Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

DATE:_________________________

I. LAYUNIN:
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa absolute
location (longhitud)
II. NILALAMAN:
A. Paksa: Kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo batay sa absolute location (longhitud)
B. Sanggunian: Kapaligirang Pilipinas 4 pp. 15, 21, 22
C.G.K12 AP4G5Q1 1.1.1. p. 1
C. Kagamitan : Mapa / Globo
D. Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan / kinaroroonan ng
Pilipinas.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan – (Tungkol sa mahalagang pangyayari sa bansa.)
2. Balik – Aral
Itanong: 1. Kung nais nating makita ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang
bansa /
lugar sa mundo, ano ang maari nating tignan o gamitin. (mapa /
globo)
2.Ano ang kaibahan ng mapa sa globo?
Mapa – patag na paglalarawan ng mundo.
Globo – pabilog na paglalarawan ng mundo.
3. Pagganyak
1. Pagpapakita ng aktuwal na bilog na bagay na kahilintulad ng globo.
2. Pagpapakita ng globo / mapa.
Itanong: 1. Ano ang inyong nakikita?
2.Ano-ano ang nakikita ninyo sa loob ng globo / mapa?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1
(maaring gumamit ng power point presentation)
a. Gumhit ng bilog sa pisara may patayong guhit sa painakagitna nito at
sabihin na ito ang prime meridian o guhit longhitud
b. Ipahanap ang prime meridian sa globo at ipalarawan ito.
c. Itanong: Saan matatagpuan ang Prime Meridian? Sa anong digri ang
kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi hinahati ng prime meridian ang
mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi?
1.1. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
I – Ipaguhit ang globo at ipakita ang International Date Line(IDL)
II – Ipaguhit ang globo at ipakita ang Prime Meridian at isulat kung saang
digri ito
makikita.
III – Ipaguhit ang globo at ipakita ang silangang hating globo at kanlurang
hating
globo.
IV – Ipaguhit ang globo at ipakita ang digri na kinalalagyan ng Pilipinas sa
guhit
longhitud.

2. Pagsusuri / Analysis

Gumuhit ng bilog, ipasulat sa mga bata ang kinalalagyan ng mga sumusunod.

a. Polong Hilaga
b. Polong Timog
c. Prime Meridian
d. International Date Line
e. Silangang hating globo
f. Kanlurang hating globo
g. Iguhit sa loob ng globo ang digri longhitud na kinaroroonan ng Pilipinas

3. Pahalaw / Abstraction
Ano-ano ang mga espesyal na guhit longhitud at saang digri longhitud
makikita ang Pilipinas.
4. Aplikasyon / Application
A. Punan ang tsart ng tamang sagot.

Guhit Longhitud Lokasyon Kahalagahan


Patayo o Meridian
International Date
Line

B. Iguhit sa loob ng globo ang kinalalagyan ng Pilipinas.


IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang
ng
tamang sagot.
1. Ito ang naghahati sa silangang hating globo at kanlurang hating globo.
_______________
2. Tawag sa pinakamataas na polong bahagi ng mundo. __________________
3. Ito ang replica ng mundo. _______________________
4. Ito ang guhit patayo na katapat ng prime meridian. ____________________
5. Saang digri longhitud makikita ang kinalalagyan ng Pilipinas.
__________________
V. Kasunduan
1. Magsaliksik tungkol sa espesyal na guhit latitude.
2. Magdala ng mapa / globo

You might also like