ng sagot sa suliranin sa
pananaliksik. Ito rin ay pansamantalang paliwanag para sa mga tiyak na gawi o
kaasalan, mga bagay na hindi pangkaraniwann o mga pangyayaring naganap o
magaganap. Sa pananaliksik ang haypotesis ay nakasaad sa null at binabanggit na
lamang sa bahagi ng paglalahad kung tanggap o hindi tanggap ang haypotesis batay sa
naging resulta ng pag-aaral. Kapag ang lumabas na resulta ay may makabuluhang
ugnayan, o may pagkakaiba ang haypotesis ay hindi tanggap. Kapag ang lumabas naman
sa resulta ay walang makabuluhang ugnayan o walang pagkakaiba ang desisyon naman
para sa haypotesis ay tanggap.
2 Uri ng Haypotesis
1. Walang bisang haypotesis (Null hypotehesis) - nangangahulugan itong hindi nakikita
o hindi totoo. Ipinalalagay na walang pagkakaiba, walang relasyon, walang
pagkakaugnay, walang epekto, o walang interaksyon.
2. Alternatibong haypotesis (Alternative hypothesis) - ipinahihiwatig nito na ang
palagay ay may pagkakaiba, pagkakaugnay, epekto, o interaksyon sa mga baryabol.
Halimbawa:
Null - Walang makabuluhang ugnayan ang makabagong pamaraang ginagamit ng guro
at ang kahandaan sa kaniyang pagtuturo sa marka ng mga mag-aaral.
Alternatibo - Mayroong mahalagang ugnayan ang paggamit ng kagamitang panturo sa
marka ng mga mag-aaral.
9. Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ay inilalahad ng mananaliksik ang kahalagahan ng magiging resulta
ng kaniyang pag-aaral at ang kapakinabangan na maaaring idulot nito sa mga
propesor/guro, sa mga mag-aaral, sa mga mambabatas o gumagawa ng polisiya, at sa
mga mananaliksik.
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ito ay sistematikong dulog na gagamitin ng mananaliksik sa pagsasagawa ng
kaniyang pag-aaral. Inihahayag dito kung paano isasagawa ang pag-aaral batay sa
metodong taglay ng disenyo ng pananaliksik.
2. Mga Respondente
Inilalahad dito ang katangian ng mga respondenteng magiging kalahok ng pag-
aaral. Ang magiging bilang ng kalahok ay depende sa kung anong uri ng pananaliksik
ang gagamitin, kung gaano kalawak ang populasyon at kung ilan ang datos na
kailangang kuhanin. Respondente ang tawag sa kuwantitatibong pananaliksik sa
kuwalitatibo ay kalahok ang tawag.
3. Sampling Teknik
Nakabatay sa lawak ng populasyon at kukuhaning datos ang bilang dapat ng
respondente. May mga kompyutasyon kung paano kukuhanin ang eksaktong bilang na
gagamitin bilang mga respondente batay sa kukuhaning mga datos kung saan
madedetermina gamit ang sampling.
1. Buod
Ipinahahayag ang buod simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakama-laking
bilang nga datos o sa ranggo ay pinakamataas at pinakamababa. Ang pagtalakay ay kada
isang talahanayan.
2. Kongklusyon
Sasagutin lamang sa bahaging ito ang naging resulta ng pag-aaral sa mga tanong ng
pananaliksik. Kung mayroong limang tanong, lima lamang ang ibibigay na sagot.
3. Rekomendasyon
Kung ano ang lumabas sa pananaliksik ay iyon lamang ang ibibigay sa
rekomendasyon. Hindi maaaring magbigay ng rekomandasyon na wala naman sa naging
bunga ng pag-aaral.
Talasanggunian
Ang talasanggunian ay dapat isulat ayon sa APA format at nakaayos ng
paalpabetong pagkakasunod-sunod.
Halimbawa:
Apendiks
Inilalagay sa bahaging ito ang mga sumusunod:
A. Liham ng Pagpapatibay sa Talatanungan
B. Liham Pahintulot sa Pagsasagawa ng Pag-aaral
C. Talatanungan
D. Mga Kuhang Larawan
E. Gantt Chart at Budgetary Requirements - sa gantt chart makikita ang detalye ng
panahon na iuukol sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang budgetary requirements ang
naglalaman ng mga kaukulang pinansyal na gugugulin sa pananaliksik.
F. Istadistikal na Pagtaya ng mga Datos
G. Personal na Impormasyon